Monday, November 16, 2009

COTTO, TINIRIS ni PACMAN

(Image from SportsIllustrated.cnn.com)

Tiniris ni People's Champ Manny "PACMAN" Pacquiao ang Puerto Rican na si Miquel Cotto para masungkit ang WBO Welterweight Champion Belt sa kanilang laban sa Las Vegas, Nevada noong Sabado, 14 November 2009. Nagwagi si Pacquiao ng ma-TKO si Cotto sa ika-12 round. Ito ang ika-7 koronang nakuha ni Pacman sa iba't ibang belt sa boxing. Nagbubunyi ang mamamayang Filipino sa pagkapanalong ito ni Manny. Malaki ang naitulong ng pagdarasal ni Mommy D (Dionisia) at ng bansang Pilipinas sa pagkapanalong ito ni Pacman.

Wednesday, October 28, 2009

KORINA SANCHEZ - MAR ROXAS NUPTIAL


Ikinasal na kahapon, 27 October 2009 sa SAn Domingo Church sa Quezon City ang magsing-irog na sina Korina Sanchez at Senador Mar Roxas. Simple ngunit elegante ang naganap na pag-iisang dibdib ng dalawa na sinaksihan ng mga personalidad sa lipunan, pelikula at politika kabilang na ang maraming tagahanga ng dalawa.


Nahuli ng 45 minuto si Korina dahil dumaan pa ito sa puntod ng mga magulang sa Taguig at naipit ng trapik sa daan. May salu-salo sa labas ng simbahan at pribadong handaan sa tirahan ng mga Araneta sa Cubao.


Dalangin ng mga nakararami ay ang pagkakaroon ng anak ng mag-asawa kahit na nga ba may isa ng anak na lalaki si Mar sa una niyang minahal.

Monday, September 28, 2009

PILIPINAS, HINAGUPIT ni ONDOY







Daig pa ni Manny Pacquiao nang hagupitin ni ONDOY ang buong Pilipinas. Nanalasa ang mabagsik na bagyo noong Sabado at nag-iwan ng pinsala sa buhay at kabuhayan ng mga Filipino. Naperwisyo nang matindi ang bayan ng Marikina kung saan maraming subdivision ang nalubog sa tubig-baha partikular na sa Providence Subdivision kung saan maraming residente ang naulat na namatay sa pagkalunod.

Kalunos-lunos ang sinapit ng ating mga kababayan at sana naman ay may natutunan tayo sa trahedyang ito.

Libre naman ang TV coverage ni Gilbert Teodoro bilang chairman ng National Disaster Coordinating Council (NDCC).

Tuesday, September 22, 2009

AQUINO-ROXAS vs TEODORO-PUNO






Magsasalpukan sina Benigno "NOYNOY" Aquino III at running mate nitong si Senator Mar Roxas kalaban ang manok ng administrasyon na sina Gilbert Teodoro at Ricardo V. Puno Jr. sa 2010 Presidential election sa May 10, 2010.
Samantala, makikisalpuk din sa labanan sina Senator Manny Villar, Erap Estrada, Chiz Escudero, Loren Legarda, etc,
Abangan na lang natin kung sinu-sino ang mananalo sa kanila.
Kung sino ang iboboto ko? Wala, kasi hindi ako rehistrado. Kung pumunta ang mga taga Philippine Embassy dito sa Jubail baka nakapagrehistro pa ako. Daig pa sila ng TFC at Skyfreight, naaabot ang kasuluksulukan ng Saudi Arabia.

Balik Wowowee si Willie


Balik Wowowee si Willie Revillame nitong ika-21 ng Setyembre, 2009 matapos pagbakasyon ng ABS-CBN hinggil sa kaniyang komento nang araw na mamayapa si Gng. Corazon Aquino. Naniniwala akong "out of context" ang comment ni Willie nang araw na iyon. Wala siyang ibig ipagkahulugan. Mali rin kasi ang pagpapalabas ng libing ng dating pangulo sa show ni Willie habang ang mga ito ay nagsasaya.

Sa susunod siguro ay mag-iisip muna nang maigi si Willie bago magbitaw ng pananalita dahil baka ma-misinterpret na naman siya.

MARQUEZ TUMBA KAY MAYWEATHER


Pinabagsak ni Floyd Mayweather Jr. ang katunggaling Mexicano na si Juan Manuel Marquez sa ika- round ng kanilang 12 round bout sa Las Vegas, Nevada nitong Ika- ng Setyembre, 2009.

