Saturday, May 25, 2019

March 2019 LET Results

The Professional Regulation Commission (PRC) and the Board for Professional Teachers (BPT) announces that 19,659 elementary teachers out of72,054 examinees (27.28%) and 22,271 secondary teachers out of 85,823 examinees (25.95%) successfully passed the Licensure Examination for Teachers (L.E.T.) given last March 24, 2019 in
20 testing centers all over the Philippines. It is further announced that of the 19,659 elementary teacher passers, 5,078 are first timers and 14,581 are repeaters. For the secondary teachers, 15,621 passers are first timers and 6,650 are repeaters.
The Board for Professional Teachers is composed of Dr. Rosita L. Navarro, Chairman; Dr. Paz I. Lucido, Vice Chairman; Dr. Paraluman R. Giron and Dr. Nora M. Uy (on leave), Members.
The results of examination with respect to ten (10) examinees were withheld pending final determination of their liabilities under the rules and regulations governing licensure examinations.
 Registration for the issuance of Professional Identification Card (ID) and Certificate of Registration will be from June 4 to June 11, 2019 forElementary Level and June 13 to
June 28, 2019 for Secondary Level.  The requirements for the issuance of Certificate of Registration and Professional Identification Card (ID) are the following:  1) Notice of Admission (for identification only);  2) downloaded duly accomplished Oath Form or Panunumpa ng Propesyonal;  3) two pieces passport size pictures (colored with white background and complete nametag);  4) two sets of documentary stamps;
5) 1 piece short brown envelope.  Successful examinees should PERSONALLY register and sign in the Roster of Registered Professionals.
The dates and venues for the oathtaking ceremonies of the new successful examinees in the said examination WILL BE ANNOUNCED LATER.

The successful examinees who garnered the top ten (10)  in ELEMENTARY are as follows: 
1. PIODO, Stephanie Apple Miguel = 93.20
2. LIGUE, Emily Balagot = 93.00
3. SUMIGA, Chanda May Dequito = 92.60
4. COMIDOY, Marjorie Saludo = 92.40
    DANIOLA, Judie Ann Requioma = 92.40
5. LAMALAN, Steffi Usman = 92.00
6. EVANGELISTA, Dhaenalene May Quiñones = 91.80
    FERNANDEZ, Rio Yasmin Cayasan = 91.80
    PABRICANTE, Bombie Tapalla = 91.80
    PALEN, Alonah Kim Balmes = 91.80
    TAN, Mary Jeselle Jane Bruno = 91.80
    ZAMORA, Kimberly Rose Po = 91.80
7. REFULLE, Butchick Daligdig = 91.60
8. ALICANTE, Estella Marie Paras = 91.40
    PALEN, Lovely Jane Pregunta = 91.40
9. ATENDIDO, Mae Cuyos = 91.20
    FORTUNO, Mary Janelle Peralta = 91.20
10. ADLAWON, Maristel Abo = 91.00
     PORMENTO, Julie Ann Sariana = 91.00

    PUGNIT, Nancy Esponilla = 91.00

The successful examinees who garnered the top ten (10)  in SECONDARY are as follows:
1. BACLAYO, Honey Gracille Decosto = 93.40
2. ENERO, Joseph Pre = 92.80
3. DUMALAURON, Michael Vincent Barrios = 92.60
    RABE, Jezzel Amarillo = 92.60
4. OTEDA, Anthony Viadnes = 92.00
   PAMILGAN, Hannah Mae Cañete = 92.00
5. BAWAY, Cristian Jay Basanon = 91.80
   MORAN, Aris Jhon Cabel = 91.80
6. CALMERIN, Rodgie Negrito = 91.60
    LOBIS, Jayson Pecson = 91.60
    ODANGO, Janreve Martirez = 91.60
  REGAL, Paolo Herminio Cancio = 91.60
7. CAGAMPANG, Rubylyn Chua = 91.40
MANLAWI, Jayrick Cajigal = 91.40
PASILIAO, Frederick Diosa = 91.40
8. JIMENEZ, Jason Gutierrez = 91.20
LUMAAD, Arden Roy Labora = 91.20
ROBLES, Ralph Ian Mortega = 91.20
SILUTAN, Emerson Dave Aquino = 91.20
9. BANTILOC, Jeszareth Maximo = 91.00
FAMOSO, Jomel Tapayan = 91.00
NATIVIDAD, Noviel Lago = 91.00
SALUDES, Princess Clarizz Joy Miranda = 91.00
10. ANICOY, Maiko Hilay = 90.80
LERIO, Christopher Edward Abarquez = 90.80
LLORENTE, Hazel Mae Calicaran = 90.80
UN, Jeanette Wing = 90.80

For the full list of successful examinees for ELEMENTARY and SECONDARY, please CLICK HERE
ELEMENTARY
A - B
C - G
H - P
Q - Z

SECONDARY
A - B
C - F
G - N
O - R
S - Z


Tuesday, May 14, 2019

BAKIT NANALO SINA BONG REVILLA AT LITO LAPID?


Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang mga Pilipinong hindi bumoto kina Bong Revilla at Lito Lapid sa pagkakabilang nito sa Magic 12 sa nakaraang Halalan 2019 sa pagka-Senador. Nagtataka sila dahil sa kabila ng mga kasong isinampa sa dalawang mambabatas, nanatiling “mahal” sila ng publiko. Ano ang dahilan kung bakit sina Bong Revilla at Lito Lapid ang ibinoto ng taumbayan sa halip na sina Larry Gadon, Glenn Chong, at Doc. Willie Ong?

