Showing posts with label OFW. Show all posts
Showing posts with label OFW. Show all posts

Friday, August 14, 2020

PHILHEALTH, UBOS NA ANG PONDO?!

Isa na namang kontrobersya ang kinahaharap ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth matapos na isiwalat ni Greco Belgica, komisyoner ng Philippine Anti-Corruption Commision (PACC) na 2 bilyon hanggang 3 bilyong piso linggo-linggo ang posibleng nakaamba sa korupsyon sa ahensya. Nauna rito, ibinalita ni G. Belgica na mula 2013 hanggang 2018 ay tinatayang nasa 15 bilyong piso ang nawala sa Philhealth dahil sa korupsyon. Binanggit ng komisyoner na malaking bahagi ng katiwalian ay sanhi ng sistema ng Information & Communication Technology (ICT) at ang “legal setup” nito.


Sinabi ni Belgica na hindi “transparent” o malinaw o madaling maunawaan ang ICT system ng Philhealth kahit na malaking pondo ang ginastos para rito. Dahil dito, malaki ang posibilidad na nagamit ang naturang sistema upang madaling makapangloko ang tiwaling kawani ng ahensiya sa pamamagitan ng “upcasing” o palubhain ang sakit ng isang pasyente upang mapataas ang mga bayaran at kumubra ng benepisyo ang mga “multo” at pekeng kasapi.

PACC Commissioner Greco Belgica

Hindi naman pinaligtas ng mga pulitikong nasa oposisyon at mga kalaban ng gobyerno ang pahayag ni Belgica. Kanya-kanyang pagpapapogi ang mga Senador at Kinatawan ng Kongreso gayong nanunungkulan na sila sa mga taong unti-unting nauubos ang pondo ng Philhealth dahil sa katiwalian. Noon pa man ay binabatikos na ng taumbayan ang malaking bonus na nakukuha ng mga matataas na kawani ng Philhealth subali’t ito ay kinibit-balikat lamang ng nagdaang administrasyon.

(Image from https://ph.news.yahoo.com/davao-city-launches-first-ever-061744211.html)

Sinasabing pinupulitika ng ilang laban sa gobyerno ang anomalya sa Philhealth. Sa datos na inilabas ng Philhealth, lumalabas na pinakamalaking pondo ang nailabas sa isang ospital sa Davao City kung saan naninirahan si Pangulong Rodrigo Duterte. Maayos sana ang lahat kung walang halong malisya o pasaring ang balitang inilabas ng convicted journalist na si Maria Rezza sa kanyang Rappler site. Tila lumalabas na pinapaboran ng ahensiya ang ospital na nasa Davao, ng walang sapat na pag-aaral o pag-iimbestiga. Lumabas tuloy ang katutohanan na ang nasabing ospital - Southern Philippines Medical Center (SPMC) – ay pagmamay-ari ng Department of Health (DOH) at hindi ng Lungsod ng Davao. Kaya malaki ang IRM o interim reimbursement mechanism ng SPMC ay dahil buong Mindanao ang siniserbisyohan ng ospital at ang perang sangkot ay hindi lahat napunta sa pagsawata sa Covid-19. Kabilang din dito ang iba pang gastusin ng ospital. Marami ring naging pasyente at kanilang kamag-anak ang nagpatutoo ng magaling na serbisyo at modernong pasilidad ng nasabing ospital, maliban pa na halos walang perang nailalabas ang isang pasyente at pamilya nito.

Naunang naging kontrobersyal ang Philhealth nang maglabas ng kautusan na itaas ang premium nito sa 3%. Maigting na tinutulan ito ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) dahil nakabase ang 3% sa buwanang sahod ng isang manggagawa. Isang dahilan ng pagtutol ay dahil limitado ang benipisyong napupunta sa OFW dahil may sarili silang health insurance sa bansang pinagtatrabahuhan. Tulad sa kaso ng mga OFW sa Saudi Arabia, hindi makakakuha ng Iqama o Residence Permit ang isang banyagang manggagawa kung hindi muna kukuha ng health insurance ang kanyang employer. Labis ang pagtutol ng mga OFW dahil tila sila ang “ginagatasan” ng gobyerno gayong malaki ang naitutulong nila sa ekonomiya ng bansa. Bukas ang aklat na dahil sa mga padala ng mga OFW kung kaya’t hindi masyadong naapektuhan ang Pilipinas noong  2008 world financial crisis.

