Thursday, June 30, 2011

Pinoy Samut-Sari: Agua Bendita, Buntis Na!

Pinoy Samut-Sari: Agua Bendita, Buntis Na!

Agua Bendita, Buntis Na!

Buntis nga ang si Agua Bendita o Andi Eigenmann. Ito mismo ang pinatunayan ng kanyang inang si Jaclyn Jose sa isang interbyung naganap sa Antipolo kung saan nagte-taping ng Maalaala Mo Kaya ang beteranang aktres.

 Hindi tuwirang sinabi ng ina ni Gabrielle ( sa Minsan Lang Kita Mamahalain ) ang pangalan ng ama ng bata subali't binanggit nito na ang dating kasintahan ang tatay ng  ipinagbubuntis ng anak. Maaalala na si Albie Casino ng Mara Clara ang dating kasintahan ni Andi.

Ang nangyari kay Andi at sa iba pang kabataang babaing nabuntis na wala sa panahon ay pagpapakita lamang ng bumababang moralidad ng mga kabataan na isang malaking hamon sa Simbahang Katolika at sa pamahalaan. Ito ay dahil sa kawalan ng pagtuturo ng relihiyon at kagandahang asal sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Marami ang nakikisimpatiya sa nangyari kay Andi subali't hindi dapat ipagwalang-bahala na ang kanyang ginawa ay hindi maganda. Dahil dito, hindi siya nararapat na idolohin ng madla. Napabalita ring naging dalagang-ina ang kapatid niya sa ama at tila ipanagmamalaki pa ito ng dalaga. Maaaring purihin si Andi at ang kapatid nito sa pagpapatuloy nila sa kanilang pagbubuntis NGUNI'T dapat kondinahin ang kanilang pagtatalik ng hindi kasal. Sabagay, ganito rin yata ang nangyari sa kanyang inang si Jaclyn Jose nang pumatol ito sa may-asawa nang si Mark Gil noon.

Nagtataka rin naman ako kung bakit hindi pa binabanggit ng kampo ni Andi kung sino talaga ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Ang ina lang naman kasi ang nakakaalam kung sino ang nakabuntis sa kanya. Hindi naman siguro ito itatanggi ni Albie kung siya man.

Monday, June 27, 2011

Pilipinas Got Talent Season 2 Grand Winner - Marcelito Pomoy

(Ang imahe sa itaas ay hango sa www.abs-cbnnews.com)

Tinanghal na grand winner sa katatapos na Pilipinas Got Talent Season 2 si Marcelito Pomoy ng Imus, Cavite. Kung maaalala, siya ang pinili kong mag-uuwi ng korona noong nagsisimula pa lamang ang kumpetisyon. Kumanta ng "The Prayer" si Marcelito kahapon sa Araneta Coliseum kung saan binigyan siya ng standing ovation ng mga manonood gayundin ng mga huwado na kinabibilangan nina Kris Aquino, Ai-Ai delas Alas at Freddir Garcia. Nakuha ng  19.56% na boto si Marcelito samantalang  18.32% naman ang Happy Feet at 9.46% ang Freestylers.

Bilang kampeon nagkamit ng 2 milyong piso si Marcelito. Tunghayan dito ang pinanalong pagtatanghal ni Marcelito:


Panoorin naman natin ang performance ng Happy Feet:



Panoorin din natin ang death-defying performance ng Freestylers ng Calamba, Laguna:

Saturday, June 25, 2011

Ben & Sam - A Filipino Indie Film


Indie films in general, are low-budgeted films featuring mostly new and aspiring actors. Most theme of indie films centers on subjects not ordinarily shown on big-budgeted film such as extreme political satire, religious fanaticism, homosexuality, etc.

Karamihan sa mga Pinoy na napanood ko na ay nakapokus sa buhay-buhay ng mga macho dancers, pokpok at mga bading. Ang tema kasing ito ay hindi basta-basta naipapalabas sa mga pampublikong sinehan lalo na nga at may kasama pa itong mga hubaran at pokpokan. Mga temang nagaganap naman sa tunay na buhay. Ang kabaklaan ay nasa paligid na ng sining lalo pa sa pelikula subali't tila iniiwasan itong pag-usapan. Ito rin ang dahilan kung bakit ang homosexuality ay inililihim pa gayong bukas na ang mga mata ng karamihan sa usaping ito.

Ang Ben & Sam ay may ganitong tema, pag-iibigan ng dalawang bakla. Malinis ang pagkakagawa ng pelikula. Walang tilian, murahan at magagaspang na salita. Ang mga gumanap ay hindi mga trying-hard. Maganda ang pagdedeliver ng dialogue at polido. Magaling ang direktor at hindi masasabing kulang sa budget ang pelikula.Kahit na nagpakita ng mga et-et, hindi masasabing malaswa sa kabuuan ang pelikula.

