Wednesday, September 29, 2021

The Famous 8 Philippine University 2021

University of the Philippines - Diliman, Quezon City, Philippines

In the first or second quarter of 2021, senior high school (SHS) graduates will be busy finding their colleges and universities where they can enroll and take their courses. It is also during this time that many shall be taking college entrance tests. To make the right choice, below are the top 8 Philippine Universities 2021 based on the criteria by  Quacquarelic Symonds (QS). These criteria are: 1) academic and employer reputation 2) faculty student ratio 3) papers per faculty 4) citations per paper 5) international faculty and student review and 6) student exchange inbound/outbound.

The top 8 Philippine University, their QS Score and its Asian Rank

1) University of the Philippines - Score 51.2 - Rank 62

2) Ateneo de Manila University - Score 35.2 - Rank 135


3) De La Salle University - Score 29.9 - 166

4) University of Santo Tomas - Score 28.3 - Rank 186


5) University of San Carlos (Cebu)- Score -  Rank 450 - 500



6) Ateneo de Davao  -  Score - Rank 501 - 550




7) MAPUA Institute of Technology - Score - Rank 501 - 550
8) Silliman University - Score - Rank 501 - 500









NO APPROVED THERAPEUTIC CLAIMS

Ano nga ba ang "No Approved Therapeutic Claims"?



Nanganganib na malugi ang industriya ng herbal at dietary supplement dahil sa kautusang ipinalabas ng Kalihim ng Kalusugan (DOH) na si Dra. Esperanza Cabral. Sa isang direktiba, iniutos ni Dra. Cabral na sa halip na "No Approved Therapeutic Claims", ito ang ilalagay ng mga tagagawa ng produkto sa kanilang promosyon at sisidlan: " Mahalagang Paalala: Ang (pangalan ng produkto) ay hindi gamot. Hindi dapat gamiting panggamot sa anumang uri ng sakit." Sa unang banda ay makikita ang magandang layunin ng kalihim subali't makikita rin ang unti-unting pagkitil ng kautusan sa industriya ng herbal medicine.

Sa aking palagay ay mali ang pagkakasalin ng "No Approved Therapeutic Claims" sa wikang Filipino. Bakit nga naman bibilhin pa ito ng ating mga kababayan kung hindi naman ito nakagagamot? Ang dapat ilagay ay "Wala pang sapat na katibayan na nakakagaling."

Ang Chamber of Herbal Industries of the Philippines (CHIP) ay naghain ng isang kaso ng katiwalian sa Ombudsman laban kay Dra. Cabral dahil sa pagmamadali nitong magpalabas ng kautusan ng wala man lamang konsultasyon sa mga kinauukulan. Hindi rin naman kasi napag-isipang mabuti ng Kalihim ang epekto nito sa industriya.

Ang tanong: Sa mga gamot na pinagtibay ng DOH, maaari kaya nilang ilagay sa mga etiketa ang ganito: "Mahalagang Paalala: Ang (pangalan ng produkto) ay gamot at nakakagaling ng sakit sa (pangalan ng sakit)"? Hindi kaya sila ulanin ng kaso?

The Famous 8 Languages for Merry Christmas


With over 8 billion people around the world, not everyone is celebrating Christmas on December 15, 2011. However, most say this festive moment in different languages. The 8 popular languages in the world wide web for Merry Christmas, in no particular order, are:

1) English - Merry/Happy Christmas 

2) Mandarin - shèng dàn kuài lè


3) French - Joyeux Noel


4) Italian - Boun Natale


5) Spanish - Feliz Navidad


6) Japanese - Merii Kurisumasu


7) Hindi - Krismas ki Shubhkamna or Shub Krismas 


8) Filipino - Maligayang Pasko

As I am not a linguist, pardon for the spelling of the above phrases!

