Friday, December 31, 2021

Ano ang Kabila ng Masayang Ngiti ni Macki Moto?

         Masasabing isa si Mark Joseph Cunanan a.k.a Macki Moto sa mga matagumpay na vlogger sa Pilipinas. Sa umpisa ay mabagal ang paglago ng kanyang YouTube channel subali't dahil sa tiyaga at pagpupunyagi sa tulong ng Tropang Bukid (MY Empi, Double Lights, Hito Beer, Black Shadow, Miguelito, Father) ay unti-unting dumami ang kanyang mga subscribers.


        Dahil sa pagtaas ng bilang ng kanyang mga followers, subscribers, at viewers, dahan-dahan ding natutupad ang mga pangarap ni Macki Moto. Nakabili siya ng lote, sasakyan, at nakapagpatayo ng magandang bahay. Gayunman, sa kabila ng kasaganaang tinatamasa at masayang ngiti sa mga labi, tila may madilim na ulap na pilit na tumatakip sa kanya. Ano ba ito?

        Natural na masayahin si Macki Moto. Namamalas ito sa kanyang mga bidyo. Pero nitong kalahatian ng taon ay napansin kong hindi na ganoon ang taginting ng kanyang pagtawa. Ang masayahing mukha ay dagling dumidilim. Ano kanya ang sanhi nito?

        Sa aking palagay, malaki ang kinalaman ng pamilya sa biglaang mananamlay ni Macki Moto. Sa palagay ko ay hindi pa rin sila nagkakaayos ni Camera Man, ang kanyang bayaw at asawa ng kaniyang nakababatang kapatid na babae. Sanhi ito upang magkaroon ng konting lamat sa relasyon niya sa kanyang kapatid at ina. Sa mga kasayahan, kaarawan man ito o Pasko, hindi ko nakitang kasama ni Macki Moto o naging bahagi ang kanyang ina at kapatid. 


        Maaaring nakaapekto din sa kalagayan ni Macki Moto ang pagkakawatak ng Tropang Bukid. Noong una, sinabing ang paghihiwalay ay upang makapagsarili ang isa't isa at patunayan ang kanilang mga sarili. Sa aking palagay, may nabuo talagang "SOMETHING" sa grupo. Bakit kanyo? Makikita kasing kina Miguelito, Hito Beer, at Father lang nakiki-join si Macki Moto. Maging ang kanyang bestfriend na si MY Empi ay unti-unting nawala sa eksena.

        Kung talagang walang nabuong "sigalot" sa Tropang Bukid, bakit hindi na sila makita sa mga happenings? Bakit hindi tinatawagan ni Macki Moto ang iba pang dating kasapi kung kailangan niya ang tulong sa bukid o saanman? Kung kaibigan pa nga niya ang iba pang miyembro ng Tropang Bukid, bakit wala man lamang Christmas party naganap sa grupo?

        Ang dalawang dahilan sa itaas ay sapantaha ko lamang. Ipinalalagay ko na ang mga ito ang mga dahilan kung bakit malungkot si Macki Moto sa kabila ng kanyang pagtawa at pangiti sa kanyang mga bidyo.

        Ngayong Bagong Taon, sana ay maging maayos na ang lahat. Kausapin ang pamilya at makipagkasundo. Hindi ka talaga magiging masaya kung wala kang pamilyang pag-aalayan o bahahaginan ng iyong tagumpay lalo na ang iyong ina. Hindi ka magiging masaya kung may mga tao o kaibigan kang iniiwasan gayong malaki ang bahagi nito sa iyong buhay.

        Sa ating lahat, Masaganang Bagong Taon mga Kabuddy!

Sunday, December 26, 2021

Bigatin ang Pa-Christmas Bonus ni Harabas

         Bigatin talaga ang pa-Christmas bonus ni Jeff Guansing a.k.a. Harabas sa kanyang Harabas Team. Bukod sa masarap at masaganang salusalo na dinaluhan hindi lang nga kani-kaniyang, (gayundin sa iba pang guest vloggers), hindi lang tig-P10,000.00 ang kanilang Christmas bonus. Bukod kasi rito, tig- P100,000.00 ang dinagdag ni Harabas at ng kanyang misis. Hindi lang ito, sa susunod na taon, magkakaroon sila ng world tour sa Swtzerland o sa South Korea.

Jeff Guansing a.k.a. Harabas

    

(Images from Harabas Facebook Page)

        Naka-i-inspire ang ganitong gawi ni Harabas para sa kanyang mga kasamahan. Sa palagay ko ay nag-iiisip na rin ang ibang vloggers kung ano ang ibabahagi sa kanilang grupo. Nagpapakita lang ito na nais din ni Jeff na ipadama at ibahagi kung anumang tagumpay mayroon siya sa ngayon. Sana ay lumago pa ang kanilang YouTube channel upang marami pa silang matulungan na mga kababayan.

