Monday, January 31, 2022

Mandatory Facility-based Quarantine No Longer Required for Fully-vaccinated International Arrivals in the Philippines

Below are some excerpts from IATF Resolution No. 159 dated January 27, 2022:

                            (Image from https://www.holidayextras.com)


B. Upon the recommendations of the Task Force on COVID-19 New Variants and sub-Technical Working Group on Data Analytics, the classification of countries/territories/jurisdictions as “Green,” “Yellow,” and “Red” shall be temporarily suspended. Effective 01 February 2022, the entry, testing, and quarantine protocols for international arriving Filipinos and foreign nationals
allowed entry into the country shall be as follows, regardless of their country of
origin:


Fully vaccinated international arriving passengers shall be required to present a negative Reverse Transcription - Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test taken within forty-eight hours (48hrs) prior to departure from the country of origin. Upon arrival, they shall no longer be required to observe mandatory facility-based quarantine but shall self-monitor for any sign or symptom for (7) days with the first day being the date of arrival and shall be required to report to the local government unit of destination upon the manifestation of symptoms, if any

2. International arriving passengers must have the following proofs of vaccination against COVID-19 recognized under existing IATF regulations: 

a. World Health Organization International Certificates of Vaccination and Prophylaxis; 
b. VaxCertPH; or 
c. National/state digital certificate of the foreign government which has accepted VaxCertPH under a reciprocal arrangement unless otherwise permitted by the IATF. 

3. For unvaccinated, partially vaccinated, or individuals whose vaccination status cannot be independently validated, they shall be required to present a negative RT-PCR test taken within forty-eight hours (48hrs) prior to departure from the country of origin. Additionally, they shall be required to undergo facility-based quarantine until the release of their negative RT-PCR test taken on the fifth (5th) day. After which, they shall be required to undergo home quarantine until their fourteenth (14th) day, with the date of arrival being the first day. The local government units of destination and their respective Barangay Health Emergency Response Teams are tasked to monitor those arriving passengers undergoing home quarantine. 


4. Children below twelve (12) years of age who cannot be vaccinated shall follow the quarantine protocols of the parent/s or the accompanying adult/guardian travelling with them. 5. Those who are currently undergoing quarantine as of 01 February 2022 may avail of the aforementioned testing and quarantine protocols. 

C. The recommendations of the Technical Working Group are approved, the specifics of which are as follows: 

1. Effective 10 February 2022, fully vaccinated nationals of non-visa required countries under Executive Order No. 408 (s.1960), as amended, shall be allowed to enter the Philippines, subject to the following conditions: 

a. Holders of passports valid for at least six (6) months at the time of arrival, and with return or outbound ticket to their country of origin or next country of destination. 

b. Must have the following proofs of vaccination against COVID-19 recognized under existing IATF regulations: 

   i. World Health Organization International Certificates of Vaccination and Prophylaxis; 

     ii. VaxCertPH; or

  iii. National/state digital certificate of the foreign government which has accepted VaxCertPH under a reciprocal arrangement unless otherwise permitted by the IATF. 

c. Children below eighteen (18) years of age are exempted from the requirement of full vaccination and providing proof of vaccination status prior to boarding. 

d. Shall observe the existing testing and quarantine protocols in place for fully vaccinated international arriving passengers as stated in Section B of this Resolution in all ports of entry. 

e. The list of non-visa required countries under Executive Order No. 408 (s.1960), as amended, may be found at https://dfa.gov.ph/list-of-countries-for-21-day-visa. 

f. Fully vaccinated nationals shall not be included in the arrival quota set by the Department of Transportation and its One-Stop-Shop.

Source: https://doh.gov.ph/COVID-19/IATF-Resolutions

Nadal at Barty Nagwagi sa Australian Open 2022

Nanalo si Rafael Nadal ng makasaysayang ika-21 grand slam title matapos makabangon upang talunin si Daniil Medvedev ng Russia sa sumunod na tatlong set para makuha ang 2022 Australian Open noong Linggo, January 20, 2022 sa Rod Laver Arena sa Melbourne, Australia.

