Friday, August 21, 2020
Know Your Coffee
TAGLISH Version ng Bible New Testament, Binatikos?!
Binatikos at kinwestyon, kung hindi man tuluyang kinundena ng ilang Pilipino ang pagsasalin sa Taglish o pinaghalong Tagalog at English ang Bagong Tipan ng Bibliya. Ang pagsasalin ay isinagawa sa pagtutulungan ng mga kasapi ng iba’t ibang simbahan. Ang New Testament Pinoy version ay isinalibro at inilimbag ng Philippine Bible Society (PBS). Ang aklat ay mabibili sa website at online store ng St Pauls (trademark ng Society of St. Paul) sa halagang P145.00.
Naging kontrobersyal ang pagsasalin ng Bagong Tipan dahil
sa makabago nitong lenguwahe. Ilan sa mga salin sa Taglish ay ang mga
sumusunod:
After ilang
minutes, may nakapansin ulit kay Peter at sinabi sa kanya, ‘Isa ka sa mga
kasamahan nila.’ Pero sumagot si Peter, “Hindi po ako ‘yun, sir!” After one
hour, may lalaking nag-insist, “Sure ako, kasama ni Jesus ang taong ito, kasi
taga-Galilea din sya.” (Luke 22:58-59)
“Sobrang
na-shock ako sa inyo. Ang dali n’yo namang tinalikuran ang Diyos. Imagine,
sobrang bait n’ya at pinadala n’ya si Christ sa atin. Ang Diyos mismo ang
pumili sa inyo, tapos ngayon, ine-entertain n’yo ang ibang Gospel?” (Galatians
1:6)
Dahil
sa kakaibang istilo ng pagsasalin at paggamit ng slang kung kaya’t naunsyami
ang ilan lalo na ‘yong mga manang o manong. Welcome sa kanila ang makabagong
bersyon pero dapat naman daw ay “mas pino” ang ginamit na pananalita.
Ayon
sa naglimbag ng NT Pinoy version, ang layunin ng makabagong pananalitang
ginamit ay upang mailapit sa mga kabataan ang “Salita ng Diyos” kung kaya’t ang
lengguwaheng ginamit ay ‘yaong pang-araw-araw nating naririnig sa kanila. Ayon
pa sa publisista, sinunod nila ang panuntunan ng United Bible Societies (UBS)
sa pagsasalin dahil ang NT Pinoy version ay:
1.
tapat sa nilalaman ng UBS Greek New Testament 5th edition na textual
base nito at sumusunod ito sa approach sa pagsasalin sa wikang Griyego na kung
saan ang pangngalan o noun ay naisasalin sa pangngalan, at ang pandiwa o verb
ay sa pandiwa rin;
2.
wala itong pagkiling sa doktrina ng alinmang religious groups; at
3.
madali itong naunawaan.
Ilan
sa mga komento na pabor at hindi sa makabagong translation ng Bagong Tipan ay
ang mga sumusunod:
“This Pinoy Nt Version is not big issue. Ang
mahalaga naisasabuhay natin ang bawat sa salita.”
“This Taglish version of the Bible is
dangerous. I laughed at the bread dipped into the sauce ("tinapay na
isinawsaw sa sauce"). The metaphors of the past were very different from modern
and postmodern perspectives. When mixed with Vice Ganda's churva or kabaklaan
the meaning of the 'sauce' may be different.”
“Sorry, but it feels like reading a comic. It
sounds so informal. As if you're you're just reading an ordinary and
entertainment book. While in the first place the BIBLE IS NO JUST AN ORDINARY
BOOK and it's not written for entertainment purpose.”
Ang
aking pananaw sa usaping ito: hindi naman talaga mahalaga kung bakit at paano
isinalin ang Bagong Tipan dahil noon pa naman ito ginagawa, lalo pa’t hindi naman
natin mababasa at lubos na mauunawaan ang orihinal na teksto. Kung maaari man,
paano tayo makatitiyak na iyon nga ang tamang salita o kahulugan nito? Nakadepende
kasi ang pagsasalin sa intelihente at integridad ng nagsasalin o translator.
Ang mga salita ba ay nakabase sa tunay na kahulugan nito o sa saloobin lamang o
interpretasyon ng tagasalin? Hindi kaya nabawasan ang orihinal na teksto o
naragdagan at nabawasan ayon sa namumuno noong mga panahong iyon?
Dahil
nga sa iba’t ibang translation ng Bibliya, nagkaroon tayo ng iba’t iba ring
interpretasyon na naging sanhi upang magkaroon ng napakaraming religious
orders. Ang iba ay kanya-kanyang pasikatan, binabatikos ang ilang samahan, at/o
hayagang inaalipusta ang mga pinuno at kasapi ng isang sekta gayong IISA lang
naman ang pinagmulan ng kanilang pinapangaral!
