Showing posts with label life begins at 60. Show all posts
Showing posts with label life begins at 60. Show all posts

Thursday, June 4, 2020

Page 1 - Senyor na ang Mamay P

December 2, 2019 nang ganap na maging senior citizen ang inyong Mamay P. Nang araw na iyon, certified na “datan” na ang inyong lingkod, nabibilang na sa ibang yugto ng buhay ng isang nilalang. Ang idad ko ay sapat na upang tawaging lolo, ingkong, tatay, grandpa, granddad o anumang tawag sa isang matandang lalaki. Pinili kong tawaging Mamay dahil ito ang tawagan sa lalawigan ng Quezon at Batangas, kung saan matatagpuan ang aming tahanan sa Pilipinas.


Gusto ko mang mag-aplay ng identification card o I.D. upang kilalaning isang bonafide na senior citizen ay hindi maaari dahil wala ako sa Pilipinas nang sumapit ang aking ika-60 na kaarawan. Kasalukuyan akong nasa bansang Australia noon dahil na rin sa aking pagiging permanent resident ng bansang may bansag na “down under”. Ang nangyari, nauna pa akong makakuha ng Australian Senior I.D. card, dahilan upang makakuha rin ako ng Opal Gold Card kung saan may maximum na $2.40 ang aking pamasahe sa isang araw sa mga pampublikong sasakyan tulad ng tren, tram, at bus saanman ako magpunta. Malaking pakinabangan ito sa katulad kong hindi nagtatrabaho rito.

Simple lang naman ang naging selebrasyon ng aking ganap na senior citizen. Advance pa nga ng isang araw nang ito ay ganapin dahil Lunes ang talagang birthday ko kung saan may pasok na sa trabaho ang aking mga naging bisita. Simple rin ang handa dahil kulang sa preparasyon. Pagkakataon na rin iyon upang mabisita ng aming mga kamag-anak at kaibigan ang bagong bahay ng aking nag-iisang anak. Wala sa pagtitipon ang aking kabiyak ng araw na iyon dahil nasa Pilipinas siya noon.

Sa mahigit na 30 taong pagtatrabaho sa ibang bansa, natuldukan ang aking pagiging OFW o Overseas Filipino Worker noong Hunyo 30, 2019. Ito ang huling araw na mayroon akong trabaho. Simula noon ay naging jobless na ang inyong Mamay. Kung tagumpay ba o hindi ang pagtigil ko sa pag-eempleyo ay sa mga susunod na araw pa natin malalaman. Ang alam ko, sapat na aking nabahagi sa aking pamilya at bansa. Panahon na upang gawin ko talaga ang aking nais gawin sa aking pagreretiro, “one page at a time”, ‘ika nga. Isa pahina sa bawa’t yugto ng buhay.

Mag-subscribe po upang malaman pa ninyo ang aking buhay-buhay bilang isang senior citizen dito man sa Australia o sa Pilipinas. Mabuhay po tayo, mga apo!















RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...