Wednesday, April 29, 2009

OFF TO SYDNEY

I will be leaving for Sydney tonight, 29 April 2009 via Etihad Airways. There is a 10 hour stop-over at Abu Dhabi International Airport. I will reach my destination in the morning of 01 May 2009. I do hope that it will be a pleasant trip. I will write about the trip when I arrived home.

Here are some images of Sydney:

Tuesday, April 28, 2009

IMAGES of SAN JUAN, BATANGAS

Here are some of the images of San Juan, Batangas where moviestars Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo tie the knot on April 29,2009: ( I uploaded these images from the internet. If you are the owner/s of these pictures and don't want them to be featured here, email me at pons@usa.com) Laiya Playa
Virgin Beach Resort

San Juan Church

Downtown
Porto San Juan


Coco Grove

Blue Coral Beach Resort

JUDY ANN at RYAN, IKINASAL NA sa SAN JUAN


Ang magnobyong Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay ikinasal na ngayong araw na ito April 28,2009 sa San Juan, Batangas. Ang reception ng kasal ay ginanap sa isang beach resort sa nasabi ring bayan. Lihim na lihim ang kasal na ito na ikinabigla rin kahit na ng mga kawani ng San Juan de Nepomuceno Parish Church. Ngayong araw rin nila nalaman na sina Judy Ann at Ryan pala ang ikakasal.

Piling-pili lamang ang naging bisita ng magsing-irog subalit sa aking palagay ay marami ang sasama ang loob sa mga artistang hindi naimbitahan, lalo na iyong itinuturing na close sa dalawa. Ngayon nila malalaman kung ganoon din ang trato ng ikinasal sa kanila. Kung wala kang imbitasyon, ibig sabihin hindi ka masyadong importante sa buhay nila. Ganito rin ang pwedeng maramdaman ng mga loyal fans nila Judy Ann at Ryan. Hindi naman nila kailangang imbitahan. Sapat na ang masilip nila ang kasal kahit na sa malaking TV monitor man lamang sa labas ng simbahan.

Sabagay, ipinalabas naman ng ABS-CBN ang footage ng kasal ng dalawa. Nagtataka naman ako kung bakit kailangang ilihim pa nang husto ang kasal. Kung talagang gusto nilang isekretong mabuti, di sana'y sa Spratly Island sila nagpakasal o kaya ay sabihin na lamang ang naganap na kasalan kapag naghiwalay na sila katulad nila Diether Ocampo at Kristine Hermosa.

GORDON for PRESIDENT? OOWWWW!!


Sa pulong ng pagkatatatag ng Bagumbayan-Volunteers for a New Philippines kahapon, April 27, 2009 sa Manila Hotel, tila ipinahayag na ni Senator Richard "Dick" Gordon ang kanyang pagkandidato sa nalalapit na eleksyon bilang pangulo ng Pilipinas. Ang Bagumbayan Movement ay pinanguluhan ni Leon Herrera, dating kaklase ni Gordon sa Ateneo de Manila University. Naging visible si Gordon nitong mga nakaraang linggo dahil sa pagiging chairman ng Philippine National Red Cross hinggil sa pagdukot ng Abu Sayyaf sa 3 volunteer ng ICRC kung saan 2 na ang nakalaya.

Walang masama kung kumandidato man si Gordon bilang pinakamataas na opisyal ng bansa pero dapat busisiin ng mga botante kung ano ang ginawa niya sa lungsod na kanyang pinanggalingan - ang Olongapo City. Ano bang industriya o kabuhayan ang itinayo ni Gordon sa Olongapo noon? Maliban sa pagawaan ng mga bata, na karamihan ay Amerisians,wala akong nakitang industriyang itinayo si Gordon at ng mga sumunod pa niyang kamag-anak na namuno rin at kasalukuyang namumuno sa Olongapo at Zambales. Kung hindi dahil sa US Naval Base noon at SBMA ngayon, baka ang Olongapo ay matagal nang nalugmot sa kahirapan.

Ngayon ay kinakampanya niya ang malinis na pamamahala. Naku ha, para namang napakalinis ng kanyang pamamahala noon. Sa laki ng kinikita mula sa Base Nabal ng Amerika, hindi ko alam kung anong mga proyekto ang ginawa niya sa Olongapo at kung saan ito napunta. Napakababaw at napakabaho pa rin ang ilog na nakapalibot sa Olongapo kung saan nagiging sanhi ng baha at sakit kapag umuulan. Noon, ang ilog na ito na nagmumula sa Kalaklan palabas sa Bajac-Bajac ay pinagliliguan at pinangingisdaan pa namin.
Ang Olongapo City ay inari na ng husto ng mga Gordon. Sila-sila na lang ang namamahala rito - mula sa kanyang ama, ina, asawa, anak at kapatid. Naging ehemplo ang pamilya Gordon ng political dynasty sa Olongapo. Okay sana kung may nakikita kang pagbabago sa labas ng SBMA.