        Saludo kami sa iyo, Harabas!

         Panoorin ang mga video ng Team Harabas DITO:   

Wednesday, December 22, 2021

Malubhang Pinsala ng Bagyong Odette, Ibinahagi ng mga Vloggers

         Ibinahagi at ipinamalas ng mga YouTube vloggers sa buong mundo ang malubhang pinsala na dulot ng Bagyong Odette sa Hilagang Mindanao at Kabisayaan nitong December 16 - 18, 2021. Ang super bagyo na may international name na Rai ay pumasok sa Philippine Area of Resposibility (PAR) noong December 15, 2021 at mabagsik na nag-landfall sa Dinagat Island noong December 16, 2021 na may dalang hangin na umaabot sa 260 kilometro bawat oras. 

Surigao del Norte
(Image taken from https://moscowmulesonparade.com)

        Dahil sa malawakang pagkasira ng mga impraistraktura, transportation at telecommunication network, tanging ang mga Youtube vloggers sa Kabisayaan at kanugnog na lugar ang namahagi at nagpamalas ng hagupit at pinsala ng Super Bagyong Odette, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Nanlumo ang marami sa pinsalang idinulot ng ika-15 bagyong pumasok sa Pilipinas sa taong 2021 kung saan higit sa 275 ang nawalan ng buhay, bukod pa sa mga nawawala at nadisgrasya.

Siargao Island

            Kabilang sa unang nagbahagi ng kanyang karanasan sa bagyo ay si Thessalonica, isa sa  mga sikat na vlogger na may kinalaman sa pagsasaka at creator ng Thessalonica Farm. Sa kanyang vlog na inilathala noong December 20, 2021, maiyak-iyak at nakapanlulumong ipinakita  ni Thessalonica ang malaking pinsalang dulot ni Odette sa kanyang farm sa Bohol. Tumba lahat ang higit-kumulang sa 2,000 puno ng saging na kanyang tanim, wasak ang kulungan ng kanyang mga baboy na nawawala rin, sira  ang kanyang mga incubators, at maraming namatay sa kanyang mga alagang manok at itik, maliban pa sa pagkasira ng kanyang ipinatayong bahay, gayundin ang tinutuluyan ng kanyang mga tauhan. Sa kanyang vlog, dama mo ang kanyang lungkot at pagkadismaya dahil sa isang iglap ay nawala ang kanyang pinagpaguran. Gayunman, ipinagpasalamat pa rin ng mabait at seksing vlogger na ligtas sila at sinabing hindi niya alam kung kailan at paano makapagsisimulang muli, kahit na naroon pa rin ang pag-asa sa kanyang mga mata.

Thessalonica

            Ipinahagi naman ng The Ahern Family  sa pamamagitan ni Brian Ahern ang kanilang karanasan nang gabing dumaan ang Bagyong Odette sa tahanan ng kanyang biyenan sa Talibon, Bohol.  Nagkataon kasing bumisita silang mag-anak doon matapos na bumalik siya sa Pilipinas kasama ang dalawang anak. Biglang lakas ang ihip ng hangin nang gumagabi na hanggang magkaroon ng blackout. Natanggalan ng bubong ang bahay ng kanyang mga biyenan at nabasa ang kabahayan, maging ang mga gamit at materyales sa panggawa ng doormat. Ang nakapanlulumo, nabagsakan ng isang puno ang ginamit nilang sasakyan kaya nabasag ang salamin nito sa likuran at nayupi rin ang tagiliran. Tulad ni Thessalonica, nagpasalamat din ang pamilya Ahern dahil walang nasaktan sa kanila. 


            Halos lahat ng vloggers na naninirahan sa dinaanan ng Bagyong Odette ay may kani-kaniyang kuwento at karanasan sa pinagdaanang kalamidad. Ang iba ay hindi makapaniwala sa nasaksihan, ang ilan ay nanghinayang sa mga ari-ariang kanilang itinaguyod at iglap na nawala, at may mga vlogger naman ang dagling namigay ng tulong matapos ang bagyo. Nauna pa nga ang ilan sa mga politiko at lider ng bansa na namigay ng tulong sa kanilang mga kabarangay. 

            Isa sa mga nagpaabot ng ayuda sa mga napinsalang kababayan ay si Jigger Villacorta ng Negros. Namahagi siya ng mga isda at bigas sa kanyang mga kababayan, kahit siya mismo ay napinsala rin ng bagyo.