Maraming dahilan kung bakit sa halip na ibinoto ng nakararami ang mga baguhang pulitiko sa pagka-Senador na wala (pang) bahid katiwalian ay ang mga nagsilbi na ang ibinoto pa rin ng mga mamamayang Pilipino. Una, ang halalan sa Pilipinas ay “popularity contest”. Mahirap makalusot at manalo ang mga kandidatong hindi kilala at bigla na lang sumulpot kung saan kahit na nga napakahusay nito at maraming gagawin para sa ikabubuti ng bansa. Nanalong muli sina Bong Revilla at Lito Lapid dahil kilala silang mga artista at marami pa rin silang mga ta(n)gahanga kahit na sinampahan sila ng kasong katiwalaan.

Ang pangalawang dahilan kung bakit nanalo sina Bong Revilla at Lito Lapid ay sa kadahilanang pinawalang-bisa naman o kaya ay hindi napatunayan na sila ay nagkasala. Ito ay mabibigyang paliwananag sa ang pagiging mapagpatawad at/o kaiklian ng memorya ng mga Pinoy. Hindi ba’t nanalo pa rin mayor ng Maynila si Erap Estrada kahit na siya ay nakulong? Hindi ba’t naging House Speaker pa rin si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kahit na siya ay nakasuhan at naka-hospital arrest?

Ikatlo, hindi masyadong “opinionated” at nahihilig sa pulitika ang maraming mga ordinaryong Pilipino. Kadalasan, ang usaping pulitika ay nakukulob lamang sa mga kabataang mag-aaral, sa mga grupong kalaban ng estado, sa mga maykaya, at mga OFW na may “internet connection.” Mas nananaisin ng mga maraming magsasaka, trabahador, mangingisda, at mga probinsyano ang pagtuunan ng pansin kung paano sila kakain sa araw-araw. Mas nanaisin nilang manood na lamang ng “Ang Probinsyano” kaysa makinig ng mga debate ng mga pulitikong sa kanilang palagay ay iisa lamang naman ang layunin – ang magkaroon ng kapangyarihan at magkamal ng kayamanan kung may pagkakataon. Kahit na may mga TV station sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, ang mga baho ng mga pulitiko ay hindi lantarang ibinabalandra sa publiko lalo na at karamihan sa mga media ay mga bayaran o nababayaran. Napag-uusapan lamang ng mas detalyado ang mga kaso at personalidad ng mga pulitiko sa Facebook at Twitter subali’t hindi ito malawakan dahil na rin sa kadahilanang marami pa ring lugar sa bansa ang walang “internet connection” o kung meron man ay mas mabagal pa sa lakad ng pagong.

Hindi mahalaga sa maraming Pinoy kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa mga susunod ng araw. Ang importante sa kanila ay kung ano ang mapapakinabangan nila sa mga kandidato bago ang eleksyon. Ito ang pang-apat na dahilan kung bakit, sa ayaw man o sa gusto, ay napipilitan silang ipagbili ang mga boto kalakip ng kakarampot na halaga. Para sa kanila, mas mabuti nang makinabang ngayon pa lang dahil kapag nakaupo na ang mga pulitiko sa puwesto mahirap nang lapitan kahit na nga madaling puntahan. Okey na ang mga bola ng basketbol o kapag sinuswerte ay basketball court, mga sardinas, kuwatro kantos, lilimandaanin o kaya ay lilibuhin. Para sa pananaw ng nakararami, ang mga pulitiko ay iisa lang ang kulay – korap!
Ang pagkakaroon ng malawakang makinarya (at makapal na bulsa) ang ikalimang dahilan kung bakit nanalo sina Bong Revilla at Lito Lapid at natalo sina Glenn Chong, Larry Gadon at Doc. Willie Ong. Tiyak na malaki ang ambag ng mga negosyante sa dalawa dahil sa pakinabang na maaaring ibalik nito sa kanila. Kung baga, kailangang maibalik ang kanilang puhunan lalo na kung sila ay taga-Cavite o Pampanga. Sino nga namang pulitiko at nagosyante ang pupusta kina Gadon, Chong at Ong kung sa una pa lamang ay batid na nila na sila ang titirahin ng tatlo sa kalaunan? Bakit susuportahan ng mga datihang pulitiko ang mga baguhang ayaw ng dayaan sa halalan, political dynasty, at pork barrel?

Ang huling dahilan kung bakit nanalo sina Bong Revilla at Lito Lapid ay dahil nais lamang ng nakararaming Pilipino ang maging tahimik ang pamumuhay. Napilitan silang tanggapin ang mga suhol at bayad sa kanilang boto dahil ayaw nilang mapahamak. Hindi prinsipyo ang kanilang ipinagbili nang tanggapin nila ang lilimandaanin o lilibuhin kung hindi ang pagmamahal nila sa kanilang sariling buhay at sa kanilang mga mahal sa buhay. Hindi sila dapat sisihin dahil hindi natin alam ang kanilang katayuan sa buhay. Wala tayo sa lugar kung saan sila namumuhay. Mas pipiliin nilang tanggapin ang perang iniaalok upang iboto ang isang pulitiko o Party List kaysa maging isang malamig na bangkay. Iisang araw lang ang eleksyon. Wala rin namang buti ang idudulot nito kahit sino ang piliin mong iboto. Mabuti nang umiwas sa disgrasya sa ngayon kaysa mag-abang ng grasya bukas.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...