Sa aking palagay ay hindi naman mananalo si Gordon bilang presidente kaya ngayon pa lang ay ihinto na niya ang ambisyong ito. Dahil ako mismo na tubong-Olongapo ay hindi siya iboboto. Kung hindi niya napaunlad ang maliit na lungsod ng Olongapo, ano pa kaya ang buong Pilipinas? Sabi pa niya sa isang panayam, " Change ourselves first, before we change our leader." Hindi ko alam kung siya ang una o pangalawa sa kanyang nabanggit.

Monday, April 27, 2009

Vina Morales - NANGANAK NA!


Popular showgirl and singer sensation Vina Morales delivered a bouncing 6.9 lbs baby girl named CEANA at 8.47 AM, April 25, 2009 at the Cardinal Santos Memorial Medical Center. The name Ceana is a combination of the baby's father Cedric and Vina and its literal meaning is "God is gracious".

Correct me if I am wrong but I never heard or read that Cedric and Vina got married. If it is true that Cedric Lee is indeed a married man, Ceana will never have a complete family or live like a normal child should be. Many of her fans idolize Vina but she is a bad influence or not a good role model. She wants to show to the world that it is okay to have a child out of marriage. I do not know whether Vina is a victim here or not.

Anyway, a mistake cannot be corrected by another mistake. I salute Vina for keeping Ceana. I hope them well!

MAG-INGAT SA BABOY


Isa na namang kinatatakutang sakit ng baboy na tinatawag na swine flu ang kumakalat sa Mexico. Sa ngayon, umabot na sa mahigit 100 katao ang namatay sanhi ng sakit. Ang mga paaralan, mga silid-aklatan at mga tanggapang pinupuntahan ng maraming tao ay pansamantalang ipinasara ng pamahalaang Mehiko upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na ito. Sa mga paliparan sa buong mundo, naglagay na ng mga temperature detector o thermal scanner upang manmanan ang mga pasaherong nilalagnat lalo na yaong galing sa Mexico at kalapit na bansa tulad ng Estados Unidos. Ilang bansa na rin ang nag-abiso sa kanilang mga mamamayan na iwasan muna ang pagbisita sa Mexico hanggang hindi pa naaapula ang pambihirang sakit na ito ng mga baboy. Pinangangambahan din na baka lumaganap ang sakit sa iba't ibang panig ng mundo kaya todo ingat ang lahat.

Sa Pilipinas, sobrang higpit din ang pagbabantay sa mga produktong baboy na mula sa Mexico. Sa balitang ito, matutuwa ang mahihilig sa pagkain ng karne ng baboy dahil tiyak na bababa ang presyo nito sa pamilihan.

Thursday, April 23, 2009

Daniel Smith - LAYA NA!


Binaliktad ng Court of Appeals ang naging desisyon ng mababang hukuman hinggil sa kasong panggagahasang inihain ni "Nicole" laban sa Amerikanong si Daniel Smith. Una pa rito, binawi na rin ni Nicole ang kanyang naunang salaysay kung saan napatunayan ng hukuman na siya nga ay ginahasa. Sa ngayon ay nasa Estados Unidos na si Nicole kasama ang napangawasang isa ring Amerikano.

Ayon sa Court of Appeals, hindi nila pinagbatayan ang recantation ni Nicole kundi ang nilalaman ng mga pahayag sa korte. Marami raw inconsistencies si Nicole at hindi rin napatunayang "beyond reasonable doubt" ang naunang desisyon dahil sa pag-amin na rin ng biktima na siya ay lasing ng gabing iyon.

Dahil dito, pinag-utos na ng korte na pakawalan si Daniel Smith sa lalong madaling panahon.

ANG TANONG: HINDI PA BA SIYA NAKAKALAYA? SINO BA ANG NAGSASABING IKINULONG NGA SIYA SA US EMBASSY? Kung hindi ito totoo, dapat magpakita si Smith sa mga tao habang papaalis ng Pilipinas! LOKOHIN NYO ANG LELONG NYONG PANOT!
Si Nicole naman ay dapat pabalikin sa Pilipinas para sagutin ang kasong perjury o pagsisinungaling at pagsasayang ng pondo ng gobyerno dahil sa katawa-tawa at melodramang kasong ito.

32 Miyembro Idaragdag sa Kongreso


Nagpalabas na ng desisyon ang Korte Suprema ng Pilipinas hinggil sa isyu ng pagdaragdag ng 32 bagong miyembro ng Kongreso mula sa mga Party List groups. Ang kautusan ay lumikha ng iba't ibang kuro-kuro at opinyon dahil ayon kay Congressman Lorenzo Tanada III, to ay lumikha ng isang "mini Constitutional crisis" sa Kongreso. Ayon sa Saligang Batas, 250 lamang ang bubuo sa Kongreso maliban kung ito ay babaguhin sa pamamagitan ng panibagong batas. Sa kasalukuyan, 238 na ang bumububo ng Tongreso, magiging 270 na ito kung ipapatupad agad ang desisyon ng Kataastasang Hukoman ng Pilipinas.Taliwas ito sa Konstitusyon dahil sosobra ng 20 ang bilang ng mga Tongreista gayong hindi pa naman sila gumagawa ng panukalang batas sa pagdaragdag ng pasusuwelduhin sa Tongreso.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit naging prayoridad ang pagdaragdag ng mga bilang ng miyembro ng Kongreso. HINDI KAYA DAHIL SA ISINASAYAW NILANG CHA-CHA?

