Eksayted at maluha-luha ang maraming kabataan sa pagbubukas ng klase para sa taong 2022-2023 ngayong araw na ito, ika-22 ng Agosto, 2022.
Sa unang araw, tiyak na maraming iyakan lalo na yaong nasa kindergarten class dahil sa separation anxiety na nararanasan ng mga tsikiting. Gayunman, sa susunod na mga araw ay tiyak na mababawasan na ang mga ito at tuluyang mawawala.
Magkahalong face to face at modular ang paraan ng pagtuturo sa ngayon. Salit-salit ang pasok ng mga bata. Yong iba ay lingguhan ang face to face at modular. Ang iba naman ay may bilang lang ng araw papasok sa school ang mga learners. Gayunman, inaasahan na magiging normal na ang pagpasok ng mga bata sa Nobyembre. Harinawang, hindi na tumaas ang bilang ng nahahawa sa Covid 19.