1. Maramin dahilan kung bakit naitatag ang imperyalismo ay kolonyalismo ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog- Silangan Asya. Alin dito ang hindi?
MAPARAMI ANG KANILANG LAHI
2. Pagpapalakas ng ekonomiya ang isa sa mga pangunahing motibo ng mga Kanluranin sa pananakop. Marami silang mga ithiin. Alin sa mga ito ang HINDI?
GAGAMITIN NILANG TAMBAKAN NG KANILANG MGA BASURA
3. Ito ang unang bansa sa Europe na nakarating sa Asya sa pamamagitan ng paglalayag sa karagatan.
PORTUGAL
4. Nasakop ng mga Portuges ang Macau noong 1557.
5. PILIPINAS - ito ay ang nag-iisang bansa na nasakop at naging kolonya ng Spain sa Asya.
6. Ang Dutch India Company ay itinatag ng NETHERLANDS sa Indonesia na may layuning higitan ang mga kakumpetensyang bansa nito.
7. Ang Britain ang nagtatag ng pinakamalaking imperyo sa mundo. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kanilang imperyo?
FORMOSA
8. Ito ang dahilan kung bakit nakuha o nasakop ng United States ang kapangyarihan sa Pilipinas.
RESULTA NG PAGWAWAGI NILA LABAN SA SPAIN
9. IMPERYALISMO - ang pananaw na ito ay umusbong dahil samatinding sigalot at pag-aagawan ng mga makapangyarihang bansa sa kanilang mga territory.
10. Marami ang naging epektop ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya. Alin sa mga sumusunod ang HINDI?
NANATILI ANG KULTURA NG MGA KATUTUBO DAHIL TINUTULAN NILA ANG ANUMANG IMPLUWENSYANG KANLURANIN DAHIL SA KANILANG PAGHIHIMAGSIK
II. Tukuyin ang dahilan ng pananakop ng mga Kanluranin na isinasaad ng bawat pahayag.
ESTRATEHIYA AT SEGURIDAD 1. Magkaroon ng outlet para sa labis na populasyon.
POLITIKAL 2. Kinailangan ng mga bansang mananakop na palakasin ang kanilang hukbong sandatahan at hukbong pandagat.
NASYONALISMO 3. Ang pagkakaroon ng teritoryo ay batayan ng pagdakila at pagbibigay karangalan sa bansa upang itaguyod ang pambansang pagkakakilanlan.
PANGKABUHAYAN 4. Pangunahing motibo ng mga mananakop na palakasin ang kanilang ekonomiya at pagyamanin ang kanilang bansa.
KAPANGYARIHAN AT KATANYAGAN 5. Ang pagkakaroon ng maraming teritoryo ay nangangahulugan ng malakas at makapangyarihang bansa at makakukuha ng respeto sa ibang bansa.
MORAL AT HUMANITARYAN 6. Ayon sa mga imperyalistang bansa na ang kanilang pananakop ay para mapalaya ang mga tao sa mapaniil na pamumuno.
PANGKABUHAYAN 7. Nais din ila na magkaroon ng pamilihan sa mga surplus na produkto.
MORAL AT HUMANITARYAN 8. Inisip ng mga Kanluranin na ang kanilang pamumuhay ay higit na mas mataas ang antas nila sa mga katutubo.
KAPANGYARIHAN AT KATANYAGAN 9. Ang mga mananakop ay may hangaring maging tanyag dahil sa kanilang paglalayag sa karagatan at pagtuklas o pananakop ng mga bagong lupain.
ESTRATEHIYA AT SEGURIDAD 10. Isa ring dahilan ng mga Kanluranin sa pananakop ay ang pagkakaroon ng mga base militar sa ibayong dagat.
III. Pag-isaisahin. Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod.
1. Magbigay ng mga bansang Kanluranin na sumakop at nagtatag ng kanilang kolonya at imperyo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.
a. Amerika o United States
b. Espanya o Spain
c. Pransiya o France
d. Netherlands
e. Britanya o Britain
f. Portugal
2. Mga dahilan ng imperyalismo at kolonyalismo
a. PANGKABUHAYAN - Palakasin ang ekonomiya at pagyamanin ang kanilang bansa.
b. MORAL AT HUMANITARYAN - Para mapalaya ang mga tao mula sa mapaniil na pamumuno.
c. ESTRATEHIYA AT SEGURIDAD - Pagkakaroon ng mga base militar sa ibayong dagat
d. NASYONALISMO - Ang pagkakaroon ng teritoryo ay batayan ng pagdakila at pagbibigay karangalan sa bansa upang itaguyod ang pambansang pagkakakilanlan.
e. KAPANGYARIHAN AT KATANYAGAN - Ang pagkakaroon ng maraming teritoryo ay nangangahulugan ng malakas at makapangyarihang bansa at makakukuha ng respeto sa ibang bansa.
f. POLITIKAL - Kinailangan ng mga bansang mananakop na palakasin ang kanilang hukbong sandatahan at hukbong pandagat.