Showing posts with label text message. Show all posts
Showing posts with label text message. Show all posts

Thursday, April 23, 2009

YOU HAVE A TEXT MESSAGE!!!


Ineendorso ng mga Tongresista sa Tongreso ang pagbabawas ng singkwenta sentimos sa halaga ng pagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng text. Ibig sabihin, magiging singkwenta sentimos na lang ang pagpapadala ng text message kung ikaw ay nasa Pilipinas. Kung susuriin magandang balita ito sa mga consumer dahil mababawasan ang kanilang gastusin nguni't hindi sa mga kumpanyang PLDT, Globe at Smart dahil mababawasan ang kanilang tubo, na nangangahulugan din ng pagbaba ng koleksyon sa buwis ng gobyerno mula sa mga dambuhalang kumpanyang ito kung sila man ay nagbabayad ng tamang buwis at hindi nangungupit ang mga taga-BIR.

Kung ito ay pampapogi lamang ng mga Tongressman sa mga mamamayan dahil sa nalalapit na eleksyon, konsensya na nila ang bahalang sumagot. Kung pumasa man ito sa Kongreso at Senado at maging batas, wala namang makakapigil sa mga kumpanyang nabanggit na bawasan ang letra ng ipapadalang mensahe. Baka bawasan din ito ng singkwenta porsyento. Kapag nagkagayon, wala rin itong benebisyo sa mga mamimili.

Ang dapat isama ng mga mambabutas (ng kaban ng bayan) sa usaping ito ay ang PAGTANGGAL SA EXPIRATION o VALIDITY NG BINILI MONG LOAD. Ito ay tahasang pangingingil. Bakit nila mamadaling gamitin mo ang binili mong load gayong hindi naman ito pagkain na madaling masira? At kapag hindi mo nagamit at bigla na nilang kukunin. Di ba parang holdap ito?

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...