Rafael Nadal

Talo sa unang dalawang set si Nadal sa iskor na 2-6, 6-7 (5) bago manalo sa huling tatlong set sa iskor na 6-4, 6-4, 6-7.

     Ash Barty

Nagwagi rin si Ashleigh Barty ng Australia nang pataobin niya si Danielle Collins ng USA s

a iskor na 6-3, 6-7 (2) noong Sabado, January 29, 2022. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na napalunan ng isang Australyano ang titulo matapos ang 44 na taon. Ang huling tennis player na nanalo nito ay si Chris O’Neil noong 1978. Isa sa mga manonod si O'Neil sa Rod Laver Areana sa Melbourne nang magwagi si Barty.

--o0o--

#AustralianOpenWinners #AustralianOpen2022Winners


Saturday, January 29, 2022

Kalahating Milyon Nga Ba ang Dahilan Kung Bakit Bumitiw si Hitobeer kay Macki Moto?

Totoo nga bang kalahating milyon ang dahilan kung bakit  "umalis" na rin sa poder ni Macki Moto si Hitobeer? Ito kasi ang usap-usapan na lumalaganap sa social media matapos mawala sa mga vlog ni Macki Moto si Hitobeer magmula ng kalahatian ng Disyembre 2021. Inisip ng ilan na baka inalok din si Hitobeer ng P500,000.00 tulad ng pag-aalok diumano kay Miguelito upang tuluyang kumalas kay Macki Moto at tinanggap ito ng una.

Hitobeer
(Image from his Facebook page)

Sa isang vlog, nais ni Black Shadow na ihayag ni Miguelito ang pangalan ng sinumang nag-alok sa kaniya o anumang ebidensya na magpapatunay na inalok nga siya at tinanggihan niya ang offer. Parang lumalabas kasi na kaya umalis ang mga dating kaibigan ni Macki Moto ay sa kadahilanang may tinanggap silang pera, na mariin namang pinabubulaanan naman ni Black Shadow at ng Tropang Solid dahil wala naman silang sinabi upang pag-ukulan ng ganoong kalaking halaga ng sinuman.

Dahil biglaan din ang pagkawala ni Hitobeer sa mga vlog ni Macki Moto, marami ang nagtatanong ng dahilan kung bakit. Siya ba ay umalis o pinaalis? Pinayuhan kaya siya ng kanyang pamilya na kumalas na rin sa poder ni Macki Moto ganoong kasangga pa rin siya nito nang panahong nawala ang ibang Tropang Bukid. Dati-rati ay very close sina Mrs. Macki Moto at Mrs. Hitobeer, ano ang nangyari? Si Mrs. Macki Moto kaya ang dahilan kung bakit nagkawatak-watak ang Tropang Bukid?

Kung wala talagang ginawang pagkakamali si Macki Moto at/o ang kanyang asawa, bakit maraming vloggers ang biglang dumistansya sa kanila? Bakit pati ang ina at mga kapatid ni Macki Moto ay hindi nakikitang kasama siya sa mga okasyon?

Anuman ang nangyari sa nakaraan ay hindi na mababago pa pero maaayos pa sa hinaharap ang anumang tampuhan o samaan ng loob na naganap. Dapat ay mag-usap-usap ang lahat ng kasangkot upang matapos na ito. Hindi lang ang Tropang Bukid ang hindi mapakali gayundin ang mga viewers at subscribers nila. Sana ay maayos na ito.

Monday, January 24, 2022

Papa Dan, Nagsimula ng Mag-Vlog

Nagsimula ng mag-vlog ang "Papa ng Bayan" na si Daniel Glenn Matubang na mas kilala bilang Papa Dan. Hindi ginamit ni Dan ang Papa Dan sa kaniyang YouTube channel at sa halip ay Kalingap Dan ang kanyang official YT channel. Sa nais mag-subscribe sa channel ng pinsang-buo ni Kalingap Rab, nasa ibaba ang link:

https://www.youtube.com/channel/UCC5ZifN3yclO9QzbcTIzG_g

Kalingap Dan
(Image from his YouTube channel)

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 8 bidyo ang kanyang page na nagsimula dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan. Sa ngayon ay wala pang iisang theme ang content ni Kalingap Dan pero sa palagay ko ay lilinya rin siya bilang isang charity vlogger katulad ni Rab at ni Kuya Val Santos Matubang. Kumbaga kasi ay nagpapakilala pa lamang siya sa mga manonood. 