Pinag-uusapan matapos ang laban ang posibleng pagtutunggali nila Floyd Mayweather Jr at Manny Pacquiao. Si Manny ay nakatakdang lumaban kay Cotto sa Disyembre.

MULTO na si PATRICK SWAYZE


Ang artista ng "Ghost" at " Dirty Dancing" na si Patrick Swayze ay maituturing na ganap ng multo nang siya ay mamayapa sa sakit na pancreatic cancer noong ika-14 September 2009.

Tuesday, September 8, 2009

FARM VILLE or FARM TOWN?




Ito ang dahilan kung bakit pansamantala kong nakalimutan na meron pala akong blog..hehehe. Paano'y tila "nahibang" ako sa paglalaro ng dalawang larong ito sa Facebook. Kakainis kasi ang nag-invite sa akin eh... isinama pa ako sa pagpupuyat nila. Sabagay, nakalilibang nga ang mga larong ito kaya lang kung hindi mo kokontrolin e maaadik ka talaga. Meron nga akong kakilala na gumigising pa nang madaling araw para lamang umani ng talong, kalabasa, sibuyas at kung anu-ano pang gulay. Sayang nga naman ang coins at experience points. Kung saan ako dadalhin ng "kabaliwang" ito, hintayin na lang natin.


Ikaw, gusto mo bang maging neighbor ko sa Farm Ville o Farm Town?

Wednesday, August 26, 2009

Lalaking Nanggahasa, PATAY!

Namatay ang kambing na ginahasa ng lalaking lasing sa Kabisayaan ngayong araw na ito ayon sa TV Patrol. Nakakulong ngayon ang lalaki at isasailalim sa psychiatric evaluation upang malaman kung siya ay may diprensya sa pag-iisip.
Ayon sa mga hayop na nasa parang ng gabing iyon, ang kambing daw ang may kasalanan kung bakit ito nagahasa.
Matapos daw umihi ang lasing ay tinanong ang mga hayop kung sino ang may gusto ng kanyang "talong".
Sumagot daw ang kambing ng " Meeehh!"
Tinanong ng lalaki ang kalabaw kung ang kambing ang may gusto ng kanya.
" Uu ngah!" sagot naman ng kalabaw.
Hindi pa malaman ng may-ari ng kambing kung ililibing ito o kakalderitahin upang maging pulutan.

Monday, August 24, 2009

Miss Venezuela is Miss Universe 2009

Miss Universe 2009 (Stefania Fernandes) and Miss Universe 2008 (Dayana Mendoza)
First Runner up - Miss Dominican Republic

Second Runner up - Miss Kosovo

Third runner up - Miss Australia

Fourth Runner up - Miss Puerto Rico

Miss Congeniality - Miss China

Miss Photogenic - Miss Thailand



Matapos ang mahabang araw nang paghihintay, napili na rin sa wakas ang Miss Universe 2009 sa taong ito na si Stefania Fernandes ng Venezuela. Isa si Miss Venezuela ay isa sa 83 kandidata sa ginanap na coronation night sa Atlantis, Paradise Island ng Bahamas ngayong Linggo, ika-23 ng Agosto 2009. Kabilang sa mga nagwagi sina Miss Dominican Republic (Ada Aimee dela Cruz) - 1st runner up, Miss Kosovo (Gona Dragusha)-2nd runner up, Miss Australia (Rachel Finch) - 3rd runner up at Miss Puerto Rico (Mayra Matos Perez) - 4th runner up. Miss Venezuela rin ang dating Miss Universe 2008 na nagputong ng korona kay Stefania.
Luhaan ang ating mga kababayan dahil hindi man lang napasali sa Top 15 si Bianca Manalo, ang ating kandidata bilang Miss Philippines. Ang 10 pang nakabilang sa top 15 ay sina Miss South Africa, Miss Croatia, Miss Switzerland, Miss USA, Miss Iceland, Miss Albania, Miss Czech Republic, Miss Belgium, Miss Sweden, at Miss France. Kung ating mapapansin, ni walang kinuha sa Asia maliban nga lamang sa pagkapanalo nina Miss China (Wang Jingyao) at Miss Thailand (Chutima Duringdej) bilang Miss Congeniality at Miss Photogenic.

Naku, nawili sa pagchachat ang mga Pinoy kaya hindi naiboto sa pagka-Miss Photogenic ang Miss Philippines.
Bilang residente ng Australia, proud din ako sa pagkapanalo ni Miss Australia.

