Saturday, February 19, 2022

COMELEC official lists of candidates for the May 2022 Election

The following are the COMELEC official lists of candidates for the May 2022 election for president, vice-president, and senators:



Official List of Presidental Candidates

1. ABELLA, Ernesto 

2. DE GUZMAN, Leody 

3. DOMAGOSO, Isko Moreno 

4. GONZALES, Norberto 

5. LACSON, Ping

6. MANGONDATO, Faisal 

7. MARCOS, Bongbong

8. MONTEMAYOR, Jose  Jr.

9. PACQUIAO, Manny 

10. ROBREDO, Leni 


Official List of Vice-Presidental Candidates

1. ATIENZA. Lito

2. BELLO, Walden

3. DAVID, Rizalito

4. DUTERTE, Sara

5. LOPEZ, Manny

6. ONG, Doc Willie

7. PANGILINAN, Kiko

8. SERAPIO, Carlos

9. SOTTO, Vicente


Official List of Senatorial Candidates

1. AFUANG, Abner (Independent)

2. ALBANI, Ibrahim (WPP)

3. ARRANZA, Jesus (Independent)

4. BAGUILAT, Teddy (Liberal)

5. BAILEN, Agnes (Independent)

6. BALITA, Carl (Aksyon)

7. BARBO, Lutgardo (PDP–Laban)

8. BAUTISTA, Herbert  (NPC)

9. BELGICA, Greco  (PDDS)

10. BELLO, Silvestre  Jr. (PDP–Laban)

11. BINAY, Jejomar (UNA)  

12. CABONEGRO, Roy (PLM)

13. CASTRICIONES, John (PDP–Laban)

14. CAYETNAO,  Alan Peter  (Independent)

15. CHAVEZ, Melchor  (WPP)

16. COLMENARES, Neri  (Makabayan)

17. D'ANGELO, David (PLM)

18. DE LIMA, Leila (Liberal)

19. DEL ROSARIO, Monsour (Reporma)

20. DIAZ, Fernando (PPP)

21. DIOKNO, Chel (KANP)

22. EJERCITO, JV (NPC)

23. ELEAZAR, Guillermo (Reporma)

24. ERENO, Ernie (PM)

25. ESCUDERO, Francis (NPC)

26. ESPIRITU, Luke (PLM)

27. ESTRADA, Jinggoy (PMP)

28. FALCONE, Baldomero (DPP)

29. GADON, Larry (KBL)

30. GATCHALIAN, Win (NPC)

31. GORDON, Dick (Bagumbayan)

32. GUTOC, Samira  (Aksyon)

33. HONASAN, Gregorio (Independent)

34. HONTIVEROS, Risa (Akbayan)

35. JAVELLANA, RJ (Independent)

36. KIRAM, Nur-Mahal (Independent)

37. LABOG, Elmer (Makabayan)

38. LACSON, Alex  (Ang Kapatiran)

39. LANGIT, Rey (PDP–Laban)

40. LEGARDA, Loren (NPC)

41. LIM, Ariel (Independent)

42. MALLILLIN, Emily (PPM)

43. MARCOLETA, Rodante (PDP–Laban)

44. MARCOS, Francis Leo (Independent)

45. MATULA, Sonny (Independent)

46. MINDALAN-ADAM, Marieta (Katipunan)

47. OLARTE, Leo (Bigkis Pinoy)

48. PADILLA, Minguita (Reporma)

49. PADILLA, Robin (PDP–Laban)

50. PANELO, Salvador (PDP–Laban)

51. PIMENTEL-NAIK, Astravel (PDP–Laban)

52. PINOL, Emmanuel (NPC)

53. RICABLANCA, Willie  Jr. (PM)

54. ROQUE, Harry (PRP)

55. SAHIDULLA, Nur-Ana (PDDS)

56. SISON, Jopet  (Aksyon)

57. TEODORO, Gilberto (PRP)

58. TRILLANES, Antonio (Liberal)

59.TULFO, Raffy (Independent)

60. VALEROS, Rey (Independent)

61. VILLANUEVA, Joel (Independent)

62. VILLAR, Mark (Nacionalista)

63. ZUBIAGA, Carmen  (Independent)

64. ZUBIRI, Juan Miguel (Independent)




Friday, February 18, 2022

Ate Mylene, Confirmed na may Jowa!