Jigger Villacorta

            Maraming aral ang natutunan ng ating mga kababayan dahil sa Bagyong Odette. Isa na rito ang laging pagsunod sa mga tagubilin ng ahensiya at lider ng bansa. Marami kasi ang hindi agad naniwala na maaaring super bagyo ang darating dahil napakainit ng araw at maaliwalas ang panahon noong umaga ng December 16, 2021. Laging maging handa sa oras ng kalamidad. Magtungo sa mataas at ligtas na lugar kapag ipinalilikas. Huwag magtanim ng mga mangga at puno ng niyog malapit sa bahay. Laging suriin ang estado ng bahay kahit walang kalamidad.

            Sa kabila ng malawakang pinsalang dulot ng Bagyong Odette sa buhay at kabuhayan ng mga Filipino, nanatili pa rin ang bayanihan at pagtutulungan. Dahil sa kaugaliang ito, nanatili ang pag-asa sa malulungkot ng mga mata ng mga taong nawalan ng mga mahal sa buhay (higit sa 375 katao) at/o kabuhayan. Muli silang babangon sa trahedyang ito. 

Sunday, December 19, 2021

Papa Dan Matubang, Hihigitan Kaya ang Kasikatan ni Kalingap Rab?

         Mahihigitan kaya ni Papa Dan Matubang ang kasikatan ni Kalingap Rab? Ito ang katanungang gumugulo sa mga isipan ng mga subscribers, followers, at viewers ni Rabboni James Matubang o mas kilala sa kanyang YouTube account na Kalingap Rab. Ito ay matapos ipakilala ni Rab ang kanyang pinsan na si Dan o Papa Dan, anak na kapatid na lalaki ni Kuya Val Santos Matubang, sa kanyang mga video nang bumisita sila sa iba't ibang lugar sa Maynia kamakailan at maging nang bumalik ang Kalingap Team sa Bicol.


        Sa aking mananaliksik, ang tunay na panagalan pala ni  "Papa Dan" ay Daniel Glenn Matubang. Ipinakikilala siya bilang Papa Dan ni Kalingap Rap dahil hango ito sa kanyang unang pangalan na Daniel.  Ang mga larawan na nasa blog na ito ay hango sa mga photos ni Glenn Matubang sa kanyang Facebook page. 

Papa Dhan (Glenn Matubang) at Kalingap Rab
        
        Ayon sa kanyang FB profile, Si Daniel o Glenn ay nagtatrabaho bilang Marketing Professional sa Toyota - Pasig. Nag-aral siya sa National Teachers College at sa Central Colleges of the Philippines. Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Papa Dan na "The greatest tragedy in life is not Death but a LIFE WITHOUT PURPOSE and our purpose in life is found in Jesus." Nagpapahayag ito na siya ay relihoyosong tao. Kita rin sa kanyang tatto ang malaking paniniwala sa Diyos.

        Kung ako ang tatanungin, malaki ang potensyal na sumikat din bilang vlogger si Dhan o si Glenn kung ito ay kanyang papasuking larangan dahil na rin sa angkin niyang kakisigan at kaguwapuhan. Tulad ni Kalingap Rab, mapusyaw rin ang kulay ng kanyang balat, maliban pa sa inosenteng mukha. Sa pagsama-sama niya sa mga lakad ni Kalingap Rab, marami siyang matutunan sa pagiging mabisa at magaling na vlogger. Sa bagay, ang kailangan  lamang naman upang maging matagumpay na YouTube vlogger ay dedikasyon, sipag, tiyaga, at pagiging totoo sa sarili na  makatulong. Nakatutulong man, hindi naman kailangang maganda o guwapo ka upang sumikat. Kailangang mapukaw mo ang mga manonood na panoorin ang iyong mga video at hintayin ang susunod mo pang gagawin. Maliban sa pakikiisa nila sa iyong mga karanasan, kailangan din ng mga manonood na matuto sa buhay at magkaroon ng kasiyahan matapos nilang panoorin ang iyong bidyo.


        Sa palagay ko ay malayo rin ang mararating ng YouTube channel ni Papa Dhan kung uumpisahan niya ito. Ano man ang kanyang maging content, kailangan lang niya ang maging totoo sa mga nanonood dahil sa kanila nakasalalay ang kanyang tagumpay. Nawa ay lubusan siyang magkaroon ng sapat na kaalaman mula kay Kuya Val, Ate Edna, Kalngap Rab, at sa iba pang Kalingap Team at Partners.

        Mapapanood dito https://www.youtube.com/watch?v=aEqxpty4nD8 ang video ni Papa Dhan nang ipakilala siya ni Kalingap Rab kina Bumbay at Arjun.