The Famous 8 Filipino Noche Buena


Christmas is the most celebrated feast in the Philippines. Rich or poor, everybody prepared Noche Buena dishes on Christmas Eve to be shared by the family, relatives and friends. Among these are the famous 8 namely:

1. Spaghetti  (Filipino-style)

2. Pancit (Bihon, sotanghon, miki and mixed)

3. Salad (Mixed fruit, buko, buko-pandan, chicken-macaroni)

4. Kakanin (Biko, Kakanin, Sinukmani, Maja Blanco, Sapin-sapin, Puto,etc.)

5. Ham

6. Cheese (Keso de bola, cheedar cheese, white cheese)

7. Soup (chicken or beef sopas)

8. Hot chocolate (coffee with milk, salabat, softdrinks)

8 Filipino Traditions on New Year's Eve & Day


Aside from Christmas Day, New Year's Eve is also an important occasion for Filipinos around the world. It is not only a night of lavish foods, street party, firecrackers and reunions, it is also a day of traditions and superstitious beliefs. Here are 8 of the most famous New Year's Eve and Day:


1) Making a lot of noise of any kind - firecrackers, torotots, pots and pans, stereo, etc. - to drive away bad luck.


2) Preparing noodles and sticky native rice cakes - for long life and closer family ties

3) Wearing red or polka dots dresses - to be financially sufficient

4) Collecting 12 or 13 round fruits - for prosperity

5) Not sweeping out dirt/dust from the house - to maintain the good luck

6) Putting coins in pockets and money on wallets - to have money all year round

7) Jumping at exactly 12:00 midnight - to get taller

8) Making sure the rice container is full - to have food all year round

Whether these traditions and superstitious beliefs shall bring good life, good fortune and prosperity to the family or not, they continue to be practiced year in and year out.

28th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Movies


The recognition of the best performers and behind the scenes professionals in the Philippine cinema  kicked off this year with the holding of the 28th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Movies at the Meralco Theater in Pasig City on Wednesday, March 14, 2012.

In this awards night, ER Ejercito got his wish by winning the movie actor of the year for his lead role in Manila Kingpin together with Aga Muhlach for In the Name of Love. ER must be in euphoria because the movie which was showed only at the end of the year during the Metro Manila Film Festival (MMFF) also gathered most of the major awards. These awards are:

1) Movie of the Year
2) Movie Director of the Year - Darryl dela Cruz
3) Movie Supporting Actor of the Year  - Baron Geisler
4) Movie Cinematographer of the Year - Carlo Mendoza
5) Movie Editor of the Year - Jason Canapay & Ryan Orduna
6) Movie Production Designer of the Year - Fritz Silorio, Mona Soriano & Ronaldo Cadapan
7) Movie Musical Scorer of the Year - Jessie Lasaten
8) Movie Original Theme Song of the Year - Hari ng Tondo


On the other hand, aside winning the Movie Actor of the Year for Aga Muhlach, In the Name of Love also recognized Angel Locsin as Movie Actress of the Year. The movie also awarded the following:


1) Movie Supporting Actor of the Year - Jake Cuenca 
2) Movie Original Screenplay of the Year - Olivia Santos & Enrico Santos
3) Movie Sound Engineer of the Year -  Albert Michael Idioma



Also recognized in the Star Awards for Movies are those films using digital media or what we commonly called Indie Films. Raking most of the awards for this category is the film Thelma which were awarded the following :


1) Digital Movie of the Year
2) Digital Movie Director of the Year - Paul Soriano
3) Digital Movie Cinematographer of the Year - Odyssey Flores
4) Digital Movie Screenplay of the Year - Froilan Medina & Paul Soriano




PMPC also gave praise to the talents of the following performers and movies:


1) Movie Supporting Actress of the Year - Lovi Poe (Yesterday, Today & Tomorrow)
2) Movie Child Performer of the Year - Jillian Ward (Aswang)
3) New Movie Actress of the Year -  Solenn Heussaff (Temptation Island)

4) New Movie Actor of the Year - Rocco Nacino (Ang Sayaw ng Dalawang Paa)

Some of the awards for the Digital Movie category include the following:

1) Editor of the Year - Ike Veneracion (Ang Babae sa Septic Tank)
2) Production Designer of the Year - Laida Lim (Nino)
3) Scorer of the Year - Vincent de Jesus (Ang Babae sa Septic Tank)
4) Sound Engineer of the Year - Ditoy Aguila (Patikul)
5) Original Theme Song of the Year - Ikaw ang Pag-ibig

Meanwhile, Eddie Gutierrez was awarded the Ulirang Artista Lifetime Achievement Award while Director Marilou Diaz-Abaya was recognized as Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Camera.

