Eksayted ka na dahil sa pag-iipon, mag-aproba ng iyong inuutang, o dahil binigyan ka ng pera ng isang kapamilya o kamag-anak ay mayroon ka ng puhunan para sa pinapangarap mong negosyo. Sa susunod na mga araw ay makapagtatayo ka na ng isang sari-sari store, karinderya, ihaw-ihaw, panaderya, at iba pa.
Marami ang nagsasabi na kung anuman
ang papasuking negosyo dapat ay may sapat tayong kaalaman tungkol dito.
Kailangang gusto natin ang uri ng negosyong ating papasukin upang lagi tayong
masaya habang pinamamahalaan ito. Bukod sa mga nabanggit, kailangan natin
isaalang-alang ang anim pang P’s sa pagnenegosyo.
1. Product
Ano ang produktong iyong ibebenta sa
merkado?
Ano ang kaibahan ng iyong produkto
sa iyong kakumpetensiya?
Bakit bibilhin ang iyong produkto
kaysa sa produkto ng iba?
Maganda at malinis ba ang packaging at display counter ng iyong
produkto?
2. Price
Ano ang presyo ng iyong produkto?
Ano ang basehan ng iyong presyo?
Ano ang iyong presyo kumpara sa iba?
3. People
Ano-ano ang mga tauhan?
Sila ba ay may sapat na kaalaman,
kakayahan, at karanasan sa iyong itatayong negosyo?
Sapat ba ang kanilang sasahurin at
mga benepisyo?
Anong mga katangian ang nais mo sa
kanila?
Sila ba ay ligtas sa sakit, sakuna,
at kapahamakan?
Ano-ano ang mga patakaran na dapat
sundin ng iyong mga tauhan?
4. Place
Saan mo itatayo ang iyong negosyo?
Marami bang taong dumaraan sa iyong
puwesto?
Malinis ba, maaliwalas, at kaaya-aya ang iyong puwesto?
May sapat ka bang kakayahan na
upahan buwan-buwan ang iyong puwesto?
Anong mga kagamitan ang ilalagay mo
sa iyong puwesto?
Ligtas ba sa sunog, kalamidad, at
pagnanakaw ang iyong puwesto?
5. Promotion
Paano mo ipapakilala ang iyong negosyo at produkto?
Paano mo hihikayatin ang iyong mga parukyano upang pumunta sa iyong tindahan at bumili ng iyong produkto?
Anong promo ang iyong isasagawa sa hinaharap?
6. Profit
Sapat ba ang tubo na idaragdag mo sa
presyo ng iyong produkto?
Kailan mo mababawi ang iyong puhunan
ayon sa iyong tutubuin buwan- buwan?
Magkano dapat ang iyong tubo araw-araw upang mabayaran mo ang iyong mga tauhan at upa sa puwesto?
Magkano ang tubo buwan-buwan upang
ipagpatuloy mo ang iyong negosyo?
Kapag nasagot mo nang maliwanag ang mga katanungan sa itaas, itala ang mga ito sa isang business plan. Kailangan nating magkuwenta upang masigurong hindi tayo malulugi. Itala ang mga paunang gastusin sa pagsisimula ng negosyo tulad ng mga makina at kagamitang gagamitin. Pangalawa, itala ang mga direktang sangkap ng ating produkto at ang mga aytem kung paano ito ipoproseso, ibabalot o ididisplay. Pangatlo, itala ang mga bayarin sa isang buwan, tulad ng sahod ng mga tauhan, upa sa puwesto (kung meron), bayad sa tubig at kuryente, atbp. Pang-apat, itala ang mga produkto at ang mga presyo nito at kung ilan ang ipagbibili natin sa araw. Ayon sa pagbebentahan sa isang buwan, ibawas ang mga gastusin sa isang buwan at mga sangkap upang matukoy ang tutubuin sa isang buwan. Masaya ka ba sa kinalabasang tubo. Kung oo, handa ka ng magnegosyo? Kung hindi, pag-aralan muli kung magtatayo ka nga ng negosyo o hindi.
Good luck!