        Kay Papa Dhan, "Good Luck and God Bless!"

--o0o--

Tuesday, December 14, 2021

Charity Vloggers sa Pilipinas, Dumarami

        Dumarami ang mga charity vloggers sa Pilipinas. Sila 'yong mga YouTube vloggers na namamahagi ng tulong pinansyal at/o materyal sa ating mga kapuspalad na kababayan buhat sa kanilang sariling bulsa o galing sa kinita nila sa YouTube. Hindi ko batid kung sino ang nagsimula ng trend na ito subali't dumarami ang subscribers, followers, at viewers ng mga vloggers na may ganitong tema.

        Ang ilan sa mga charity vloggers na pinapanood ko ay kinabibilangan nina Kuya Val Santos Matubang, Kalingap Rab, TechRam, Pobreng Vlogger - Archie Hilario, Jose Hallorina, Virgelyncares 2.0., Pugong Biyahero, Kingluckss, atbp.  Ang iba ay nagbibigay rin ng tulong sa mga mahihirap subali't hindi talaga ito ang tema ng kanilang vlog. Kabilang sa mga grupong ito sina Raffy Tulfo in Action, Hungry Syrian Wanderer, Japer Sniper, Ivana Alawi, Harabas, Macki Moto, atbp. Ipinabahagi lang ng mga vloggers na ito ang parte ng kanilang mga kinita sa mga mahihirap.

Techram (Ramil Manalastas)

       Dahil sa pagdami ng mga subscribers at views ng mga charity vloggers, naiinganyo rin ang iba na ito ang gawin nilang tema. Dahil maraming subscribers at views, marami rin ang kikitain ng isang vloggers. Sa totoo lang, pangunahing layunin ng isang vlogger ang kumita kahit papaano dahil hindi naman madali ang mag-vlog. Pinagtutuunan ito ng salapi, oras, at panahon. Kapareho na rin ito ng isang taong pumapasok sa opisina o pabrika dahil ang pagba-vlog ay isa na ring hanapbuhay.

 (Image from YouTube)

        Matatandaan na kaya biglang dumami ang subscribers ni Virgelyncares 2.0 ay dahil sa kaniyang vlog tungkol kay Mura Padua. Nag-trending ito nang humingi siya ng tulong sa kanyang kaibigang si Mahal (RIP). Dumami rin ang mga subscribers nina Kuya Val at Kalingap Rab nang i-feature nila si Christian, ang dating taong grasa na natagpuan ng mga kamag-anak. Ito rin ang dahilan kung bakit luminya na rin sa charity vlog si Kabusiness na dati ay nagtitinda lang ng mga makinang panahi at tutorial ang tema ng kanyang vlog. 

(Image from YouTube)

        Kung tutuusin ay iisa lang ang content ng mga charity vloggers pero bakit umaangat kaagad ang iba kumpara sa ilan? Sa aking palagay ay nasa dedikasyon ang isa sa mga dahilan. Pangalawa, dapat ay nasa puso talaga ang pagtulong. Ang unang layunin ay makatulong at hindi upang dumami ang views at kita. Pangatlo, dapat ay hindi scripted ang ginagawang pagtulong at pagbibidyo. Sa aking mga napapanood, nararamdaman kung scripted ang ilan sa mga ito. Ibig sabihin, may sinusunod na script o istorya ang vlogger at ang tinutulungan. Lumalabas tuloy na hindi natural ang mga emosyon ng mga tinulungan at tumutulong. Kung baga, hindi nakaaantig ng damdamin ng mga nanonood at ng potensyal na mga sponsors. Kapag natural ang pagtulong at walang sinasaulong sasabihin ang tinutulungan, mararamdaman mo ang kanilang mga emosyon. 'Yong iba kasi ay pinagmumukha pang kaawaawa ang isang tutulungan na hindi naman talaga ganoon kagrabe ang kalagayan. Mahahalata mo  rin sa ibang charity vloggers na hindi tumataas ang subscribers at views ay ang layunin nilang kumita. Mas nakapokus sila sa madaragdag na subscribers, viewers at kita. Mapapansin ito sa mga vloggers na nakikipag-collab sa mga sikat nang charity vloggers. Binibisita nila ang mga ito upang mahikayat ding mag-subscribe sa kanila ang mga subscribers at sponsors nito. Sa palagay ko ay hindi epektibo ang ganitong istratehiya. Nanonood ang isang viewer dahil sa content at sincerity ng isang vlogger. Nais ng manonood ang sumaya, matuto, at makiisa sa karanasan ng vlogger at ng mga nakapaligid sa kanya.

