Monday, February 28, 2011

83rd Academy - The Oscars - Awards Winners - 2011

Colin Firth - Best Actor
Natalie Portman - Best Actress

The 83rd Annual Academy Awards, also known as The Oscars, is underway today - 27 February, 2011 at the Kodak Theatre in Hollywood,Los Angeles, California, USA.


The Winners :


1. Art Direction - Robert Stromberg & Karen O'hara Alice in Wonderland
2. Cinematography - Wally Pfister, Inception
3. Supporting Actress - Melissa Leo , The Fighter
Melissa Leo - Best Supporting Actress
4. Animated Feature - Toy Story 3
5. Original Screenplay - David Seidler, The King's Speech
6. Supporting Actor - Christian Bale, The Dark Knight Rises
Christian Bale - Best Supporting Actor
7. Original Score -Trent Reznor & Atticus Ross  The Social Network
8. Sound Mixing -  Lora Hirschberg, Gary A. Rizzo and Ed Novick , Inception
9. Sound Editing -  Richard King,  Inception
10. Makeup - Rick Baker & Dave Elsey, The Wolfman
11. Costumes - Colleen Atwood, Alice in Wonderland
12 - Adapted Screenplay - Aaron Sorkin, The Social Network
13. Short Documentary - Karen Goodman & Kirk Simon, Stranger No More
14. Live Action Short Documentary - Luke Matheny, God of Love
15. Best Documentary - Charles Ferguson & Audrey Marrs - Inside Job
16. Foreign Laguage Film - In A Better World - Denmark
17. Animated Short Film - Shaun Tan & Andrew Ruhemann, The Lost Thing
18. Visual Effects - Paul Franklin, Chris Corbould, Andrew Lockley & Peter Bebb - Inception
19. Film Editing - Angus Wall & Kirk Baxter - The Social Network
20. Original Song - We Belong Together by Randy Newman, Toy Story 3
21. Best Director - Tom Hooper, The King's Speech
Tom Hooper - Best Director


22. Best Actress - Natalie Portman, Black Swan
23. Best Actor - Colin Firth
24. Best Picture - The King's Speech

Danny Orcullo - WPA 8-Ball World Champion

Dennis "Robocop" Orcullo of the Philippines has just captured the elusive WPA (World Pool-Billiard Association)  8-Ball Pool Championship after beating Neils "The Terminator" Feijen of the Netherlands, 10-3.


Ang paligsahan ay ginanap sa Fujairah Exhibition Centre sa Fujairah, United Arab Emirates noong Sabado, ika- 26 ng Pebrero, 2011. Ito ang kaunaunahang mapanalunan ni Orcullo ang koronang ito matapos tangahaling kampeon ng World Pool League, World Pool Masters, Derby City Classic, US Bar Table at Billiards Congress of America.


Kay Dennis, congrats!


Para sa dagdag na balita, basahin dito: 

Sunday, February 27, 2011

Google AdSense, May Panloloko Ba?

Noong una, nagba-blog lang ako sa mga oras na walang masyadong ginagawa sa opisina o walang report at deadling na dapat tapusin. Kalaunan, sa kababasa ko, napag-alaman ko na pwede palang kumita ang blog ko. Kaya, sign na ako sa Google AdSense tulad ang ginawa at ginagawa ng maraming bloggers o "publishers". Hindi ko naman ito masyadong binibigyang pansin dahil kakarampot (kakatiting) naman talaga ang kikitain mo lalo na't ikaw lang naman ang madalas bumisita sa blog mo.

Sa loob ng 2 1/2 taon, napansin kong dumarami yata ang pumapansin sa mga isinusulat ko. Pwedeng epekto ito nang pagsamasamahin ko na sa iisang site yong aking iba pang blogs. Nalaman ko rin na kumita na pala ako ng 26.45 Australian Dollar sa haba ng aking pagsusulat. Ang siste. naka-HOLD at hindi kumikita ang aking blog sa ngayon. Dapat ko raw kasing i-verify yong home address ko at account number. Nagpadala raw ang Google AdSense ng isang card sa address namin kung saan nakasulat ang aking PIN na dapat kung kopyahin sa aking AdSense Account. Humingi uli ako ng bagong PIN noong 16 Feb at ipapadala raw ito sa loob ng 3 -5 araw.  Sampung araw na pero wala pa ring natatanggap na sulat ang pamilya ko sa Australia. 
Megamind (Two-Disc Blu-ray/DVD Combo)Dahil dito, wala pa ring payment report ang aking blog mula noong anuary 2011. Ngayon pa namang lampas 100 na ang pasulpot-supot dito araw-araw. Number 60 na nga ako sa TopBlog.ph

Hindi ko alam kung pa ek-ek lang ito ng Google o talagang kailangan o talagang ginogoyo na kami.  Bakit kasi hindi na lang sa email address ko ipadala ang PIN na 'yon?

