(This photo was downloaded from www.abs-cbnnews.com)
Willie Revillame of the noontime show WOWOWEE is again in the limelight. This time about the Ferrari that he has been seeing driving. According to the Customs, the correct customs duty is not paid on this car. Willie behemently denied that he owns the car. He said he is just test driving it.
Ang liit naman ng mga utak ng nasa Customs at ng Anti-Smuggling Bureau, dali namang kontakin ang LTO para malaman kung sino talaga ang may-ari ng Ferrari na yan. Kung kanino nakarehistro eh di iyon ang singilin. Pero, tiyak na maraming damay sa Customs. Eh paano kung ang nagpalusot ay isang mataas na opisyal? Ang sabi nga ng mga kotong-pulis, ang lagay eh...!
Pinagdududahan din kasi kung saan kinuha ni Willie ang pinangbili ng Ferrari kung sa kanya nga iyon. Dito sinasabi ng mga tao na baka yong mga donasyon na natatanggap ni Willie sa mga shows nila sa abroad at mga bigay ng mga TFC subscribers sa studio ang pinangbili ng kotse. Noon, pinagmamalaki ni Willie na ipagpapagawa ng mga health centers sa Kabikulan ang mga nakalap nilang donasyon. Tanong ko lang, may nagawa na bang mga health centers?
Sa batas, hindi naman dapat tumatanggap ang WoWoWee ng mga donasyon dahil hindi naman sila rehistradong foundation o charitable institution. Ibig sabihin, iligal ang kanilang pagtanggap.