Thursday, June 23, 2011

UUWI NA SI TATANG










KUNG MAY impiyerno sa lupa, masasabi ni Tatang na ang lugar na kinasadlakan niya ngayon ang lugar na iyon. Matapos ang dalawang araw na pahinga, nalaman niya kung bakit walang ngumingiti sa datihang trabahador na  dinatnan nila. Animo'y bilanggo sila sa lugar na iyon. Crusher plant ang kanilang pinagtatrabahuhang ewan niya kung saang lupalop matatagpuan. Ang paroo't parineng sasakyan ay mga dump trucks na humahakot ng mga tinipak na bato o tinatawag na gravel o aggregate sa wikang Ingles na may iba't ibang sukat. Pero ang mga ito ay nakikita lamang nila sa kalayuan. Napag-alaman din ni Tatang na ang pinagtatrabahuhan ay hindi mismong sponsor nila kundi ipinasa lang sila bilang mga rental workers. Limang buwan din atrasado ang suweldo ng mga trabahador at kinakaltasan pa ang kanilang mga overtime. Dahil dito, ipinasya ni Tatang at iba pang kasamahan ang tumakas.


ANG PAGTAKAS sa lugar na iyon ay naganap dalawang buwan matapos nilang dumating. Kasama si Ambo at apat na kasamahan, isa-isa silang lumusot sa bakod sa kalaliman ng gabi. Dala ang pagkain at ilang galong tubig, tinahak ng anim ang malawak na disyerto sa kadiliman ng gabi. Nguni't ang pagtakas ay hindi naging madali. Hindi nila alam kung saan direksyon sila patungo. Hindi nila nakita ang daang tinatahak ng mga dump trucks na pumapasok at lumalabas ng kanilang planta. Ubos na ang kanilang baong tubig at pagkain nang makita nila ang landas na iyon. Nguni't wala na silang lakas na magpatuloy pa. Nagisnan na lang nila ang kanilang mga sarili sa isang madilim na kuwarto sa loob mismo ng crusher plant.


SA ARAW-ARAW ng ginawa ng Diyos, walang ginawa si Tatang kundi mag-isip kung paano tatakasan ang kalagayan. Manhid na ang kanyang katawan sa pahirap na ginagawa sa kanya at iba pang kasamahan dahil sa pagtakas na ginawa. Binawasan ang kanilang rasyon ng pagkain at pinahaba ang kanilang oras sa pagtatrabaho. Kalaunan, tila nawalan na siya ng pag-asang makakaalis pa sa lugar na iyon.


Naibsan ang kaniyang awa sa sarili nang matanggap ang unang suweldo, limang buwan matapos umalis ng Pilipinas. Kulang sa napagkasunduan ang perang iyon nguni't wala na siyang nagawa. Pinagpasalamat na lang at nabayaran ang kaniyang pinagtrabahuhan. Dahil hindi nakakapunta ng kabayanan, naging problema kung paano maipapadala sa Pilipinas ang kakapirangot na salaping iyon. Ipinasya niyang itago at ipunin na lang ito. 


Nagbago ng istratihiya si Tatang kung paano tatakasan ang lugar na iyon. Naging masunurin siya. Kinaibigan ang mga nakatataas sa planta, maging mga guwardiya at mga driver ng mga truck. Ilang buwan din bago niya nakuha ang loob ng mga ito. Ewan niya kung saan nanggaling ang alak, niyaya siya isang gabi ng naging kaibigang Yemeni. Doon sila sa trak nito nag-inuman na may kalayuan din sa kanilang planta at kampo. Dinaya niya ang Yemeni. Palihim niyang itinatapon ang kanyang tagay. Malalim na ang gabi nang plastadong nakatulog ang kaibigan. Binuhat at ibinaba niya ito sa trak.


HINDI NIYA ALAM kung ilang oras na siyang nagbibiyahe pero hindi pa rin niya naaabot ang highway ng kabayanan. Baka naman mali ang kanyang direksyon? Baka sa halip na makalabas ay papasok siya lalo sa kalibliban ng disyerto. Ilang sandali pa ay may natatanaw na siyang mga ilaw, palatandaang nalalapit na siya sa highway. Nguni't sa kamalasang palad, huminto ang kanyang sasakyan. Ubos na ang gasolina!


Hindi siya pinanghinaan ng loob. Lakad-takbo ang kanyang ginawa upang marating ang highway. Pagsapit doon ay nagsisigaw siya sa katuwaan. Naghalo ang kanyang luha at sipon sa kagalakan. Kalahating oras siyang nakaupo sa tabi ng daan nang may humintong kotse sa kanyang harapan.