Mali
man o masyadong makabago ang pagsasalin ng Bagong Tipan, hayaan natin na ang
mambabasa ang humusga rito. Naantig ba siya sa kanyang nalaman? Naisapuso ba
niya ang kanyang binasa? O naging katawatawa lamang ang kanyang karanasan?
Iba
man ang porma ng bagong bersyon ay iisa naman ang layunin nito na ipalaganap sa
sangkatauhan ang mga Salita ng Diyos. Sa wakas, ang lahat ng aral na nakapaloob
sa Banal na Aklat ay tumutumbok lamang sa Sampung Utos ng Diyos dahil iyon
lamang yata ang hindi nagkaroon ng iba’t ibang interpretasyon.
Ikaw
kabayan, nabasa mo na ba ang New Testament Pinoy Version? Ano ang masasabi mo
rito?
Sunday, August 16, 2020
How to Cook Authentic Filipino Pork Belly Adobo | Famous Filipi...
Ingredients:
1/2 kilo pork belly
garlic
onion
bay leaf
1/4 cup soy sauce
1/4 cup vinegar
black pepper powder
2 tbsp oil
2 cups of water
Optional Ingredients:
pork cube
adobo mix
1 tsp raw/brown sugar
extra onion
Procedures:
1. Heat oil in a pan.
2. Saute garlic and onion.
3. Cook pork belly over low heat for about 5 - 10 minutes or until tender.
4. Add bay leaf, soy sauce, and vinegar.
5. Do not cover the pan to "cook" the vinegar.
6. Add optional ingredients - pork cube, adobo mix, raw sugar, and onion.
7. Continue cooking to reduce the sauce, if preferred.
Saturday, August 15, 2020
Mamay P presents Cakes and Pastries by BakerMan
About the BakerMan
Joery Flores Espinosa a.k.a.
BakerMan is a bachelor from Quezon City, Philippines. Born on September 17, Joery attended high
school at Dr. Vicente F. Gustilo Memorial National High School in Cadiz City,
Negros Occidental, Philippines, and graduated in 2005. In 2016, he attended
Academy Asia in Marikina City.
From April to July 2008, Joery worked as a telemarketer at Artlets Outsourcing Company, in Quezon City. Also in Quezon City, he worked as a data encoder at Novadata Outsourcing Solutions Company from Sep 2008 to May 2010. From July 2010 up to the present, the BakerMan has been working as an IT personnel/encoder at Alliance in Motion Global, Inc. in Pasig City. In October 2016, Joery opened up his own online business – Cakes & Pastries by BakerMan. He works there as a baker, cake decorator, sugar flower artist, and instructor.
Birthday and Birthday
Cake
In this computer age, birthday remains the most important
celebration in one’s life. In fact, parents from some parts of the world
celebrate the birth of their son or daughter not only yearly but sometimes
monthly. This does not only manifest the love of parents but also shows how
valuable the life of their children is. They want to cherish the memories that
the joy of having a child brings.
With the celebration of one’s birthday, it is but natural
that the birthday cake comes into mind. Since some celebrate a monthly birthday
for their child, selecting a cake for that occasion is not easy. Some parents
prefer to have a theme birthday cake on those occasions. While some just go to
a bakeshop and buy the one that is available, others order custom-made birthday
cake especially when their child is growing. After all, a birthday cake is
synonymous with birthday and birthday without a cake is boring.
So here, Mamay P. presents 10 of the birthday cakes prepare
and sell by Joery Flores Espinosa, the BakerMan. To order your theme birthday
for your son or daughter, just message
him personally at his Facebook account page,
https://www.facebook.com/CakesandPastriesbyBakerman. Please don’t forget to mention your Mamay P’s
real name – Ponciano Santos – for a possible best deal and discount. Have your
pick and enjoy!
Friday, August 14, 2020
PHILHEALTH, UBOS NA ANG PONDO?!
Isa na namang kontrobersya ang kinahaharap ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth matapos na isiwalat ni Greco Belgica, komisyoner ng Philippine Anti-Corruption Commision (PACC) na 2 bilyon hanggang 3 bilyong piso linggo-linggo ang posibleng nakaamba sa korupsyon sa ahensya. Nauna rito, ibinalita ni G. Belgica na mula 2013 hanggang 2018 ay tinatayang nasa 15 bilyong piso ang nawala sa Philhealth dahil sa korupsyon. Binanggit ng komisyoner na malaking bahagi ng katiwalian ay sanhi ng sistema ng Information & Communication Technology (ICT) at ang “legal setup” nito.