Ang konsolasyon lang, hindi ako nag-iisa sa problemang ito

John Estrada at Priscilla Meirelles, Ikinasal Na


(Above image was uploaded from www. mykiru.blogspot.com)

Ikinasal na ang bohemyong actor na si John Estrada sa kanyang nobyang si  Priscilla Meirelles, isang Brazilian at dating Miss Earth 2004 titleholder. Ginanap ang kasal kahapon, ika - 26 February, 2011 sa Thunderbird Resorts sa Poro Point sa San Fernando, La Union.
Thunderbird Resorts - La Union

Sampung taon ang pagitan ng dalawang magsing-irog. 37 si John at 27 naman si Priscilla. Maligayang-maligaya ang dalawa sa harap ng kanilang mga pamilya at kaibigan.  Ang iba ay nanggaling pa sa Brazil. Suot ni Priscilla ang puting wedding gown na gawa ni Randy Ortiz. Pangalawa na ito ng pagpapakasal ni John. Una ay kay Janice de Belen kung saan nagkaroon sila ng apat na anak. Na-link din at nagkaanak si John kay Vanessa del Bianco.
 



At dahil bias ako sa maraming romansa ng mga artista, hinuhuluan ko ring hindi magtatagal ang pagsasamang ito dahil na rin sa magkaiba ang kultura ng dalawa. Pangalawa, uusbong ang problema kapag nawala na ang pagkakakitaan ni John na sa kasalukuyan ay isa sa mga main hosts sa "Happy, Yipee, Yehey" ng ABS-CBN at sa ipapalabas na teleseryeng "Minsan Lang Kita Iibigin."  



Sa ngayon, hayaan muna nating namnamin nina John at Priscilla ang tamis ng kanilang pagmamahalan.  Sa aking palagay nga ay baka buntis na ang babae.


Kina John at Priscilla, "Happy, Yipee, Yehey!"

Saturday, February 26, 2011

Physician Board Exam Result 2011

Inilabas na ng Philippine Regulation Commission (PRC) ngayong araw na ito ang listahan ng mga pumasang doktor sa nakaraang pagsusulit na ginanap sa Manila at Cebu ngayong buwang ito. 655 lang ang pumasa mula sa 1230 na kumuha ng board exam.

Ang TOP 10 sa nasabing board exam ay ang mga sumusunod:
1. Eleanor De Guzman - FEU - 86.33%
2, Jovith Tasarra Royales - Fatima U - 86.25%
3. Elton Sherman Zse Po - Fatima U - 85.58%
4. Kenneth Estocapio Yabut - Fatima U - 85.50%
5. Noreen Manlapaz Dizon - FEU - 85.17%
    Nila Gonzales Franche - MCU - 85.17%
6. Censon Lemuel Lizaronda Cabanas - UST - 84.92%
   Armie Zarsadias Salaysay - DLSU - 84.92%
7. Joanna Camille Guanzon See Co - Fatima U - 84.83%
8. Cristine Aurestila Descallar - Cebu Doctors U - 84.58%
9. Shella Marie Roxas Ong - Fatima U - 84.50%
10. Donna Lea Sullano Pepito - UE - 84.42%

Basahin dito ang kumpletong listahan ng mga bagong doktor:

http://www.prc.gov.ph/documents/PHYS0211se.pdf

Sa 655 bagong doktor, ilan kaya ang maninilbihan sa Pilipinas ?

PANDESAL sa SAUDI

Kahit naglipana ang mga tasty, pan amerikano, monay at kung anu-ano pangklaseng  tinapay, pandesal pa rin ang paboritong agahan ng mga Filipino sa Pilipinas at saanman dako ng mundo. Dahil dito, nang  mapadaan kami ni Roy, ang aming Indianong purchaser, sa Al-Jubail Mukkah Al Mukaramah Street at matapat sa Altabounah  Bakery ay nagpababa ako. Malinis ang loob ng bago pang tayong bilihin ng mga tinapay. Bukod sa mga tinapay, meron din tindang mga sweets na patok na patok sa mga Arabo at mga mamamayan ng Middle East. Tulad ng karamihan sa mga bakery, hindi mga Saudi ang nagluluto ng tinapay. Hindi ko lang mawari kung ang mga ito ay galing ng Turkey, Jordan o Lebanon. Bumili ako ng tatlong supot ng tinapay sa halagang 7 riyals. Kabilang dito ang tinapay na mukhang pandesal. May kalakihan ito,  mabigat pero hindi masyadong hugis-pandesal dahil medyo pabilog ito.

