Maaaring nang ikasal ng mga US military chaplains ang sinumang sundalong babae o lalaking may parehong kasariang humihiling dito. Ito ang inilabas na ruling ng Pentagon. Salungat sa kasalang ito ang kinatawan ng Kongreso ng Amerika dahil baka may problema sa 1999 Defense of Marriage Act. Ang desisyong ito ay kaalinsunod nang pagwawalang-bisa ni President Barack Obama ang 17 taong "Don't Ask, Don't Tell" Law. Sa ngayon, hantad na ang pagiging bading at tomboy sa US military services hanggat nasunod sila sa mga patakaran.
Maaring ikasal ng chaplain ang dalawang babae o lalaking nagmamahalan kung hindi ito salungat sa kanyang paniniwala. Basahin ang ibang detalye rito http://www.foxnews.com/politics/2011/09/30/us-military-chaplains-may-perform-same-sex-unions/?test=latestnews