Saan naman kukunin ang 32 mambabatas na ito? Hindi ba't kailangan nilang makakuha nag 2% sa bilang ng mga bomoto noong nakaraang eleksyon? Hindi kaya dahil ang kukuning dagdag na Tongresista ay galing sa mga grupong maka-administrasyon?

Sa aking palagay, hindi na kailangang dagdagan pa ang mga Tongressman sa Kongreso. Una, wala naman silang ginagawang batas na talagang nakakatulong sa pag-unlad ng mga Pilipino? Pangalawa, karamihan naman sa kanila ay hindi pumapasok sa sesyon ng Kongreso at laging abala sa kani-kanilang distrito sa pangunguha ng dagdag na yaman. Ang unang tungkulin ng Congressman ay gumawa o magpanukala ng batas para mapabuti ang kalagyan ng kanyang nasasakupang lugar. Pangatlo, sayang lamang ang pondong ilalaan sa mga bagong miyembrong ganoong uutangin pa ito ng pamahalaan.

Hindi kailangan ng taong-bayan ang dagdag na gagawa ng batas kundi de-kalidad na batas na magpapaangat sa kanilang estado sa buhay!

YOU HAVE A TEXT MESSAGE!!!


Ineendorso ng mga Tongresista sa Tongreso ang pagbabawas ng singkwenta sentimos sa halaga ng pagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng text. Ibig sabihin, magiging singkwenta sentimos na lang ang pagpapadala ng text message kung ikaw ay nasa Pilipinas. Kung susuriin magandang balita ito sa mga consumer dahil mababawasan ang kanilang gastusin nguni't hindi sa mga kumpanyang PLDT, Globe at Smart dahil mababawasan ang kanilang tubo, na nangangahulugan din ng pagbaba ng koleksyon sa buwis ng gobyerno mula sa mga dambuhalang kumpanyang ito kung sila man ay nagbabayad ng tamang buwis at hindi nangungupit ang mga taga-BIR.

Kung ito ay pampapogi lamang ng mga Tongressman sa mga mamamayan dahil sa nalalapit na eleksyon, konsensya na nila ang bahalang sumagot. Kung pumasa man ito sa Kongreso at Senado at maging batas, wala namang makakapigil sa mga kumpanyang nabanggit na bawasan ang letra ng ipapadalang mensahe. Baka bawasan din ito ng singkwenta porsyento. Kapag nagkagayon, wala rin itong benebisyo sa mga mamimili.

Ang dapat isama ng mga mambabutas (ng kaban ng bayan) sa usaping ito ay ang PAGTANGGAL SA EXPIRATION o VALIDITY NG BINILI MONG LOAD. Ito ay tahasang pangingingil. Bakit nila mamadaling gamitin mo ang binili mong load gayong hindi naman ito pagkain na madaling masira? At kapag hindi mo nagamit at bigla na nilang kukunin. Di ba parang holdap ito?

Wednesday, April 22, 2009

Only A Pinoy Would Know


This poem was emailed to me by a friend. If you are a Pinoy, you would certainly understand these:


You are the...

Apple of my eye

Mango of my pie

Palaman of my tinapay

Niyog on my kalamay.


You are the...

Ipin of my suklay

Ring on my kamay

Blood of my atay

Bubbles of my laway.


You are the ...

Roof of my bahay

Strength of my tulay

Joy of my tagumpay

Dream of my Nanay.


You are the...

Ube in my monay

Patis in my gulay

Toyo in my siomai

Calcium in my kalansay.


You are the...

Buhol of my tie

Bituin of my sky

Beauty of my Tagaytay

Ketchup on my french fry.


You are the....

Wings when I fly

Wind when I paypay

Sipit for my sampay

Tungkod when I am pilay.


You are the...

Shoulder when I cry

Cure to my"aray"

Answer as to "why"I am nangi-ngisay.


You are the...

Love until I die

In short, you are

The Center Of My Buhay.

CHICKEN A- LA- CARTE


In-email sa akin ng aking kababata at kaklase ang bidyong ito na gawa ng isang Pinoy na si Ferdinand Dimasupil. Chicken a-la-carte ang titulo sa Ingles at kung isasalin sa Filipino, " Manok sa Kariton" na tamang-tama naman pamagat ng maikling pelikulang ito. Umani ng mga papuri at parangal ang pelikula sa labas ng Pilipinas. Sana ay makakuha tayo ng aral habang nanonood nito sa http://www.cultureunplugged.com/play/1081/Chicken-a-la-Carte

DAHIL TAYO'Y PILIPINO


International singing sensation and new diva Charice Pempengco performs TFC station ID "Dahil Tayo'y Pilipino" in celebration of its 15th anniversary.