Ang pandesal ang nilantakan ko sa aking hapunan. Inilagay ko ang 2 piraso sa loob ng microwave. Eksayted ko itong kinagat  pero ganoon na lang ang aking pagkaunsyami nang hindi ko ito makagat-kagat. Para itong balat ng baka sa kunat. Kailangan ko pang hiwa-hiwain para makain. Kinuha ko ang natitira pang pandesal na hindi isinalang sa microwave at sinubukan kong pirasuhin ito. Napiraso naman. Kaya lang, nakapira-piraso talaga ito nang husto. Hindi katulad ng pandesal ng Pinoy na maaari mong palamanan sa gitna.

Ang aking natutunan, huwag na huwag paiinitin sa microwave ang anumang uri ng tinapay. Nag-iiba ang texture nito at nakunat.

Friday, February 25, 2011

Maria Aragon Sings "Just The Way You Are"

The current Youtube sensation Maria Aragon  sang Bruno Mars's "Just The Way You Are" on Hot103.
Listen to her performance:

Thursday, February 24, 2011

Rep. Ronald Singson Hinatulan ng Isa't Kalahating Taong Pagkabilanggo


Hinatulan ng isa at kalahating taong pagkabilanggo ang kinatawan ng Ilocos Sur na si Congressman Ronald Singson dahil sa pagdadala nito ng 6.67 gramo ng cocaine papasok sa Hongkong na gagamitin sana niya sa Macau habang nagsusugal. Si Singson ay anak ng jueteng money courier na si Governor Chavit Singson. Sana ay maging babala ito sa ating mga kababayan!


EDSA People Power Revolution 25 th Year Theme Song by ABS CBN

Listen to ABS-CBN's offering to the celebration of EDSA People Power Revolution Silver Anniversary through this "Handog ng Pilipino sa Mundo" music video. This was launched on ASAP Rocks:Harry Potter and the Deathly Hallows, Part 1

2010 ALS A & E Test Result Inilabas na ng DepEd

Inilabas na sa wakas ng DepEd ang resulta ng October 2010 ALS Accreditation & Equivalency Test - A & E Hanapin ang inyong pangalan dito:

 ELEMENTARY
http://www.deped.gov.ph/cpanel/uploads/issuanceImg/EL%20PASSERS.pdf

HIGHSCHOOL
http://www.deped.gov.ph/cpanel/uploads/issuanceImg/SL%20PASSERS.pdf

(FOR REVIEW, PRACTICE and SAMPLE TESTS, VISIT  http://alternativelearningsystem.blogspot.com/)

Congrats sa mga pumasa sa Oct 2010 ALS A & E Test! Sa mga hindi, magreview uli nang mabuti para sa susunod na pagsusulit!

Wednesday, February 23, 2011

SHARON - THE BIGGEST LOSER's host?

Malapit nang i-ere ang Pinoy Edition ng The Biggest Loser, kung saan ang mga contestants ay mapapasabak sa mahihirap na pagsubok sa pag-eersisyo at diyeta sa pagkain upang mabawasan ang kanilang taba. Ang mananalo ay 'yong may pinakamalaking porsyento ng mantikang nawala sa kanyang katawan.

Ayon sa balita, si Ms. Sharon Cuneta raw ang napipisil na maging host ng reality tv show na ito dahil na rin siguro sa nabawas sa kanyang timbang nang lumahok sa programa ng Marie France. Pruweba naman ang kanyang bill(bil)board sa EDSA, di ba?


Isang hamon kay Ms Sharon ang bagong programang ito. Para maging kapanipaniwala ang show, dapat siguro ay sumabak din sa mga loss-weight regiment and diet si Sharon habang pinapalabas ang programa.
Tingnan natin kung makakamit din niya ang biggest loser na pigura o magiging biggest loser ang Marie France dahil sa malaking pigura ng endorsement fee na ibinayad sa roller-coaster na katawan ng singer-actress.

ABS-CBN's GREEN ROSE, a Korean Telenovela Adaptation

Umarangkada na nitong linggo ang bagong (pero luma ng istorya) telenovela ng ABS-CBN na Green Rose. Ito ay pinagbibidahan ng matinik (sa chicks) na si Jericho Rosales at seksing (at mahilig kumantang) si Anne Curtis. Bagong programa ngunit ang istorya ay hango sa Korean telenovela na mayroon ding kaparehong titulo. Una itong iniere sa nasabing bansa noong Marso 2005 sa SBS. Dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko, tumagal nang 23 episodes ang telenovela gayong 16 lang ang karaniwan. Ang serye ay pinagbibidahan nina Go Soo, Lee Da Hae, Lee Jong Hyuk at Kim Suh Hyung.

Sa Pilipinas, pinagbibidahan din ang Green Rose nina Jake Cuenca, Alessandra de Rosi, Gardo Versoza, Ricardo Cepeda, Susan Africa at Kitkat.