Mayroon ng 18.2K ang subscribers ni Papa Dan at masasabing kahanga-hanga ito dahil siya ay nagsisimula pa lamang. Hindi malayong ma-monetize siya agad at makatulong na rin sa mga lubos na nangangailangan sa susunod ng mga araw. Bilang member ng Kalingap Team, sa ngayon siguro ay pag-uusapan pa ang magiging content ng channel ni Kalingap Dan dahil hindi naman maaaring pare-pareho sila. Ang suhestiyon ko ay gawing physical fitness ang tema ng kanyang vlog dahil na rin sa malaki niyang pangangatawan. Sana ay umasenso rin ang channel ni Kalingap Dan. Kaya, subscribe na!



Sunday, January 23, 2022

Sino ang Bagong Cameraman ni Macki Moto?

Naging usap-usapan at naging hulaan kung sino ang bagong cameraman ni Macki Moto. Ito ay matapos na ipahayag ito ni Macki Moto sa kanyang nakaraang vlog.


Bilang isang subscriber ni Macki Moto, isa rin ako sa mga humuhula kung sino nga ba ang kanyang bagong tagakuha ng bidyo matapos niya ipakita ang mga paa nito.

Sa aking palagay, ang bagong cameraman ni Macki Moto ay walang iba kundi si M.Y Empi. Nabuo ito sa aking isipan nang makita kong tumira rin si M.Y Empi at ang kanyang partner sa isa sa mga apartment kung saan nakatira rin sina Macki Moto at Hito Beer. Sabagay, hindi naman nawala ang pagkakaibigan ng dalawa dahil noong panahong nagkahiwalay-hiwalay na ang Tropang Bukid, nasa bidyo pa rin si M.Y Empi, Miguelito, Father, at Hito Beer.


Kung mali man ang hula ko ay hayaan na. Hula lang naman ito. Kung sakaling hindi nga si MY Empi ang bagong cameraman ni Macki Moto, nangangahulugan nito na baka nga may lamat na ang kanilang pagkakaibigan lalo na at magkapitbahay na nga sila.

Napansin ko rin na tila hindi na nakakasama sa vlog ni Macki Moto si Hito Beer. May alitan na nga kaya sila? Napansin ko rin kasi na ang kasa-kasama na ng misis ni Hito Beer ay ang partner ni MY Empi samantalang doong dati ay ang kasama nito ay si Mrs. Macki Moto. Hindi ko tuloy alam kung sino talaga ang kontrabida? Si Macki Moto o ang kanyang misis. Kung sinuman, sana ay matuldukan na ang kanilang mga samaan ng loob para maging happy na ang lahat. mahirap kasi iyong may mga taong iniiwasan mo. Hindi rin kasi masaya kung may mga taong may galit sa iyo sa kabila ng iyong tagumpay. Hindi kumpleto ang lahat kung wala sa tabi mo ang iyong pamilya at mga kaibigan.

Friday, January 21, 2022

Mag-aral ng Traditional Malay and Thai Oil Massage in English and Filipino - Front of Lower Limb

 Traditional Malay and Thai Oil Massage


Part 3 – Front of Lower Limb

1. Effleurage of inner leg: Put the customer’s leg on your thigh, bend his leg lightly, slide your palm onto the inner side of the limb. Hold his foot to put his leg in place (8x).

Effleurage ng loob na binti: Ilagay ang binti ng customer sa iyong hita, ibaluktot nang bahagya ang kanyang binti, i-slide ang iyong palad papunta sa loob na bahagi ng kanyang paa.  Hawakan ay kanyang paa upang ilagay ang kanyang binti sa ayos.(Gawin ito ng 8 beses). 

2. Straighten the leg and massage onto the front part of his thigh with your palm in a circular motion.

Ituwid ang binti at masahehin sa harap na bahagi ng kanyang hita gamit ang iyong palad sa pabilog na paggalaw.