Let' watch Charice here:

SABAY-SABAY TAYO




Napanood at napakinggan na natin ang summer station ID ng ABS-CBN na "Galaw-Galaw sa Tag-araw" . Panoorin naman natin ngayon ay summer station ID ng GMA Kapuso na may titulong "Sabay-Sabay Tayo" na inawit ng marigla na si Marian Rivera. Kaya sabay-sabay tayong gumalaw-galaw sa tag-araw!


Monday, April 20, 2009

Andreas Notter - LAYA NA RIN


Nakalaya na rin ang bihag ng Abu Sayyaf na si Andreas Notter sa pamamaraang hindi mapaliwanag nang mainam. Ayon kay Notter, basta na lang nangawala ang mga bandidong kasama niya habang sila ay naglalakad kung saan. Basta't nakita na lamang siya kalaunan ng mga residenteng nakatira sa paligid.

Kung talagang pinakawalan ng walang kapalit, bakit hindi pa si Eugenio Vagni ang inunang pinalaya gayong nangangailangan ng gamutan ang Italyanong bihag dahil sa sakit nito sa bayag o luslos?

Sa aking palagay, may kapalit ang pagpapalaya kay Notter. Hindi man aminin ng ating gobyerno o ng pamahalaan ng Switzerland, tiyak na may perang nagpalipat-kamay. Sa palagay ko ay dolyar ang binayad dahil lumiit na naman ang palitan ng piso sa dolyar.

Mga Boksingerong Pinoy - KAMPEON!

Nonito Donaire Jr
Drian Francisco
Brian Viloria

Denver Cuello
Apat na beses na pinabagsak ng world flyweight champion na si Nonito Donaire Jr, and kanyang katunggaling Mehikano na si Raul Martinez upang mapanatili ang kanyang IBO/IBF title sa pamamagitang ng technical knockout (TKO) noong Linggo, 19 April 2009 sa Araneta Colisuem sa Lungsod ng Quezon.

Ganito rin ang ginawa ng dating World Boxing Council champion na si Brian "The Hawaiian Punch" Viloria sa Mehikano ring si Ulises Solis sa ika-11 round para makamit ang korona ng IBF light flyweight.

Sa panimulang suntukan, pinahinto rin ni Denver Cuello ng Iloilo ang Hapon na si Hiroshi Matsumoto sa ikaapat na round upang masungkit ang WBC international minimum weight samantalang pinahirapan din ni Drian Francisco ang kanyang katunggaling Indonesian sa ikalawang round.
Sa pangyayaring ito, medyo nabuhayan ang loob ang mga Filipino at nagbigay sigla upang abangan ang labang Pacquiao - Hatton sa Las Vegas, USA sa susunod na buwan. Pansamantala ring nakalimutan ang hirap ng pamumuhay habang walang inaatupag ang Kongreso kundi ang mag-CHA-CHA!

Jimsen on Youtube



I just learned that my wife's nephew has a youtube video. Hear Jimsen's song at


Kayo na ang humatol kung NAKAPANGHIHINAYANG ang BOSES niya at NGAYON lang inilabas o NANGHIHINAYANG kayo sa oras ng panonood n'yo sa performance niya.


Miss North Carolina is Miss USA 2009


Kristen Dalton of North Carolina was crowned Miss USA 2009 on Sunday, 19 April 2009 beating out 50 other beauty queens in the live pageant televised from Planet Hollywood Resort & Casino in Las Vegas.

The 22-year-old aspiring motivational speaker and entertainer from Wilmington edged out first runner-up Miss California USA Carrie Prejean, of San Diego, and second runner-up Miss Arizona USA Alicia-Monique Blanco, of Phoenix.
Read the rest of the story here:
http://tv.yahoo.com/miss-usa-2009/show/44610/news/urn:newsml:tv.ap.org:20090420:miss_usa__ER:7374

Sunday, April 19, 2009

YEHEY! I WON P480,000.00!!






That's what the text message I received this early morning. Of course, I was not overjoyed because I know it is a big SCAM. In fact, I was angry because it ruined my sleep. In the office, I opened again the message and this is what it says :



"V-PRES CHARITY FOUNDATION. Congrat's. Ur sim# is 3rd lucky winner today 19Apr 2009'u winP480,000.00 DTINCR#1920 4mre info? Pls,call me now. i'm Sec. Arthuro Yap"


For ordinary citizen who knew it is a scam, they will just ignore this text message and delete it. But not ME. I sent a text message to my cousin in the NBI and inform her of this scam, either to apprehend the culprit or at the very least, block his/her sim card.

By the way, the cellphone number of this manloloko is +63 9085487037. BEWARE!!

Saturday, April 18, 2009

MANI KAYO RIYAN!


Sa tagal ko sa Saudi, ngayon ko lang nakitang masyadong naging pursigido sa pagpasok sa maliliit na negosyo ang mga Saudis. Hindi ko tuloy naalis sa isip na baka ito ay epekto rin ng global crisis. Noong una ay iilan lang sa kanila ang makikita mong naglalatag ng paninda sa mga bangketa. Halos domoble ang bilang nila sa ngayon. Maliban sa mga pabangong itinitinda, mayroon na ring mga laruan, medyas, relos at kung anu-ano pa.