Kumpirmado na may jowa o boyfriend nga ang sikat na nanay nina Mark at Maycee matapos mapanood ang huling bidyo ni Kuya Val Santos Matubang ngayong araw, February 18, 2022. Sa pagbisita ni Kuya Val sa bahay ni Ate Mylene, nakita niya roon na may naglilinis, nag-aalaga ng mga bata, at naglalaba na dapat ay ginagawa ng huli. Napag-alaman din ni Kuya Val na tila napapabayaan na ni Ate Mylene ang mga anak. Ben ang pangalan ng boyfriend ni Ate Mylene at nagtatrabaho sa ilang pabahay ni Kalingap Rab. Diumaano, anim na buwan na ang magjowa.

Nang kausapin ni Kuya Val si Mark, ang panganay sa magkakapatid, nabatid niya na may nanliligaw nga sa ina, na diumano ay nagsisiping na. Dahil dito, binabalak ni Mark na umalis na sa kanilang bahay.

Itinuro ng isang anak ni Ate Mylene ang bahay ng lalaking nanliligaw sa ina, na hindi naman pala kalayuan ang bahay sa kanila. Sa bahay, nadatnan ni Kuya Val ang anak na babae ng lalaki at sinabi nitong noong isang araw ay doon nga natulog si Ate Mylene matapos makipag-inuman sa  lalaki.

Sa nalaman, hindi naman nagalit si Kuya Val dahil karapatan naman ni Ate Mylene ang humanap ng kaligayahan. Gayunman, nais lamang ni Kuya Val na mahalin din ng lalaking ito ang mga anak ni Ate Mylene.

Dahil sa pangyayaring ito, tiyak na uulanin na naman ng batikos si Ate Mylene dahil nagsinungaling siya kay Kuya Val at Kalingap Rab. Isa pa, dahil sa lalaki ay tila napabayaan na ang mga anak. Dahil din dito, baka mabawasan ang mga sumusuporta kay Ate Mylene dahil nalaman nilang may bisyo pala ito.

Sa ngayon, hindi kailangang maghusga agad tayo lalo na sa lalaking nagpatibok muli sa puso ni Ate Mylene. Kilalanin muna natin siya.

Narito ang link kung saan mapapanood ang bidyo ni Kuya Val, kung saan bumuhos ang suporta ng mga viewers sa pinagdadaanan ni Mark sa kanyang madamdaming pagpapahayag ng saloobin.

Sa natuklasan ni Kuya Val at Kalingap Rab, maaaring putulin na nila ang suporta kay Ate Mylene at sa mga anak nito dahil may katuwang na siya sa pagpapalaki ng kanyang mga anak kung totoong mahal nga siya at mga anak ni Ben.


Thursday, February 10, 2022

Totoo o Pakitang-tao ang Bira ni Kabusiness kay Mario?

Hindi ko alam kung matutuwa o matatawa ako sa vlog ni Kabusiness tungkol kay Mario. Matapos niya kasing ipaaresto at ipahiya si Mario sa buong Pilipinas at sa bong mundo, heto at ang kanyang follow-up bidyo sa taong ito ay isang malakas na BIRA. Ang bira po ay hindi suntok kundi pagtulong diumano sa taong sinabing mga anak ang mga batang taga-Bulacan, Bulacan at isama sa pamamalimos sa Maynila.

LTO Driving License Written Test Reviewer in Filipino - Part 2

Sinabi ng dating negosyante ng mga sewing machines kay Mario na tutulungan niya itong tumira sa isang maayos na tirahan habang siya ay nabubuhay. Ito ay naganap matapos hindi makasuhan si Mario ng barangay at ng tanggapan ng DSWD, pagkatapos magpursige si Kabusiness na siya ay ipakulong.

Ang dali kasi ng pagbabagong anyo ni Kabusiness. Mula sa mabangis na tigre ay naging maamong kuting ito. Matapos ibitag ito sa mga pangil ng buwaya ay nais niya itong iligtas at dalhin sa kanyang poder matapos hindi ito sagpangin.

Image from Kabusiness YouTube channel

Ano nga kaya ang motibo ni Kabusiness kay Mario. Totoo kaya ang kanyang pagtulong o pakitang-tao lamang? Pagtulong nga kaya ang kanyang nais o para lamang tumaas ang kanyang views matapos na maraming nanood sa kanyang vlog na may kinalaman kay Mario?

Sa mga tanong na nabanggit ay sadyang si Kabusiness lamang ang makasasagot dahil alam niya sa kanyang puso ang tunay na dahilan at batid din ng Maykapal ang laman nito.  