Ang buod ng istorya:

Karaniwang empleyado lamang si Jericho Rosales na umibig kay Anne Curtis, anak ni Ricardo Cepeda -chairman ng SR company. Tutol ang chairman dahil ang gusto nito ay si Jake Cuenca, isang director ng kumpanya. Tinawagan ni chairman si Jake dahil may nadiskubre ito sa ginagawa ng binata ayon na rin sa report ni Gardo Versoza, ninong ni Anne at isa pang director sa SR na napipinto ring humalili kay chairman. Bago pumunta sa bahay-bakasyon, tinawagan ni Jake ang lover na si Alessandra de Rossi , executive secretary ni chairman, upang tawagan nito si Jericho at papuntahin sa bahay-bakasyonan.

Nakita ni Jericho ang duguang katawan ni chairman at tinulungan niya itong iligtas sa nasusunog na bahay. May dumating na tulong subali't pinukpok pa nito ang ulo ni Jericho. Sa ospital na nagising si Jericho at ilang panahon lamang ay namatay rin si chairman. Napagbintangan at nakulong si Jericho. Nagtangkang magpakamatay si Susan Africa upang makalaya pansamantala ang anak na si Jericho at patunayan nito ang kawalang-sala. Tinulungan si Jericho ni Gardo Versoza. Nang makorner, tumalon si Jericho sa ilog at pinaniwalaang namatay na.

May isang lalaking umaruga at kumandili kay Jericho. Naging chairman din siya ng isang kumpanya sa tulong ng kanyang guardian. Bumalik si Jericho sa pinanggalingan kasama ang kanyang guardian. Kahit iniba niya ang kanyang pangalan, nakilala pa rin siya ni Anne na noon ay girlfriend na ni Jake Cuenca, ang bagong chairman ng SR. 

Sino ang pumatay kay Ricardo Cepeda? Sino ang pumukpok kay Jericho Rosales?


EDSA People Power Revolution Turns 25

Gugunitain ang ika-25 taong anibersaryo ng EDSA Power Revolution sa ika-25 ng Pebrero, 2011. Napapanahon ang paggunita ng okasyong ito kung saan napatalsik ang sinasabing diktatorya ni President Ferdinand Marcos noong 1986.
 Masasabi ring naging inspirasyon ang Power Revolution upang gayahin sa iba't ibang panig ng mundo. Subali't ang kabaliktaran lamang, naging mapayapa ang "rebolusyong" ito sa Pilipinas.

Dalawampu't limang taon na pala nang mapalitan si President Marcos subali't hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masyadong nakikita ang kaunlarang sinasabi nila noon. Nasa Iraq ako noon bilang isang OFW  nang maganap ang makasaysayang araw na ito sa Pilipinas. Hanggang ngayon, OFW pa rin ako rito sa Saudi Arabia. Sa aking palagay, naging mabagal ang pagsulong ng kaunlaran sa Pilipinas matapos ang pamumuno ni Marcos. Noon, iilan lamang ang inaakusahang "magnanakaw" sa kaban ng bayan. Ngayon, iilan na lang ang hindi "nagnanakaw". Noon, marijuana lang ang drogang libangan ng mga kabataan. Ngayon, maliban sa solvent at shabu, meron pang ecstasy, heroin at cocaine. Noon, may naipatayong Folk Arts Theater, Cultural Center of the Philippines at anu-ano pang gusaling pang-kultura. Ngayon, wala akong alam na naipatayo. Noon, marami tayong bigas. Ngayon, namimili na tayo ng bigas sa mga bansang tinuruan nating magtanim ng bigas. Noon, NPA lang ang kaaway ng pamahalaan. Ngayon, kasama na rin ang MILF, Abu Sayyaf at Al Qaeda. Noon, mga kriminal lang ang nasasangkot sa krimen. Ngayon, sa likod ng krimen, may mga pulis at sundalong kasangkot. Hanggang ngayon, hindi pa rin pinapayagang ihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang labi ng Commander in Chief ng Pilipinas. Ngayon, ang isang heneral na balot din ng kontrobersya ay nailibing dito at binasbasan pa ng Simbahang Katolika kahit nagpakamatay ito na HINDI ginagawa noon.


Ewan ko ba kung bakit pa natin ipagdiriwang ang EDSA Revolution? Dahil ba sa natamo nating "kalayaan?" Kalayaang ano?  Nabago ba ng kalayaang ito ang pamumuhay ng ating mahihirap na kababayan?

Sa aking palagay, naging payapa pa ako at masagana noong 1986 kaysa ngayon.

Christchurch, New Zealand - NILINDOL

(Latest update: Ibinalitang patay na ang 11 estudyanteng nakulong sa gumuhong CTV building. Sa ngayon, hindi pa nakukuha ang mga bangkay.)