Nguni't ang pumukaw sa akin ay ang nakitang pagtitinda nila ng binusang mani. Dati-rati ay iisa lang ay may ganitong puwesto sa harap ng Cash & Carry (pangalan ng isang supermarket sa Pilipinas na ginaya ang pangalan) subali't nitong huling punta ko sa bayan, naglipana na rin sila. Kung baga, tulad ng mga Pinoy, naggaya-gaya na rin sila sa ganitong negosyo. Naalala ko tuloy noong mauso ang telephone cabin. Halos lahat ng sulok ng Jubail ay may nakapwestong telephone booth. Nang mauso ang cellphone, isa-isang nangawala ang mga ito.

Ang nagtitinda ay may hatak-hatak na wheelbarrow o kareta kung saan nakalagay ang isang kusinilya, sako ng mani at mga papel na pambalot. Ang mga mani ay binubusa o sinasangag ng walang mantika kasama ang pulbos ng mais. Para raw madaling maluto at hindi masunog ang mga mani. Isang riyal ang presyo ng isang maliit na supot na tamang-tama sa tatlo katao. Mainam na kutkutin habang hinihintay matapos ang salah o prayer.

Humanga ako sa mga Sauding ito dahil hindi talaga nila ikinahihiya ang kanilang ginagawa. Sana lang, walang salmonella ang mga maning ito.

Thursday, April 16, 2009

SUNDALONG-BADING, pwede na rin!

Nangiti naman ako sa blog ng isang kaibigan ko. Binanggit niya na nangangailangan daw ng sangkatutak na mga pari ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).Sa hirap ng buhay sa ngayon, dapat ay marami na ang nag-apply. Dahil kokonti ang mga sumakay sa anunsyo, ipinahayag nila na kahit bi-guys ay pwede nang mag-apply. Hindi nga lang binanggit ng mga pari kung magkano ang sahod-buwanan ba o commission basis. Hindi rin nabanggit kung pwedeng magsuot-madre ang mga bi-guy priest paminsan-minsan.

Tila ito rin ang pahayag ng Armed Forces of the Philippines. Tatanggap na rin sila ng mga aplikanteng nasa gitna. Kung matutuloy ito, tiyak na matutuwa ang mga dati nang sundalo at kanilang mga kasintahan at maybahay. Kung walang bakbakan, nasa barracks lang sila at nagpaparlor - gupit, masahe, facial, etc. Ang kung sakaling magkadevelopan ang dalawang sundalo, hindi na mababahala ang misis ng mga barakong sundalo dahil hindi naman manganganak ang lover ng kanilang mister. Ang masama nga lamang ay kung dumami ang bading at tomboy sa military.

Tanong nga nila: "Bakit daw dumarami ang mga gay gayong hindi naman sila nanganganak?"

Sagot ko naman: "Kasi nagmuMULTIPLY sila at hindi nagdiDIVIDE!"

INCOME TAX NI OBAMA, BINULGAR

Ngayong tapos na ang pagpa-file ng Income Tax Return sa Pilipinas, pinagpipiyestahan naman ang Income Tax Return ng Pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama. Isinapubliko ang inihain tax return ng makapapangyarihan lider kung saan tinatayang kumita ang mga Obama (kasama ang kanyang misis na si Michelle) ng $ 2,656,902.00 kung saan nagbayad sila ng mga $855,000.00 sa federal at $78,000.00 naman sa state income tax.
Tingnan ang kanilang Income Tax Return dito:
http://media.mcclatchydc.com/smedia/2009/04/15/17/Talev-2009-Obama-1040.source.prod_affiliate.91.pdf

Isang hamon sa mga lider ng bansa ang ipinakitang ito ni Barack Obama. Gusto lamang niyang maging malinis ang kanyang panunungkulan sa pinakamayamang bansa sa daigdig.

Sa Pilipinas, gayahin kaya ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Pangalawang Pangulo Noli de Castro ang pagsasapubliko ng kanilang kinita sa taong 2008? Isama na rin dito ang mga Miyembro ng Kongreso at Senado nang sa gayon ay hindi manghinala ang mga mamamayan na ang kanilang mga yaman ay "HIDDEN WEALTH" na galing sa masamang paraan.

Tuesday, April 14, 2009

Cha-Cha ni Gloria


Habang papalapit ang 2010 at inaabangang eleksyon, wala pa ring tigil ang Kongreso sa pagsusulong ng Cha-Cha. Nais nilang ang Korte Suprema ang magdesisyon kung legal bang sila na lamang at hindi na isama ang Senado sa pag-aamiyenda ng Konstitusyon. Maraming abogado (at abogago) sa Kongreso pero bakit wala ni isa ang magsuri kung nasa Konstitusyon ang kanilang iniisip? Napakakumplikado ba ng Konstitusyon ng Pilipinas para hindi nila malaman kung tama ang kanilang gagawin?


