Showing posts with label Ang Ate Kong Bading - Part 3 of 4. Show all posts
Showing posts with label Ang Ate Kong Bading - Part 3 of 4. Show all posts

Monday, May 24, 2021

Maikling Kuwento: Ang Ate Kong Bading - Part 3 of 4

HALOS isang taon ang lumipas bago nawala ang hinanakit ni Ate kay Nicko. Sa mga panahong nagdaan ay patuloy na humingi ng tawad ang lalaki at maging ang ina at kapatid nito. Iyon siguro ang dahilan kung kaya’t nakalimutan ng nakatatanda kong kapatid ang sakit na naramdaman. Dagdag pa nang nabalitaang hindi naman pala pinakasalan ni Nicko ang nabuntis niya. Inako lang nito ang responsibilidad sa anak na iniwan din sa kanya matapos makapanganak ang babae.


Tumanggi nang makipagbalikan si Ate nang bumisita si Nicko kasama ang anak. Ilaan na lang daw sa kanyang anak ang kanyang oras at pagmamahal. Naunawaan naman ng binatang-ama ang nais mangyari ng aking kapatid. Mabigat man sa loob ay sinunod niyo ang pasya ni Ate. Naging magkaibigan at magkumare na lang ang dalawa simula noon.

Kung wala sigurong Gerald sa buhay ni Ate noon ay baka nakipagbalikan pa ito kay Nicko. Nang panahon kasing iyon ay mayroon ng nagpapalipad-hangin sa aking kapatid. Regular na customer ito sa parlor. Kalaunan ay hindi na parukyano kundi manliligaw na.

Laking Amerika si Gerald, Filipina ang ina at Amerikano ang ama. Umuwi ng Pilipinas at tumira sa aming pook nang mabiyuda ang kanyang ina. Naiwan sa States ang kanyang dalawa pang kapatid na lalaki na may mga pamilya na rin. Malaking lalaki si Gerald, nasa 6’3” ang taas, bortang-borta at kanong-kano ang itsura maliban sa itim na buhok na namana sa ina. 27 years old na ito at nagtatrabaho bilang assistant manager sa isang kumpanya ng seguro malapit sa pinapasukan ko sa Makati.

Nagkaasawa ng isang Amerikana si Gerald noong nasa States pa subali’t nauwi sa diborsyo ang kanilang pagsasama nang mahuli niyang may ibang lalaki ito. Simula noon ay parang sinumpa na niya ang mga babae. Mas mabuti pa raw na sa isang bakla siya pumatol dahil siguradong siyang hindi ipagpapalit nito nang basta-basta. Malaki ang kumpiyansa niya sa sarili dahil taglay niya ang lahat ng katangiang hinahanap ng mga binabae.

Nakilala ni Gerald si Ate sa pamamagitan ng kanyang ina nang magpagupit ang huli sa parlor. Nang sumunod na araw ay siya naman ang nagpagupit. Nagpa-manicure at pedicure nang sumunod na bisita. Nagpa-facial at kung anu-ano pang serbisyo nang sumunod pang mga pagkakataon. Sa bawa’t pagbisita ay may dalang kung anu-ano para kay Ate. Binabalewala naman niya ang panunuyong iyon kaya ang mga empleyadong bakla ang nakikinabang sa mga regalo ng kano.

Kalaunan ay sa bahay na umaakyat ng ligaw si Gerald. Nangharana pa nga ito minsan na ikinatuwa ni Ate at ng aming mga kapitbahay. Kahit pautal-utal at baluktot ang pagkanta ng Dahil Sa Iyoay walang pakialam sa mundo. Wala rin siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao kahit na nga lantad sa lahat ang tunay na pagkatao ni Ate. Feeling nga ng aking kapatid na babaeng-babae siya ng gabing iyon dahil daig pa sa tunay na babae ang turing sa kanya ng manliligaw.

Walong buwan bago ibinigay ni Ate ang kanyang matamis na “OO” sa Amerikano. Ito ay matapos ipagsama pa ni Gerald ang kanyang ina para hingin ang sagot ng aking ate. Inggit na inggit ang kabaklaan at kababaihan sa aming pook nang maging nobyo ng aking kapatid ang lalaking pinapantasya ng lahat. Muli, nagpasalamat ako sa Itaas. Gayunman, naroon muli ang takot sa maaaring mangyari.

Naging maayos ang relasyon ni Ate at ni Gerald. Hindi ko sila nakitang grabeng nag-away. Nagtatampuhan paminsan-minsan subali’t madali namang naaayos dahil kapwa mahalaga sa kanila ang isa’t isa. Minsan ay tinanong ko si Gerald kung kuntento na ba siya sa relasyon nila ni Ate. Pranka siyang sumagot. Hindi raw mangyayaring ipagpapalit niya sa babae ang pagmamahalan nila ng aking kapatid. Naranasan na raw niya iyon. Hindi raw mahalaga kung magkapareho ang kanilang kasarian. Ang importante raw ay may namamagitang respesto at pag-ibig sa kanilang dalawa.

