Saturday, September 18, 2021

Go-Duterte Tandem, Kakagatin Mo Ba?

        Kakagatin mo ba ang tambalang Bong Go - Rodrigo Duterte para Pangulo at Pangalawang Pangulo sa Halalan 2022?

Bong Go - Rodrigo Duterte

        Tulad ko, marami rin ang nagtaas kilay nang ihayag ni Energy Secretary Alfonso Cusi ng PDP-Laban, ang tambalang Go-Duterte sa kanilang nakaraang pagpupulong. Nabigla ako dahil pumayag si Pangulong Rodrigo na maging bise-presidente ni Senator Bong Go gayong nasabi na ng pangulo na aalis na siya sa pulitika dahil sa kanyang idad gayundin sa sandamakmak na problema sa kakapirangot na benepisyo. Samantalang pumayag si Duterte, si Go ay nagsabi na sa isang panayam na hindi siya interesado sa pagka-pangulo.

        Sinasabi ng ilan na ang pagkakahirang nina Bong Go at Rodrigo Duterte ay isang "palabas" lamang upang mapilitang kumandidato si Davao Mayor Sarah Duterte sa pagka-pangulo. Ito ang saloobin ng legal expert na si Tony La ViƱa. Kung totoo man ang haka-hakang ito, hintayin na lamang natin sa susunod na kabanata.

        Samantala, wala pang iniendorsong kandidato ang PDP-Laban faction na pinangungunahan ni Senator Manny Pacquiao. Ang kampo ni Leni Robledo at Bong Bong ay hindi pa rin opisyal na nagpapahayag na kani-kaniyang kandidatora. Sa palagay ko ay naghihintay pa ng ilang kaganapan ang dalawa. 

        Kung sakaling magiging opisyal ang Go-Duterte tamdem, magiging katunggali ng dalawa ang Lacson-Sotto tandem nina Senator Panfilo "Ping" Lacson ng Partido Reporma at Senate President Vicente "Tito" Sotto III ng Nationalist People's Coalition. Opisyal na ipinakilala ng dalawa ang kanilang hangaring tumakbo bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo sa Eat Bulaga kung saan lubos na nakilala si Sotto. Sa nasabing palabas, ipinahayag ng dalawa na "sawa" na sila sa pamumuno ni Duterte.

        Hindi na ako nagtaka na hirangin ng faction ni Cusi si Bong Go dahil malapit itong kaibigan ng kasalukuyang pangulo. Sa totoo lang, wala akong masyadong kaalaman kay Go bago pa siya naging senador. Ang alam ko lang, hindi ko siya ibinoto noong nakaraang eleksyon sa pangka-senador dahil nae-epalan ako sa kanya. Bakit kanyo? Dahil malayo pa ang halalan noon ay nagkalat na ang kanyang billboard at larawan sa mga lansangan sa buong Pilipinas. 

        Sa ngayon ay wala pa akong mga manok na hihimasin sa pagdating ng Mayo 2022. Hihintayin ko muna kung sino-sino pa ang nag-aambisyong mamuno ng bansa sa panahon ng pandemya dulot ng Covid-19. Sana naman sa pagkakatong ito ay hindi na tayo madaya ng mga PCOS machines. 

        


No comments:

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...