Sinabi ni Belgica na hindi “transparent” o malinaw o madaling
maunawaan ang ICT system ng Philhealth kahit na malaking pondo ang ginastos
para rito. Dahil dito, malaki ang posibilidad na nagamit ang naturang sistema
upang madaling makapangloko ang tiwaling kawani ng ahensiya sa pamamagitan ng “upcasing”
o palubhain ang sakit ng isang pasyente upang mapataas ang mga bayaran at
kumubra ng benepisyo ang mga “multo” at pekeng kasapi.
PACC Commissioner Greco Belgica
Hindi naman pinaligtas ng mga pulitikong nasa oposisyon at
mga kalaban ng gobyerno ang pahayag ni Belgica. Kanya-kanyang pagpapapogi ang
mga Senador at Kinatawan ng Kongreso gayong nanunungkulan na sila sa mga taong
unti-unting nauubos ang pondo ng Philhealth dahil sa katiwalian. Noon pa man ay
binabatikos na ng taumbayan ang malaking bonus na nakukuha ng mga matataas na
kawani ng Philhealth subali’t ito ay kinibit-balikat lamang ng nagdaang
administrasyon.
(Image from https://ph.news.yahoo.com/davao-city-launches-first-ever-061744211.html)
Sinasabing pinupulitika ng ilang laban sa gobyerno ang
anomalya sa Philhealth. Sa datos na inilabas ng Philhealth, lumalabas na
pinakamalaking pondo ang nailabas sa isang ospital sa Davao City kung saan
naninirahan si Pangulong Rodrigo Duterte. Maayos sana ang lahat kung walang
halong malisya o pasaring ang balitang inilabas ng convicted journalist na si Maria Rezza sa kanyang Rappler site.
Tila lumalabas na pinapaboran ng ahensiya ang ospital na nasa Davao, ng walang
sapat na pag-aaral o pag-iimbestiga. Lumabas tuloy ang katutohanan na ang nasabing
ospital - Southern Philippines Medical Center (SPMC) – ay pagmamay-ari ng
Department of Health (DOH) at hindi ng Lungsod ng Davao. Kaya malaki ang IRM o
interim reimbursement mechanism ng SPMC ay dahil buong Mindanao ang siniserbisyohan
ng ospital at ang perang sangkot ay hindi lahat napunta sa pagsawata sa
Covid-19. Kabilang din dito ang iba pang gastusin ng ospital. Marami ring
naging pasyente at kanilang kamag-anak ang nagpatutoo ng magaling na serbisyo at
modernong pasilidad ng nasabing ospital, maliban pa na halos walang perang
nailalabas ang isang pasyente at pamilya nito.
Naunang naging kontrobersyal ang Philhealth nang maglabas ng
kautusan na itaas ang premium nito sa 3%. Maigting na tinutulan ito ng mga
Overseas Filipino Worker (OFW) dahil nakabase ang 3% sa buwanang sahod ng isang
manggagawa. Isang dahilan ng pagtutol ay dahil limitado ang benipisyong napupunta
sa OFW dahil may sarili silang health insurance sa bansang pinagtatrabahuhan.
Tulad sa kaso ng mga OFW sa Saudi Arabia, hindi makakakuha ng Iqama o Residence Permit ang isang banyagang
manggagawa kung hindi muna kukuha ng health
insurance ang kanyang employer. Labis ang pagtutol ng mga OFW
dahil tila sila ang “ginagatasan” ng gobyerno gayong malaki ang naitutulong
nila sa ekonomiya ng bansa. Bukas ang aklat na dahil sa mga padala ng mga OFW
kung kaya’t hindi masyadong naapektuhan ang Pilipinas noong 2008 world
financial crisis.
Dahil sa pag-alma ng mga OFW kung kaya’t hindi natuloy ang 3%
sa buwanang sahod na ibabayad sa Philhealth, alinsunod sa direktiba ni
Pangulong Duterte. Sa halip, naging boluntaryo na lamang sa mga OFW ang maging
miyembro ng Philhealth.
Sa pagtataya ni Belgica, maaaring maubos ang pondo ng
Philhealth sa loob lamang ng dalawang taon kung hindi makakakalap ng panibagong
pondo o hindi masasawata ang katiwalian sa loob ng ahensya. Taliwas sa pahayag
ni Philhealth President at CEO BGen. Ricardo Morales na maging si “Superman” ay
hindi kayang lutasin ang problema sa ahensya, naniniwala si Belgica na kaya
itong “linisin” sa loob lang ng anim na buwan.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng pagdinig ang Senado upang
makakalap ng impormasyon at makapanukala ng batas na magbibigay kalutasan at/o
magmungkahi ng mga balakid upang mabawasan at/o lubusang mawala ang korupsyon
sa Philhealth.