Humanga ako sa prinsipyo ni Gerald. Ngayon ko lang nalamang mayroon talagang mga lalaki ang umiibig nang tutuo sa mga third kind. Naluha ako nang marinig iyon kay Gerald. At last, may tunay nang magmamahal sa aking ate. Hindi na ako matatakot na maiiwan muling nag-iisa ang aking kapatid. Pero nagkamali ako.


Hustong magdiriwang ng kanilang 2ndanniversary bilang magkasintahan ang dalawa nang biglang mawala si Gerald. Maraming inihanda si Ate sa aming bahay para sa okasyon. Naroroon ang lahat ng mga bayot sa parlor at aming malalapit na kaibigan. Nasa bahay rin ang mga kabarkada kong nagbibigay-aliw kay Ate kapag siya ay nalulungkot. Bisita rin ang ina ni Gerald na may dala pang minatamis. Lahat ay masaya sa naging kapalaran at pag-iibigan nina Ate at Gerald.

Itinawag ni Gerald na may dadaanan lang siya at uuwi na rin ng hapong iyon. Excited ang lahat sa kanyang pagdating. Masayang napasugod si Ate sa pintuan nang marinig ang pagparada ng isang sasakyan. Ipinagpalagay niyang taksing sinakyan ni Gerald dahil sira ang kotse nitong ginagamit at nasa talyer pa.


Malakas na sigaw at sinabayan nang malakas na hagulgol ang bumulahaw sa loob ng aming bahay. Nakita kong parang nauubos na kandilang nabuwal si Ate habang sinasalo ng dalawang pulis na kayang katabi. Napahagulgol din ang Mommy ni Gerald nang lumapit dito ang mga may-kapangyarihan.

Ako na lang at si Ate ang naiwan sa memorial park na pinaglibingan ni Gerald. Napatay ito ng holdaper nang hindi ibigay ang laman ng maliit na kahong dinaanan sa isang jewelry store. Hawak-hawak pa nito nang mahigpit ang kahitang naglalaman ng engagement ring sana nila ni Ate nang magdatingan ang mga pulis. Inaayos pala nito ang pagpunta nila ng aking kapatid sa Amerika at doon magpapakasal.

Sa pangatlong pagkakataon ng pakikidalamhati sa kanyang sinapit ay doon uli ako natulog sa kama ni Ate at sa marami pang mga gabi. Dinamdam niya nang lubos ang biglang pagkawala ni Gerald. Hindi tulad nang dati, halos isang buwan siyang hindi nagpakita sa parlor. Halinhinan ang mga bading sa parlor sa pagbabantay sa kanya sa araw. Nakalabas lang siya ng bahay nang isugod sa ospital ng isang kasamahan sa trabaho. Naglaslas ng pulso! Hindi nakayanan ang huling kasawian.


Iyak ako nang iyak nang makita ang kanyang katawan sa katreng pinaglagyan sa kanya. Sa pagkakataong ito ay wala akong nagawa kundi sisihin ang aking sarili. Dapat sana ay nag-leavena lang ako o tuluyang nag-resign sa trabaho kung alam ko lang na mangyayari ito. Akala ko pa naman ay malakas at matatag ang kanyang loob na madalas niyang sabihin sa akin. Pero heto siya ngayon, madaling sumuko sa buhay. Gusto ko siyang pagsusuntukin dahil sinungaling siya!

Pero hindi ko ginawa. Nang magising si Ate kinabukasan ay iyak at yakap lang ang aking ginawa. Hindi ko maaaring saktan ang taong bumuhay at nagbigay pag-asa sa akin. Naging mahina man siya kahapon ay alam kong babangon siyang muli. Siya kasi ang matanda. Siya ang dapat na nag-aalaga sa akin, ang nagtatanggol.


Natuwa na naman ang mga kabarkada at kaibigan kong lalaki sa panahong inaalis namin ang lungkot sa mukha ni Ate. Madalas kasing ako ang taya sa aming inuman at lumiligaya pa sila tuwing nakakatabi ang aking kapatid. Nabigla pa ako nang tanungin ko ang isang kabarkada sa kanyang opinyon sa tila pangbubugaw ko sa kanila kapag malungkot ang aking kapatid. Ikinatutuwa raw niyang kahit papaano ay nakapagbibigay siya ng kasiyahan kahit panandalian lamang sa taong mahalaga sa akin. Bilang kaibigan, gagawin daw niya iyon at ng iba pa naming kabarkada hanggang kailangan. Hindi naman daw masyadong mahalaga ang nawawala sa kanila dahil malimit ay tissue paper lang naman ang nakikinabang noon.


Dahil matagal ang recovery periodni Ate, matagal din na nalibre sa inuman at ligaya ang aking mga kabarkada. Nahinto lamang nang bumalik na sa dating sigla ang katawan ng aking kapatid. Napanaginipan daw niya si Gerald at sinabihan siyang maging masayang muli. Magmula nga noon ay naging masaya na uli si ate at syempre ako.

Itutuloy

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...