Showing posts with label geogaphy. Show all posts
Showing posts with label geogaphy. Show all posts

Friday, February 19, 2021

PEPT Reviewer: Araling Panlipunan (Social Studies) - GEOGRAPHY Part 1

Basahin, unawain at tandaan ang mga sumusunod na termino, impormasyon, ideya, at katutohanan tungkol sa Araling Panlipunan bilang paghahanda sa Philippine Educational Placement Test o PEPT:

Heograpiya

Ang heograpiya ay ang pagaaral ng pisikal na katangian ng mundo nagmula ito sa salitang "geo" na nangangahulugang lupa.

Kontinente

Ang malaking bahagi ng lupa sa mundo ay tinatawag na kontinente.

 Ang 7 Kontinente sa Mundo at ang mga Sukat nito:

Asya = 17,128,578 mi kw.

Aprika = 11,700,500 mi kw.

Hilagang Amerika = 9,363,000 mi kw.

Timog amerika = 6,875,000 mi kw.

Antartiko = 5,500,000 mi kw.

Europa = 4,057,000 mi kw.

Australia at Oceana = 2,966,136 mi kw.

 KABUUAN = 57,590,214 mi kw.

 Teorya ni Alfred Wegener

Alfred Wegener - Pangaea and Continental Drift
(Image from https://www.pinterest.com/pin/305541155950564866/)

Ipinakilala ni Alfred Wegener, isang Geologist na Aleman, noong 1912 ang tinatawag na continental drift. Ang mga kontinenteng kilala natin ngayon ay matagal ng nakausad nang malayo sa ibabaw ng mundo at patuloy paring umuusad magpahanggang ngayon. Sinabi rin niya na ang mga kontinente ay dating binubuo ng iisang masa lamang na tinatawag na PANGAEA at napapalibutan ng isang malaking karagatan na tinatawag na PANTHALASSA. Tinatayang 200 milyong taon na ang nakakalipas nang ang Pangaea ay naghiwahiwalay at naging dalawang malaking umbok na tinawag na GONDWANALAND AT LAURASIA. Mula sa Laurasia ay nagbuo ang mga kontinenteng ASYA, EUROPA, HILAGANG AMERIKA. Samantalang sa Gondwanaland naman ay APRIKA,TIMOG AMERIKA, ANTARTIKA, AT AUSTRALIA.

Teorya ni Alexander von Humboldt

Alexander von Humboldt
(Image from wikipedia.org)

Isang Prussian geographer, naturalist,at explorer na ang mga kontinenteng nakapaligid sa karagatan atlantiko ay minsan ng magkakarugtong.

Ang Plate Tectonics Theory

Nabuo noong 1960, at ayon dito ang mga kontinente ay nakatuntong sa plates o malaking tipak ng lupa na may kapal na 30 hanggang 60 milya na lumulutang sa magma.

Mga Porma o Anyo ng Kalupaan

Pulo (Island)

Ang mga lupa na mas maliit kaysa sa kontinente. Ang mga halimbawa nito ay ang Boracay sa Aklan, Panglao sa Bohol, at Hundred Islands sa Pangasinan.

Peninsula

Ang peninsula ay isang malaking bahagi ng lupa na napapaligiran ng tubig. Tinatawag din itong tangway. Dahil ang isang bahagi nito ay nakarugtong sa isang kontinente o isang malaking masa ng lupa. Ang mga halimbawa nito ay Florida sa Estados Unidos, Korea, at Italya.

Isthmus

Isang maliit na bahagi ng lupa na nakarugtong sa dalawang malaking masa ng lupa. Ang halimbawa nito ay Bosporus sa Turkey na nagdurugtong sa Asya at Europa at ang Isthmus ng Panama na nagdurugtong sa Hilaga at Timog Amerika.

Isthmus of Panama
(Image from earthmagazine.org)

Bundok (Mountain)

Ang pinakamataas na anyong lupa ay bundok. Ang Himalayas sa Asya ay ang pinakamataas na bundok sa buong asya.

Burol (Hill)

Maliit kumpara sa bundok. Ito ay may umbok ng lupa ng karaniwang matatagpuan sa mahabang bahagi ng kabundukan. Ang halimbawa nito ay ang Chocolate Hills sa Bohol.

Bohol Chocolate Hills
(Image from wikipedia.org)

Kapatagan (Plain)

Ang malawak na anyong lupa ay tinatawag na kapatagan. Sa Pilipinas, ang ganitong anyong lupa ay ginagamit bilang taniman at tirahan ng tao.

Lambak (Valley)

Ang patag na lupain sa pagitan ng dalawa o higit pang bundok ay tinatawag na lambak. Kilala ang Lambak ng Indus sa India, Lambak sa Ehipto, at sa Pilipinas naman ay ang Lambak ng Cagayan.

Talampas (Plateau)

Ay mataas na lupa na patag ang ibabaw. Ang pinakasikat na halimbawa nito ay ang Lungsod ng Baguio at Tagaytay.




RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...