Ipinasara na ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang LBC Development Bank noon pang Biyernes, ika-9 ng Septyembre. Sa ngayon, ang "Bangko ng Hari" ay nasa pangangalaga ng Philippine Insurance Development Corporation (PDIC). Ang mga depositor na may lagak na P500,000 pababa ay babayaran ng PDIC samantalang ang lampas dito ay kukuhanin sa pagbibilhan ng mga ari-arian ng bangko.
Malaking problema ito sa mga OFW na nagpadala na ng remittance sa kani-kanilang pamilya. Tiyak na matatagalan ng konti bago nila makuha ang perang pinaghirapan nang husto sa ibayong-dagat.
Matatandaan na ang LBC Development Bank ay kaanib na kumpanya ng LBC Cargo, "Ang Hari ng Padala". Dahil sa pangyayaring ito, maaaring maapektuhan ang negosyong ito ng LBC at baka mabangkarote rin sila. Nakakatakot tuloy magpadala sa LBC lalo na ngayong nalalapit ang Pasko at baka hindi makarating sa paroroonan. Mag-Skyfreight na lang tayo!