Saturday, August 22, 2009

Ninoy Aquino's 26th Death Anniversary




Ipinagdiriwang ng sambayanang Filipino ang ika-26 na taong anibersaryo ng kamatayan ni Senador Benigno "Ninoy" Aquino ngayong araw na ito, 21 August 2009

Marami ang umalala sa sakripisyong ipinamalas ni Ninoy na naging daan upang makalaya ang mga Filipino sa diktadurya ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Kung sinuman talaga ang bumaril kay Ninoy sa tarmac at kung sino ang mastermind ay hindi mahalaga sa ngayon. May karma naman. Bahala na ang Panginoon sa maysala.

Nagsuot ng dilaw na damit ang nakiisa sa pagdiriwang at nagkabit ng yellow ribbon.

Itong si Mang Igme, nagpaturok pa ng Hepatitis A virus para lamang maging dilaw na dilaw. (Joke lang!)

Tuesday, August 18, 2009

From Heaven to Hell


brilyani rice (cooked)

Well, ito ang mararamdaman mo kung galing ka sa malamig at pagkatapos ay mapupunta ka sa pagkainit-init na lugar. Yeah, I'm back here in Jubail. Actually, noon pang August 12. Ang kaso may jet lag pa at marami agad trabaho.
Kung maganda ang pag-uwi ko sa Sydney noong May 1, medyo palpak ang biyahe ko sa eroplano nitong pagbabalik ko sa KSA. Oriental food at lagi akong pinagsisilbihan ng una sa karamihan ng pasahero noong pauwi ako sa Australia. Nitong pagbalik ko, naku hilaw pa yong brilyani rice na isinilbi. As in, bigas pa. At hindi rin kusang nag-aalok ng tsaa at kape. Kailangang humingi ka talaga.
Tila nagbabago na ang serbisyo ng Etihad. Noong nakaraang biyahe ko, kapag matagal kang naghintay sa Abu Dhabi International Airport para sa connection flight mo, libre pa ang dinner at breakfast. Ngayon, alaws na. Dahil kaya sa global financial crisis?
Member ako ng frequent flyer ng Etihad. Dami ko ng points. Kunin ko na kaya ang reward ko at baka pati ito ay biglang mawala? Say nyo?

Friday, August 7, 2009

Josie, Aleli and Marita







If the names Joselita Adinig, Aleli Condol and Marita Galano ring a bell, then you are an alumnus/alumna of Tapinac Elementary School Batch 1973. See their faces here at their highschool reunion in the US:



Saturday, August 1, 2009

CORY AQUINO, NAMAYAPA NA


Nagluluksa ang sambayanang Filipino sa pagkamatay ni dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino kaninang alas 3.18 ng madaling araw, 01 August 2009. Si Cory ang tinaguriang Ina ng Demokrasya ng mga Filipino. Siya ay 76. Namayapa siya habang nakikipaglaban sa sakit na colon cancer.

Sa pagkakataong ito, tila bagang dininig ng Diyos ang mga dasal na huwag ng pahabain pa ang sakit na nadarama ng dating pangulo at payapang sumailalim na sa Kanyang kandili.
Inihatid sa kanyang huling hantungan si Tita Cory noong Miyerkules, ika-5 ng Agosto, 2009 sa Manila Memorial Park sa Paranaque City sa tabi ng kanyang kabiyak na si Benigno "Ninoy" Aquino.

Friday, July 31, 2009

ALING DIONISIA, ARTISTA NA!


Gumagawa na ng pelikula ang walang takot na nanay ni Manny Pacquiao na si Aling Dionisia. Kasama siya sa pelikulang pagtatambalan ng komikerang si Ai-Ai Delas Alas, dating Presidente Joseph "Erap" Estrada, Sam Milby at Toni Gonzaga.

Gayunpaman, ayon sa nasagap naming balita, pinabulaanan ng "PAC-MOM ng BAYAN" na kinukuha siyang endorser ni Dra Vicki Belo dahil kuntento na raw siya sa angkin niyang ganda at hindi na niya kailangang magparetoke pa.
Oo nga naman. Baka mainvolve pa siya sa mga Hidden Hayden Cam na iyan at mga HALINGHING video.