"Filibini?", tanong ng isang binatang Arabo.


Tumango siya. Ilang sandali pa ay lulan na siya ng magarang sasakyan. Huminto ito sa isang gasolinahan at sila ay kumain. Naubos niya ang pagkaing inorder. Nang nagpapatuloy na sila ng biyahe ay may inalok na tubig ang Arabo. Agad niya itong ininom.


NANANAKIT ang ibabang bahagi ng katawan ni Tatang nang magising. Mataas na ang sikat ng araw. Hindi niya halos maigalaw ang sarili. Nagulat siya nang makitang nakababa hanggang tuhod ang suot niyang pantalon kasama ang kanyang brief. Hindi pa man ay nahulaan na niya ang nangyari sa kanya, lalo na nang kapain niya ang kanyang puwerta. Mahapdi. May namumuong dugo. Nawawala rin ang kanyang pitaka. Napasigaw siya sa galit na nilamon lamang ng init ng paligid at katahimikan ng guhong gusaling pinagdalhan sa kanya.


Hindi niya mawari kung paano siya nakarating muli ng highway. Ang alam niya, sinundan niya ang bakas ng gulong ng isang sasakyan. Pero bago sumapit sa bukana ng highway ay nawalan na siya ng malay dahil sa gutom, pagod at pananakit ng katawan.


MAINGAY at nagkakasayahan ang lugar na kanyang namulatan. Iginala niya ang mga mata nguni't wala siyang makita sa payak na kuwartong iyon. Pinilit niyang bumangon at binuksan ang pinto. Nahinto sa kantahan ang mga taong mabungaran niya sa labas. Isa ang lumapit sa kanya.


"Okay ka na, kabayan?." bungad nito. Naramdaman ni Tatang na namasa ang kanyang mga mata.


Tulad niya ay biktima rin ng mapang-abusong amo ang anim na Pinoy na nakilala niya. Sa iba't ibang panig ng lugar nagbuhat ang mga ito. Naging magkagrupo nang minsang magkita sa isang parke sa kabayanan. Hinuhuli ng mga pulis ang mga natutulog sa parke kaya't isa-isang nagpulasan. Nagtagpo-tagpo sa isang madilim na lugar ang anim. Si Junjun ay 32 anyos, may asawa at 2 anak, taga-Laguna at apat na taon nang patago-tago. Si Mang Fermin ay 52, biyudo at may 3 anak, pitong taon ng TNT. Binata si Erwin, taga-Quezon. Taga-Davao naman si Ali, isang Muslim, binata pa sa gulang na 40. Treinta y siete naman si Mando, may isang anak nguni't walang asawa, taga-Malabon. Tulad niya ay binata at bata pa si Joey sa idad na 24. Taga-Baguio ito. Sa pagkukuwento ng mga ito ay nalaman niya kung bakit tumakas sila sa kanilang mga sponsor. Pinalitan ang kontrata, delay ang sahod, hindi binabayaran ang overtime, pangit at mabahong accommodation, hindi pinapagbakasyon at tangkang panghahalay sa kaso ni Joey.


Sa ilang araw na pagtigil niya roon ay alam na agad niya kung bakit pinagtangkaang gahasain ng amo si Joey. Magandang lalaki ito, maputi, makinis, walang bigote at may kalamyaan ang boses at kilos. Ilang linggo at nakumpirma niya ang hinala sa katauhan nito. Dahil sa pangungulila at init ng katawan, hinayaan niya si Joey na gawin sa kanya ang magpapaligaya rito isang gabing tulog na ang mga kasamahan.


Upang mabuhay at magkapera, isinama siya ng anim sa raket nitong pagtatanim ng gulay sa isang gulayang pag-aari ng isang mabait na Arabo. Noong una'y bantulot siya dahil nagka-phobia na siya sa nangyari sa kanya. Lihim na hindi niya ibinunyag kahit kay Joey. Nguni't nang makita niyang matanda na ang Arabo ay pumayag na rin siya.


Isa pang raket nila ang pamumulot ng mga lata ng softdrinks sa kabayanan. Ibinibenta nila ito sa halagang 4 na riyals kada kilo. Iniipon nila ito sa loob ng isang buwan at pinaghahatian ang pinagbebentahan. Ito ang kanilang pinadadala sa kanilang mga mahal sa buhay. Masayang-masaya si Tatang nang makapagpadala ng 1,000 riyals sa kanyang mga magulang. Sa loob ng pitong buwan ng kanyang pag-alis, ngayon palang siya nakapagpadala ng pera. Nagpagaan ito sa hirap ng loob at katawan na kanyang nararamdaman.