To the winners, congratulations!

Are You Registered For the Philippine May 2022 Election?

Go to the link below to find out if you are registered with the Commission On Elections (COMELEC) and can vote in the coming Philippine May 2022 election:



http://www.comelec.gov.ph/?r=precinct_finder

Aspiring to become the next Philippine President includes:

1. Yorme Isko Moreno
2. Panfilo "Ping" Lacson
3. Manny "Pacman" Pacquiao
4. Bong Go
5. Bong Bong Marcos

The final list will be officially known when the above and others file their certificate of candidacy on October 1 - 8, 2021.



Lolong - World's Largest Crocodile is Dead

Lolong, the world's largest crocodile of the Philippines is dead. He was found dead inside his compound at around 8:00 p.m. on 10 February 2013. The necropsy revealed he had died of pneumonia and cardiac arrest, which was aggravated by a fungal infection and stress. He was believed to be 50 years old when he was found in a Bunawan creek in the province of Agusan del Sur in the Philippines on 3 September 2011.


Sunday, September 26, 2021

Two Men Abuses Filipino Student


Philippine police force issued a warning to all Filipino young men when a 21 year old student sought their help after an alleged raped by two men. According to the victim, he was just came out from his school when he was hit by a hard object on the head. Semi-conscious, he was dragged by two burly men inside a van. Along the way, he was forced to drink which he believed was laced with drugs.


The victim became unconscious. When he awoke, he was already tied to a bed naked. What he only remembered before he became unconscious was the men forced to kiss him. After the "rape", he was then dragged again into the van and left along EDSA.

The police did not mention whether the student had a forced entry and whether he was a straight man or belonged to the so called "third sex". The complainant had undergone medical examinations to determine if he was contacted with HIV.

Saturday, September 25, 2021

Kakagatin mo ba ang Hotdog, este Handog ni Isko Moreno? | Presidentiable

Tulad ng pagkandidato ng "Pambansang Kamao" na si Senator Manny "Pacman" sa pagka-Pangulo ng Pilipinas sa Halalan 2022, tiyak na nagtaasan na naman ang mga kilay ng mga nagmamarunong-marunongan sa larangan ng lipunan at politika, gayundin ang mga dalubhasa sa karunungan dahil sa pagdeklara bilang kandidato sa pagka-Pangulo ng Pilipinas ni Francisco Moreno Domagoso o mas lalong kilala bilang Yorme Isko Moreno ng Maynila.

Francisco "Isko" Moreno Domagoso

Bakit 'kanyo?

Paano, tulad ni Pacman, hindi kumbinsido ang ilan nating kababayan na hindi angkop ang isang taong galing sa hirap at kapos sa mga titulo ng edukasyon ang maaaring mamuno sa isang bansa tulad ng Pilipinas. Kaisipan ito na sintanda na rin ng kakitiran ng kanilang pag-iisip.

Sa ibang bansa, hindi mahalaga kung ano ang estado mo sa buhay o ano ang iyong pinag-aralan. Ang mahalaga ay ang tapat mong hangarin na matulungan ang mga kababayan at maihango sila sa hirap ng buhay. Dito kasi sa Pilipinas, pinapalagay na hindi ka p'wedeng mamuno ng isang lugar kung hindi ka abogado, may malawak na lupain at maraming kayamanan, sikat, at maimpluwensya kang tao. Ito ang mga kaisipan kung bakit hanggang ngayon, sa kabila ng maraming politiko ang mataas ang pinag-aaralan at karunungan, ay nanatiling lugmok sa kahirapan ang marami nating kababayan. Isa lang naman ang dahilan, ang hangarin ng marami sa mga kumakandidato sa puwesto ay ang manalo at hindi ang magserbisyo sa bayan. Marami sa kanila ang lakas at impluwensya lang ang nais. Ang pagtulong ay panandalian lamang gayong kaban naman ng bayan ang kanilang tinutustos. Ang siste, pati ang pera ni Juan ay gusto pa rin nilang kotongan.

Yorme Isko Moreno
(Image from Wikipedia)

Sino nga ba si Isko Moreno?