3. Straighten the leg and massage onto the front part of the thigh with your palm in an elliptical motion.

Ituwid ang binti at masahehin sa harap na bahagi ng kanyang hita gamit ang iyong palad sa elliptical  na paggalaw.

4. Grip and massage on the side of the leg. This could be done upwards or downwards. If the hair is too much, do this downwards.

Hawakan at masahehin ang gilid ng binti. Ito ay maaaring gawin pataas o pababa. Kung ang mabuhok ang binti, gawin ito pababa.

5. Massage around the knee with both hands in a circular motion.

Masahehin ang paligid ng tuhod gamit ang parehong mga kamay sa pabilog na paggalaw.

6. Kneel down and place his foot in between your knees. Grab the ball of the calf and pull alternately with both hands (16x).

Lumuhod at ilagay ang kanyang paa sa pagitan ng iyong mga tuhod. Kunin ang malamang bahagi ng binti at hilahin ng salit-salit gamit ang dalawang kamay.(Gawin ito ng 16 beses)

7. Do pull-up motion using both hands, and press down onto the front of the thigh. Repeat the cycle 4x.

Gumawa ng pull-up motion gamit ang dalawang kamay, at pindutin pababa hanggang sa harap ng hita. Ulitin ang cycle ng 4 na beses.

8. Gently push the bended knee to the mattress, massage onto the inner thigh while holding the knee with the other hand.

Dahan-dahang itulak ang nakabaluktot na tuhod sa kutson, masahehin ang loob na hita habang hawak ang tuhod gamit ang kabilang kamay.

9. Now bring his knee to the other side, push down until you feel the resistance; and massage with your palm.

Ngayon dalhin ang kanyang tuhod sa kabilang panig, itulak pababa hanggang sa maramdaman mo ang tila paglaban; at masahehin ito gamit ang iyong palad.

10. Place his feet on your thigh, grip his toes and knee, push forward flexing his hip joint. Don’t push too hard, but hard enough that you could feel some resistance (3x).

Ilagay ang kanyang mga paa sa iyong hita, hawakan ang kanyang mga daliri sa paa at tuhod, itulak pasulong upang mabaluktot nang bahagya ang kanyang balakang. Huwag itulak nang husto, ngunit sapat lang upang makaramdam ka ng tila paglaban.(Gawin ito ng 3 beses)

11. Now sit while guiding his leg to cross your both legs. Hold his ankles by both of your hands, straighten your knee to push the hamstring up.

Ngayon umupo habang ginagabayan ang kanyang binti upang i-cross ang iyong magkabilang binti. Hawakan ang kanyang mga bukung-bukong sa pamamagitan ng iyong dalawang kamay, ituwid ang iyong tuhod upang itulak ang hamstring pataas.

12. Then use both of your feet to paddle onto the hamstring muscle. Move ups and downs.

Pagkatapos ay gamitin ang iyong dalawang paa upang tampal-tampalin ang kalamnan ng hamstring. Gawin ito nang pataas at pababa.

13. Bring his foot onto your feet for a knee lock, then start massaging the upper thigh with one hand. Then use both hands to initiate the action of rowing.

Ilagay ang kanyang paa sa iyong mga paa para sa ikulong ang  tuhod, pagkatapos ay simulan ang pagmamasahe sa itaas na hita gamit ang isang kamay. Pagkatapos ay gamitin ang dalawang kamay upang simulan ang paggaod.

14. Hold his foot up, use your opposite foot to press onto the hamstring muscle. Start at the upper and go down to the hip. Then pull the foot while stretching and straighten the knee. Your body should be leaning backward (3 cycles).

Itaas ang kanyang paa, gamitin ang iyong katapat na paa upang pindutin ang kalamnan ng hamstring. Magsimula sa itaas at bumaba sa balakang. Pagkatapos ay hilahin ang paa habang nag-uunat at ituwid ang tuhod. Ang iyong katawan ay dapat na nakahilig sa patalikod. (Gawin ito ng 3 beses)

15. Cross his leg to the other, press the knee down while holding the shoulder. This will stretch and twist his trunk. Do this 3x. Use only gentle presses, until you feel the resistance. Then get him to lie sideways.