Thursday, July 16, 2009

Eugenio Vagni , Nakalaya na rin


Nakalaya na rin ang Italyanong kasapi ng International Committee of the Red Cross na si Eugenio Vagni noong Linggo, ika-12 ng Hulyo matapos ang anim na buwang pagkakabihag ng Abu Sayaf. Tulad ng naunang pahayag ng PNP at PNRC, wala raw ramson na ibinayad sa pagpapalaya ni Vagni. Nakaalis na rin ng bansa ang Italyano noong Martes at sinabing babalik pa rin siya sa Pilipinas kung may pagkakataon. Hiniling pa ni Vagni na bigyan ng amnestiya ang mga Abu Sayaf na kinontra naman ng PNP samantalang dapat raw itong pag-aralan ayon sa chairman ng PNRC na si Sen. Richard Gordon.

Tuesday, July 7, 2009

GAANO KA KA-PINOY?


Laging palpak ang ginagawa kong maikling pagsusulit sa Facebook kaya rito na lang ako sa aking blog gumawa. Alamin kung gaano ka ka-Pinoy sa pamamagitan ng pagsagot ng tama sa mga salitang inuulit na ito sa wikang Filipino:

1. sapinsapin

a. uri ng kakanin
b. sapin sa paa
c. balabal
d. lampin ng bata

2. bukong-bukong

a. bukol
b. siko
c. parte ng paa
d. duyan

3. kuro-kuro

a. puro
b. desisyon
c. manganganta sa simbahan
d. opinyon

4. an-an

a. puting buhok
b. tigyawat
c. sakit sa balat
d. walang-wala

5. palapala

a. panghukay ng lupa
b. balag
c. dalampasigan
d. sinag ng araw

6. hinay-hinay

a. bilisan
b. bagalan
c. himaymay
d. dahas

7. ilong-ilong

a. parte ng mukha
b. ilog-ilogan
c. kasangkapan
d. prutas

8. iliw-iliw

a. isdang-tabang
b. madamot
c. bulaklak
d. ibon

9. liklik

a. magpaligoy-ligoy
b. maglihim
c. magmadali
d. magsulsi

10. tikitiki

a. kitikiti
b. katas mula sa darak
c. butiki
d. gatas

==========
SAGOT:
1a 2c 3d 4c 5b 6b 7c 8d 9a 10b

1-3 tamang sagot = Nagpipinoy-pinoyan
4 - 7 = Medyo Pinoy
8 - 10 = Pinoy na Pinoy

Monday, July 6, 2009

Roger Federer Bags 15th Grand Slam at Wimbledon 2009


Roger Federer of Switzerland bagged his 6th Wimbledon trophy and its 15th Grand Slam titles on Sunday, 5 July 2009. Federer sliced the dream of American Andy Roddick with 5-7, 7-6, 7-6, 16-14 victory. Pete Sampras of the USA hailed Federer as the greatest tennis player of all times.


Meanwhile, Sally Peers of Australia and Thailand's Noppawan Lertcheewakarn smashed Kristina Mladenovic of France and Silvia Njiric of Croatia to capture the girls' doubles title with 6-1, 6-1 on the tally board.

Sunday, July 5, 2009

Serena Williams, Kampeon sa Wimbledon 2009




Pinadapa ni Serena Williams ang nakatatandang kapatid na si Venus Williams upang masungkit ang titulo ng Wimbledon 2009 ladies single finals sa iskor na 7-6, 6-2 noong Sabado, ika- 4 ngHulyo, 2009. Ito ang pangatlong beses na nakamit ni Serena ang korona. Naunang nagwagi siya sa timpalak na ito noong 2002 at 2003.


Nauna rito, tinalo naman ng magkapatid ang mga katunggaling sina Samantha Stosur at Rennae Stubbs ng Australya upang maging kampeon sa ladies double sa naturan ring palaro sa iskor na 7-6, 6-4.


Basahin ang ilan pang detalye rito:

Friday, July 3, 2009

Sample Australian Citizenship Test - D


Sample Australian Citizenship Test D

This test is mostly about Australian History and Government. Please inform me of any wrong answer.


1.The head or leader of a state goverment is called the
a. Prime Minister
b. Premier
c. Chief Minister

2. Local government is lead by the mayor or
a. shire president
b. councilor
c. premier

3. The Upper House of a state government is called the
a. Legislative Council
b. Legislative Assembly
c. House of Assembly

4. A group of ministers led by the Prime Minister for principal decision-making is collectively known as the
a. Parliament
b. Cabinet
c. Senate

5. The Parliament House is located in
a. Sydney
b. Melbourne
c. Canberra

6. Only 18 years old and above are compulsary to vote in federal and state elections.
a. true
b. false
c. maybe

7. Only Australian citizens are allowed to be candidates in an election.
a. true
b. false
c. maybe

8. The political party who get the second highest votes in federal or state/territory election is
a. the one who will form the government
b. declared the winner
c. the opposition