Masasabing okay na sana ang kalagayan nila pansamantala kung hindi nagkahulihan noong isang linggo. Nahuli sina Junjun, Ali at Mang Fermin nang biglang masakote ng mga pulis habang namumulot ng mga lata. Wala na silang nabalitaan sa mga ito. Ayos na rin ang pagtatanim nila ng gulay sa matandang Arabo nguni't nang mamatay ito pagkalipas ng apat na buwan at mapalitan ng anak ay pinaalis na sila. Ayaw masangkot sa gulo ang bagong may-ari. Malaking multa kapag nalaman ng otoridad na may nagtatrabaho roon na walang mga dokumento. Dahil dito, nagkahiwahiwalay ang grupo. Magkasama sina Mando at Erwin at sila naman ni Joey ang magkasama.


GUSTONG-GUSTO na niyang sumuko. Apat na taon na siyang nagpapakabusabos sa lupaing iyon. Naging madalang ang pagpapadala niya ng pera sa mga magulang magmula nang magkahulihan at mapaalis sila sa taniman ng gulay. Kung anu-anong raket ang ginawa nila ni Joey. Naroong dumayo sa dalampasigan upang maghuli ng tilapia at  alimasag o manguha ng halaan at pagkatapos ay ibenta sa mga kapwa Pilipino. Naroong manghingi sila ng pagkain sa mga naging kaibigang kababayan. Inalok na silang dalawa na bibigyan ng tiket pauwi ng isang grupo subali't tumanggi sila. Ayaw nilang umuwing bigo. Napag-alaman pa niya sa Pilipinas na nailit na ang kanilang lupang sakahan dahil hindi sila makabayad sa oras. Lalong tumindi ang galit ni Tatang sa ahensiyang nagpadala sa kanya dito at sa kompanyang binagsakan.


SA ISANG LUGAR na malapit sa kabundukan inakala niyang susuwertihin na  sila ni Joey. Ipinasok sila ng naging kaibigang Pinoy na maging tagahugas ng plato sa restaurant na pinagtatrabahuhan. Ayos na sana ang kalagayan nila roon subali't makalipas ang tatlong buwang pagtatrabaho ay hinihingan na sila ng tong ng Pinoy. Kung hindi sila magbibigay ay isusuplong sila sa mga maykapangyarihan. Pinalampas ni Tatang ang panggigipit na iyon. Subali't nang mahuli niyang pinagnanakawan pa sila nito ay nagtimping umalis na lamang nang walang paalam.


Muli ay naging laman sila ng mga basurahan at dumpsite. Dahil sa walang mga dokumento ay hindi sila makakuha nang matinong trabaho. Paekstra-ekstra lang upang magkalaman ang sikmura at  makapagpadala ng konting salapi sa mga mahal sa buhay. Nagtataka na nga ang kanyang Amang at Inang. Sampung taon na raw ay hindi pa siya umuuwi. Nagdahilan siya at nagpasiya kalaunan na ihihinto muna ang pakikipag-usap sa mga ito maliban ang pagpapadala ng konting pera.


Ang balak niya noon na isuplong sa mga pulis ang kompanyang pinagtatrabahuhan ay hindi na niya nagawa. Unang-una ay hindi niya maituturo kung saan ang lugar na iyon. Ni hindi nga niya alam kung ano ang pangalan ng kompanyang iyon. Nang minsang pumunta siya sa tanggapan ng POLO, sinisi pa siya ng mga tauhan doon. Bakit daw siya tumakas? Mahihirapan daw ang mga itong mapauwi siya sa Pilipinas. Ang pag-uwi sa Pilipinas nang walang-wala ay kinatakutan niya. Hindi na siya bumalik pa sa POLO. Sinisisi pa nga niya ang mga tauhan ng POLO sa nangyari sa kanya. Kung ginawa lang ng mga ito nang mabuti ang kanilang mga trabaho ay disin sana'y hindi sila nalagak sa isang kumpanyang hindi maganda ang trato sa mga manggagawa. Bakit hindi nagsiyasat nang husto ang POLO para kilatisin ang mga kumpanyang nangangalap ng trabahador sa Pilipinas bago nila ito bniigyan ng permiso? Ang nangyayaro kasi, sapat nang makita ng mga taga-POLO na may tatak ng Chamber of Commerce & Industry ang isang papeles ay inaaprubahan na nila ito. Ni hindi man lang tinatawagan o pinupuntahan ang lokasyon ng mga kumpanyang ito. Hindi sapat ang kanilang ginagawa upang mangalagaan ang mga OFW.