Dahil sa pag-alma ng mga OFW kung kaya’t hindi natuloy ang 3% sa buwanang sahod na ibabayad sa Philhealth, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Duterte. Sa halip, naging boluntaryo na lamang sa mga OFW ang maging miyembro ng Philhealth.

Philhealth President & CEO BGen. Ricardo C. Morales

Sa pagtataya ni Belgica, maaaring maubos ang pondo ng Philhealth sa loob lamang ng dalawang taon kung hindi makakakalap ng panibagong pondo o hindi masasawata ang katiwalian sa loob ng ahensya. Taliwas sa pahayag ni Philhealth President at CEO BGen. Ricardo Morales na maging si “Superman” ay hindi kayang lutasin ang problema sa ahensya, naniniwala si Belgica na kaya itong “linisin” sa loob lang ng anim na buwan.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng pagdinig ang Senado upang makakalap ng impormasyon at makapanukala ng batas na magbibigay kalutasan at/o magmungkahi ng mga balakid upang mabawasan at/o lubusang mawala ang korupsyon sa Philhealth.

Nawa ay hindi lamang Philhealth ang pagtuunan ng pansin ng mga taumbayan at mambabatas. Panahon na upang linisin sa katiwalian ang lahat ng ahensya ng gobyerno, kabilang ang Senado at Kongreso.

Wednesday, July 12, 2017

i-DOLE OFW ID, Aarangkada na?

Inilunsad ngayong araw na ito, Miyerkules, Hulyo 12, 2017 ang pamimigay ng iDOLE OFW ID card para sa humigit-kumulang na apat na milyong OFW (Overseas Filipino Worker) kabilang na yaong hindi na aktibo.


Ayon kay Kalihim Silverio Bello III ng Department of Labor & Employment (DOLE) ang tatak OFW ay panghabambuhay. Kailangan lamang magsumite ng mga lumang employment records ang mga hindi na aktibong OFW para makakuha ng IDOLE ID card. Ngayong araw na ito ay 200 ID cards pa lang ang ipamimigay bilang panimula ng programang ito, ayon pa sa Kalihim.


MGA IMPORMASYON TUNGKOL sa iDOLE OFW ID card

1. Ang iDOLE OF ID ay isang pagpapakilala na ang isang may hawak nito ay isang Overseas Filipino Worker (OFW) aktibo man on hindi.

2. Kapalit ng Overseas Employment Certificate (OEC) ang iDOLE OFW ID.

3. Ito ay ibibigay ng libre.

4. Ito ay balido sa loob ng dalawang taon.

5. Ipapadala ang ID sa tirahan ng mga OFW sa Pilipinas sa pamamagitang ng PhilPost.

6. Maaaring gamitin ito upang ma-access ang inyong mga records sa mga ahensiya ng gobyerno at pribado tulad ng SSS, Pag-Ibig at Philhealth.
7. Ipakikita ito sa alinmang paliparan sa Pilipinas upang hindi na magbayad ng travel tax.
8. Magagamit ito bilang debit at ATM card para sa pagbubukas ng OFW Bank.

9. Magagamit din ito bilang reloadable card para sa LRT at MRT.
10. Kapag wala pang hawak na iDOLE OFW ID, ang mga OFW na nasa Pilipinas o nagbabakasyon ay dapat pa ring kumuha ng OEC (bago o exemption) habang hinihintay ang kanilang ID card.

