Showing posts with label covid-19 vaccine. Show all posts
Showing posts with label covid-19 vaccine. Show all posts

Thursday, February 11, 2021

Magpapaturok Ka ba ng Covid-19 Vaccine?

        Handang-handa ang Pilipinas sa pagbabakuna laban sa Covid-19 matapos nitong magsagawa ng mga simulation nitong mga nakaraang araw, mula sa pagdating ng mga ito sa Manila International Airport hanggang sa mga vaccination centers, at maging sa aktuwal na pagtuturok nito sa mga mamamayan. Hindi lang sa Maynila isinagawa ang mga simulation na ito kundi maging sa mga pangunahing siyudad tulad ng Davao at Cebu. 

(Images from https://www.abc.net.au/news/health/2020-03-05/when-to-get-flu-vaccine-coronavirus-covid-19/12024498)

        Ang paghahanda ay isinagawa upang masigurong ligtas pa ring gamitin ang mga bakuna lalo na ang Pfizer vaccine na nangangailangan ng mas mababang temperatura kaysa sa iba. Siniguro rin ng pamahalaan na hindi magkakaroon ng power interruption sa mga pag-iimbakan ng mga bakuna upang manatiling epektibo ito.

(Image from https://www.ft.com/content/ebd9ca50-c2d7-4b0e-afd5-e90e93c0c495)
(Image from 
https://www.theguardian.com/world/2020/nov/16/moderna-covid-vaccine-candidate-almost-95-effective-trials-show)

        Inaasahang pababakunahan ang mga frontliners sa unang bugso ng pagbabakuna dahil sila ang mga direktang nakakasalamuha ng mga tao, maysakit man ang mga ito o wala. Gayunman, tiniyak ni Pangulong Duterte na mabibigyan ng bakuna ang karamihan sa mga Pilipino, na inaasahang magsisimula sa unang linggo ng Marso o mas maaga pa depende sa pagdating ng mga bakuna.

(Image from https://www.clinicaltrialsarena.com/news/sinovac-coronavac-elderly-data/)

        Gaano kaepektibo ang mga bakuna laban sa Covid-19?

        Ayon sa unang mga pagta-trial, ang mga sumusunod ang efficacy rate ng mga bakuna:

        1. Pfizer/BioNTech = 95%

        2. Moderna = 94%

        3. AstraZeneca/Oxford = 70%

        4. Sinovac = 50.4% (ayon sa huling trial na ginanap sa Brazil sa mga nabakunahang health workers. Gayunman, 91.5% effective ito nang iturok sa mga ordinaryong mamamayan ng Turkey).

        Ayon sa World Health Organization (WHO), epektibo ang isang bakuna kung ito ay at least 50% effective. Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng mga trials ang mga manufacturer ng mga vaccine para sa dagdag datos at impormasyon.

(Image from https://www.begadistrictnews.com.au/story/7122032/who-backs-use-of-astrazeneca-vaccine/?cs=4012)

        Napapanahon at kailangang mabakunahan ang karamihan sa mga Pilipino dahil laging lampas pa rin sa isang libong kaso ng Covid-19 ang araw-araw na naitatala ng Department of Health (DOH). Gayunman, marami pa rin sa mga Pinoy ang nag-aalangang magpabakuna dahil sa agam-agam na maaaring magdulot ito ng kamatayan, dahil na rin sa naitala sa Norway. Tiniyak naman ng OH na ligtas at epektibo ang mg bakuna laban sa Covid-19 dahil dumaan ang mga ito sa masusing pag-aaral. Dahil dito, iminungkahi ni Mayor Benhur Abalos ng Mandaluyong City na maunang magpabakuna ang mga mayor sa Metro Manila kapag dumating na ang mga inorder nilang bakuna upang makampante ang mga residente na kanilang mga nasasakupan.

        Nawa ay maging maayos ang pagbabakuna sa mga Pilipino gayundin sa iba pang mamamayan ng mundo upang mapigilan ang paglaganap ng Covid-19 na nagpabago sa pamumuhay ng mga tao at nagpabagsak ng maraming ekonomiya. 

        Ikaw, magpapaturok ka ba ng Covid-19 vaccine? Bakit o bakit hindi? Isulat sa comment ang inyong sagot.


RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...