Sa mga oras, araw, buwan at taong nababalot siya ng lungkot, pighati, sakit at problema ay naroon si Joey na umaalalay sa kanya. Alam niyang mali ang kanilang relasyon. Subali't iyon lamang ang kaya niyang itumbas kay Joey sa mga pagdamay at pagkalinga nito sa kanya. Pagdamay na hindi nagtagal. Nagkasakit si Joey at kailangang maipagamot. Sa tulong ng isang kaibigang Pinoy ay nadala ito sa ospital. Gumaling naman ito subali't sa deportation bureau napunta nang makalabas ng ospital. Nabalitaan na lamang niyang nakabalik na ito ng Pilipinas. Kung ilang araw niyang iniyakan ang pangyayaring iyon. Gusto na niyang sumuko. Magpahuli na rin upang makasama si Joey at mga mahal sa buhay. Nguni't nanaig pa rin ang kanyang hangaring may mabago sa kanyang pagbabalik.




HINDI NIYA namalayan na humihina na ang kanyang katawan. Pumuputi na ang kanyang buhok. Lumalabo ang mga mata. Mag-aapatnapung taon na siya sa lupain ng mga kamel. Mga taong puno ng pakikipagsapalaran at pagdurusa. Hindi siya sumuko sa hamon ng buhay kahit na nga nabalitaan niyang namatay na ang mga magulang. Ang nagpaligaya lang sa kanya ay ang pangyayaring nakabili na sila muli ng bagong lupang sasakahin, nakapagpatayo ng malaking bahay at napag-aral ang mga kapatid. Nagkaasawa na rin ang mga ito at may ilan ng mga anak. Ito ay bunga ng kanyang pagpupunyagi. Hindi niya inalintana ang gutom at hirap sa pagtatrabaho. Balewala sa kanya ang init at lamig ng panahon. Ayos lang na gumaspang ang kanyang mga palad sa paghuhukay ng lupa, mapasma sa paghuhugas ng sangkaterbang plato  at manakit ang likod sa pagbubuhat ng kung anu-ano, makapagpadala lang ng konting riyal. Sinusuwerte lang siya kapag nagpapagawa sa kanya ng mga sasakyan ang mga naging kaibigang Pinoy kahit na nga nanganganib din ang mga itong makasauhan.


Wala na siyang nararamdamang hapdi, kirot at hiya kung may gumagamit sa kanyang katawan kapalit ang ilang pirasong salapi Titiisin niya ang lahat ng pasakit at sama ng loob maiahon lang sa hirap ang mga mahal sa buhay na iniwan.  Hindi na baleng hindi niya maabot ang kanyang mga pangarap basta't maabot ng mga ito ang bituing pinapangarap. Sa lahat ng ito ay may nag-iisang konsolasyon sa kanya. Patuloy na naghihintay sa kanya si Joey at nagmamahal. Ito ang nagpatuloy ng mga bagay na hindi niya nagawa sa kanyang pamilya. Sa kanila tumira si Joey nang mapauwi sa Pilipinas at patuloy na naghihintay sa kanyang pagbabalik.


UUWI NA SI TATANG. Babalik na siya sa lupang sinilangan. Maraming nabago at pagbabago sa kanyang buhay. Naging laman ng diyaryo, radyo, telebisyon at internet ang kanyang naging kapalaran sa Gitnang Silangan. Maraming ahensiya ng pamahalaan ang tumugon. May mga batas na ipinasa ang Kamara at Senado. Maraming tulong ang ipinangako ng Pangulo para sa mga OFW na tulad niya. Binalasa ang mga embahada at konsulado  ng Pilipinas sa iba't ibang panig ng mundo na tutugon sa mga problema ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong-dagat.


Alam ni Tatang na sa kanyang pagbabalik ay marami pang pagbabagong magaganap. Masarap sanang damahin kung maimumulat lang niya ang mga mata at maikikilos ang katawan sa kahong kanyang kinahihigaan ngayon.


Kung nagustuhan mo ang iyong nabasa, pakiboto dito. Paki-click ang nominee no. 8 dito:
http://www.pinoyblogawards.com/2008/12/let-countdown-begins.html

Wednesday, June 22, 2011

Changes on Australian Skilled Migration Points Test

(Above image from www.nationalvisas.com)

Beginning 01 July 2011, those applying for an Australian skilled visa has to comply with the new points test. With this amendment, coming to Australia to work and reside will be very difficult and competitive. Now, an applicant needs to score at least 6  in all areas of the IELTS, although it will garner zero point. Those who study and work in Australia will get more points. Being sponsored by a relative is pointless so as speaking with one of the community languages unless you are accredited by NAATI. The only positive with this amendment is that applicant's age is extended to 50 years old, although no point is given for those in 45 - 50 range.