Si Yorme ay ang kasalukuyang meyor ng Maynila, ang isa sa pinakamayayamang siyudad sa Pilipinas. Nagsimula siyang magsilbi bilang punong-lungsod noong 2019. Naging konsehal siya ng Maynila mula 1998 hanggang 2007, at naging vice mayor mula 2007 hanggang 2016.  Nagsilbi rin siya bilang Chairman ng North Luzon Railways Corporation mula July 2017 hanggang October 2017, at Undersecretary ng  Department of Social Welfare and Development for Luzon Affairs mula May 2018 hanggang October 2018.

Si Francisco Moreno Domagoso ay nakilala nang siya ay maging matinee idol sa That's Entertainment ni German Moreno, matapos siyang madiskubre ni Wowie Roxas sa isang lamayan sa Tondo. Sumikat si Isko noong 1993 nang siya ay mapabilang sa isang pelikulang romantiko na may pamagat na May Minamahal. Pagkatapos ng isang taon, sinundan ito ng Muntik na Kitang Minahal bilang leading man ni Claudine Barretto.

Lumaking mahirap si Yorme. Nag-iisa siyang anak nina Joaquin Copias Domagoso (1930–1995) (isang stevedore mula sa Antique sa Manila's North Harbor) at  Rosario Moreno (1946–2020) mula Allen, Northern Samar. Sa gulang na 10, nakakita siya ng mga alternatibong mapagkukunan ng salapi sa pamamagitan ng pagtutulak ng isang kariton at pagpunta sa bahay-bahay upang mangalap ng mga lumang pahayagan at mga bote, pagkatapos ay ibenta ulit ito sa isang junkshop. Diumano, siya rin ay naghahalungkat sa mga basurahan ng restawran para sa mga natirang pagkain, na kung saan ay muling iluluto ng kanyang ina para sa hapunan.

Noong dekada 90, lumabas din si Isko sa mga pelikulang nakakikiliti ng imahinasyon at itinuring din bilang isang bold star. (Dahil nasa ibang bansa ako ng mga panahong ito, ni isa ay wala akong napanood na pelikula niyang bold kaya hindi ko masasabi kung magaling ba siya rito o malaswa). Ilan sa kanyang nilabasan ay ang Siya'y Nagdadalaga, Exploitation, Mga Babae sa Isla Azul at Misteryosa.

Si Isko ay nag-aral ng crash course sa Local Legislation and  Local Finance sa University of the Philippines Diliman. Pagkatapos ay pinag-aralan din niya ang Public Administration sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (Unibersidad ng Lungsod ng Maynila) habang tinutupad ang kanyang tungkulin bilang konsehal. Nag-aral din siya ng mga maikling kurso sa pamumuno at pamamahala sa John F. Kennedy School of Government sa Harvard University, at sa Said Business School, University of Oxford. Nag-aral din siya ng abogasya sa  Arellano University, nguni't hindi ito natapos nang mahalal siyang Vice Mayor ng Manila.

Kahit may pinag-aralan naman si Isko Moreno, tiyak na ang mga "baho" na naman niya ang ipaglalandakan ng mga campaign managers ng kanyang mga katunggali. Tiyak na unang-una na rito ang kanyang pagiging "bold star". Nakalulungkot lang na hanggang ngayon ay puro putik lang ang tirada ng mga kalabang politiko sa isang kandidato. Bakit hindi ang kanilang magandang adhikain sa bayan ang kanilang ungkatin? Bakit hindi nila ilatag ang kanilang nagawa at ihayag ang kanilang mga gagawin pa sa ikakauunlad ng mamamayan at bansa? Bakit puro "baho" ang kanilang nais ilantad sa publiko? Dahil puro "putik" at "baho" ang puntirya ng isang politiko sa kanyang makakalaban sa isang posisyon sa pamahalaan, ang politika sa Pilipinas ay nanatiling "marumi".

Dr. Willie Ong

Katandem ni Isko Moreno bilang kandidato sa pagka-Pangalawang Pangulo si Dr. Willie Ong. Ibinoto ko bilang senador noong 2019 si Dr. Willie subali't siya ay natalo kahit na siya ang pangalawa sa mga botanteng OFW. May kinalaman kaya ang mga PCOS machines dito?