9. The _________ is the national law-making body of Australia.
a. Australian Constitution
b. State Parliament
c. Commonwealth Parliament

10. Australia celebrated its bicentennial year in
a. 1988
b. 2008
c. 1978

11. The first Prime Minister of Australia was
a. Sir Henry Parkes
b. Edmund Barton
c. Alfred Deakin

12. The White Australia Policy of immigration was dismantled in
a. 1951
b. 1973
c. 1967

13. The Summer Olympics was held in the following cities except
a. Melbourne
b. Sydney
c. Perth

14. Died in 1896, __________ was considered the Father of Federation.
a. Sir Henry Parkes
b. John Monash
c. James Cook

15. Federation came in
a. 1901
b. 1910
c. 1911

16. The Two Australian animals shown on the Coat of Arms are the
a. kangaroo and koala
b. kangaroo and emu
c. kangaroo and ostrich

17. The national anthem of Australia is
a. Waltzing Matilda
b. Advance Australia Fair
c. I am Australian

18. What are the colours on the Australian flag?
a. black, yellow and red
b. green, black and white
c. red, white and blue

19. The composer of the national anthem of Australia in 1878 was
a. Peter Dodds McCormick
b. Arthur Phillip
c. Robert O-Hara Burke

20. ___________ was the first Australian woman to become a pilot.
a. Dame Nellie Melba
b. Nancy Bird Watson
c. Caroline Crishholm

======================

Answers:

1.b 2.a 3.a 4.b 5.c 6.a 7.a 8.c 9.c 10.a 11.b 12.c 13.c 14.a 15.a 16.b 17.b 18.c 19.a 20.b

Thursday, July 2, 2009

Sample Australian Citizenship Test - C

The pass mark in the Australian Citizenship test is 60% INCLUDING answering correctly ALL three mandatory questions on the Responsibilities and Privileges of Australian citizenship. It means that although you answer correctly 19 of the 20 questions, you can still FAIL if that one question that you missed happened to be under the Responsibilities and Privileges subtest. It is UNFAIR? Yes, but it is the current rule made by the Howard government.

The 20 questions Australian Citizenship Test is composed of

1. Australian History - 5 questions

2. Australian Government - 5 questions

3. Our Land, Our Nation - 4 questions

4. Responsibilites and Privileges of Citizenship - 3 questions

5. Australian Values - 3 questions



I have prepared a sample test on the Responsibilities, Privileges and Australian Values. If you answered correctly all the questions, you already got 30% of the mark. It means that you only need to answer correctly 7 of the 14 remaining questions or 50% to pass the test.



The answers on the following questions are located at the end of the test.



Sample Test C


1. _________ means that no one is "above the law" even if they hold a position of power, like politicinas or the police.
a. fair go
b. equality under the law
c. rule of law


2. Australians whose children are born overseas can be registered as Australians citizens.
a. true
b. false
c. need clarifications


3. Which of the following is both a privilege and a responsibility of an Australian citizen?
a. to defendAustralia should the need arise
b. to vote in elections and at a referendum
c. to seek election to Parliament


4. Australia has official or state religion.
a. true
b. false
c. maybe true or false


5. "Fair go" usually means
a. equality of men and women
b. equality under the law
c. equality of opportunity


6. Australian citizen can have no religion at all.
a. true
b. false
c. maybe true or false


7. Every Australianis mandated by law to be a member of a political party.
a. true
b. false
c. can be true or false


8. An egalitarian society could mean
a. one ethnicity is superior than the other
b. Europeans are better than Asians
c. no one is regarded as better than anyone else by virtue of who they are or where they are born


9. A "mate" can be
a. someone you knew
b. a total stranger
c. all of the above


10. Which of the following is true?
a. All Australians have the right to express their culture and beliefs.
b. All Australians accept violence as a means of changing a person's mind or the law.
c. Religious laws or cultural beliefs have legal status in Australia.


11. Bigamy or having one or more wives is acceptable in Australia.
a. true
b. false
c. maybe


12. A/An _______ is a group of ordinary men and women who listen to all the evidence in a case that comes before a court and decide the result.
a. audience
b. jury
c. parliament


13. Most positions in the Australian Public Service and the Australian Defence Force require applicants to be, or about to become Australian citizens.
a. true
b. false
c. maybe


14. All Australians are free to say or write anything even if they defame anyone or obstruct the free speech of others.
a. true
b. false
c. maybe


15. Which of the following is an Australian value?
a. to conform with others and be the same
b. to be different and think freely
c. to despise or hate those who are conformists or individualistics


16. The following are not Australian values except
a. Individual Australians are free and equal and should be treated with dignity and respect.
b. Australians use violence, intimidation and humiliation as ways to settle conflict.
c. Australians are not allowed to protest the actions of government and to campaign to change laws.