With this stringent policy, Australia could not recruit their needed skilled workers as perceived.

For additional and further information, read this:
http://www.immi.gov.au/skilled/general-skilled-migration/pdf/points-test.pdf

Talentadong Pinoy ng TV 5


Napanood ko sa internet ang  June 18 replay episode ng Talentadong Pinoy ng TV 5. Host ng nasabing programa ang kabiyak ni Judy Ann Santos na si Ryan Agoncillo. Ang palabas ay isang talent show ng mga Pinoy na nagpapamalas ng iba't ibang uri ng talento sa pagsasayaw, pagkanta, pagmamagic at kung anu-ano pa. Hurado ng araw na iyon sina Bayani Agbayani, Tuesday Vargas, Congresswoman Lucy Torres -Gomez at Direktor Joey Javier Reyes. Ang kanilang puntos ay ikatlo ( 1/3) sa kabuuang puntos ng mga kalahok. Ang 2/3 ay manggagaling sa panel ng hurado na kinabibilangan ng mga personaheng nanggaling sa iba't ibang antas ng lipunan. Ang show ay ipinapalabas tuwing 8:30 - 10:00 PM tuwing Sabado at 7:30 - 9:00 PM kung Linggo.

Ang nagwagi ng gabing iyon ay ang Dancing is Fun, isang grupo ng mga kabataang mananayaw. Ito ang kanilang ika-limang panalo. Tunghayan ang kanilang perfromance dito:


Ang ikinagusto ko sa palabas na ito ay dahil konsepto ito ng mga Pinoy kahit na nga ba mayroon na rin ganitong uri ng mga palabas. Hindi kasi ito de-kahon at galing sa Kanluran tulad ng mga palabas ng Big Brother, Got Talent, The Price is Right, The Biggest Loser, You Think You Can Dance, etc. Dahil kasi sa mga syndicated na mga palabas na ito, nahihinto ang malikhaing pag-iisip ng mga Pinoy na makabuo ng mga bagong programa. Talamak na kasi sa daigdig ng telebisyon ang mga palabas na buhat sa ibang bansa o kinopya sa ibang bansa. Kokonti na ang may tatak-Pinoy talaga. Kaya rito, saludo ako sa namamahala ng TV 5. Sana'y gumawa pa sila ng mga ganitong programa nang sa gayon ay makaagapay sila sa mga dambuhalang istasyon ng telebisyon tulad ng ABS-CBN at GMA.

Monday, June 20, 2011

Thor and Green Lantern


Napanood ko noong isang araw ang pelikula ng mga Marvel characters na sina Thor at Green Lantern via the internet. Para akong nasa sinehan habang nanonood sa mga pelikulang ito (isa-isa syempre) dahil kita mo ang pagtayo ng mga tao sa simula at kapag natatapos na ang palabas. Dahil kuha lang sa kung saang sinehan, malabo ang Green Lantern pero naintindihan ko naman ang istorya. Hindi hamak na mas may kalinawan ang Thor kaysa Green Lantern.

Hindi ko na matandaan kung sinu-sino ang bida sa dalawang pelikula dahil mahirap namang tandaan ang mga pangalan nila lalo pa't hindi naman panay ang paggawa nila ng pelikula at ang panonood ko ng sine. Ang masasabi ko lang, nakatipid ako ng pambayad sa sinehan dahil sa internet.

Monday, June 13, 2011

KC Concepcion at Sam Milby sa Forever And A Day


Habang binabalatan ko ang nilagang itlog na nilagay ko sa steamer tray habang nagluluto ako ng sinaing, naririnig ko sa di-kalayuan ang sound ng TV. Kasalukuyang ininterview si KC  Concepcion at Sam Milby sa The Buzz (replay) hinggil sa kanilang ginawang pelikula na may pamagat na Forever And A Day na dinirehe ng pamosong direkotr na si Cathy Garcia-Molina. Nakatakdang ipalabas ang pelikulang ito sa Miyerkules, ika-15 ng Hunyo, 2011 sa Pilipinas. Hihintayin ko na lang itong ma-upload dito sa internet kahit na may nagtatayuang anino sa harapan. Wala naman kasing ihuhusay sa pagganap dito si KC at ang bulol managalog na si Sam. Magiging magaling siguro si Sam sa pagganap kung maitutuwid nito nang husto ang pagsasalita ng Filipino. Hindi kasi maka-relate masyado ang mga Pinoy sa kanya. At alam kong dahil lang sa kanyang hitsura kaya siya hinahangaan ng iba. At kay KC naman, kailangan pa niyang mahasa nang husto sa pag-arte. At dahil sa estado ng kanyang buhay, hindi pa rin maramdaman ng masa ang kanyang pagganap.

