Wednesday, August 26, 2009

Lalaking Nanggahasa, PATAY!

Namatay ang kambing na ginahasa ng lalaking lasing sa Kabisayaan ngayong araw na ito ayon sa TV Patrol. Nakakulong ngayon ang lalaki at isasailalim sa psychiatric evaluation upang malaman kung siya ay may diprensya sa pag-iisip.
Ayon sa mga hayop na nasa parang ng gabing iyon, ang kambing daw ang may kasalanan kung bakit ito nagahasa.
Matapos daw umihi ang lasing ay tinanong ang mga hayop kung sino ang may gusto ng kanyang "talong".
Sumagot daw ang kambing ng " Meeehh!"
Tinanong ng lalaki ang kalabaw kung ang kambing ang may gusto ng kanya.
" Uu ngah!" sagot naman ng kalabaw.
Hindi pa malaman ng may-ari ng kambing kung ililibing ito o kakalderitahin upang maging pulutan.

Monday, August 24, 2009

Miss Venezuela is Miss Universe 2009

Miss Universe 2009 (Stefania Fernandes) and Miss Universe 2008 (Dayana Mendoza)
First Runner up - Miss Dominican Republic

Second Runner up - Miss Kosovo

Third runner up - Miss Australia

Fourth Runner up - Miss Puerto Rico

Miss Congeniality - Miss China

Miss Photogenic - Miss Thailand



Matapos ang mahabang araw nang paghihintay, napili na rin sa wakas ang Miss Universe 2009 sa taong ito na si Stefania Fernandes ng Venezuela. Isa si Miss Venezuela ay isa sa 83 kandidata sa ginanap na coronation night sa Atlantis, Paradise Island ng Bahamas ngayong Linggo, ika-23 ng Agosto 2009. Kabilang sa mga nagwagi sina Miss Dominican Republic (Ada Aimee dela Cruz) - 1st runner up, Miss Kosovo (Gona Dragusha)-2nd runner up, Miss Australia (Rachel Finch) - 3rd runner up at Miss Puerto Rico (Mayra Matos Perez) - 4th runner up. Miss Venezuela rin ang dating Miss Universe 2008 na nagputong ng korona kay Stefania.
Luhaan ang ating mga kababayan dahil hindi man lang napasali sa Top 15 si Bianca Manalo, ang ating kandidata bilang Miss Philippines. Ang 10 pang nakabilang sa top 15 ay sina Miss South Africa, Miss Croatia, Miss Switzerland, Miss USA, Miss Iceland, Miss Albania, Miss Czech Republic, Miss Belgium, Miss Sweden, at Miss France. Kung ating mapapansin, ni walang kinuha sa Asia maliban nga lamang sa pagkapanalo nina Miss China (Wang Jingyao) at Miss Thailand (Chutima Duringdej) bilang Miss Congeniality at Miss Photogenic.

Naku, nawili sa pagchachat ang mga Pinoy kaya hindi naiboto sa pagka-Miss Photogenic ang Miss Philippines.
Bilang residente ng Australia, proud din ako sa pagkapanalo ni Miss Australia.

Saturday, August 22, 2009

Ninoy Aquino's 26th Death Anniversary




Ipinagdiriwang ng sambayanang Filipino ang ika-26 na taong anibersaryo ng kamatayan ni Senador Benigno "Ninoy" Aquino ngayong araw na ito, 21 August 2009

Marami ang umalala sa sakripisyong ipinamalas ni Ninoy na naging daan upang makalaya ang mga Filipino sa diktadurya ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Kung sinuman talaga ang bumaril kay Ninoy sa tarmac at kung sino ang mastermind ay hindi mahalaga sa ngayon. May karma naman. Bahala na ang Panginoon sa maysala.

Nagsuot ng dilaw na damit ang nakiisa sa pagdiriwang at nagkabit ng yellow ribbon.

Itong si Mang Igme, nagpaturok pa ng Hepatitis A virus para lamang maging dilaw na dilaw. (Joke lang!)

Tuesday, August 18, 2009

From Heaven to Hell


brilyani rice (cooked)

Well, ito ang mararamdaman mo kung galing ka sa malamig at pagkatapos ay mapupunta ka sa pagkainit-init na lugar. Yeah, I'm back here in Jubail. Actually, noon pang August 12. Ang kaso may jet lag pa at marami agad trabaho.
Kung maganda ang pag-uwi ko sa Sydney noong May 1, medyo palpak ang biyahe ko sa eroplano nitong pagbabalik ko sa KSA. Oriental food at lagi akong pinagsisilbihan ng una sa karamihan ng pasahero noong pauwi ako sa Australia. Nitong pagbalik ko, naku hilaw pa yong brilyani rice na isinilbi. As in, bigas pa. At hindi rin kusang nag-aalok ng tsaa at kape. Kailangang humingi ka talaga.
Tila nagbabago na ang serbisyo ng Etihad. Noong nakaraang biyahe ko, kapag matagal kang naghintay sa Abu Dhabi International Airport para sa connection flight mo, libre pa ang dinner at breakfast. Ngayon, alaws na. Dahil kaya sa global financial crisis?
Member ako ng frequent flyer ng Etihad. Dami ko ng points. Kunin ko na kaya ang reward ko at baka pati ito ay biglang mawala? Say nyo?

Friday, August 7, 2009

Josie, Aleli and Marita







If the names Joselita Adinig, Aleli Condol and Marita Galano ring a bell, then you are an alumnus/alumna of Tapinac Elementary School Batch 1973. See their faces here at their highschool reunion in the US:



Saturday, August 1, 2009

CORY AQUINO, NAMAYAPA NA


Nagluluksa ang sambayanang Filipino sa pagkamatay ni dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino kaninang alas 3.18 ng madaling araw, 01 August 2009. Si Cory ang tinaguriang Ina ng Demokrasya ng mga Filipino. Siya ay 76. Namayapa siya habang nakikipaglaban sa sakit na colon cancer.

Sa pagkakataong ito, tila bagang dininig ng Diyos ang mga dasal na huwag ng pahabain pa ang sakit na nadarama ng dating pangulo at payapang sumailalim na sa Kanyang kandili.
Inihatid sa kanyang huling hantungan si Tita Cory noong Miyerkules, ika-5 ng Agosto, 2009 sa Manila Memorial Park sa Paranaque City sa tabi ng kanyang kabiyak na si Benigno "Ninoy" Aquino.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...