Ang iDOLE OFW ID card ay magandang balita sa mga OFW na nagbabakasyon sa Pilipinas dahil maiiwasan na ang abala sa pagkuha nito. Gayunpaman, dapat isipin ng mga OFW na hindi madali ang implimentasyon ng pagkuha ng OFW Card dahil sa mga sumusunod na katanungan:

1. May larawan sa OFW ID card, ibig sabihin ba nito na personal na pupunta ang isang OFW sa DOLE/OWWA/POLO o saanman para magpakuha ng larawan?

2. Bakit kailangang lagyan pa ng position ng OFW ang card? Para saan?

3. Kung panghabambuhay ang iDOLE OFW card, bakit kailangang 2 taon lang ang validity nito?
4. Kapag nagpalit na employer sa loob ng 2 taon, dapat bang palitan uli ang ID?

Sa tingin ko, kung lalagyan ng expiration date ang iDOLE OFW ID para na rin itong OEC na kailangan mo tuwing lalabas ka ng Pilipinas. Noon, ng nagpapahirap sa mga OFW ay ang abala at pagpila para makakuha ng OEC. Sa ngayon ay madali na itong magagawa dahil sa exemption. Kailangan lang na may datos na sa OWWA at mag-online. Kung pipila uli tuwing 2 taon, malaking abala uli sa mga OFW.

Sana ay busisiin mabuti ng DOLE ang patakarang ito at gawing malinaw ang ilalabas na Implementing Rules and Regulations kung paano ito ipatutupad.

Monday, July 3, 2017

Paano Ba Ang Yumaman?

Natural sa isang tao saanman nagmula at anuman ang estado ng buhay ang nangangarap na magkamal ng maraming pera. Ang pagyaman ay isang hangaring inaasam-sam ng bawa't isa sa atin. Ito ang dahilan kung kaya't gagawin ng isang nilalang ang lahat upang makamtan lamang ang pinapangarap.


Marami sa nagnanais yumaman ang nag-aaral nang mabuti at dinaragdagan pa ng ilang taon ito. Sila ay yaong kumukuha ng kursong Medisina at Abugasya o di kaya ay ang pagkuha ng Masteral at Doctoral Degree sa kursong tinapos. Ang mga taong ito ay naniniwala na kapag mataas ang iyong pinag-aralan ay siguradong malaki ang iyong magiging posisyon at sahod at mapapadali ang iyong pagyaman.


Hindi naman kumbinsido ang ilan na kapag mataas ang pinag-aralan ay madadali ang pagyaman. Marami rin ang nagtatatrabaho kaagad pagkatapos ng elementarya o high school. Para sa kanila, kapag maaga kang kumayod ay maaga kang magkakapera at mapapadali ang iyong pagyaman.


Pagtitipid at pag-iimpok ang magandang paraan ng pagyaman. Hanggang maaga ay dapat na magtipid at mag-impok. Iwasan ang pagbili ng mga bagay-bagay na hindi naman sadyang kailangan. Ilagak ang suweldo o kinita sa banko at ito ay palaguin. Kapag marami kang inipon, tiyak na mapapadali ang iyong pagyaman.


Wala sa pagtitipid ang pagyaman. Ang iba ay pumapasok agad sa pagnenegosyo upang yumaman. Kokonti lang ang tutubuin ng pera kapag inimbak lamang sa mga banko. Dapat ay ikaw ang makinabang sa pera mo. Magtayo ka ng negosyo at tiyak ang iyong pag-asenso.


Masyadong delikado ang pagnenegosyo. Sa isang iglap, pwedeng mawala ang pinaghirapan mo. Bumili ka ng stock ng mga negosyong kumikita na. Kapag kumita sila ng malaki, malaki rin ang dibidendo mo at tiyak na ang iyong pagyaman.


Kailangan mong mag-abroad para yumaman. Ang suweldo sa ibang bansa hamak na mas malaki kung sa lokal ka lang mamamasukan. Maraming Filipino ang umasenso nang maging Overseas Filipino Workers o OFWs. Pabalik-balik lang sila sa bansang pinagtrabahuhan. Dahil doble ang kita, mas madali ang pagyaman.