Iniintriga ni Toni Gonzaga si Sam na kung liligawan ba raw nito si KC kung sakaling hindi pa nito boyfriend si Piolo Pascual. Noong 2008, sinabi kasi ni Sam na liligawan nito ang dalaga nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Walang tuwirang maisagot si Sam at halatang umiiwas sa tanong.

Sabay entra naman nitong si Tata Ambo at sinabing mas bagay sina Sam Milby at Piolo Pascual. 'Yun na!

Dallas Mavericks Win NBA 2011 Championship Series


Nagluksa ang mga fans ng Miami Heat matapos talunin ng Dallas Mavericks sa iskor na 105-95. Dahil sa panalong ito at makakuha ng 4-2 sa serye, nakopo ng Mavs ang kampeonato sa NBA 2011 Championships sa mismong homecourt ng mga Heat.

Tinanghal naman na Most Valuable Player (MVP) sa seryeng ito si Dirk Nowitzki ng Mavs.

Sunday, June 12, 2011

The Shortest Man 2011 is a Pinoy

(Junrey with Ryan Chua. Image from http://yfrog.com/h26kmrlj)

It's official! The world's shortest man is Junrey Balawing, at 23.5 inches as recognized by the Guinness Book of World Records. Junrey celebrates his 18th birthday today, 12 June 2011.

For other photos of Junrey and additional information, visit...
http://www.dailymail.co.uk/news/article-2002094/Junrey-Balawing-worlds-new-smallest-man-enjoys-1st-beer.html

Tuesday, June 7, 2011

Excerpt from Saudi Labor Laws - Leaves


Part VI - WORK CONDITIONS AND CIRCUMSTANCES
Chapter Four - Leaves
Article 109:
1) A worker shall be entitled to a prepaid annual leave of NOT LESS THAN TWENTY ONE (21) DAYS, to be increased to a period of NOT less than THIRTY (30) DAYS if the worker spends five consecutive years in the service of the employer.

Ang isang manggagawa ay may karapatan sa HINDI BABABA sa DALAWAMPU'T ISANG ARAW na bakasyong may bayad na itataas sa HINDI BABABA sa TATLUMPUNG ARAW kung siya ay nanilbihan na nang higit sa LIMANG TAON sa kanyang pinagtatrabahuhan.


Less than 5 years = 21 days paid vacation leave per year (or pro-rata if less than one year)
After 5 years = 30 days paid vacation leave
 =========================================
Alam kong marami sa mga OFW na 15 days lang ang binibigay na bakasyon na may bayad. Mali po ito. 21 araw na ang may bayad kung wala pang limang taon sa kumpanya. Kapag kayo ay nasa ika-anim na taon na, 30 araw na dapat ang bakasyon nyo na may bayad.

Kung may tanong tungkol sa Saudi Labor Laws, ilagay lang sa komento....

Monday, June 6, 2011

Miami Heat Leads 2-1 in the NBA 2011 Championship Series


Nakamit ng Miami Heat ang kanilang ikalawang panalo laban sa Dallas Mavericks sa kanilang ikatlong laro sa NBA 2011 Championship Series sa iskor na 88-86. Hindi naging bentahe sa Dallas Mavericks ang paglalaro sa kanilang home court kagabi, ika-5 ng Hunyo, 2011. Muling pinangunhan ni Dwyane Wade ang Heat sa puntos na 29 at 11 rebounds.

Update:  The MAVS lead the Series 3-2 by winning the 5th game 112-103 against the HEAT.


UPDATE: The Dallas Mavericks won the 4th Game by 3 points , 86 - 83. The scoreboard stands at 2-2.

Abangan ang kanilang ika-4 na sagupaan!

Athena Mae Imperial Wins Miss Philippines - Earth 2011



Nakamit ng kandidata ng Casiguran, Aurora na si Athena Mae Imperial ang korona ng Miss Earth - Philippines 2011 sa pageant na ginanap sa Puerto Princesa City Kahapon, ika-5 ng Hunyo, 2011. Ang iba pang nagwagi ay kinabibilangan nina:
 JONAVI RAISA QUIRAY (Puerto Princesa City) - Miss Philippines - Air

MURIELLE ADRIENNE ORAIS (Cebu City) - Miss Philippines - Water

MICHELLE GAVAGAN (Las Pinas City) - Miss Philippines - Fire


TARHATA CLIO SHARI RICO (Makati City) - Miss Philippines - Eco


Ginawad din ang mga special awards kina:


Diane Querrer of Tanauan City - Miss Talent at Best in Cultural Costume
Miss Thunderbird Resorts: Brenna Gamboa of Fil. East Coast - Miss Thunderbird Resorts
Miss New Placenta: Mary Denisse Toribio of the City of Malolos - Miss New Placenta
Miss Friendship: Norella Nacis of the Municipality of Sto.Tomas, La Union - Miss Friendship
(All images from http://missphilippines-earth.com/)

Nadal Wins French Open 2011 Tennis Title

(From www.rolandgarros.com)
Muling pinataob ni Rafael Nadal ang kanyang mahigpit na katunggaling si Roger Federer upang makamit ang French Open 2011 Tennis Tournament Title. Ito ang ika-anim na pagkakataong talunin ng Kastila ang Swisso sa Roland Garros kahapon sa iskor na 7-5, 7-6, 5-7, 6-1.

Sa iba pang detalye, basahin dito:
http://www.thejakartapost.com/news/2011/06/06/nadal-beats-federer-6th-french-open-title.html

Sunday, June 5, 2011

Li Na Wins French Open 2011 Ladies Single Title


Nasungkit ni Li Na ng Tsina ang kampeonato sa Ladies Single ng French Open Tennis Tournament 2011. Tinalo niya ang Italianang si Francesca Schiavone sa iskor na 6-4, 7-6 na may hawak ng korona.

Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa laban, basahin dito: http://www.telegraph.co.uk/sport/tennis/frenchopen/8556802/French-Open-2011-Li-Na-makes-history-as-she-claims-womens-title-by-beating-Francesca-Schiavone.html

Bukas ay nakatakdang maglaban sa Mens Single ang mahigpit na magkaribal na sina Roger Federer at Rafael Nadal.

Thursday, June 2, 2011

Professional Jealousy


Hindi lamang homesickness ang dinaranas ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Gitnang Silangan o saanmang bansa sila nagtatrabaho. Isa na rito ang professional jealousy o inggit sa tuwirang salita. Dahil sa inggit ay nag-away ang dating magkaibigan. Nangyari ito noong isang araw. Ipinasok ng aming dating trabahador ang isa niyang kakilala nang magkaroon kami ng bakante. Dahil wala pa kaming napipiling tauhan upang mamahala sa aming mga sasakyan at equipment, hinirang pansamantala ng aming boss ang hindi pa nagtatagal na trabahador. Dahil dito, napailalim ang tauhang nagpasok sa kanya. Namuo ang inggit sa matagal ng trabahador. Inakalang nagtsumikap ang bagong dating sa aming boss para makuha ang posisyong iyon. Isang paratang na mali dahil noon pa ay tumanggi na ang bagong trabahador dahil nga sa lilikhaing kontrobersya. Sinabi naman ng aming amo na kapag may napili na ay agad siyang papalitan. Kahit na nagkaganoon, iniwasan naman ng baguhan na utusan ang nagpasok sa kanya. Magkagayunpaman, dahil sa kakitiran ng isip at maling hinala, nabuo ang inggit sa puso ng datihan. Nagkasagutan minsan ang dalawa kaya ipinasya ng baguhan na lumipat ng kuwarto. Mula noon ay hindi na nag-usap pa ang dalawa.

Nito ngang Linggo, tila sumabog na bulkan ang namumuong init sa katawan ng datihan. Iniwasan na siya ng baguhan nang anyo silang magkakasalubong ay hinabol pa nito ang una at saka sinapak. Kahit nasaktan, hindi gumanti ang baguhan. Nagtuloy lang ito sa workshop. Gayunpaman, sumugod pa rin ang mainggiting datihan. Dahil dito, dumampot na ito ng isang spanner para ipagtanggol ang sarili. Sugod pa rin ang datihan. Itinapon ng baguhan ang hawak na spanner at binigwasan ang sumusugod. Sapol at sumubsob sa semento a ng manunugod. Pagkatayo ay nagtatakbo ang war freak upang tawagin ang kanyang kapatid. Ang baguhan naman ay takbo sa opisina at nagtago sa loob mismo ng kuwarto ng boss namin na wala pa noon. Doon siya naabutan ng 2 magkapatid at pinagtulungan.
(SUSO ang bansag ng mga Pinoy sa trabahador na malapit sa kanyang Boss)

To make the story short, ipinakulong ang tatlo. At kalahating araw silang ibinilad ng mga pulis sa matinding init ng araw. Ang nakakalungkot lang sa istoryang ito, bukod sa naparusahan din ang umiiwas sa away, ay kapwa mga Pinoy ang mga nasasangkot na mga pasaway. Mahirap talagang tantyahin ang isipan ng bawa't isa. Mapagbibitangan kang suso kahit trabaho mo naman ang iyong ginagawa.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...