I-cross ang kanyang binti sa isa pang binti, pindutin ang tuhod pababa habang hawak ang balikat. Ito ay mag-uunat at magpapaikut-ikot sa kanyang katawan. Gawin ito ng 3 beses. Gumamit lamang ng banayad na pagpindot, hanggang sa maramdaman mo ang paglaban. Pagkatapos ay pahigain siya ng patagilid.

16. Lean forward to support your weight with your left hand to give effleurage to the side of his thigh. Massage 8x then massage onto the side of his calf.

Humilig pasulong upang suportahan ang iyong timbang gamit ang iyong kaliwang kamay upang magbigay ng effleurage sa gilid ng kanyang hita. Masahehin ang kanyang hita ng 8 beses at pagkatapos ay masahehin  ang gilid ng kanyang binti.

17. Now give palm effleurage to the inner part of the opposite limb.

Ngayon bigyan ang palm effleurage ang loob na bahagi ng katapat na paa.

18. Massage the muscles of the buttock groove. This will also affect the sphincter muscles of the anus. The palm should not touch the anus opening. It just glides from one buttock to another.

Masahehin ang mga kalamnan ng uka ng pigi. Maaapektuhan din nito ang mga kalamnan ng sphincter ng puwet. Ang palad ay hindi dapat hawakan ang butas ng puwet. Padausdosin lamang ang mga palad mula sa isang pigi patungo sa isa pa.

I-KLIK ang link sa ibaba para mapanood sa YouTube ang Video:

https://www.youtube.com/watch?v=DV66UbU508Q


--o0o--

Wednesday, January 19, 2022

Macki Moto, Iniiwasan nga ba ng ibang Vloggers? | May "Something" Ba Sila ni Mamu Delia?

         Iniiwasan nga ba ng ibang mga vloggers  si Macki Moto lalo na yong mga nakabase sa Arayat, Pampanga at Cabiao, Nueva Ecija? 

                                (Image from Pretty Cel's YouTube channel)

        Ito ang umuugong sa social media matapos nilang mapanood ang pagtitipon ng mga YouTube vloggers na dating close kay Macki Moto. Napansin kasi ng mga subscribers at viewers na wala ni anino ni Macki Moto sa mga kasayahang ito na naganap lamang noong isang linggo, lalo pa at isa siya sa mga itinuturing na sikat at pamosong vloggers sa kanilang lugar. 

        Dahil dito, nakabuo tuloy ang iba ng mga haka-haka na hindi lamang sa kanyang pamilya may "something" si Macki Moto kundi maging sa iba pang mga vloggers. Lalo tuloy naging interesado ang mga "Marites" na alamin ang katotohanan kung bakit tila inabandonado, initsa-puwera, o iniiwasan si Macki Moto ng ibang vloggers.

        Nakalulungkot lang isipin na dati-rati ay napaka-close ni Macki Moto sa mga vloggers na ito. Sa isang pagtitipon na idinaos sa bahay ni Mamita in America, dumalo roon sina Mamu Delia, Kafarmer, Ate Rowena, JimmySpeaks, maliban pa sa ina ni Macki Moto na si Mommy Moto, bayaw at kapatid na sina Kian at Sarah. 

        Sa isang vlog ni Black Shadow in the Night, nakita rin doon sina Mamu Delia, Mommy Moto, Kian and Sarah, MY Empi, Mamita, at iba pa. Kung walang "something" si Macki Moto sa mga vloggers na ito, dapat ay naroon siya. Lumakas tuloy ang hinala ng mga viewers may "something" talaga si Macki Moto sa ibang miyembro ng Tropang Bukid, sa kanyang ina, bayaw, mga kapatid, at ibang vloggers. Maaari rin namang isipin na kaya hindi nakasama si Macki Moto sa mga kasayahang ito ay dahil may mga dumalo roon ang ayaw niyang makita.