17. One of the statement below is not true. Which one?
a. Religious laws are illegal in Australia in settling disputes.
b. Australians cannot participate in how the country is run and how society is represented.
c. If you do not have a religion, you are still allowed to live in Australia.


18. One of the statement below is false. Which one?
a. Australia is an egalitarian society.
b. Australians support the principle of 'live and let live'.
c. Some Australians can be 'above' or 'under' the law defending on their circumstances.


19. Australia follows the religion of Christianity as its official religion.
a. true
b. false
c. maybe


20. An Australian can ask not to sit in a jury if there is a valid reason.
a. true
b. false
c. never

==============
Please let me know if there are wrong answers in this.

Answers:

1.c 2.a 3.b 4.b 5.c 6. a 7.b 8.c 9.c 10.a 11.b 12.b 13.a 14.b 15.b 16.a 17.b 18.c 19.b 20.a

Tuesday, June 30, 2009

Answers to Sample Australian Citizenship Test

Sample Test A
1. c
2. b
3. c
4. b
5. b
6. b
7. c
8. b
9. a
10. b
11. c
12. c
13. a
14. a
15. b
16. b
17. c
18. b
19. c
20. b

Sample Test B

1. b
2. a
3. b
4. a
5. a
6. a
7. c
8. c
9. c
10. b
11. b
12. c
13. a
14. a
15. a
16. a
17. b
18. b
19. b
20. a

Sample Australian Citizenship Test - B


Sample Australian Citizenship Test B


1. Australia Day is celebrated yearly on
a. December 26
b. January 26
c. April 25

2. Commemorating the landing of the Australian and New Zealand Army Corps at Gallipolli in 25 April 1915 is called the
a. ANZAC Day
b. Boxing Day
c. Remembrance Day

3. Australia introduced decimal currency on 14 February _____.
a. 1956
b. 1966
c. 1976

4. The early European settlers of Australia are soldiers and ______.
a. convicts
b. doctors
c. bakers

5. Australia has
a. six states and two territories
b. six territories and 2 states
c. seven states and one territory

6. The capital of Australia is
a. Canberra
b. Sydney
c. Melbourne

7. The former name of Tasmania is
a. James Cook's Land
b. Queensland
c. Van Diemen's Land

8. The signing of laws passed by the Parliament by the Governor-General is called the
a. Royal Stamp
b. Royal Signage
c. Royal Assent

9. The Australian flag has _____ stars.
a. four
b. five
c. six

10. The House of Representative has _____ Members.
a. 140
b. 150
c. 160

11. Schools and railways are the responsibilities of the
a. local government
b. state govenrment
c. federal government

12. The _______ have been the symbol of remembrance since World War I.
a. red carnations
b. red roses
c. red poppies

13. The largest state in Australia is
a. Western Australia
b. Queensland
c. Northern Territory

14. The following value reflects strong influence on Australia's history and culture
a. Judeo-Christian ethics
b. Communism
c. Selfishness

15.Which of the following is an Australian value?
a. equality of men and women
b. women cannot join the military
c. women are not permitted to apply to "manly" jobs

16. European migrants started arriving in Australia in
a. 1788
b. 1878
c. 1778

17. The first governor of Australia is
a. Lachlan Macquarie
b. Arthur Phillip
c. Edmund Barton


18. Sir Hupert Opperman is a
a. tennis player
b. long-distance cyclist
c. billiard player

19. A "digger" is a
a. miner
b. soldier
c. convict

20. Most early Australians came from Britain and
a. Ireland
b. Iceland
c. Italy

Sample Australian Citizenship Test - A

As promised, here are sample tests for those who wish to take the Australian Citizenship Test. Please be advised that the Department of Immigration and Citizenship is in the process of changing the content of the test. It will focus more on the privileges and responsibilities of Australian citizens and will be written in plain English to accommodate those refugees and migrants who have low level of English proficiency. It might take effect in August 2009.

The first 5 questions are taken from DIAC website. All questions are based on "Becoming an Australian citizen" booklet. Actual test is by clicking answer by multiple choice. See tutorial at http://www.citizenship.gov.au/. You passed the test if you correctly answered 12 out of 20 or 60%, INCLUDING all 3 CORRECT answers on the privileges and responsibilities of Australian citizen.