Kapwa may kakayahan at talino sina Moreno at Ong upang pamunuan ang Pilipinas subali't sa aking palagay, hindi pa handa ang sambayanang Pilipino na sila ang piliin dahil sa ngayon may mga kandidato sa pagka-Pangulo at Pangalawang Pangulo ang mas karapatdapat sa paningin ng mga Pinoy. Sa aking palagay, hindi sapat ang 16M followers ni Dr. Ong para hirangin siyang Vice President. Hindi pa rin sapat ang mga nagawa ni Yorme sa Maynila upang ihalal siya bilang Presidente ng Pilipinas sa 2022. 

Sa aking palagay, kahit na nagsilbi na ng kung ilang taon si Isko Moreno sa Manila, hindi pa sapat iyon upang iboto siyang Pangulo. Kailangan pa ng maraming pagbabago at pag-unlad ang Lungsod ng Maynila. Kailangan pa nila si Isko upang ipagpatuloy niya ang pagsulong ng siyudad. Hindi pa panahon upang umupo siya sa Malakanyang. Dapat ay magsilbi siyang muli bilang meyor ng Maynila, susunod ay Congressman, at saka Senador, bago umupo bilang Presidente.

Sa aking palagay, nararapat din munang maging Kinatawan o Senador si Dr. Willie Ong bago pasukin ang posisyon bilang Pangalawang Pangulo lalo na at mabibigat ang kanyang makakalaban. Hindi pa sapat ang kanyang nagawa sa sambayanang Pilipino. Hindi basehan ang popularidad upang maging pamantayan ng saloobin ng mga botanteng Pilipino. Ang pag-follow nila sa iyo sa Facebook dahil sa iyong payong pang-medisina ay hindi indikasyon na iboboto ka rin nila. Iba ang gusto sa pulso ng bayan!

Ihantad man ng mga katunggali ni Isko Moreno ang kanyang hubad na larawan sa mga billboard, pahayagan, at social media, hindi ito ang basehan upang hindi siya piliin ng kanyang mga tagahanga at siya ang iboto ng mga ito. Unti-unti nang nagigising ang mga botanteng Pilipino. Nawa ay maihalal ang tunay na lider na may malasakit sa bayan sa Halalan 2022. Hindi mahalaga ang dunong dahil marami na tayong naging mga lider na mataas ang pinag-aralan subali't wala pa ring buting naidulot sa bayan. Ang mahalaga ay ang malinis na puso at tunay na hangaring makatulong. Sana ay hindi makialam ang COMELEC at ang mga PCOS machines sa tunay na saloobin ng sambayanang Pilipino!

Yorme at Dr. Ong, pag-isipan po muna ang posisyong inyong susuungin. Ayoko pong magsisi kayo sa huli.

(Reference: Wikipedia)




Wednesday, September 22, 2021

Manny Pacquiao for President?

Kahit inaasahan na ng ilan nating kababayan, marami pa rin ang nagtaas ng mga kilay nang tanggapin ng "Pambansang Kamao" Manny Pacquiao ang nominasyon ng PDP-Laban (Pacquiao-Pimentel wing) bilang pagka-Pangulo sa Halalan 2022. Ito ay dahil sa inaarok ng ilan ang kwalipikasyon ni Manny bilang Presidente.

Manny "Pacman" Pacquiao
(Image from https://www.npr.org)

Batid naman natin na hindi nakapag-aral ng pormal si Pacman dahil sa rin sa kahirapan at maagang pagsabak sa boksing upang mabuhay. Kung matatandaan, nakatapos siya ng high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS. Maging ang kanyang Bachelor of Science in Political Science na bigay ng University of Makati ay kinukwesyon pa rin ang legalidad. 

Dahil sa paglabas ng pangalan ni Pacquiao bilang isang katunggali sa pagka-Presidente ng Pilipinas, naglabasan na ang iba't ibang propaganda ng iba pang kandidato sa pagka-Pangulo. Lahat ay pinupunto ang karunungan ni Manny gayundin ang kanyang kakayahang pamunuan ang mga Pilipino. Sanhi nito, naglabasan na naman ang sinabi ni dating Senator Miriam Defensor-Santiago na dapat ay college graduate ang mga nasa Kongreso o yaong nagbabalak mamuno sa Malakanyang.