        Kung anuman ang tunay na dahilan ng mga pangyayari ito o kung may "something" nga siya sa ibang vloggers o kapamilya, nawa ay maresolba na ito sa lalong madaling panahon. Sana ay magkabati-bati na sila upang maging smooth ang kanilang pagba-vlog sa araw-araw. Alam kong hindi madaling makalimot, maalis kaagad ang sama ng loob, at makapagpatawad, subali't paano ka makahihingi ng biyaya sa Diyos kung may dinadala ka sa iyong puso. Paaao ka Niya mapapatawad kundi hindi ka marunong magpatawad ng kapwa. Sana ay maging happy-happy na ang lahat sa mga susunod na mga araw.

#MackiMoto  #MamuDelia #KianAndSarah #MYEmpi #KalingapRab 

#TechRam #ValSantosMatubang #Harabas

--o0o--

Thursday, January 13, 2022

Kaso ng Covid-19 sa Pilipinas, Patuloy na Tumataas

        Patuloy na tumataas ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas. Ito ay bunsod na rin na pagpasok ng omicron variant sa bansa. Dahil sa mabilis na pagkalat ng variant na ito, nararanasan na rin ng Pilipinas ang biglang pagdami ng mga kaso ng Covid-19 kahit na nga ngkaroon na ng herd immunity ang ilan sa mga bansa sa mundo.

Pres. Rodrigo Duterte
(Image from https://time.com)

        Bukod sa omicron, isa pang nakikitang dahilan ng paglaganap ng bayrus ay ang muling pagbubukas ng mga negosyo. Isa pa, dahil mild lang o walang sintomas ng sakit ang mga nabakunahan na, itinuturing na lang itong simpleng sipon o lagnat kung kaya't ang mga may sakit ay patuloy na gumagala sa komunidad. Dahil dito, halos pami-pamilya ang nagkakasakit.

        Kahit hindi malala ang sintomas ng omicron variant, mapanganib pa rin ito sa mga matatanda at sa mga taong may mga karamdaman at mahina ang immune system. Ito ang dahilan kung bakit lubos na pinag-iingat ang lahat. Ituring na Covid-19 ang sakit kahit simpleng ubo o sore throat lang ito. Iwasang makihalubilo sa miyembro ng pamilya habang may sintomas. Laging maghugas ng kamay. Magsuot ng mask kung kinakailangan. Magpabakuna.

        Masasabing ang nailalathalang bilang ng kaso sa mga pahayagan, telebisyon, at social media ay mas mababa sa tunay na kaso dahil na rin sa hindi magpapa-test ng karamihan sa mga posibleng may sakit dahilan na rin sa kamahalan ng swab test. Ito rin ang malaking dahilan kung bakit mahihirapan ang pamahalaan na kontrolin ang paglaganap nito. Noong January 12, 2022, ang naitalang kaso ay 32,161 nguni't tinatayang lalampas ito sa 100,000 kada araw sa susunod na mga araw.

        LUBOS NA MAG-INGAT!


Wednesday, January 12, 2022

How to Manage Covid-19 at Home

Tested positive to COVID-19?

If you’re under 65 years of age, have had two doses of COVID-19 vaccine, do not suffer from any chronic conditions, and are not pregnant, you can safely manage COVID-19 at home.
You may experience symptoms such as:
• Fever
• Runny or blocked nose
• Change in taste or smell
• Sore throat
• Cough
• Nausea
• Diarrhoea


Most symptoms can be relieved with:
• Rest
• Paracetamol and ibuprofen
• Throat lozenges
• Keeping hydrated
If you develop severe symptoms you should call Triple Zero (000) straight away and tell the ambulance staff that you have been diagnosed with COVID-19.
These symptoms include:
• Severe dizziness
• Shortness of breath
• Chest pressure or pain lasting more than 10 minutes,
• Unable to stand




--o0o--

Thursday, January 6, 2022

Ano ang Igado at Paano Ito Lutuin?

Ano ang Igado?

Ang Pork Igado ay isang lutuing Ilocano na gawa sa mga piraso ng atay ng baka at pork tenderloin na pinakuluan sa isang tangy at malasang pinaghalong toyo-suka kasama ng mga pampalasa tulad ng bawang, sibuyas, at dahon ng laurel.