(UPDATE: May 11 na Pinoy nurses na nag-aaral ng English ang natabunan sa bumagsak na gusali ng CTV sa Christchurch.
The missing Filipinos are Jessie Lloyd Redoble, John Kristoffer Chua, Ezra Mae Medalle, Emmabel Anoba, Jewel Francisco, Ivy Jane Cabunilas, Mary Louise Anne Amantillo, Valquin Bensurto, Rhea Mae Sumalpong, Erica Nora, and Lalaine Collado Agatep).
Nilindol ang Christchurch , ang pangalawang pangunahing siyudad ng New Zealand ngayong araw na ito. Ang lindol ay may lakas na 6.3 sa Richter scale. Gumuho ang maraming  establisyemento at gusali kabilang na ang isang simbahan.  Tinatayang may 65 tao ang biglaang namatay sa sakunang ito. Sa kasalukuyan, walang iniulat na Pinoy na nasawi sa trahedyang ito. Ngayong umaga sa Pilipinas, nilindol din ang ibang bahagi ng Luzon nguni't hindi gaano ang pinsalang idinulot nito.

NO Graduation Fees to Filipino Students


DepEd renews call  for schools to refrain from collecting any 
graduation fees
In line with its vision to put every school-aged child in school at  no cost, the Department of Education (DepEd) has renewed the call for  public and private elementary and secondary schools  to refrain from collecting any fees from students  now that schools have started preparing their respective graduation rites. Education Secretary Armin Luistro reminded  all education stakeholders particularly the school heads and teachers of the more than 55,000 private and public schools under its supervision to focus on ensuring quality education for all rather than holding lavish graduation ceremonies which give additional financial burden to parents.

“The mandate of the department is to bring every school-aged child in school and not to encourage enrolment specifically among the very poor because they of the unnecessary fees  they need to shoulder during celebrations like graduation,” Luistro said. Earlier the department has instructed schools to hold simple graduation rites through its DepEd Order No.4, series 2011 highlighting its policy on the conduct and collection of fees for graduation rites. DepEd has taken an aggressive position to put every school-aged child in school at no cost as part of its Education for All (EFA) commitment, a promise of 100 percent enrollment of all children and youth of school age by 2015. In fact, the department has been exploring several means to eliminate obstacles that prevent a child from being in school. Luistro furthered that graduation should serve as a reward to parents for sending their children to school and should not be a reason for them to worry
financially.”


Addressing the problem on the high cost of education, the DepEd’s emphasis on the  no collection of fees policy is in line with the Philippine Constitutional mandate to provide free public education at the elementary and secondary levels. The department also appeals to schools to refrain from holding graduation party or ball that will require students to pay additional expenses unless agreed upon by parents-teachers association (PTA)  and collection must be on a voluntary basis.

Under DepEd Order No.4, this year’s graduation theme  is  “The Graduate: A Partner Towards Transformational Society, An Answer to Societal Change” (Ang Mga Magsisipagtapos: Kaagapay Tungo sa Pagbabagong Anyo ng Lipunan, Tugon sa Hamon ng Sambayanan). It also mentions that graduation rites shall be scheduled any day between April 1-7, 2011.

Ang nasa itaas ay ang direktiba ng DepEd (Department of Education) ng Pilipinas hinggil sa pagbabawal ng paghingi ng graduation fees para sa magsisipagtapos na mag-aaral sa elementarya, high school at kolehiyo. Kapuri-puri ang mungkahing ito ng departamento dahil makakatipid ang mga magulang sa dagdag gastos. Nguni't sa mga magsisipagtapos (at sa mga magulang na rin), hindi magiging masaya ang kanilang inaasam-asam na araw kung sila ay aakyat ng entablado na kupas at may punit pa ang school uniform na suot habang inaabot ang kani-kanilang diploma - katibayan ng kanilang pagtatapos - ang gantimpala ng kanilang maghihirap at magsisikap. Walang kasaya-saya! Hindi memorable!


Bilang magulang na Pilipino, ang ipagtapos ang kanilang mga anak ay isa ng kayamanan. Ito ay isang masayang okasyon para sa mga mag-aaral at mga magulang. Ang araw na ito ay inaasam-asam ng bawa't isa sa kanila.  May saya ba silang madarama kung ang araw ng pagtatapos ay isang simpleng seremonya lamang?


Hindi naman kailangang garbong-garbo ang pagdaraos ng graduation. Nguni't dapat ay maging memorable ito sa kanilang buhay. Hindi yaong  walang kalatoy-latoy na pagdiriwang. Sabi nga ni Ka Iska, " Kesehodang ipangutang ko 'yang si Bien ko, ibibili ko siya ng long sleeves o barong tagalog at sapatos sa kanyang graduation!"


Tuesday, February 22, 2011

Egypt, Yemen, Libya, Bahrain--Saudi Arabia?