        Sa mga nagnanais na maging charity vlogger, isapuso na pagtulong talaga ang una ninyong layunin. Ang premyo ay darating sa araw na hindi ninyo inaasahan. Maging natural at totoo. Sinceridad ang susi ng tagumpay.

Malay & Thai Oil Massage - Part 2: Back, Trapezius, Shoulder

 Matuto ng Malay at Thai Oil Massage. Sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang.

1. Position your body at the center of gravity, palm walk on the vertebrae muscles along the spine, upwards and downwards (3x). Don’t press on the spine.

Iposisyon ang iyong katawan sa gitna ng grabidad, palakarin ang palad sa mga kalamnan ng vertebrae sa kahabaan ng gulugod, pataas at pababa (3x). Huwag diinan o pindutin ang gulugod.

 

2. Change body position by switching the other leg to support your body. The transition should be smooth. Do palm walk on the other side of the spine.

Baguhin ang posisyon ng katawan sa pamamagitan ng paglipat ng kabilang binti upang suportahan ang iyong katawan. Ang paglipat ay dapat na smooth o banayad. Palakarin ang palad sa kabilang panig ng gulugod.

 

3. Use both thumbs to press the inner of the vertebrae/spinal muscle. Don’t press on the spine. Breathe out as you press. Do until you reach the trapezius then press downwards.

Gamitin ang magkabilang hinlalaki upang pindutin ang panloob na kalamnan ng vertebrae o gulugod. Huwag pindutin/diinan ang gulugod. Huminga habang pumipindot/dumidiin. Gawin  ito hanggang sa maabot mo ang trapezius, pagkatapos ay pindutin/diinan  pababa.

4. Then press on the other side of the vertebrae muscle, upwards and downwards. These cycles could be repeated 2 – 3x. For low back pain, focus on the lower part of the back, pressure should be low to high.

Pagkatapos ay pindutin ang kabilang panig ng kalamnan ng vertebrae, pataas at pababa. Ang mga cycle na ito ay maaaring ulitin ng 2 – 3 beses. Para sa sakit sa mababang likod, tumuon sa ibabang bahagi ng likod, ang presyon ay dapat magsisimula sa mababa pataas.

5. Palm walk on both sides of the vertebrae muscle. Use great pressure yet consistent and rhythmic, upwards and downwards.

Palakarin ang palad sa magkabilang panig ng vertebrae muscle. Gumamit ng matinding presyon ngunit pare-pareho at maindayog, pataas at pababa.

6. Applying massage oil be must rhythmic with very light pressure. Oil should spread over areas to be massaged. This will give a relaxation effect.

Ang paglalagay ng massage oil ay dapat na maindayog na may napakagaan na presyon. Ang langis ay dapat kumalat sa mga lugar na mamasahihin. Ito ay magbibigay ng maginhawang epekto.

 

7. Press the middle of the back with both palms, and twist inwards and outwards. This is very good for low back pain.

Pindutin/Diinan ang gitna ng likod gamit ang dalawang palad, at i-twist papasok at palabas. Ito ay napakabuti para sa sakit sa mababang likod.

 

8. As this is rigorous for the therapist, breathe constantly while making the strokes. For example, breathe out with 3 strokes, breathe in with 2 strokes.

Dahil ito ay napakahirap para sa therapist, huminga palagi habang ginagawa ang mga stroke. Halimbawa, huminga palabas pagkatapos ng 3 stroke, huminga ng malalim pagkatapos ng 2 stroke.

 

9. Effleurage of the back: Apply firm pressure with palms and fingers together, slide up until neck. Breathe out as you press.

Effleurage ng likod: Lagyan ng matatag na presyon/matinding presyon nang magkadikit ang mga palad at daliri, i-slide pataas hanggang leeg. Huminga palabas habang pumipindot/dumidiin.

10. Use 2 thumbs to slide up, pressing the inner side of the vertebrae muscle.

Gumamit ng 2 hinlalaki upang mag-slide pataas, pindutin/diinan ang panloob na bahagi ng kalamnan ng vertebrae.

11. Position your knees at the client’s lower part of the buttock, apply full body weight with straight arms onto the upper back, and glide down slowly, forcefully.

Iposisyon ang iyong mga tuhod sa ibabang bahagi ng pigi ng kliyente, ilapat ang buong timbang ng katawan gamit ang mga tuwid na braso sa itaas na likod, at dumausdos nang dahan-dahan, nang may puwersa.

12. Finger massage at sides of buttock, both sides. Do it in a circular motion. Move upwards to the side of the back as well. Vary by separating the fingers to create a claw.