LTO Driving License Written Test Reviewer in Filipino - Part 2

Ang nasa ibaba ay halimbawa ng mga tanong na maaaring lumabas sa pagsusulit sa LTO sa mga nagnanais kumuha ng lisensya, non-professional o professional man.


PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?

a. Baku-bakong kalsada 
b. Liko-liko ang kalsada
c. Madulas ang kalsada 


2. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?


Bawal pumasok ang _______.

a. may hilang trailer
b. karwahe
c.  closed van 


3. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?
 

a. Papalaki ang kalsada
b. Papaliit ang kalsada
c.  Makipot ang tulay 


4. Ano ang dapat mong gawin kung ang sasakyan sa likuran mo ay gustong lumusot (overtake)?

a. Gumawi sa kanan at huminto
b. Bumusina at hayaan itong lumagpas
c.  Magmarahan, gumawi sa kanan, at hayaan itong lumagpas


5. Kung ang drayber ng sasakyang nasa iyong unahan ay naglabas ng kanyang kaliwang kamay at itinuro ito sa lupa, siya ay _______.

a. hihinto
b. kakaliwa
c.  kakanan


6. Ang dalawang dilaw na linya na putol-putol ay palatandaan na:

a. Ipinagbabawal ang paglusot sa kanan
b. Maaaring lumusot pakanan o  pakaliwa kung walang peligro
c.  Ipinagbabawal ang paglusot sa kaliwa


7. Kailan dapat magdesisyon ang isang drayber?

a. Kung buhol-buhol na ang trapiko
b. Bago at pagkatapos magmaneho
c.  Habang siya ay nagmamaneho


8. Ano ang kahulugan ng senyas trapiko na kulay pula na pabilog, octagon o baliktad na tatsulok?

a. Nagtatakda o nagbabawal
b. Nagbibigay babala
c. Nag-uutos ng direksyon


9. Sa mga rotonda, alin ang may karapatan sa daan?

Ang sasakyang _______.

a. nakaharap sa berdeng ilaw-trapiko
b. papasok pa lamang sa rotonda
c. nasa paligid ng rotonda


10. Ano ang dapat mong gawin kung malayo ang biyahe?

a. Maghanda ng mga kagamitang pagkumpuni ng sasakyan
b. Planuhin ang ruta at ikondisyon ang sasakyan
c. Tama lahat ang nasa itaas
--o0o--

MGA SAGOT:

Sunday, February 6, 2022

LTO Driving License Written Examination Reviewer in Filipino - Part 1

Ang nasa ibaba ay halimbawa ng mga tanong na maaaring lumabas sa pagsusulit sa LTO sa mga nagnanais kumuha ng lisensya, non-professional o professional man.

Panuto:

Piliin ang titik ng tamang sagot.



1. Ang tamang gulang sa pagkuha ng lisensyang Non-Professional ay:

a. 18 taong gulang
b. 17 taong gulang
c. 16 taong gulang


2. Sa paglipat-lipat ng linya, dapat sumenyas, tingnan ang rear view mirror at:

a. Bumusina
b. Sindihan ang headlight
c. Tingnan kung may parating na sasakyan


3. Ang isang may lisensya ay maaaring magmaneho ng:

a. Kahit anong uri ng sasakyan
b. Sasakyang nakasaad sa lisensya
c. Pampasaherong sasakyan lamang


4. Ano ang ibig sabihin ng berdeng arrow signal trapiko?

a. Hindi pinapayagan ang pagpasok sa interseksyon na itinuturo ng arrow
b. Nagpapahintulot sa mga sasakyan na kumaliwa o kumanan
c. Nagpapahintulot sa pagtawid ng mga taong tatawid


5. Sa naka-motorsiklo na may balak lumiko pakanan, dapat gamitin na senyas ay:

a. Kanang kamay na diretsong nagtuturo pakanan
b. Kaliwang kamay na nakataas
c. Kanang kamay na nakataas


6. Ang kailangang gulang ng isang aplikante sa Professional Driver’s License ay:

a. 17 taong gulang
b. 18 taong gulang
c. 21 taong gulang


7. Kung ikaw ay palabas ng freeway, ano ang dapat mong i-tsek?

a. sukatan ng gasolina
b. hangin ng gulong
c. iyong tulin o bilis

8. Ipinagbabawal ang paglusot (overtaking) sa paanan ng tulay sapagkat:

a. Makipot ang tulay
b. Mapanganib at hindi nakikita ang sasakyang kasalubong
c. Hindi makikita ang mga tumatawid


9. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?


a. Huminto ka
b. Bawal pumasok
c. Magdahan-dahan


10. Alin sa mga sumusunod ang nakalarawan?

 

a. Babala ng daang tren 
b. Istasyon ng first aid
c. Babala ng sangandaan

--o0o--

ANSWERS:

Friday, February 4, 2022

Kaligtasan Nga Ba ng mga Bata o Paghihiganti ang Motibo ni KaBusiness sa Pagpapaaresto kay Mario?

