Showing posts with label basel manadil. Show all posts
Showing posts with label basel manadil. Show all posts

Sunday, January 17, 2021

BASEL, the Hungry Syrian Wanderer, Inabuso nga ba ni Mr. Chang a.k.a. “Abeoji”?

    Sumambulat noong isang linggo ang hinanakit ni Basel Manadil, na mas kilala na “The Hungry Syrian Wanderer” sa YouTube kay Mr. Chang – isang Korean national, na tinawag niyang “Abeoji” na ang ibig sabihin ay “father” sa Korean. Ang sama ng loob ay inilabas ni Basel, may-ari ng YOLO RetroDiner sa Muntinlupa, sa kanyang vlog sa Youtube. Mararamdaman ng makapapanood sa video na tila “inabuso” ni Abeoji ang kabaitan ng Syrian na matagal nang naninirahan sa Pilipinas. Inabuso nga ba ni Mr. Chang si Basel?

               Matatandaang nag-krus ang landas ng dalawang banyaga nang dalawin ni Basel si Abeoji sa puwesto nito habang nagtitinda ng Korean noodles sa bangketa. Nagkataong may media outlet din yata o ibang vlogger ang kumakapanayam sa Koreano. Dahil napag-alaman ni Basel na halos limas na ang pera ni Mr. Change dahil nalulong ito sa sugal, tinulungan ito ng mabait na Syrian. Sumama siya sa tinitirhang bahay ng Koreano, nilinis, inayos, at nilagyan ito ng mga appliances na kailangan ng matanda. May ilang beses ding muli itong binisita at nilinis ni The Hungry Syrian Wanderer, kasama ng dalawa niyang crew sa YOLO Retro Diner.

               Magmula noon ay naging laman na ng vlog ni Basel si Mr, Chang, na itinuring na niyang ama. Madalas ay nakikita silang magkasamang kumakain sa isang Korean restaurant o sa iba pa. Nang magbigay ng ayuda si Basel sa mga biktima ng bagyong Ulysses, kasa-kasama rin sa vlog ang dating mayamang may-ari ng isang pamosong construction company sa Korea. Magmula rin noon ay sumikat sa social media si Abeoji. Isa na ang kanyang kababayan at artistang si Ryan Bang na magbibigay ng tiket sa kanya pauwi ng Korea. Tumaas din ang view ni Basel at maraming tao ang humanga sa kanyang kabaitan, hindi lang sa Pilipinas kundi sa Korea.

               Ang magandang samahan nina Basel at Abeoji ay naging palaisipan sa mga subscribers ng The Hungry Syrian Wanderer dahil bigla na lamang itong nawala sa eksena. Hindi nakita si Abeoji nang magdiwang ng isang simpleng Christmas party ang mga tauhan ng YOLO. Wala ring gaanong ganap noong New Year’s Day.

               At ito ngang isang linggo ay isinawalat ni Basel ang kanyang nararamdaman kay Mr. Chang, matapos kimkimin ito ng ilang buwan at matapos mapanood si Abeoji sa vlog ni Bobby sa kanyang Chong Bobby Channel. Sa isang segment ng vlog, sinabi ni Mr. Chang na hindi siya nakatanggap ng pera sa isang “someone”. May portion din sa isang video na ipinakikia ni Bobby na magulo uli ang tinitirhan ni Abeoji at nakatambak lang sa isa pang kuwarto ang mga kalat na tila may pinasasaringan. May parte rin na may hawak na mansanas at saging si Abeoji. Ang mga ito ang ilan sa mga laman ng video na ikinasama ng loob ni Basel sa Koreano at kay Bobby. May basehan ba ang kanyang hinanakit?

               Sa aking palagay ay naging biktima lang si Mr. Chang ng mga taong nais siraan si Basel. Kung hihimayin ko ang mga sinabi ni Abeoji, tila hindi naman si Basel ang tinutukoy niyang “someone”. Nasabi ko ito dahil hindi naman matatas sa wikang Ingles ang matandang Koreano. Hindi naman siguro si Basel ang nais niyang tukuyin o paringgan dahil bukod kay Basel, marami pang vloggers ang kumapanayam at sumakay sa kasikatan ng Koreanong nagtitinda ng noodles sa bangketa. Kung si Basel man ang nais tukuyin ni Mr. Chang, baka ito ay pabiro lamang dahil batid ng matandang Koreano na higit sa Php7,500.00 ang ibinigay at nais pang ibigay sa kanya ng nagugutom at palaboy na Syrian.

               Dahil sa kanyang sitwasyon sa buhay, isang dating milyonaryo na naging mahirap dahil sa sugal, naging “vulnerable” o mahina sa buyo si Abeoji. Baka siya ay sumakay lamang sa nais gawin o ipasabi ni Bobby sa anumang layuning nais nitong makamtan. Posible rin na iba naman ang nais ipahiwatig ni Mr. Chang sa kanyang mga sinasabi dahil na rin sa katutohanang hindi siya matatas sa Ingles.

               Sa aking palagay ay dapat nating unawain si Abeoji. Marahil ay naging biktima rin siya at hindi rin niya hangad ang nangyaring paghihiwalay nila ng landas ni Basel. Kaya lamang nakapagbitaw ng ganoong pananalita ang Syrian dahil mahal niya si Abeoji na itinuring na ring ama dahil sa pangungulila sa sariling ama na walong taon na niyang hindi nakikita. Kung walang halaga kay The Hungry Syrian Wanderer is Abeoji, tiyak na babalewalain na lang ng may-ari ng Yolo ang mga pangyayari.

               Natural lang na naging maramdamin si Basel dahil napamahal na rin sa binatang Syrian si Mr. Chang. Ang kanyang naramdaman ay hindi galit kung hindi panghihinayang dahil sa pag-aakalang uunlad pa ang kanilang naging reaksyon. Ang pagmamahal na ito ay napamalas ng guwapong binata nang hiniling nito sa mga followers, subscribers, at mga kaibigan na huwag i-bash ang Koreano. Sa halip ay unawain na lamang.

Ang hiling ko ay sana ay magkasundong muli ang dalawa. Humingi ng pasensya ang may kasalanan at magpakumbaba. Sa palagay ko ay maraming paliwanagan ang mangyayari sa mga susunod na mga araw – mula kay Abeoji, kay Bobby, at kay Basel. Nawa’y ang paglalabas ng saloobin ay upang maliwanagan ang isyu at hindi upang lumala pa. Dahil iba’t iba ang interpretasyon ng bawa’t isa sa mga nakikita at naririnig, nawa’y lumabas ang mga totoong saloobin. Aminin ang kasalanan, kung meron man, at humingi ng tawad.

Dalangin ko ay maging maayos na sana ang isyung ito dahil batid kong malinis at tapat ang puso ni Basel Manadil, The Hungry Syrian Wanderer. Alam ko ring hindi intensyon ni Mr. Chang o Abeoji ang makasakit ng damdamin. Baka mali rin ang naging interpretasyon ni Basel sa mga vlog ni Bobby. Anuman ang tama, sana ay makita kong nagkukuwentuhan, nagtatawanan, at kumakain ng hamburger ang tatlo sa YOLO Retro Diner sa susunod na mga araw.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...