Masahihin ng daliri ang mga gilid ng puwit, sa magkabilang gilid. Gawin ito ng paikot. Gawin din ito pataas sa gilid ng likod. Ibahin sa pamamagitan ng paghihiwalay ng mga daliri upang lumikha ng claw o pangalayka/pangkamot.

13. Repeat effleurage of back: Now with your knees below the buttock. Apply with firm pressure with palms and fingers together, slide up until neck, then until shoulder, then until armpit. Breathe out as you press.

Ulitin ang effleurage ng likod: Ngayon na ang iyong mga tuhod ay nasa ibaba ng puwit. Ilapat nang may mahigpit na presyon na magkakasama ang mga palad at mga daliri, i-slide pataas hanggang leeg, pagkatapos hanggang balikat, pagkatapos hanggang kilikili. Huminga palabas habang pumipindot/dumidiin.

 

14. Massage the trapezius muscle. Use kneading technique, with rhythmic movements. Then knead from right shoulder to left. Bring variety to your movements. Finish the cycle with effleurage from neck to elbow. Repeat 3x.

Masahihin ang kalamnan ng trapezius. Gumamit ng pamamaraan ng pagmamasa, na may ritmikong paggalaw. Pagkatapos ay masahin mula sa kanang balikat hanggang kaliwa. Iba-ibahin iyong mga galaw. Tapusin ang cycle gamit ang effleurage mula leeg hanggang siko. Ulitin ng 3 beses.

15.       Massage the shoulders with your palms.

Masahihin ang mga balikat gamit ang iyong mga palad.

16. Praying mantis: Let customer’s feet support your buttock, put both customer’s hands on your knees. Gently pull the customer’s shoulder up, ask him to breathe in when you pull. You should breathe out when pulling his shoulder. Be extra careful.

Praying mantis: Hayaang suportahan ng mga paa ng customer ang iyong puwitan, ilagay ang dalawang kamay ng customer sa iyong mga tuhod. Dahan-dahang hilahin ang balikat ng customer pataas, hilingin sa kanya na huminga nang malalim kapag hinihila mo. Dapat kang huminga palabas kapag hinihila mo ang kanyang balikat. Maging maingat.

--o0o--

Kung nais panoorin ang bidyo sa YouTube, i-klik ITO.

Source/Pinagmulan:

Jaya Ventures

Senses OX

Monday, December 6, 2021

Mayroon Bang ALS A&E Test Para Sa Batch 2021-2022?

         Dahil sa pandemya dulot ng Covid-19, hindi nagkaroon ng Alternative Learning System (ALS) Accreditation & Equivalency (A&E) Test para sa Batch 2019 at 2020. Ang naging basehan ng pagtataya upang pumasa ang isang learner ay ang kanyang Presentation Portfolio.  Ang sinumang nakakuha ng 28 puntos pataas para sa Batch 2019 ay sapat na upang maihanay ang pangalan ng isang mag-aaral sa Register of Completers and Passers at pagkalooban ng Katunayan ng Pagtatapos. Maliban sa 28 points, ang learners ng Batch 2020 ay kinailangan pang pumasa sa English Reading ang Writing test upang pumasa.


        Magkakaroon ba ng ALS A&E Test para sa Batch 2021? Iyan ang katanungan nais malaman ang kasagutan ng mga kasalukuyang mag-aaral ng ALS. Kung tutuusin, dapat ay nakapagsulit na ang mga mag-aaral dahil ito ang panahon ng pagsusulit kung magbabasehan ang mga nakaraang taon. 

        Sa ngayon ay wala pang ibinababang memo ang DepEd hinggil kung magkakaroon ng pagsusulit o hindi. Ito ay sa dahilang naghihintay pa sila ng abiso mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases o IATF lalo na at unti-unti nang bumababa ang kaso ng Covd-19 at tumataas ang bilang ng nabakunahan na.

        Para sa ilang ALS implementers, sapat na ang Presentation Portfolio upang matasa kung may nalaman ang mga mag-aaral at bigyan sila ng katunayan. Gayunman, maraming ALS teachers at DepEd officials ang naniniwalang hindi sapat ang portfolio dahil hindi nila tiyak kung ang mga mag-aaral nga mismo ang gumawa ng mga ito. Kahit may rubriks na pagbabasehan, naroroon pa rin ang "subjectivity concern" lalo na kung ang magtatasa ay kabilang sa iisang regional o division office ng DepEd. Batid naman natin na nais ng mga School Division Office (SDO) at Regional Offices ng Department of Education na marami ang pumasa sa ALS. Magkaminsan kasi, nakabase ang mga bonus at benefits sa performance ng mga tanggapang ito.