Hindi raw sa pagpapalawig ng termino ni Pangulong Gloria Magapagal Arroyo kung bakit inaapura nila ang pagbabago ng Saligang Batas. Para saan kung ganoon? Sasabihin nilang maganda raw na sistema ang federalismo kung saan sa halip na Presidente ay Punong Ministro ang mamumuno sa bansa na ihahalal hindi direkta ng mga tao kundi ng kaalyado nito sa Parliamentaryo. Sa sistemang ito, maaaring kumandidato si GMA bilang isang kasapi ng Parliamento at muling mamuno bilang Punong Ministro kapag inihalal ng kanyang mga kaalyado.


Kung maganda ang sistemang Parliamentaryo, bakit inalis ito matapos mapatalsik si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos?


Kaalinsabay ng pagbabago ng sistema ng gobyerno, nais din ng ating mabubuting TONGressman na bigyan ng karapatan ang mga dayuhan na makapag-ari ng ating mga lupain at likas na yaman nang buong-buo o 100%. Bakit? Anu-ano bang mga bansa ang may ganitong probisyon sa kanilang Saligang Batas?


Ngayon pa nga lang ay nagiging dayuhan o turista na lamang tayo sa ating sariling bayan. Yong dating libreng baybay-dagat na libre nating pinaliliguan ay may bayad na matapos tayuan ng kubo-kubo at lagyan ng pader ng mga dayuhang kapitalista. Yong dating libreng tanawin sa kabundukan ay may bayad na rin matapos bakuran, lagyan ng mga cottage at swimming pool ng mga kapitalistang puti, singkit at sakang.


Kapag naamiyendahan ang Konstitusyon, lahat ng ating puntahang magagandang tanawin ay may bayad na habang sa loob nito ay nag-cha-cha ang Punong Ministro at ang kanyang mga alipores.

MGA PINOY MAHILIG MAGPUNO NG ESPASYO

Marami ko nang beses napatunayan na mahilig talagang magpuno ng espasyo ang mga Pinoy. Ayaw ng Pinoy ang kapaligirang masyadong plain o walang kaarte-arte. Kapag nakitang walang nakasabit sa dingding, kinabukasan lang ay nakasabit na roon ang diploma ni Utoy, ang graduation photo ni Ate, ang cross stitch ni Nene, ang painting ni Tatay kasama na ang isang kalendaryo, orasan at larawan ng mga paboritong artista.

Sa hardin, hindi lang sari-saring bulaklak ang nakatanim. Sa likuran ay sari-sari ring punong-kahoy at ibat'ibang klaseng gulay ang nakatanim. Mahilig gayahin ng mga pinoy ang kantang Bahay Kubo na napapaligiran din ng sari-saring uri ng halaman.

Tingnan natin ang jeep. Hindi pwedeng simple lang ang dekorasyon. Dapat ay makukulay at punong-puno ng arte ang loob at labas ng sasakyan. Kung anu-ano ang nakasabit - "Jeepney Driver, Sweet Lover!"," Magbayad nang Maaga Nang di Maabala!", "God Knows Hudas not Pay!", at kung anu-ano pang nakapaskel at nakabitin.

Hindi pwede ang simpleng kuwaderno lang. Dapat ay may balot itong matitingkad na kulay na papel kasama na ang iba't ibang disenyo. Tapos lalagyan ng mga larawan ng paboritong artista o manlalaro. Susulatan ng kung anu-anong kasabihan, etc., etc.

Sa mga handaan, hindi pwedeng kokonti ang laman ng mesa. Dapat ay hindi na makita ang ibabaw ng mesa sa dami ng putaheng nakapatong dito.

Sa labas, hindi pwedeng walang nakakabit na billboard ang mga lansangan at mga anunsyo at poster sa harap at gilid ng mga tindahan. Pati poste ng Meralco ay sangkatutak din ang nakapaskel na anunsyo.

Hindi uso ang plain white t-shirt. Dapat ay may naka-print din doon kahit na numero lang. Pati nga katawan ay hindi IN kung walang tattoo.

Sa mga opisina, parang walang ginagawa ang isng empleyado kung walang kalaman-laman ang kanyang mesa. Lagi nang tambak ito ng mga papeles at mga gamit-pang -opisina.

Kapag may bakanteng lote, isang linggo pa lang ay punong-puno na ito ng mga iskwater. Ang estero ay punong-puno na ng mga basura.

Parang malulunod ang Pinoy kapag nasa gitna siya ng disyerto. Hindi siya sanay sa payak na kapaligiran. Tila nakakadama siya ng pag-iisa kapag masyadong maluwang at maaliwalas ang paligid.
At kung susuriin ang blog ko, di ba punong-puno rin ito ng kung anu-ano? E kasi, PINOY AKO!

Monday, April 13, 2009

WASTONG GAMIT: MAY, MAYROON

May pulis, may pulis sa ilalim ng tulay.
May bibit na bayong ang pulis sa ilalim ng tulay.