Nawa ay hindi lamang Philhealth ang pagtuunan ng pansin ng
mga taumbayan at mambabatas. Panahon na upang linisin sa katiwalian ang lahat
ng ahensya ng gobyerno, kabilang ang Senado at Kongreso.
Thursday, August 13, 2020
2020 SSS Schedule of Contribution for Overseas Filipino Workers
Nasa ibaba ang SSS Schedule of Contibution para sa taong 2020 para sa mga Overseas Filipino Workers o OFW. Maaaring magbayad ang isang OFW ng buwanan o isang taunan. Ang pinakamalaking kontibusyon ay P2,400.00 kung kumikita ng P19,750.00 o higit pa ang isang manggagawa.
Huwag kaligtaan ang pagbabayad sa Social Security System o SSS dahil malaking tulong ito sa ating pagreretiro upang kahit paano ay may pensyon tayo kada buwan kapag tayo ay matanda na at hindi na maaaring magtrabaho pa. Kung malaki ang kinikita, lakihan din ang premium na ibayad upang sa gayon ay malaki rin ang halaga ng inyong pensyon.
Ang isang OFW ay kailangang makakumpleto ng minimum na 120 buwang paghuhulog sa SSS upang magkaroon ng buwanang pensyon. Kung hindi pa kasapi ng SSS o hindi alam kung paano maghulog ng buwanang kontribusyon, bisitahin ang website ng Philippine Embassy o Consul sa bansang pinagtatrabahuhan upang makakalap ng dagdag na impormasyon.
Sa SSS, may kasangga ka sa buhay!
Wednesday, August 12, 2020
JOHN REGALA, MULING NAPANSIN AT NATULUNGAN
Muling napansin at natulungan ang batikang aktor at “action star” na si John Regala nang i-post at i-upload ng isang netizen ang larawan at bidyo nito sa social media. Dahil dito, maraming nakakita ng kanyang larawan at nakapanood ng bidyo ang naantig ang kalooban sa kasalukuyang kalagayan ng artista. Isa sa mga tumugon at nagbigay ayuda kay John Regala ay ang kilalang komentarista na si G. Raffy Tulfo. Agad na umaksyon ang grupo ng mamamahayag at nagbigay ng mga groserya at malaking halaga ng salapi sa aktor.
JOHN REGALA, NGAYON
(Image from https://www.panaynews.net/john-regala-transferred-to-kidney-institute/)
Lumutang
naman sa kasagsagan ng isyu ang diumano ay “anak” ni John Regala. Nagpakilala
ang 24 anyos na truck driver na si John Santos. Labinlimang taon na siya nang
sabihin sa kanya ng kanyang inang si Vilma Santos (hindi ang aktres) na si John
Regala ang kanyang ama. Nagkita ang kanyang ina at si John sa Japan noong 1994
kung saan nagtrabaho ang una bilang isang “entertainer”. Dahil sa trabaho,
unang tinanggi ng action star na anak niya si John dahil hindi siya sigurado.
JOHN SANTOS
Sa
isang interbyu sa programa ni Raffy Tulfo, hindi tahasang itinanggi ni John na
anak nga niya si John Santos at aangkinin niya ito kung may katotohanan. Sa puntong
ito, sinagot na ni Raffy Tulfo ang gastos para sa pagdi-DNA test. Sa
kasalukuyan, hinihintay pa ang resulta nang nasabing test.
JOHN REGALA, NOON
(Image from https://www.trendzph.com/2020/08/01/9290108/)
Sa
kasalukuyan ay naninirahan si John Santos sa Tanauan, Batangas sa piling ng
kanyang Lola Victoria. Hindi naman apektado ang binata sa mga haka-hakang
lumitaw lamang siya nang malaman ang malaking halagang tulong ni Raffy Tulfo.
Ayon sa truck driver, kung salapi lamang ang hangad niya sa ama disin sana ay noon pa
siya lumutang kung kailan namamayagpag ang career ng ama at kumikita ng
limpak-limpak na salapi. Kung anuman ang resulta ng DNA test, abangan po natin!
Wednesday, August 5, 2020
Page 6 - Nagluto ng Sinampalukang Manok ang Mamay P
RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023
The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...
-
Members of the Alphi Phi Omega (APO) fraternity of UP Manila and Diliman held their traditional Oblation Run this December 2011. UP Manila ...
-
Ang edukasyon ay isang prosesong nagpapadali ng pagkatuto o ang pagkakaroon ng kaalaman, kasanayan, at magandang pag-uugali. Sa depinisyong ...
-
Kumpirmado na may jowa o boyfriend nga ang sikat na nanay nina Mark at Maycee matapos mapanood ang huling bidyo ni Kuya Val Santos Matubang ...