Tinanghal na
Supermodel of the World 2011 ng Ford si
Danica Flores Magpantay, isang Pinay, sa katatapos na patimpalak sa New York noong ika-22 ng Enero 2011. Si Danica ay 17 gulang at isang mag-aaral ng Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas. Pumangalawa kay Danica ang kandidata mula sa Lithuania, kasunoda ng Poland, Brazil at Estonia.
Nagkamit ng $250,000.00 modeling contract ang dalaga bilang isa sa mga Ford models. Noong 1990, tinanghal ding Supermodel of the Philippines ang ina ni Danica na si Milagros "Lala" Flores. Ang Supermodel of the World ay itinatag ni Eileen Ford noong 1980 upang itampok ang mapipiling modelo sa buong mundo.