Ang mga salitang may at mayroon ay halos magkasintulad ang kahulugan. Ang pinagkaiba lamang ay ang paggamit nito ng wasto sa pangungusap. Naaayon ang gamit sa sinusundang salita.

A. May ang ginagamit kung ang sumusunod na salita ay

1. Panggalan (noun) -
Halimbawa:
a. May pulis sa ilalim ng tulay.
b. May ipis ang iyong pagkain.

2. Pandiwa (verb)
Halimbawa:
a. May umaawit sa banyo.
b. May umaalulong na aso sa tumana.

3. Pang-uri (adjective)
Halimbawa:

a. May isang linggo na siyang hindi pumapasok sa paaralan.
b. May magarang sasakyan ang iyong kuya.

4. Pang-abay (adverb)
Halimbawa:
a. May iisa siyang salita.

B. Ang mayroon ay ginagamit kung ang sumusunod na salita ay isang kataga, panghalip na panao (personal pronoun) o pamatlig at pang-abay na panlunan (adverb of place).
Halimbawa:
1. Mayroon siyang malaking suliranin sa kanyang asawa.
2. Mayroon kayang pasok bukas?
3. Mayroon itong mabisang sangkap laban sa pagtatae.
4. Mayroon na ba siyang gamit sa pananahi?

Ginagamit din ang mayroon sa pagsagot sa tanong:
Halimbawa:
May asin na kaya ang sinangag?
Mayroon na.

WASTONG GAMIT: MAY, MAYROON

May pulis, may pulis sa ilalim ng tulay.
May bibit na bayong ang pulis sa ilalim ng tulay.


Ang mga salitang may at mayroon ay halos magkasintulad ang kahulugan. Ang pinagkaiba lamang ay ang paggamit nito ng wasto sa pangungusap. Naaayon ang gamit sa sinusundang salita.

A. May ang ginagamit kung ang sumusunod na salita ay

1. Panggalan (noun) -
Halimbawa:
a. May pulis sa ilalim ng tulay.
b. May ipis ang iyong pagkain.

2. Pandiwa (verb)
Halimbawa:
a. May umaawit sa banyo.
b. May umaalulong na aso sa tumana.

3. Pang-uri (adjective)
Halimbawa:

a. May isang linggo na siyang hindi pumapasok sa paaralan.
b. May magarang sasakyan ang iyong kuya.

4. Pang-abay (adverb)
Halimbawa:
a. May iisa siyang salita.

B. Ang mayroon ay ginagamit kung ang sumusunod na salita ay isang kataga, panghalip na panao (personal pronoun) o pamatlig at pang-abay na panlunan (adverb of place).
Halimbawa:
1. Mayroon siyang malaking suliranin sa kanyang asawa.
2. Mayroon kayang pasok bukas?
3. Mayroon itong mabisang sangkap laban sa pagtatae.
4. Mayroon na ba siyang gamit sa pananahi?

Ginagamit din ang mayroon sa pagsagot sa tanong:
Halimbawa:
May asin na kaya ang sinangag?
Mayroon na.

Chocoleit Nag-"GAME K N B?" Habang Nakaburol ang Ina


Ito ang iisipin ng mga OFW na nasa Gitnang Silangan. Paano nga naman, matapos maibalita sa Umagang Kay Ganda ang pagkamatay ng ina ni Chocoleit na si G. Erlinda Aguilar ay makikita siya sa tanghali na naglalaro sa Game K N B? ni Edu Manzano. Sa isang sunog namatay ang ina ni Chocoleit noong Huwebes Santo, 9 April 2009, sa kanilang tahanan sa Coca Cola Village, Matina, Davao City. Nasa Boracay ang komedyante nang maganap ang trahedya.

Alam naman natin na recorded ang show ni Chairman Edu na nagkataong pilot episode nila ito dahil binago ang format ng kaunti. Ibinalik ang mga diskarte at grupo na ang naglalaro na kinabibilangan ng tatlong kasapi. Grupo nina Chocoleit, Vice Ganda at Ate Glow ang nanalo. Hindi nga lang nila nakuha ang jackpot prize.

BUHANGIN, YELO AT TUBIG


Hindi lang po langis at gasolina ang tumatagas sa bansang Saudi Arabia. Ngayong nagpapalit na ang klima, mula sa pag-ulan ng buhangin na tinatawag na sandstorm, pasalit-salit din ang pagbagsak ng ulan. Kahapon, bago bumuhos ang malakas na ulan at malakas na ihip ng hangin, umulan muna ng tipak-tipak na yelo (hailstorm) na ang pinakamalaki ay kasinglaki ng bola ng pingpong. Buti na lang at nasa loob kami ng opisina nang mangyari iyon. Kung nagkataon, bukol ang inabot namin.
(Ang larawan ay sinipi mula sa http://wanderingpiscean.blogspot.com)

Sunday, April 12, 2009

Roger Federer - KASAL NA!

