Showing posts with label soweird. Show all posts
Showing posts with label soweird. Show all posts

Friday, February 19, 2021

Bakit Pinapanood ko ang Vlogs ni Japer Sniper?

Simula nang pumaimbulog ang kaso ng mga nagkakasakit sa Covid-19 at maraming restrikyon ang ipinataw sa mga mamamayan ng pamahalaan sa Pilipinas man o sa ibang parte ng mundo, naging kabagut-bagot ang mga araw na nasa loob ka lamang ng bahay. Dahil dito, sinimulan ko uli ang pag-a-update ng aking mga blogs. Napag-trip-an ko rin ang panonood ng mga video sa You Tube at naingganyo na sumubok na ring mag-upload ng mga bidyo.


Isa sa napagtuunan ko ng pansin sa libu-libong channel sa YT ay ang vlog ni Jeffrey Agravante, na mas kilala sa tawag na “Japer Sniper”. Tama nga ang tawag niya sa kanyang mga tagasubaybay o subscribers na ka – “SOWEIRD” dahil kakaiba nga ang kanyang mga bidyo.

Noong una ay nayayamot nga akong panoorin si Japer Sniper dahil kung magkaminsan ay korny o mababaw ang kanyang mga jokes at mga parody na kanyang ipinalalabas sa kanyang channel. Gayunman, nagpatuloy ako bilang isang lihim na tagasubaybay.

Habang tumatagal, nagiging pursigido na akong panoorin ang kanyang mga bidyo. Ito ay hindi lamang dahil sa kanyang matining na pagtawa kundi sa laman ng kanyang puso. Nasaksihan ko ito nang ipamahagi niya ang parte ng kanyang unang kinita sa You Tube. Akala ko ay pansamantala lamang ang pagtulong na iyon subali’t nagpatuloy ito hanggang sa kasalukuyan.


Maliban sa kanyang mga ibinabahagi sa kanyang bidyo, hindi ko kilala si Jeffrey Agravante, a.k.a., Japer Sniper. Ang alam ko lang ay nagbuhat sa Visaya si Japer, dating private driver, may-asawa at 2 anak na babae. Siya ay nakatira ngayon sa Barangay Bucana, Nasugbu, Batangas.

Sadyang matulungin si Japer lalo na sa kanyang mga kabarangay at sa kapwa-vloggers. Ang pagtulong niya sa kanyang kapwa-vloggers ang isa sa mga dahilan kung bakit humina ang kinikita niya sa YT. Sa ngayon ay hindi ko na nakikitaan ng ads ang kanyang mga video. Marahil ay mayroon siyang paglabag sa panuntunan ng You Tube at/o Google Adsense na hindi pa niya binibigyan ng solusyon. Gayunpaman, nagpapatuloy siya sa pamamahagi ng kanyang araw-araw na pamumuhay para sa kanyang mga taga-subaybay kahit hindi siya kumikita. Nagpapatunay lamang ito na hindi ganoon kahalaga ang salapi kumpara sa kasiyahan ng kanyang mga subscribers.

Maliwanag din sa sinag ng araw ang pagmamahal ni Japer Sniper sa kanyang mga kabarangay. Sa isang streamed video, sinabi ni Japer na hindi mahalaga kung magalit man ang ilan niyang kaibigan na hindi niya mapayagang bumibisita sa kanilang barangay ngayong pandemya kung nakataya naman ang kaligtasan ng kanyang mga kabarangay. Pinayuhan niya ang kanyang mga tagahanga at kapwa-vloggers na ipagpaliban muna ang pagpunta sa kanilang bahay hangga’t mapanganib pa ang sitwasyon.

Bakit pinapanood ko si Japer Sniper? Simple… dahil tutoo siyang tao. Ang kanyang pagtulong ay kusa at bukal sa loob. Hindi naghananap ng kapalit. Inuuna niya ang iba kaysa sa kanyang pansariling pangangailangan. Hindi ba ga’t bibigyan niya ng tig-bebente mil na  cellphone ang anak ni Kuya Michael upang makapag-vlog din ito at kumita gayong nasa pagawaan ang kanyang lumang cellphone?


Isang simple tao na may malaking pangarap para sa kanyang pamilya at mga kabarangay. Iyan si Japer Sniper, si Jeffrey Agravante, isang ka-soweird na You Tube vlogger. Hindi sapat ang isang Sertipiko ng Pagkilala upang siya ay mahalin. Ang mahalin siya ng mga ka-soweird na tagasubaybay ay sapat na.

Panoorin po natin ang kanyang mga video at maging subscriber.

(Note: All images from Jeffrey Agravante (Japer Sniper) FB account)

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...