Ang iba pang mga laman-loob tulad ng bato at puso ng baboy ay karaniwang mga karagdagan sangkap pati na rin ang gisantes at bell pepper. Bagama't ang ulam na ito ay karaniwang nauugnay sa pork menudo dahil sa ilang karaniwang sangkap, ito ay talagang mas malapit sa lasa sa adobo at halos kapareho sa Kapampangang ulam na kilayin.

Paano lutuin ang Igado?

May iba't ibang paraan sa pagluluto ng Igado base sa lugar. Gayunman, narito ang pinakakaraniwang mga sangkap at paraan ng pagluluto.

Mga Sangkap

1/2 kilo pork tenderloin, hiwain sa 1/2 pulgadang piraso

1/2 tasa ng suka

1/4 tasa ng toyo

1 sibuyas, binalatan at hiniwa ng manipis

2 dahon ng bay/laurel

1/2 kutsarita peppercorns, durog

4 na butil ng bawang, binalatan at tinadtad

1 kutsarang canola oil

1 maliit na pulang siling paraka (bell pepper/capsicum), hiniwa-hiwa

1 tasang tubig

1/2 kilo ng atay ng baka, hiwain sa 1/2 pulgadang piraso

1/2 tasa frozen green peas, tunawin

asin sa panlasa


Paraan ng Pagluluto

1. Sa isang mangkok, pagsamahin ang mga piraso ng baboy, suka, toyo, sibuyas, bawang, dahon ng bay/laurel , at pamintang buo. I-marinate ng mga 15 hanggang 20 minuto.

2. Pigain ang karne upang lumabas ang labis na pinagbabarang likido. Magreserba ng marinade at aromatics.

3. Sa isang kawali na may katamtamang apoy, painitin ang mantika. Idagdag ang bell pepper at lutuin ng mga 30 segundo. Alisin at itabi.

4. Sa kawali, idagdag ang baboy at lutuin, paminsan-minsang haluin, hanggang sa magbago ang kulay.

5. Idagdag ang mga sibuyas, bawang, peppercorns, at bay leaves (mula sa marinade ng baboy) at lutuin hanggang lumambot at at bahagyang maging kulay brown ang karne.

6. Idagdag ng nakareserbang marinade at pakuluan, walang takip at hindi hinahalo, nang mga 4 hanggang 5 minuto.

7. Magdagdag ng tubig at pakuluan.

8. Hinaan ang apoy, takpan, at hayaang kumulo ng mga 25 hanggang 30 minuto o hanggang lumambot ang baboy at mabawasan ang likido.

9. Idagdag ang atay, dahan-dahang haluin upang pagsamahin, at magpatuloy sa pagluluto ng mga 4 hanggang 5 minuto o hanggang sa maluto ang atay at lumapot ang sarsa.

10. Idagdag ang mga gisantes/green peas at lutuin ng mga 2 hanggang 3 minuto o hanggang sa uminit ang mga ito.

11. Idagdag ang bell peppers at lutuin hanggang lumambot ngunit malutong ang mga ito. Timplahan ng asin ayon sa panlasa. Ihain nang mainit.

--o0o--

Sanggunian:

kawalingpinoy.com

Wednesday, January 5, 2022

Kalingap Rab, Naging Emosyonal sa Hindi Pagbalik ni Brother Jose

Naging emosyonal si Rabboni James Matubang, a.k.a., Kalingap Rab habang bina-vlog ang naging desisyon ni Brother Jose tungkol sa hindi niya pagbabalik sa Team Kalingap. Matatandaan na "pinaalis" ni Kuya Val Santos Matubang si Brother Jose matapos nitong magpahayag ng saloobin sa isang isyu na pinatitigil nang pag-usapan pa ni Kuya Val na kinasangkutan ng isang sponsor ni Kalingap Rab.