<Many Overseas Filipino Workers or OFWs are worried about the riot-protest going around in Libya, Yemen & Bahrain after the fall of Hosni Mubarak of Egypt. The protesters of these countries voice out their demands ranging from unbalanced representation in government to poverty to human rights abuses. OFWs in Saudi Arabia are wondering if this scenario will ever happen here. In my opinion, I don't think so simply because the Saudis love their king and they are peace-loving people. Inshallah!>

Nababahala ang mga OFWs (Overseas Filipino Workers) at iba pang banyagang nagtatrabaho sa Gitnang Silangan at Africa dahil sa sunod-sunod na kaguluhan na nangyayari sa loob lamang ng dalawang linggo. Una na rito ang protestang ginanap sa Egypt laban sa kanilang lider na si Hosni Mubarak kung saan ilang buhay rin ang nalagas. Natigil lang ang kaguluhan nang magpasyang magbitiw si Mubarak.

Bahrain
Libya
Kasunod ng Egypt ay nag riot -protest rin sa mga bansang Yemen, Libya at Bahrain laban sa kanilang lider.  Sa Bahrain, apat na nagpoprotesta ang namatay nang paulanan ng bala ang mga ito habang natutulog. Daan-daan din ang nasugatan sa insidente. Humihiling ang majority ng Shiite Muslim na bigyan sila ng sapat na kinatawan sa gobyernong pinangungunahan ni King Hamad Ibn Isa Al Khalifa, na isang Sunni. Sa Libya, tinatayang lampas sa 140 ang namatay sa riot laban sa kanilang matagal ng lider na si Muammar Al-Qaddafi.

Egypt

Yemen
Dahil sa kaguluhang ito, hindi isinasantabi ang posibilidad na maganap ang kinatatakutan ng mga Pinoy sa Saudi Arabia. Nguni't sa aking palagay, ang pangambang ito ay napakalayong mangyari. Unang-una, mahal ng nakakaraming Saudi ang kanilang hari at lider na si H.M. King Abdullah. Pangalawa, ang mga Saudi ay mga mamamayang mapayapa. Maganda rin ang turingan ng mga banyagang manggagawa at mga local na mamamayan ng Saudi Arabia. Dahil dito, dapat ay maging mahinahon, kumalma at magdasal ang ating mga OFW dito sa Saudi para hindi mangyari ang bangungot na ito.

Monday, February 21, 2011

ANGELINE QUINTO, ABS - CBN Star Power 2011 Grand Winner

This video was videotaped via TFC. If ABS-CBN wishes to delete it and the photos herein, please email me at pons@usa.com.
Tinanghal na grand winner  si Angeline Quinto  ng  Sampaloc, Manila   sa ABS-CBN Star Power Search for the next Female Pop Superstar show ni Ms Sharon Cuneta na ginanap sa  Ynares Centre sa Antipolo City ngayong gabi, ika-20 ng Pebrero, 2011. Maliban sa isang milyong pisong premyo, nakamit din ni  Angeline  ang mga sumusunod:
1 - Hover SUV
2 - Diamond Jewelry Set
3 - Sony Entertainment Showcase
3 - Isang recording debut album from Star Records
4 - Paglabas sa ASAP
5 - One Year Exclusive Contract ng Star Magic

Ang iba pang mga nagsipagtunggali ay sina:
 Akiko Solon of Lapu-lapu City, Cebu - 5th Place
 K - La Rivera of Calgary, Canada - 4th Place
 Krissel Joy Valdez of Davao City - 2nd Place


Monica Sacay of Leyte - 3rd Place


Ang pagpili sa nanalo ay mula sa text at online voting kasama na ang puntos mula sa mga hurado na kinabibilangan nina Direk Bobot Ortiz, Mitch Valdez at Billy Crawford. Main host sa nasabing patimpalak si Ms. Sharon Cuneta kasama sina Erik Santos at Christian Bautista.

(All images come from the ABS-CBN website)

Sunday, February 20, 2011

December 2010 Nurse Licensure Exam Results

The Philippine Regulation Commission (PRC) has just released the result of the December 2010 Nurse Licensure Examinations. 29,711 out of 84,287 or 35% passed the exam given in various testing centers in the Philippines on 19-20 December 2010.

The Top Ten New Nurses are as follows:
1. Weanne Myrrh Razon Estrada, Adventist University Of The Philippines: 88.40%

2. Mary Grace Bermudez Rallo, Central Luzon Doctor's Hospital Educational Institution: 86.80%

3. Maria Kristina Pamintuan Bicas, Saint Louis University: 86.60%

4. Vanessa Garma Elumbaring, Saint Mary's College-Tagum: 86.40%
Kimberly Medina Malubago Southern Luzon State University-Lucban (SLPC): 86.40%