Hindi kaligtasan ng mga bata kundi paghihiganti kaya ipinaaresto ni KaBusiness si Mario. Iyan ang gumugulo sa aking isipan matapos kong mapanood ang mga bidyo ni KaBusiness at Papadinz tungkol kay Mario. Nasabi ko ito dahil may nagawa si Mario kaya bumuwelta bigla ang sumisikat na charity vlogger. 

(Image from KaBusiness Official YouTube Channel)

Sa hindi pa nakapapanood ng kuwento tungkol kay Mario at sa mga bata na karag-karag niya sa lansangan, maaaring panoorin ang mga bidyo ni KaBusiness DITO.

Tinulungan ni KaBusiness at ng kanyang maybahay sina Mario at ang mga bata nang makita ng una ang huli na namamalimos at nakatira sa lansangan ng Novaliches. Kinuha ni KaBusiness ang mga ito ng pansamantalang matitirahan subali't dagli ring umalis ang mga ito nang makaranas ng pambu-bully ang mga bata sa ilang mga bata sa naturang lugar. Dahil dito, inilipat silang muli ni KaBusiness sa ibang tirahan.

                                (Image from KaBusiness Official YouTube Channel)

Nabigla na lang si KaBusiness nang makitang nasa lansangan muli sina Mario at mga bata. Sinabi ni Mario na kaya sila umalis ay nagugutom sila. Ito ay sa dahilang hindi sila nadalaw ng ilang araw at nabigyan ng tulong dahil na rin sa pagkamatay ng kapatid na lalaki ni Mrs. KaBusiness. Sabi pa ni Mario, tinawagan niya ang vlogger subali't pinatay nito ang telepono. Sagot ni KaBusiness, ginawa niya iyon dahil kasalukuyang inililibing ang bayaw. Dahil sa frustration, minabuti ni Mario na lisanin ang tirahang kinuha sa kanila ni KaBusiness. Dahil sa gawing ito, inalis na ni KaBusiness ang pagtulong kay Mario.

Ilang araw ang lumipas, napokus na naman ang atensyon ni KaBuddy kay Mario matapos may magpadala sa kanila ng litrato ng karatulang nakapaskel sa kariton ni Mario kung saan nakasulat na "ginamit" lang sila ni KaBusiness. Nakumpirma rin ni Papadinz na totoo ang karatula nang makita niya ito. Ang karatula ang naging senyales ni KaBuddy na busisiin ang tunay na pagkatao ni Mario matapos na may makapagsabi sa kanya na hindi tunay na mga anak ni Mario ang mga batang kayag-kayag nito.

Nagpunta sina KaBuddy sa Bulacan, Bulacan upang alamin ang katotohanan. Doon nila nalaman na nakakulong pala ang tunay na ina ng mga bata at patay na ang ama ng mga ito. Hinanap din nila ang panganay ng mga bata at nalamang nagpakilalang kamag-anak sa kanya si Mario kaya niya ipinagkatiwala ang kanyang mga kapatid dito. 

Dahil sa mga nalaman, isiniwalat ni KaBusiness sa pulisya at ahensiya ng DSWD ang kanyang nalalaman sanhi upang maaresto at maligtas ang mga bata.

Dahil sa tayming ng mga pangyayari, hindi pa rin maalis sa aking isipan kung kaligtasan nga ba ng mga bata ang tanging motibo ni KaBusiness. Hindi kaya may halong paghihiganti ang kanyang gawi dahil napahiya siya sa mga sinabi ni Mario? Kung hindi nagsulat ng karatula sa kanyang kariton si Mario na patungkol kay KaBusiness, papansinin pa kaya niya ito?

Kung anuman ang totoong motibo ni KaBusiness, siya lang ang makasasagot nito. Nasa mga viewers na rin kung ano ang kanilang konklusyon. Gayunman, wala na sa poder ni Mario ang mga bata. Ang tanong, kaya kaya ng mga nasa DSWD na tugunan ang mga pangangailangan ng mga bata? Kung oo, hanggang kailan? Hindi kaya sila maging mamamalimos pa rin sa hinaharap?

--o0o--

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...