Mas madaling yumaman kapag pumasok ka sa pulitika. Kapag may kapangyarihan ka na, marami ang rerespeto sa iyo. Marami kang magiging kaibigan. Maraming hihingi ng tulong sa iyo. Kapag pinagbigyan mo sila at sila ay nagkapera, siguradong maaambunan ka nila. Habang marami silang hinihinging pabor sa iyo, parami rin nang parami ang grasya mo. Tiyak ang iyong pagyaman.


Hindi na kailangan ang maging pulitiko upang yumaman. Sumuong ka sa mga iligal na gawain at tiyak ang iyong pag-asenso. Puwede kang mamuhunan sa jueteng at iba pang uri ng sugal. Maaari ring gumawa at magbenta ng shabu. Kung malakas-lakas ang loob, puwedeng maging carnaper, holdaper at kidnaper. Dahil madali ang kita, madali ang pagyaman.


Anuman ang pinili o pipiliin nating paraan sa pagyaman, dapat nating alalahanin na ang bawa't isa ay mayroong kalamangan at kapinsalaan. Piliin yaong naaayon sa ating estado at kakayahan. Higit sa lahat, sundin lamang ang paraang naaayon sa batas upang makaiwas sa peligro.

Ano ang gagawin mo upang yumaman? At sa mga mayaman na, anong paraan ang ginamit ninyo? Ikaw, ano ang iyong gagawin upang yumaman?

Monday, March 30, 2009

New SSS Contribution Schedule of 2008

At last, I was able to download the much-awaited SSS Contribution Schedule of 2008. To all Overseas Filipino Workers (OFWs) like me who wish to activate their membeships, below is the schedule:

Thursday, July 17, 2008

Daniel Dingel - Genius or Insane


With the unstoppable increase in fuel, many become curious with the water-powered car of Filipino inventor, Daniel Dingel. The Philippine Daily Inquirer reported that Daniel Dingel built a water-fueled automobile engine as early as 1969. Dingel has no patents and many members of the science community feel that his water-powered car is a hoax. However, Daniel Dingel has demonstrated his car without any technical papers or explanation as to how it works. And if it does work, a water-powered car would be a fantastic invention.


Daniel Dingel claims his engine has a chamber that breaks apart water molecules to produce combustible hydrogen. Electricity from a 12-volt car battery is used to split the water molecules into hydrogen and oxygen components, with the hydrogen then used to power the car engine.


Dingel already demonstrated his invention on TV and yet even the Philippine government has no support for his genius invention.


Obvious naman ang dahilan: dahil kapag tutoo ang imbensyon ni Dingel, mawawalan ng malaking kita ang gobyerno sa buwis ng langis. Ayaw nga nilang alisin ang VAT dito, hindi ba? Hayun at dito raw nanggagaling ang ipinamumudmod nilang P500 para sa mahihirap sa pagbabayad ng kuryente, sa munting puhunan para sa maybahay ng mga drayber at sa mga senior citizen 75 idad-pataas.


Dito nagpapatunay na hindi talaga nakapokus ang gobyerno para maibsan ang paghihirap ng mga mamamayan dulot ng pagtaas ng langis na kakabit ng pagtaas ng lahat ng bilihin. Kung tubig ay pwedeng magpatakbo ng mga sasakyan, bakit ayaw suportahan.? Mas marami namang pagkukunan ng tubig kaysa pagkukunan ng langis, di ba?


Masasabi kong bobo ang gobyerno sa hindi pagpansin sa imbensyon ni Daniel Dingel. Naipakita na nga ang pruweba sa TV ay ano pa ang gusto? Bakit naman ikukuha ng patent ni Dingel? Eh di nagaya ng mga manggagaya!


Nakakalungkot nga at ipagbibili na yata niya sa ibang bansa ang imbensyong ito sa kundisyong kukuha ang sinumang makakabili ng 200 Pinoy na manggagawa.


Bakit hindi na lang tayong mga OFW ang magpondo sa imbensyon ni Dingel? Kaya naman natin, di ba?