5. Jessa Lorraine Dejan Andalan, Xavier University: 86.20%

6. Yugie Caroline Murillo Demegillo, Iloilo Doctors' College: 86.00%

7. Hanako Sasaki Aranilla, First Asia Institute Of Technology & Humanities: 85.80%
Teena Marie Junio Pascua Saint Mary's University: 85.80%
Nonah Vee Cornelio Sareno Davao Doctors College, Inc.: 85.80%
Elnathan Samson Subardiaga Universidad De Zamboanga (For.Zaec) 85.80%
Karl Marie Sta Ana Tuvilla University Of Negros Occidental-Recoletos 85.80%

8. Karl Gabriel Alferi Bonifacio, Colegio De San Agustin-Bacolod City: 85.60%
Dennis Gonzales Duran Pamantasan Ng Lungsod Ng Maynila: 85.60%
Bernadette Lumibao Guevarra Cotabato Medical Foundation College: 85.60%
Criselle Lyn Guerrero Li Father Saturnino Urios University (Urios Coll): 85.60%
Vincent Jubelag Sumergido West Visayas State University-La Paz: 85.60%

9. Jacquiline Jane Banzuela De Jesus, Arellano University-Pasig: 85.40%
Rizyl Jem Franco Japitana, Colegio De San Agustin-Bacolod City: 85.40%
Christine Jannie Paez Rivera, Pamantasan Ng Lungsod Ng Maynila: 85.40%
Nicole Anne Albaladejo Sales Diaz, Colegio De San Agustin-Bacolod City: 85.40%

10. Jaime Dela Roca Bonifacio Jr., Adventist University Of The Philippines: 85.20%
Micaela Orevillo De Guzman, Xavier University: 85.20%
Rose Angela Reyes Mahipus, Davao Medical School Foundation: 85.20%
Irene Kate Faustino Nicolas, Pamantasan Ng Lungsod Ng Marikina: 85.20%
Cesar Ryan Espera Ortiz, Aquinas University: 85.20%
Roby Ann Gutierrez Prado, Colegio De Dagupan (For.Computronix Coll): 85.20%




VIEW THE COMPLETE LIST HERE:

Read more: http://www.pinoyboardresults.co.cc/2011/02/top-10-nursing-board-exam-december-2010.html#ixzz1EUbrnF3H 
Under Creative Commons License: Attribution

ALS A & E October 2010 Test Result

Marami na ang nayayamot sa mabagal na pagpapalabas ng DepEd ng resulta sa nakaraang Alternative Learning System Accreditation and  Equivalency Test (ALS A& E) na ginanap noon pang Oktubre 2010.  Hindi tuloy malaman ng mga kumuha kung maipapagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral sa high school o sa college gayong marami na rito ang nagbibigay na ng entrance examination. Baka raw mahuli na sila sa pagpapalista.

(UPDATE: BASAHIN PO ANG RESULTA SA
http://pinoysamut-sari.blogspot.com/2011/02/als-e-october-2010-test-result.html )


(FOR REVIEW, PRACTICE and SAMPLE TESTS, visit http://alternativelearningsystem.blogspot.com/ 


Ano ba namang klase ang eksamin na iyon? Hindi ba computerized ang pagtsi-check? Bakit kasi hindi ihiwalay ang essay writing portion ng pagsusulit sa maaga-agang petsa nang matsekan agad.
Nakailang bisita na rin ako sa webpurok ng DepEd sa     http://www.deped.gov.ph/  pero hanggang sa ngayon ay wala pa ring resulta gayong sabi nila noong isang taon ay sa huling linggo ng Nobyembre raw ito ilalabas. Baka naman sa Nov 2011 pa?

Para sa nagnanais na kumuha ng pagsusulit sa taong ito, basahin ang impormasyon dito:


Ikakasal na raw sa "12" ang nagkabalikang magdyowa na sina Dra. Vicky Belo at ang Video Exhibitionist na si Dr. Hayden Kho. Ito ang ibig ipagkahulugan ng marami nang madulas ang bibig ng Dutch model na si Yolanda Hadid, nobya ng international singer na si David Foster, habang kinakapanayam ng ABS-CBN. Ang modelo ay panauhin sa kabubukas na clinic ng Belo Medical Group sa Greenbelt, Makati noong Sabado, ika-19 ng Pebrero, 2011.

Nabanggitkasi ni Ms. Hadid na ang kanyang kasal ay sa "11-11-11" at ang kanila Belo at Kho naman ay sa "12". Kinabig ding biglang nito ang bibig nang mapagtanto ang kanyang sinasabi.

Ang "12" ay pwedeng sa Disyembre o sa 12-12-12 sa isang taon.

Kung ikakasal man ang dalawang ito ay wala akong masasabi kundi ang paniniwalang hindi rin magtatagal ang pagsasamang ito. Una, gayot na si Ms Belo na pinagaganda na lang ng kanyang mga panturok na gamot. Pangalawa, si Hayden ay tila rabbit na mahilig sumuot sa iba't ibang lungga.