Basel, Switzerland


Basel, Switzerland



Sorry sa mga nag-iilusyon na maging maybahay ng numero dos na tennis player na si Roger Federer. Ikinasal na ang sikat na manlalaro sa kanyang matagal ng kasitanhan na si Mirka Vavrinec noong Sabado de Glorya, 11 April 2009 sa bayan mismo ni Federer sa Basel, Switzerland.

Mr & Mrs Roger FedererAng kasal ay sinaksihan ng iilan nguni't piling-piling mga bisita at kaanak ng mag-asawa. Ang kasal ay binanggit ni Federer sa kanyang webpurok na http://www.rogerfederer.com/

Elementary Graduation Song

After 36 years, I still remember our elementary graduation song. It was conducted by our Music teacher, Miss Elenita Portacio. I am not so sure about the complte title of the song. I guess it is "Mga Landas". And here it goes....

(Image copied from www.pupster.wordpress.com)

Mga Landas
Sa munti kong nayon inyong makikita,
Ang maraming landas na gawa ng paa.
Sa latag na damo na parang alpombra,
Daming landas doon kung saan papunta.


May patungo roon sa dakong taniman,
May patungo rine sa ilug-ilogan.
Mayroon ang tungo sa magulong bayan,
Na maraming tao at mga sasakyan.


Datapwa't saan man ako makarating,
May iisang landas na mahal sa akin;
Kinasasabikang yapakan at tahakin,
Ang landas patungo sa tahanan namin.


I know the tune of the song and I wish I could record it. Unfortunately, my voice is like a creaking galvanized sheet that it is better to keep it to myself.
Do you still remember your elementary graduation song?

Saturday, April 11, 2009

Pssst... At Home Ka T2


"I found my second home on TFC!" Ito ang malimit sabihin ng mga TFC subscribers na naiinterbyu sa TV. Bilang isang OFW saGitnang Silangan, libangan ko ang manood ng mga shows sa TFC pagkagaling sa trabaho. Pero noong isang linggo, nayamot lamang ako dahil napuno ng mukha ni Maricel Soriano ang bawat shows sa pagpopromote ng kanyang bagong pelikula ang pssst...T2. In fairness kay Maria, naging masigasid talaga siya nang todo-todo sa pagsasabi ng kanyang unang pelikulang handog sa taong ito.

Ang T2 ay pelikula tungkol sa mga engkanto na lumalabas o nagpapakita sa batang si Mica Dela Cruz sa Tenement 2 o T2. Pati trailer ng pelikula ay ginawa na ring katatawanan ng cast ng Goin' Bulilit!

Panoorin natin ang trailer ng pssst T2.
http://www.youtube.com/watch?v=PuGM-KjLhWE

Wednesday, April 8, 2009

Tapinac Elementary School

This is Tapinac Elementary School, located at East Tapinac, Olongapo City, Zambales, Philippines where I attended my elementary days from June 1967 until March 1973. I remember that we were the first batch who used the stage ( a project of the Parents-Teachers Association headed by Councilor Floro Cruz). It is also during our graduation that there was no Valedictorian or Salutatorian. Students who topped in a subject were given a " Best in ____ " Certificate. Noel Del Rosario and I were awarded ALL certificates during that time but I was considered the Valedictorian during that year although there is no official recognition awarded. {I copied these photos from www.site.scholars4jesus.org}
The rooms of Grade VI students are located on the second floor of this building. It was made of wood then. Now, it is made of concrete. I remember that my classmates and I used to scrub the stairs with coconut husk (bunot) going to the principal's office and our room. That task was shared with the students of Grade IV Section 1 under Miss "Ning" Ramos (now Mrs. Matawaran). I remember also how "sungit" Miss Ramos is.
By the way (before I forget them), my adviser during my elementary days are:
Grade 1 - Mrs. Flerida Balajadia
Grade 2 - Mrs. Elena Cruz
Grade 3 - Mrs. Luz Fugeda
Grade 4 - Miss De Guzman (trying to recollect her name)
Grade 5 - Mrs. Dixon and Miss Zenaida Echon
Grade 6 - Mrs. Myrna A. Ellano

Dekada 80

This is an old picture taken in December 1982 at Baloy Long Beach in Subic, Zambales, Philippines during our First Reunion after 5 years of graduation from Olongapo City National High School (Batch 1976 - 1977).

(Left to Right: Ma. Luisa Roma, Ma. Corazon Valdez (our Valedictorian and now a doctor), ? , Elenor Salcedo (now in Australia ?), Russel Julian and me. The picture is copied from the account of Resty Malia at Tripod.

It's good to reminisce good all days because it brings back memories of yesteryears. Tanda ko na pala!

Monday, April 6, 2009

Dekada 70

Mula sa aking yahoo group, nakita ko ang larawang ito na kuha noong ako ay first year o second year sa UP. Kung susuriin ang larawan, makikitang bihira ang "malulusog" noon. Tila slim ang lahat. Mapagkakamalan pa ngang nagsa-shabu ang ilan gayong hindi pa naman uso at talamak ang drogang ito. Nakatutuwang sariwain ang mga nakaraan lalo na ang Dekada 70.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...