Monday, June 30, 2008

4 JOKES for the DAY

MANA SA AMA
NANAY: Bobo ka talaga! 1 to 10 lang di mo kayang bilangin? (You are stupid, son! You don't even know how to count from 1 to 1o!)
ANAK: Mas bobo si tatay nay, kasi narinig ko minsan sabi, "Tama na inday,hanggang tatlo lang kaya ko." (Father is more stupid , Mother. One time I heard him said to our maid, " Stop it Inday... I can only have 3!)
















TEXT KAY DADDY NA NASA ABROAD

"Luv, tnx sa padala mo, hapi c nene kasi tobleron ang baon sa skul. Yong nike suot na ni jr. next tym wag ka na padala NIVEA MILK. di nila type pait daw.ako tuloy ang umubos.

TEXT MESSAGE to HUSBAND who is working OVERSEAS

"Love, thank you for the things you sent us. Nene is very happy because she will have TOBLERON for her school break. Jr. is already wearing his Nike shoes. Next time, don't send anymore NIVEA MILK. Your children don't like the taste. It's so bitter that's why I consumed it all!"
MULTIPLE CHOICE

MISTER: ano ang pagkain natin?
MISIS: nasa mesa, bahala ka na pumili!
MISTER: isang pirasong tuyo? ano pagpipilian ko?
MISIS: pumili ka kung kakain ka o hindi!



English Translation
Husband: What is our lunch?

Wife: It's on the table. Just choose what you like.

Husband: One piece of dried fish? What are the choices?

Wife: Choose whether you will eat or not!


IDD call from US: (EXPANDING)

HUSBAND: hon musta ang tindahan? (Hon, how's is our grocery store?)
WIFE: dept store na! (It's already a department store!)
HUSBAND: ang tuba-an? (The liquor store?)
WIFE: KTV bar na! (It's already a KTV bar!)
HUSBAND: ang mga tri-sikad? (The tricycle?)
WIFE: taxi na! (It's already a taxi!)


HUSBAND: ang dalawa kong anak? (My 2 children?)

WIFE: LIMA na! (They are already 5!)

Sunday, January 6, 2008

GLORIA, GLORIA LABANDERA!!!


Washing your own clothes is one of the tasks OFW has to do while working overseas, except for those whose company is big enough to provide free laundry services. Although we have washing machine, I opt to wash my own clothes by hands. It makes my clothes last longer.

Naghihimulmol kasi ang hibla ng damit kapag madalas sa washing machine. Isa pa, hindi naman gaanong marumi ang mga damit. Kaya nga, kuskos-piga ang ginagawa ko. Itsapwera na nga lang ang paggamit ng palupalo. Sige laba na, sa saliw ng Gloria, Gloria labandera!!

Thursday, January 3, 2008

Peso Exchange Rate

I sent money to my wife today through Western Union with an exchange rate of 1US$ = Php 10.77
Kawawa naman ako. Paunti nang paunti ang naipadadala kong pera.

Saturday, December 29, 2007

PESO vs DOLLAR

An OFW's (Overseas Filipino Worker) nightmare!
When I decided to temporarily stop working in the Middle East in April 2004, the exchange rate of 1 US dollar to peso is US$ 1 = Php 54+.
Ngayon, pagkatapos ng mahigit na 3 taon, ang palitan ay US$1 = Php 41+. Ito ang dahilan kung bakit nanggagalaiti na ang mga kababayan nating OFW. Okay lang daw kung bumaba ang palitan ng dollar kung may kasabay itong pagbaba ng presyo ng mga bilihin. Ang kaso, patuloy ang pagtaas ng mga bilihin. Sabi nga ng ibang OFW, babalik na lang sila sa Pinas at doon na lang magtatrabaho kasi nga hindi sulit ang kalungkutan nila sa labas g 'Pinas kumpara sa kakaunting diprensya sa sahod.
One of the reasons why the value of peso is increasing is the volume of OFW remittances. The Philippines is overflowed with US dollars. If that is the case, OFW must regulate their remittances. Instead of every month, why not every other month or every quarter?
Even President Gloria Macapagal Arroyo does not have a solution. Akala ko, may masters degree siya sa economics?

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...