DONAIRE CAPTURES WBO/WBC TITLE

(The above Donaire-Montiel Fight Video was
shared by a friend and recorded via ABS-CBN broadcast. It is not intended for copyright infringement. ABS-CBN shall email me at pons@usa.com if they wish the video to be deleted from this blog.)

Nonito Donaire Jr. captures WBO/WBC bantamweight title by  Technical Knock Out (TKO) from  Fernando Montiel in the second round. The fight was televised via HBO Saturday, 19 February 2011 from the Mandalay Hotel in Las Vegas, Nevada, USA. This is Donaire's 25th straight win.

For more detailed news, visit:

http://boxing.fanhouse.com/2011/02/19/nonito-donaire-stops-fernando-montiel-in-second-round/

Saturday, February 19, 2011

Manny Pacquaio Versus Barack Obama

Natupad na rin ni Manny Pacquiao ang makaharap ang Pangulo ng Amerika na si Barack Obama noong Martes,  ika-15 ng Pebrero, 2011. Hindi sa ring kundi sa oval office ng White House nagsagupa sa huntahan ang dalawang pamosong pigura ng mundo.


Nagbigay si Pangulo Obama kay Manny ng 3 grocery bags na puno ng mapusyaw na asul na M&M's na may selyo ng presidente ng USA. May selyo rin ng presidente ang regalong relo para kay Manny.

Kasama ni Manny ang asawang si Jinkee sa kanyang pagbisita sa White House. Nakipagkita rin ang pambansang kamao kay Sen. Hary Reid.

Maria Aragon Pinuri ni Lady Gaga

Pinuri ni Lady Gaga ang isang 10 taong gulang na Pinay na si Maria Aragon na taga Winnipeg, Canada. Napaiyak ang singer nang mapakinggan ang rendition ng bata ng kanyang kantang "Born This Way." Dahil dito umakyat sa 1.5M hits ang Youtube broadcast ng bata sa loob lang ng isang araw mula sa 3,100 hits.

Naging panauhin din si Maria sa isang radio program sa Toronto kung saan inawit niyang muli ang Born This Way.

Si Maria Aragon na kaya ang isa pang Charice Pempenco? Abangan!



Recently, Maria Aragon was also a guest at Ellen Degeneres show:

Wednesday, February 16, 2011

Palladium Wedding Rings are IN!



Wedding bands or rings made of palladium are gaining momentum nowadays for lovers around the world. Gone are the days for gold wedding rings and the silver ones are losing their luster.

My friends who will tie the knot this June just recently bought their wedding rings from www.palladiumringsonline.com and they said that the rings are elegant and priced right. It's a gem!

This is your chance to prove for yourselves. Take a look for a variety of design at http://www.palladiumringsonline.com/ and have that wedding day of your dream!

3 Pinoy IPA-FIRING SQUAD sa CHINA


UPDATE: THE EXECUTIN HAS BEEN POSTPONED. (19 FEB 2011)

Nakatakdang i-firing squad ang 3 sa 5 Pinoy na nakadetine sa China dahil sa drug trafficking, ayon sa Department of Foreign Affairs. Tulad ng dati, nabubunyag lang ang balitang ito kapag nalalapit na ang kamatayan ng ating kababayan na may kaso sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, nakipag-ugnay na si PNoy sa pamahalaang Tsina upang isalba ang buhay ng tatlo.

Nakakalungkot lang ang pangyayaring ito dahil na rin sa pagtitiwala ng ating mga kababayan sa mga taong inaakala nilang makakatulong sa kanila. Kalimitan, hindi alam ng ating kababayan na may dala silang droga sa bagaheng ipinakisuyo sa kanila na kalimitan ay ang ahensiya o taong kumuha sa kanila upang magtrabaho sa China. Pangalawa na rin ang kapalpakan ng mga tauhan sa ating airport kung bakit nakakalusot sa ating x-ray machine ang mga drogang ito. Hindi tuloy maiaalis na patuloy ang kutsabaan ng ilang tauhan sa mga paliparan na ang katumbas ay ang buhay ng ating mga kababayan.

UPDATE: Sinabi ng pamahalaang Tsino na sa halip na firing squad, lethal injection ang igagawad sa mga "nagkasala."

At dahil kamatayan ang parusa sa mga nagdadala ng droga sa China, hindi kaya dapat ay ganito na rin ang parusa sa mga Tsinong sa Pilipinas pa mismo gumagawa ng mga ipinagbabawal na gamot? Ang siste, nakakapagpiyansa pa ang ito sa oras na mahuli.

Firing squad din kaya ang parusa kay Congressman Ronald Singson na umaming may dalang droga nang pumasok ng Hongkong? O iba ang parusa dahil kilala, may pera at impluwensya ang mambabatas? Nagtatanong lang, kayo na ang humusga.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...