Sample Test A

1. Which of the following is a responsibility for every Australian citizen?
a. renounce their citizenship of any other country
b. serve in Australian Diplomatic Missions overseas
c. join with Australians to defend Australia and its way of life, should the need arise

2. Which one of these values is important in modern Australia?
a. everyone has the same religion
b. everyone has equality of opportunity
c. everyone belongs to the same political party

3. What is Australia's national floral emblem?
a. the banksia
b. the waratah
c. the golden wattle

4. Which one of these Australians is famous for playing cricket?
a. Rod Laver
b. Sir Donald Bradman
c. Sir Hubert Opperman

5. What is a Bill?
a. a decision by a government department
b. a proposed law that has not been passed through parliament
c. a legal document that outlines the Australian system of government

6. Australia is a federal nation because
a. it is a parliamentary democracy
b. it has national government and state governments
c. the Queen is the constitutional head of state

7. One of the most important privileges of an Australian citizen is
a. to serve on a jury
b. freedom of speech
c. right to vote

8. Australia has been inhabited for at least
a. 10 000 to 20 000 years
b. 40 000 to 60 000 years
c. 1 million years

9. The latest population of Australia is
a. 21 million
b. 20 million
c. 18 million

10. The national colours of Australia is green and
a. yellow
b. gold
c. orange

11. Australia has _____ official flag/s.
a. one
b. two
c. three

12. Most Australians practice the religion of
a. Buddhism
b. Islam
c. Christianity

13. The number of Aborigines at the start of European settlement in 1788 is about
a. 750 000
b. 500 000
c. 1 000 000

14. The constitutional head of state of Australia is the
a. Queen
b. Prime Minister
c. Governor-General

15. The Queen's representative to Australia is the
a. Prime Minister
b. Governor-General
c. Attorney-General

16. The party who lost in the election is called the
a. Coalition
b. Opposition
c. Loser

17. Australia has ______ senators.
a. 72
b. 70
c. 76

18. The highest court in Australia is the
a. Federal Court
b. High Court
c. Federal Magistrate Court

19. The voting age of Australia is
a. 16 years old
b. 17 years old
c. 18 years old

20._____________ is the national gemstone of Australia.
a. Jade
b. Opal
c. Sapphire

View Answers at http://pinoysamut-sari.blogspot.com/2009/06/answers-to-sample-australian.html

Friday, June 26, 2009

MICHAEL JACKSON, FARRAH FAWCET are DEAD

King of Pop - Michael Jackson

The King of Pop Michael "Jacko" Jackson is dead due to heart attack after he was rushed to UCLA Medical Center, in Los Angeles this afternoon , 25 June 2009. Michael is 50.
The Los Angeles Fire Department paramedics responded to a call at his Los Angeles home about 12:30pm and performed CPR and took him to the hospital. Jacko is about to return to London for a series of concert when this tragedy happened. Many will surely miss Jacko!


Charlie's Angel - Farrah Fawcett


Meanwhile, one of Charlie's Angels Farrah Fawcett also lost her battle against anal cancer and died. She is 62.

===================================
Patay na ang Hari ng Pop na si Michael Jackson sanhi ng atake sa puso. Namatay ang mang-aawit sa UCLA Medical Center kung saan siya dinala matapos bigyan ng paunang lunas ng mga paramediko ng Los Angeles Fire Department. Si Michael ay nakatakdang magdaos ng kanyang konsyerto sa London nang maganap ang trahedyang ito. Si Jacko ay 50 taong gulang. Tunay na maraming tao ang mangungulila kay Michael lalo na ang kanyang mga tagahanga.
Samantala, namatay na rin sa kanyang sakit na kanser ang isa sa mga Charlie's Angels na si Farrah Fawcett. Siya ay 62 taong gulangg.

Thursday, June 25, 2009

Maria Sharapova Laglag sa Wimbledon 2009

Gisela Dulko

Pinadapa ni Gisela Dulko ng Argentina ang dating kampeon na si Maria Sharapova sa ikalawang round ng Wimbledon 2009. Nanalo si Dulko sa iskor na 6-2, 3-6, 6-4 daan upang mapasama sa ikatlong round.
Ipinakita naman ni Serena Williams ang kanyang kakayahan nang talunin si Jarmila Groth ng Australia sa iskor na 6-2, 6-1.
Tinalo rin ni Roger Federer ang kanyang katunggaling si Guillermo Garcia-Lopez ng Espanya sa iskor na 6-2, 6-2, 6-4.