Marami rin ang naglabas ng pahayag na dapat ay pabayaan na lang si Pacman ang pagka-Pangulo sa mga batikang politiko - na tila sinasabing hindi bagay sa isang ordinaryong Pilipino at isang boksingero ang mamahala ng buong bansa.

Nakalulungkot na hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago ang mga politiko sa kanilang sistema. Sa halip na ipahayag ang kanilang magagawa sa sambayanang Pilipino ay ang kahinaan at/o kabulukan ng kanilang mga katunggali ang higit nilang pinagkakaabalahan manalo lamang sa eleksyon. 

Ano nga ba ang kwalipikasyon ng isang nais maging Pangulo ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas?

Narito ang mga pamantayan upang maging kwalipikado ang isang nagnanais na maging Pangulo ng Pilipinas:

1. natural born Filipino;

2. isang rehistradong botante;

3. dapat marunong magbasa at magsulat;

4. 40 taong gulang sa araw ng halalan; at.

5. dapat nanirahan sa Pilipinas sampung taon bago gaganapin ang halalan.

Kung pagbabasehan ang mga nasa itaas, simple lamang ang mga kinakailangan upang maging kwalipikado para kumandidato bilang isang Pangulo subali't sa tunay na mga pangyayari, hindi ito sapat. Marami ang nadi-disqualified dahil kinokonsidera silang "nuisance candidate". Tinuturing na isang panggulong kandidato ang isang taong nagnanais na pamuno ng bansa kung siya ay walang kakayahang makumpanya sa buong Pilipinas. Panggulo lamang siya kung "wala siyang milyon". Panggulo lamang siya dahil hindi siya kilala.

Dapat pala ay isama sa mga pamantayan sa Saligang Batas ang pagiging milyonaryo upang kumandidato sa pagka-Pangulo. Ang limang nabanggit sa itaas ay hindi pala sapat. Dahil dito, wala na talagang pag-asa na mamuno ng bansa ang isang pobre at mahirap gayong nangyayari ito sa ibang bansa. Hindi sapat ang magandang hangarin at malinis na puso upang maglingkod. Ang mahalaga ay may kakayahan kang mangampanya at himukin ang bawa't Pilipino na piliin ka. Maaari rin sigurong idagdag dito na may sapat kang salapi upang "mabayaran" ang mga PCOS machines na magbibilang ng iyong boto.

Nakalulungkot ang patuloy na sistemang ito ng politika sa Pilipinas. Dahil dito, asahan na natin na hindi mababago ng isang Pangulo o politiko ang kalagayan natin sa buhay. Nasa atin pa ring mga kamay nakasalalay ang ating kapalaran. Huwag nating iasa sa mga namumuno ang ikatitiwasay ng ating buhay. Tayo ang kumilos upang mabago ang kalagayan natin sa buhay. Kilala lang tayo ng mga politiko sa panahon ng halalan. Mabibilang ang sadyang may malasakit sa mga ordinaryong mamamayan.

Dahil laki sa hirap at alam ni Manny Pacquiao ang damdamin at hinanaing ng mga nasa laylayan ng lipunan, karapat-dapat siyang maging Pangulo dahil alam niya ang mga gagawin upang makamtan ng karamihan ang kanilang mga pangangailangan at pangarap sa buhay. Nasabi ko rin na siya ang iboboto ko kung siya ay tatakbo bilang Pangulo. Tutuparin ko pa rin ito sa Halalan 2022 kung hindi tatakbo si Bong Bong Marcos ngayong 2022 bilang Presidente. Magbigay muna si Manny kay Bong Bong dahil bata pa naman siya.





Lola Damiana, Sumuko na sa Laban

Sumuko na sa laban ang "Pambansang Lola" ng Kalingap Team na si Lola Damiana. Ito ang hatid ng Facebook post ni Kalingap Rab ngayong araw na ito, Setyembre 22, 2021. Ito ang kanyang munting pahayag sa pagpanaw ni Lola Damiana:

"Nakakalungkot na balita. Lola Damiana pumanaw na. Maraming salamat sa maliligayang ala-ala na iyong iniwan sa amin. Mananatili kang pambansang lola namin. Mahal ka namin Lola Damiana. Mamimiss ko kulitan natin."


