Nakakabahala na ang paglipana ng tinatawag na pekeng bigas
na gawa diumano sa plastic at hindi malamang sangkap. Diumano ito ay naglipana
na sa buong mundo.
(Imahe mula sa http://www.philstar.com/headlines/2015/07/09/1474882/let-them-eat-fake-rice-scientist)
Noong 2015, nadiskubre ang pekeng bigas sa Tanauan, Batangas
kung kaya’t inutos ni Mayor Antonio Halili ang agarang pag-aalis nito sa mga
pamilihan. Ang pekeng bigas ay may tatak diumano na “JM”.
Matapos sunugin ang
lutong kanin sa loob ng aluminium foil, natunaw at naging tila-plastik ang
kanin. Diumano ang pekeng bigas ay gawa sa patatas at kamote at hinaluan ng
plastic resin. Ito raw ay buhat sa bansang China.
Sa post ni Cherrylyn Gecale sa kanyang Facebook account, ang
pekeng bigas ay galing sa sako ng bigas na may tatak na Gold Cup Uno.
(Imahe mula sa https://www.facebook.com/cherrylyn.gecale.7?fref=nf)
Ipinakita rin niya ang mga larawan ng kanin. Nakapaloob din ang isang video
kung saan, matunog ang pinigang kanin kapag binato sa sahig na hindi naman
dapat. Panoorin ang naturang bidyo rito https://www.facebook.com/cherrylyn.gecale.7/videos/pcb.881740221965197/881736571965562/?type=3&theater
(Imahe mula sa http://www.atovianimalg2.com/index.php/palay/)
Tunay na nakakabahala ang balitang ito lalo na at araw-araw ay isa sa pangunahin nating pagkain ay ang kanin mula sa bigas. Nararapat lamang na magdoble ingat sa pagbili ng bigas, lalo na iyong galing sa ibang bansa. Mas mabuting tangkilikin ang mga bigas na produkto ng Pilipinas. At kung maaari ay mamili na lamang ng palay at ipakiskis.
Pinatutohanan din ni Edna Sua Labaniego ang balitang ito. Sa kanyang paskel sa Facebook, dalawang bido ang nagpapakita kung bakit peke ang nabili nilang bigas. Katulad nang nauna, malakas din ang tunog ng kinimpal na kanin kapag ibinato sa sahig kumpara sa tunay na bigas.
Tunghayan ang kaniyang mga bidyo rito https://www.facebook.com/edna.labaniego.3?pnref=story
Tatlo bang brand ng imported na bigas ang lumalabas din peke. Nasa ibaba ang nasabing produkto: