Showing posts with label Azkals. Show all posts
Showing posts with label Azkals. Show all posts
Friday, July 29, 2011
Azkals, Tuluyang Sumubasob sa Kuwait
Tuluyang sumubasob ang Azkals sa mga Kuwaiti matapos matalo sa iskor na 2-1 sa Rizal Memorial Stadium kahapon, ika-28 ng Hulyo, 2011. Dahil dito, nahinto ang ambisyon ng mga Azkals at ng mga Pinoy na mapasama sa World Cup. Gaynpaman, hindi nawala ang suporta at paniniwala ng sambayanang Filipino sa kakayahan ng koponan.
Tuesday, July 26, 2011
Azkals, Nabahag Ba Ang Buntot sa Kuwait?
Matapos sumubasob ang koponan ng Pilipinas na Azkals sa Kuwait noong Sabado, ika-23 ng Hulyo, 2011, marami ang nagtatanong kung tuluyan na bang nabahag ang buntot ng mga Pinoys sa mga Kuwaiti. Matatandaang tambak ang lamang ng mga Kuwaiti sa iskor na 3-0 sa kanilang tunggalian sa Mohammad Al-Hamad Stadium sa Qadsia, Kuwait sa gitna ng matinding init ng araw at init ng suporta ng mga Pinoy na lumiban pa sa kanilang trabaho nang araw na iyon. Gayunpaman, talaga namang malakas ang koponan ng Kuwaiti dahil ika-102 sila sa mundo at nakapaglaro na sa World Cup noong 1982. Isa pa, puno ng suporta mula sa gobyerno ng Kuwait ang kanilang mga manlalaro. Kumikita sila habang naglalaro. Hindi tulad ng Pilipinas na kung magkaminsan ay mga players pa ang gumagastos sa kanilang pangangailangan at biyahe. Kahit matagal na ang koponan ng Pilipinas sa Asian Football Federation, hindi pa ito nananalo sa Asian Cup. Sa katunayan, noong isang taon lang nakilala ang koponang Azkals na kinabibilangan pa ang mga Pinoy na may dugong banyaga.
Sa Huwebes, ika-28 ng Hulyo ang ikalawang sagupaan ng Azkals at Kuwait sa Rizal Memorial Stadium. Dapat ay makaiskor sila ng 4-0 upang makaabante sa third World Cup Qualifying Round. Magiging bentahe kaya sa mga Azkals kung babagyo sa araw na iyon?
Marami ang nagsasabing malas daw si Angel Locsin sa Azkals. May katotohanan kaya ito? Hintayin natin ang laban sa Huwebes, umulan man o umaraw!
Subscribe to:
Posts (Atom)
RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023
The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...
-
Members of the Alphi Phi Omega (APO) fraternity of UP Manila and Diliman held their traditional Oblation Run this December 2011. UP Manila ...
-
Ang edukasyon ay isang prosesong nagpapadali ng pagkatuto o ang pagkakaroon ng kaalaman, kasanayan, at magandang pag-uugali. Sa depinisyong ...
-
Kumpirmado na may jowa o boyfriend nga ang sikat na nanay nina Mark at Maycee matapos mapanood ang huling bidyo ni Kuya Val Santos Matubang ...