Thursday, June 18, 2009

POLITICAL ADS ng maka-administrasyon, NAMAMAYAGPAG NA


Namamayagpag na ang kabi-kabilang anunsyo at political ads ng mga kawani ng gobyernong Arroyo na nagnanais na mahalal sa darating na Election 2010. Sa pagsusuri, tinatayang milyong-milyong pisong pondo ng gobyerno ang ginamit upang mapabango ang mga pangalan nina:

1. President Gloria Macapagal Arroyo;
2. Health Secretary Francisco Duque
3. Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.;
4. Education Secretary Jesli Lapus;
5. Vice President Noli de Castro;
6. Tesda director general Augusto Syjuco;
7. Pagcor chairman Efraim Genuino;
8. Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman; at
9. Executive Secretary Eduardo Ermita


Bilang reaksyon, nagsampa ng petisyon ang Abugadong si Ernesto Francisco sa Regional Trial Court ng Maynila upang mapatigil ang mga anunsyong ito.


Sa aking palagay, walang masama kung gumasta man ng limpak-limpak na salapi ang mga nagnanais na kumandidato sa susunod ng eleksyon kung galing mismo sa kanilang mga bulsa ang pondong ginasta. Makakatulong ang mga salaping ito upang umusad ang ekonomiya. Syempre, tiba-tiba ang ABS-CBN, GMA 7 at ang kanilang mga radio stations at publikasyon.
Pero malaki ang porsyentong galing sa baul ng bayan ang karamihan sa mga perang ito lalo na't sasabihing "for information dessimination" ang lahat. Tutoo naman ito dahil tulad ng Kagawaran ng Kalusugan, dapat ipakilala ni Kalihim Francisco Duque ang mga proyekto ng kanyang opisina. Ang mali lamang, mas malaki ang litrato niya sa mga anunsyong inilalabas.Isa pa, kailangan pa bang ibandera ang kanilang mga mukha sa mga anunsyong hindi naman sila ang nagbayad?
Tulad ng dati, tiyak na mapupuno na naman ng larawan ni Gng. Arroyo ang kahabaan ng mga kalsada upang ibanderang "siya" ang nagpagawa ng mga ito gayong pondo rin ng bayan ang ginamit sa mga proyektong ito. Kahit naman ordinaryong tao ay kayang magpagawa ng mga kalsada, tulay, paaralan at kung anu-ano pang impraistraktura kung sila man ay may pondong galing sa gobyerno. Hindi sila masisisi kung gusto man nilang ipangalakdakan ang kanilang mga pagmumukha sa buong Pilipinas kung sila mismo ang gumastos sa mga proyektong nabanggit.
Kung hindi galing sa bulsa ng kakandidato at pondo ng bayan, malamang na galing sa mga pribadong personalidad ang mga pondong ginamit sa mga "political ads" na ito. Ngayon palang ay kumukuha na ng mga manok na hihimasin ang mga may-ari ng malalaking korporasyon para sa kanilang pansariling kapakanan sa susunod ng mga taon. Hindi tanga ang mga negosyante upang maglabas ng malaking pondo para sa mga kakandidato kung wala silang mapapala sa mga ito. Para sa kanila, ang eleksyon ay para ring negosyo na kailangang pagtubuan.


At tulad ng dapat asahan, ibabasura na naman ng Korte Suprema ang petisyon ni Atty. Ernesto Francisco dahil mahirap patunayan na pangsariling kapakanan ng mga personalidad na maka-Arroyo ang pagpapalabas ng mga ads na ito. Isa pa, hindi rin sila makakasuhan sa ilalim ng Election Code dahil hindi pa naman sila nagpaparehistro para maging kandidato sa Halalan 2010.


Ang nararapat gawin ng mga mamamayan ay suriin, pag-aralan at timbangin ang mga katangian ng mga kakandidato sa susunod ng halalan. Pero sa mga kumakalam ang sikmura, hindi na naman mahalaga kung sino pa ang umupo sa Malakanyang, Senado, Kongreso, Kapitolyo at Munisipyo dahil wala naman silang aasahang pagbabago kapag nagsipag-upo na ito sa kanilang mga pwesto. Mas okay pa sa kanila na tanggapin ang mga salaping iniaalok ng kung sino mang kandidato kapalit ng kanilang boto dahil kahit papaano ay nakinabang na sila rito.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...