Showing posts with label Text. Show all posts
Showing posts with label Text. Show all posts

Thursday, April 23, 2009

YOU HAVE A TEXT MESSAGE!!!


Ineendorso ng mga Tongresista sa Tongreso ang pagbabawas ng singkwenta sentimos sa halaga ng pagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng text. Ibig sabihin, magiging singkwenta sentimos na lang ang pagpapadala ng text message kung ikaw ay nasa Pilipinas. Kung susuriin magandang balita ito sa mga consumer dahil mababawasan ang kanilang gastusin nguni't hindi sa mga kumpanyang PLDT, Globe at Smart dahil mababawasan ang kanilang tubo, na nangangahulugan din ng pagbaba ng koleksyon sa buwis ng gobyerno mula sa mga dambuhalang kumpanyang ito kung sila man ay nagbabayad ng tamang buwis at hindi nangungupit ang mga taga-BIR.

Kung ito ay pampapogi lamang ng mga Tongressman sa mga mamamayan dahil sa nalalapit na eleksyon, konsensya na nila ang bahalang sumagot. Kung pumasa man ito sa Kongreso at Senado at maging batas, wala namang makakapigil sa mga kumpanyang nabanggit na bawasan ang letra ng ipapadalang mensahe. Baka bawasan din ito ng singkwenta porsyento. Kapag nagkagayon, wala rin itong benebisyo sa mga mamimili.

Ang dapat isama ng mga mambabutas (ng kaban ng bayan) sa usaping ito ay ang PAGTANGGAL SA EXPIRATION o VALIDITY NG BINILI MONG LOAD. Ito ay tahasang pangingingil. Bakit nila mamadaling gamitin mo ang binili mong load gayong hindi naman ito pagkain na madaling masira? At kapag hindi mo nagamit at bigla na nilang kukunin. Di ba parang holdap ito?

Monday, June 30, 2008

4 JOKES for the DAY

MANA SA AMA
NANAY: Bobo ka talaga! 1 to 10 lang di mo kayang bilangin? (You are stupid, son! You don't even know how to count from 1 to 1o!)
ANAK: Mas bobo si tatay nay, kasi narinig ko minsan sabi, "Tama na inday,hanggang tatlo lang kaya ko." (Father is more stupid , Mother. One time I heard him said to our maid, " Stop it Inday... I can only have 3!)
















TEXT KAY DADDY NA NASA ABROAD

"Luv, tnx sa padala mo, hapi c nene kasi tobleron ang baon sa skul. Yong nike suot na ni jr. next tym wag ka na padala NIVEA MILK. di nila type pait daw.ako tuloy ang umubos.

TEXT MESSAGE to HUSBAND who is working OVERSEAS

"Love, thank you for the things you sent us. Nene is very happy because she will have TOBLERON for her school break. Jr. is already wearing his Nike shoes. Next time, don't send anymore NIVEA MILK. Your children don't like the taste. It's so bitter that's why I consumed it all!"
MULTIPLE CHOICE

MISTER: ano ang pagkain natin?
MISIS: nasa mesa, bahala ka na pumili!
MISTER: isang pirasong tuyo? ano pagpipilian ko?
MISIS: pumili ka kung kakain ka o hindi!



English Translation
Husband: What is our lunch?

Wife: It's on the table. Just choose what you like.

Husband: One piece of dried fish? What are the choices?

Wife: Choose whether you will eat or not!


IDD call from US: (EXPANDING)

HUSBAND: hon musta ang tindahan? (Hon, how's is our grocery store?)
WIFE: dept store na! (It's already a department store!)
HUSBAND: ang tuba-an? (The liquor store?)
WIFE: KTV bar na! (It's already a KTV bar!)
HUSBAND: ang mga tri-sikad? (The tricycle?)
WIFE: taxi na! (It's already a taxi!)


HUSBAND: ang dalawa kong anak? (My 2 children?)

WIFE: LIMA na! (They are already 5!)

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...