Rabboni James "Kalingap Rab" Matubang
(Image from Kalingap Rab Facebook page)

Matapos hindi mapabilang sa grupo ni Kalingap Rab, ipinagpatuloy ni Brother Jose ang kanyang pagba-vlog. Sa halip na mga mukbang, naging content niya sa kasalukuyan ang pagtulong din sa mga nangangailangan ng tulong sa abot ng kanyang makakaya. Hindi niya nagawa ang ganitong klaseng content noon dahil ito ang nilalaman ng mga vlog ni Kalingap Rab. Hindi naman kasi maaaring iisa ang kanilang content.

May mga natuwa nguni't mas marami ang naunsyami nang biglaang nawala sa eksena si Brother Jose sa vlog ni Kalingap Rab. Nasanay na kasi silang kasa-kasama ang second-cousin ni Kalingap Rab sa mga misyon nito. "Very harsh" naman daw ang naging parusa ni Brother Jose gayong ang layunin lang niya sa kanyang vlog ay maayos ang lahat at irespeto ang kababaihan. May mga nagtampo rin kay Kalingap Rab dahil hindi niya napagtanggol si Brother Jose sa kanyang ama. Hindi rin kasi malinaw ang parusang tinanggap ni Brother Jose: kung ito ba ay pansamantala o permanente na.

Brother Jose and Kalingap Rab 
(Image from Brother Jose's Facebook page)

Sa pagkawala ni Brother Jose sa Team Kalingap at matuon sa charity ang kanyang vlog, biglang dumami ang kanyang mga subscribers at viewers. Hindi mapasusubalian na sanhi rin ito ng kanyang naunang exposure sa mga vlog ni Kalingap Rab. Gayunman, hindi rin mapasusubalian na may mga tao at sponsor na nakisimpatiya kay Brother Jose. 

Bakit nga ba hindi na bumalik si Brother Jose sa Team Kalingap?

Isa sa maaaring dahilan ay nahihiya na rin siyang bumalik pa. Umiiral na rin kasi rito ang pride at prinsipyo lalo na at mabuti naman ang iyong naging pakay noon. Marahil ay hindi niya napanood ang warning ni Kuya Val at nailathala na niya ang kanyang vlog tungkol sa kontrobersyal na isyu. Isa pang dahilan ay tumagal na ang kanyang "pagkakasibak" sa Team Kalingap at hindi maliwanag kung gaano katagal ang parusa at kung siya ay makababalik pa. Hindi rin naging maagap si Kalingap Rab sa pakikipag-usap sa kanya. Parang inisatpwera siyang bigla bilang pagsunod sa kanyang ama.

Marahil ay napagtanto ni Brother Jose na mas mainam kung magsasarili na siya upang maiwasan pa ang anumang isyu sa hinaharap. Hindi naman nangangahulugan nito na may napatunayan na siya sa sarili kaya ayaw na niyang bumalik pa. Bagkus, pinasalamatan niya si Kalingap Rab at Kuya Val Santos Matubang dahil sa mga naitulong ng mga ito sa kanya, lalo na at magkakamag-anak sila. 

Tiyak na marami na namang reaction video ang maglalabasan sa naging desisyon ni Brother Jose na huwag nang bumalik sa Team Kalingap. Tiyak na darami na naman ang mga bashers niya. Dahil dito, ang panalangin ko ay maging maayos na ang lahat. Respetuhin natin ang naging desisyon ni Brother Jose. Kung nagkamali man siya sa kanyang pagsasarili ay hayaan na lang natin na ang panahon ang makapagsabi. Ang mahalaga ay maipagpatuloy niya ang kanyang munting pagtulong sa ilan nating kababayan. 

Kay Kalingap Rab, maging aral nawa ang karanasang ito. Huwag itigil ang pagtulong sa ibang vlogger na magtagumpay rin. Magkaroon ng internal rules para maging maayos ang lahat. Ituring pa ring kaibigan at kamag-anak si Brother Jose upang muling manumbalik ang samahan kahit bilang indibidwal man lang at hindi na grupo. Maging matatag lalo na at nagbabalak ng bumuo ng pamilya.

Mabuhay ang Team Kalingap!

Panoorin dito ang pahayag ng mga sangkot tungkol sa isyu:

Ang vlog ni Kalingap Rab

Ang vlog ni Brother Jose

        

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...