        Dahil wala pang kasiguruhan kung magkakaroon ng A&E Test, maraming mga mag-aaral ng ALS ang kinakabahan na sa posibleng pagkakaroon ng pagsusulit sa mga unang buwan ng susunod na taon. Dahil sa uncertainty na ito, ngayon pa lang ay dapat nang magbalik-aral o mag-review ang mga mag-aaral sa kanilang mga binasa at natutunan. Hindi kailangang maging kampante ang lahat. Dapat, tulad ng isang boyscout, "Laging Handa".

        May mga indikasyon na magkakaroon ng pagsusulit sa A&E. Isa na rito ang pagkakaroon ng mga bar at board exams. Pangalawa, isinasagawa na rin ang face-to-face learning sa mga piling public and private schools, sa elementarya, sekondarya, at maging sa mga kolehiyo at pamantasan sa buong bansa. Pangatlo, bumababa na nga ang kaso ng Covid-19 at dumarami na ang porsyento ng mga nabakunahan na. 

        Kung magkakaroon ng pagsusulit sa ALS A&E para sa Batch 2021-2022, makatutulong ang mga reviewers ko na naka-post sa blog na ito - Alternative Learning System at blogger.com. Ang mga ito ay base sa mga ALS Modules at sa mga nakaraang pagsusulit. Simulan na ninyo ang pagre-review habang maaga pa. Mahirap na ang magsisi sa huli. 


Friday, December 3, 2021

Ano ang Hydroponics at Bakit ito Mahalaga?

         Ang populasyon ng mundo ay patuloy na dumarami. Sa kasalukuyan, nalalapit na sa 8 bilyon ang naninirahan sa mundo. Dahil dito, patuloy ring tumataas ang layuning makamit ang mga pangunahing pangangailangan para mabuhay. Sa paghahangad na magkaroon ng matitirhan, nakokompromiso ang lupang pagkukunan ng pagkain. Ang mga palayan ay nagiging subdivision sanhi upang malimitahan ang pagproprodyus ng pangkain. Dahil dito, isa ang hydroponics sa nakikitang alternatibo ng agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain.


        Ano nga ba ang hydroponics? Nagmula ang hydroponics sa mga salitang Griyego na "hudor" na ang ibig sabihin ay "tubig" at "ponos" na may kahulugang "trabaho". Samakatuwid, ang hydroponics ay may kinalaman sa "pagtatrabaho sa tubig." Katunayan, ang hydroponics o hydroponic gardening ay isang alternatibong pamamaraan ng paghahalaman na gumagamit ng tubig sa halip na lupa. 

        Ano-ano ang pagkakapareho at pagkakaiba ng hydroponics sa tradisyonal na pagtatanim? Ang pangunahing pagkakaiba ng hydroponics at tradisyonal na pagtatanim ay may kinalaman sa lupa. Hindi kinakailangan ng hydroponics ang lupa upang makapagprodyus ng halamang-pagkain. Gayunman, ang dalawang pamamaraan ay nangangailangan pa rin ng liwanag, oxygen, tubig, at carbon dioxide.  Sa tradisyonal na pagsasaka, nakukuha ng mga halamanan ang mga nutrisyong kailangan nito mula sa lupa. Sa hydrodopics, sa halip na magmumula sa lupa ang mga nutrisyong kailangan ng halaman, ang mga ito ay direkta nang inihahalo sa tubig na pagtatamnan. Kadalasan, ang mga ugat ng mga halaman sa tradisyonal na pagsasaka ay sapat na upang suportahan ang kanyang sarili. Nangangailangan ng mga growing media tulad ng tali o lubid,  tukod, paper towels, filter paper, vermiculite, perlite, at petri dishes ang mga tanim sa pamamagitan ng hydroponics upang ang mga ito ay mabuhay at maging matatag. 

        Bakit mahalaga ang hydropnics? Ang paggamit ng hydroponics ay nagbibigay ng maraming pakinabang sa mga magsasaka o nagtatanim ng halaman na tila walang magawa kapag may mga problemang lumilitaw bilang resulta ng mga pagbabago, natural man o gawa ng tao, sa kapaligiran. Ilan sa mga bentahe ng hydroponics ay ang mga sumusunod:

        - Ito ay nagpapahintulot sa mga halaman na tumubo sa mga lugar kung saan ang pagtatanim ay tila imposible–halimbawa, mga disyerto, mga lugar na natatakpan ng yelo, mga submarino at maging sa mga laboratoryo sa kalawakan.

        – Nababawasan ng hydroponics ang pagdepende sa lupa. Kaya, kahit na ang mga sustansya sa lupa ay naubos na, ito ay maaaring palitan ng isang sustansyang solusyon na maaaring mabili ng pre-mixed o nakahanda.

