Sana naman ay matapos na ng kontrobersya hinggil sa "pasaring" ni Hayden Kho sa billboard sa EDSA na hindi nagbibigay ng katutohanan sa madla. Inisip at/o ipinagpalagay na ang nabanggit na billboard ay ang kay Sharon Cuneta sa pag-eendorso nito sa Marie France, isang kumpanya sa pagpapayat.
Marami kasi ang nakakapansin na mas mataba naman si Sharon sa programang "Star Power" kaysa sa nakalagay sa billboard.
Dapat sana'y may inilagay na "before" at "after" yong ads. (Kayo na ang bahalang maglagay kung saang parte ito ilalagay.)
Sa kabilang dako, pinasinungalingan naman ng "xvideo king" na ang tinutukoy niyang bill(bil)board ay yaong kay Sharon Cuneta. (Bahala na rin kayo kung paniniwalaan nyo ito.)
Bumango naman ang kumpanyang Marie France dahil dito. Ang tanong: Paano maniniwala ang mga tao kung 'lomobong" muli ang aktres?