(Ang imahe sa itaas ay sinipi sa http://yfrog.com/h0r4gxmj sa ulat ni Willard Cheng ng ABS-CBN)
Nagbitiw na sa kanyang tungkulin si Ombudsman Merceditas " Merci" Gutierrez ngayong araw na ito (29 April 2011) na kay PNoy habang nakaambang ang napipintong impeachment proceedings ng Senado sa kanya. Dahil dito, malamang na hindi na matuloy pa ang usapin sa Senado. Gayunpaman, pursigido ang Akbayan na iharap sa korte ang kaso ni Merci. Ayon sa kanyang sulat, ginawa ni Gutierrez ang pagbibitiw upang maiwasan ang kahihiyang maaaring idulot nito sa kanyang pamilya at para sa kapakanan (ows!) ng bayan.
Sa akiing palagay, maliban sa mga rasong nabanggit sa itaas, ang pinakamalaking dahilan kung bakit nag-resign si Merci ay upang MAIWASAN NIYANG HATULAN ang mga dating kaalyado ni PGMA tulad nina dating Agriculture Usec. Jocjoc Bolante at iba pang nakasalang ngayon ang mga kasong pandarambong. Kabilang na rin dito ang isa ring kasong plunder kay PGMA. Paano nga naman niya diringgin ang kaso ng kanyang kaibigan sa harap ng mapagbatikos na mga mata ng madla? Umiiwas-pusoy lang si Merci.