        – Tinitiyak nito ang mas mabilis na paglaki at mas malusog na mga halaman dahil ang mga sustansya ay direktang ipinapasok sa mga ugat ng halaman. Ito ay hindi tulad ng tradisyonal na pagtatanim, kung saan ang mga ugat ng halaman ay nag-aaksaya ng maraming enerhiya mula lamang sa "paghanap" ng mga sustansya kaysa sa paglaki.

        – Ito ay environment friendly. Ang pag-aalis ng mga sakit na nagmumula sa lupa ay humantong sa kaunting paggamit ng mga pestisidyo.

        – Ito ay nagpapahintulot sa lupa na maibalik ang sarili nito nang walang anumang kaguluhan mula sa mga magsasaka o nagtatanim ng halaman.

        Kahit maraming bentahe ang paggamit ng hydroponics sa pagtatanim, ito ay hindi nag-iisang solusyon sa ating mga problema sa pagtatanim. Marami ring limitasyon ang hydroponics. Unang-una na rito ay ang gastusin, Hindi kaya ng ordinaryong magsasaka ang bumaling agad sa hydroponics dahil nangangailangan ito ng malaking halaga sa unang paghahanda pa lamang at sa pagmimitini. Pangalawa, ang karaniwang magsasaka ay mahihirapang sundin ang mahigpit na pangangailangan ng halaman sa hydroponic gardening. Pangatlo, hindi lahat ng uri ng gulay ay maaaring itanim sa pamamagitan ng hydroponics. Yaon lamang mga halaman ng may matitibay at magagaspang na mga ugat ang mainam na itanim.

        Ating napag-alaman na ang hydroponics ay hindi isang perpektong alternatibong pamamaraan ng agrikultura. Tulad ng anumang iba pang sistema, mayroon itong mga disadvantages. Ang pinakamahalagang aral na itinuturo ng hydroponics ay ang pagdepende sa lupa ay hindi maaaring magpatuloy magpakailanman. Magagawa pa rin ang pagkain kung isasaalang-alang lamang nating subukan ang iba pang mga "materyal" na maaaring mas bersatil at marami.

--o0o--

Sanggunian:

ALS Module on Hydroponics

Thursday, December 2, 2021

Pagpapalit ng mga Kandidato sa Halalan sa Pilipinas (Substitution of Candidates in Philippine Elections)

        Alinsunod sa Seksyon 77 ng Batas Pambansa Bilang 881 o mas  kilala bilang Omnibus Election Code, maaaring palitan ang mga kandidato para sa mga elective office. Gayunman,  ang pagpapalit ng mga kandidato ay pinapayagan lamang sa mga kaso ng kamatayan, pag-withdraw o diskwalipikasyon ng orihinal na kandidato.


        Sa mga kaso ng pagkamatay o pagkadiskwalipikasyon, ang kahalili o kapalit ay maaaring maghain ng kanyang Sertipiko ng Kandidato (Certificate of Candidacy) hanggang sa kalagitnaan ng araw ng araw ng halalan. Gayunpaman, sa mga kaso ng withdrawal, ang kapalit ay maaari lamang maghain ng kanyang Certificate of Candidacy sa loob ng panahong itinakda ng Comelec.

(Image from https://maharlika.tv)

        May mga limitasyon sa pagpapalit. Hindi ito pinapayagan para sa mga independiyenteng kandidato. Gayunpaman, sa kabila ng kawalan ng kaugnayan sa pulitika, pinapayagan ang pagpapalit para sa mga kandidato sa barangay. Dagdag pa rito, tanging isang taong kabilang at pinatunayan ng parehong partidong pampulitika ng orihinal na kandidato ang maaaring maging kapalit. Kahit na ang kahalili ay naging miyembro lamang ng kaparehong partidong pampulitika ng orihinal na kandidato pagkatapos ng kamatayan, pag-withdraw o pagkadiskwalipikasyon ng huli, ito ay pinahihintulutan at ang pagpapalit ay mananatili. Bilang karagdagan, alinsunod sa Comelec Resolution No. 10430 (na ipinahayag noong 01 Oktubre 2018), ang kahalili para sa isang kandidatong namatay o nadiskwalipika sa huling paghatol, ay maaaring maghain ng Certificate of Candidacy hanggang sa kalagitnaan ng araw ng araw ng halalan sa kondisyon na ang kahalili ay pareho ang apelyido ng pinalitan.

---o0o---

Sanggunian:

Sa post na inilathala ng Nicolas & De Vega Law Offices

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...