Showing posts with label Bongbong Marcos. Show all posts
Showing posts with label Bongbong Marcos. Show all posts

Wednesday, October 6, 2021

Bongbong Marcos, the Next Philippine President - Hahayaan Mo Ba?

Pormal nang nagdeklara bilang kandidato sa pagka-Pangulo ng Pilipinas si Ferdinand "Bong Bong" Marcos, Jr. sa Halalan 2022. Inaasahan na pagsusumite si BBM ng kanyang certificate of candidacy sa Comelec bago matapos ang October 8, 2021. Sa ngayon ay hindi pa inilalabas kung sino ang kanyang magiging Bise Presidente subali't marami ang umaasahang si Davao City Mayor Sara Duterte ito upang lalong lumakas ang kanilang tandem.

Ferdinand "Bong Bong" Marcos, Jr.
(Image from https://en.wikipedia.org)

Marahil ay marami na namang black propaganda na maglalabasan tungkol sa pagkatao ni BBM na inaasahan na sa kampo ng mga nasa kaliwa. Nais idawit ang batang Marcos sa mga kasalanan daw ng kanyang ama.

Sa mga hindi nakakakilala kay Bong Bong, narito ang tala ng kanyang talambuhay sa Wikipedia:

Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. (ipinanganak noong Setyembre 13, 1957), na kilala rin sa kanyang inisyal na BBM, ay isang Pilipining politiko na na pinakahuling nagsilbi bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang at nag-iisang anak na lalaki ng dating pangulong  Ferdinand Marcos at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.

Noong 1980, ang 23-taong-gulang na si Bongbong Marcos ay naging Bise Gobernador ng Ilocos Norte, na tumatakbo nang walang kalaban sa ilalim ng Kilusang Bagong Lipunan na partido ng kanyang ama, na pinamahalaan pa rin ang Pilipinas sa ilalim ng batas militar noong panahong iyon. Pagkatapos ay nahalal siya bilang Gobernador ng Ilocos Norte noong 1983 hanggang sa ang kanyang pamilya ay napatalsik noong Pebrero 1986 mula sa kapangyarihan ng People Power Revolution at nanirahan sa Hawaii.

Matapos ang pagkamatay ng kanyang ama na si Ferdinand Marcos noong 1989, kalaunan pinayagan ni Pangulong Corazon Aquino ang mga natitirang miyembro ng pamilya Marcos, kasama na si Bongbong, na bumalik sa Pilipinas upang harapin ang iba`t ibang kaso.

Nang maglaon, tumakbo si Bongbong at nahalal ulit na Gobernador ng Ilocos Norte noong 1998. Nang maglaon, siya ay nahalal bilang Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Ilocos Norte mula 1992 hanggang 1995, at muli mula 2007 hanggang 2010. Noong 2010, nahalal si Marcos bilang Senador ng Pilipinas sa ilalim ng Nacionalista Party. 

Noong 2015, tumakbo si Marcos sa pagka-Bise Presidente ng Pilipinas noong 2016 na halalan. Sa pagkakaiba ng 263,473 na boto, 0.64 porsyento na pagkakaiba, natalo si Marcos kay Leni Robredo.  Bilang tugon, nagsampa si Marcos ng isang electoral protest sa Presidential Electoral Tribunal, na may mga habol at akusasyong pandaraya. Noong 2021, ang petisyon ni Marcos ay buong pagkakaisa naibasura matapos ang muling pagbibilang ng mga boto sa mga piling lalawigan ng Negros Oriental, Iloilo, at Camarines Sur na nagresulta sa pagpapalaki ni Robredo ng kanyang pinuno ng higit pang 15,093 karagdagang mga boto.

Ikaw, hahayaan mo bang maging Pangulo ng Pilipinas si BBM?

I-komento mo 'yan.


Thursday, February 18, 2021

Protesta ni Bongbong Marcos, Ibinasura ng Korte Suprema

Hindi pa rin maka-move on ang mga supporters ni Bong Bong Marcos matapos ibasura ng Korte Suprema noong Martes, Pebrero 16, 2021 ang protesta nito laban sa nakaupong bise-presidente na si Leni Robredo. Tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal, binalewala ang reklamo ni BBM dahil sa walang merito matapos lumamang pa ng higit sa 15,000 boto si Robredo sa ginawang manual count noong October 2021 sa 5,415 clustered precincts sa mga probinsya ng Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental. Ang pagbabasura ay ginawa ng SC dahil hindi rin nakapagbigay nang sapat at tiyak na mga detalye hinggil sa mga presinto at lugar na mga irregularidad sa pagboto ang kampo ni Marcos. Nirespeto naman ng Malakanyang ang naging desisyon ng Supreme Court.

(Image from https://en.wikipedia.org/wiki/Bongbong_Marcos)

Dahil sa desisyon, nanindigan pa rin ang mga taga-suporta ni Bong Bong Marcos na ang kanilang idolo ang tunay na nanalo sa 2016 Election sa pagka-Pangalawang Pangulo. Natural lang na ganito ang kanilang mga naging saloobin matapos biglang bumagal ang pagbibilang ng boto noong gabi ng halalan matapos makapagtala ng higit sa isang milyong lamang si BBM laban kay Robredo. Pagkagising kasi kinaumagahan ay nanguna na si Robredo. Pinagpa-Diyos na lang ng iba ang kinalabasan ng protesta dahil baka raw may ibang plano ang nasa Itaas para kay Bong Bong. Baka raw hindi pagka-bise presidente ang tungkulin ng batang Marcos kundi maging Pngulo ng Pilipinas sa 2022.

Sinasabi ng ilan na inaasahan na nilang lalamang si Robredo sa mga presintong prinotesta ni BBM dahil naroon nga ang dayaan sa pagbilang. Dagdag pa rito ang mga basang election return na hindi na nabasa pa.

Sa ganang akin ay mali ang pagpili ng mga presintong inireklamo ni BBM. Dapat ang pinili niya ay yaong mga presintong kokonti ang lamang niya kay Robredo dahil sa aking palagay, hindi nabilang nang ayos ang kanyang mga boto o kaya ay nabawasan. Marahil ay inayos na rin ng mga nasa administrasyon noon ang mga presinto sa Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental dahil alam nilang ito ang pagtutuunan ng pansin ni BBM kapag nagreklamo at dahil na rin sa pahayag ni dating Pangulo Noynoy Aquino na hindi siya makapapayag na manalo si BBM. At siya namang nangyari.

May dayaan mang nangyari sa pagkapanalo ni Leni Robredo bilang bise-presidente noong 2016, tanging ang Diyos ang nakaaalam at ang mga taong nagsagawa nito. 


RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...