 (Image from Kalingap Rab Facebook's page)

Dumagsa ang nagpahatid na pakikiramay sa pamilya ni Lola Damiana, gayundin ang magagandang salitang ipinahayag sa kanya dahil sa aliw at sayang naihatid sa kani-kanilang buhay sa panahong ito ng pandemya.

Simula't sapul ay pinapanood ko na ang mga vlogs nina Kuya Val Santos Matubang at ni Kalingap Rab tungkol sa buhay-buhay ni Lola Damiana - magmula ng pagiging masungit nito hanggang maging masayahing lola ang matanda at magkaroon ng simpleng bahay. Hindi ko alintana ang karamdaman niya sa pag-iisip dahil hindi naman siya nananakit bagkus ay nagbibigay payo pa kung magkaminsan. 

Dahil kay Lola Damiana ay naipagpatayo rin ng sari-sariling bahay ang kanyang dalawang anak na sina Kuya Raymundo at Kuya Bernie. Kung may samaan man ng loob ang dalawang magkapatid, sana ay mawala na ito para na rin sa ikatatahimik ng kaluluwa ng kanilang ina.

Sa ngayon ay wala pa akong nakakalap na balita kung ano ba ang dahilan ng pagkamatay ni Lola Damiana. Sa isang vlog ni Kalingap Rab ay napansin ko na ang pananamlay ng matanda. Hindi ito makakain at tila walang panlasa. Dahil dito, ayoko mang isipin ay baka 'ikako sa Covid-19 namatay ang matanda dahil na rin sa isang vlog ni Kalingap Rab ay maraming mga kapitbahay ng matanda ang nanghihinging sa kanya ng pambili ng gamot sa trangkaso.

(Image from Kuya Val's Facebook page)

Kung Covid-19 nga ang ikinamatay ng matanda, dapat ay ibayong ingat ang gawin ng mga nagba-vlog. Kapag matatanda at may karamdaman ang kanilang kakapanayamin, dapat siguro ay may "negative result" sila ng Covid-19 bago mag-interview lalo na't mahina sa sakit ang ganitong mga tao. Dahil sa daming nagpupunta sa bahay nina Lola Damiana, maaari mong isipin na baka mayroon sa kanila ang nakahawa sa matanda. 

Ang Covid-19 ay isang sakit na ikinahihiyang malaman ng iba. Isa itong dahilan kung bakit lalong dumarami ang nahahawa. Ang malaking gastos sa check-up at pagpapagamot ay iba pang dahilan kung bakit bantulot ang mga may karamdaman na magpakonsulta sa mga doktor at magpunta sa mga ospital at klinika. Kung libre sana ang magpapa-test at susunod sa mga health protocols, sa palagay ko ay hindi lalaganap ang sakit na ito sa Pilipinas.

Ano-ano ang natutunan natin sa pagkamatay ni Lola Damiana?

Una, parang iglap lang ang buhay. Ang dating masayahin at malakas sa ngayon ay maaaring lugmok na kinabukasan. Dahil dito, ipakita na natin at ipadama sa ngayon ang ating pag-ibig sa ating mga mahal sa buhay.

Pangalawa, kung sa Covid-19 pumanaw ang matanda, nagpapatunay lamang ito na ang sakit na ito ay totoo at nakamamatay. Bakuna lamang ang tanging paraan sa ngayon upang mapaglabanan natin ang sakit.

Pangatlo, kahit may kapansanan sa pag-iisip ang isang tao, hindi nangangahulugan na siya ay wala nang silbi sa mundo. Sa kanyang paraan, naipakita ni Lola Damiana na kaya niyang pasayahin at patawanin ang libo-libong manonood nina Kuya Val at Kalingap Rab.

Pang-apat, tuloy pa rin ang buhay. May isa pang Lola Damian na darating sa ating buhay na nagbibigay sa atin ng ngiti at saya hangga't nariyan sina Kuya Val Santos Matubang, Kalingap Rab, at iba pang charity vloggers na handang tumulong at ibahagi ang kanilang pagmamahal at yaman nang walang hinihinging kapalit.

Kay Lola Damiana, sumuko ka man sa laban ay tuloy pa rin ang ating pakikibaka upang makamtan ang tunay na mukha ng pag-ibig at kapayapaan!

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...