Ano nga ba ang "No Approved Therapeutic Claims"?
Sa aking palagay ay mali ang pagkakasalin ng "No Approved Therapeutic Claims" sa wikang Filipino. Bakit nga naman bibilhin pa ito ng ating mga kababayan kung hindi naman ito nakagagamot? Ang dapat ilagay ay "Wala pang sapat na katibayan na nakakagaling."
Ang Chamber of Herbal Industries of the Philippines (CHIP) ay naghain ng isang kaso ng katiwalian sa Ombudsman laban kay Dra. Cabral dahil sa pagmamadali nitong magpalabas ng kautusan ng wala man lamang konsultasyon sa mga kinauukulan. Hindi rin naman kasi napag-isipang mabuti ng Kalihim ang epekto nito sa industriya.
Ang tanong: Sa mga gamot na pinagtibay ng DOH, maaari kaya nilang ilagay sa mga etiketa ang ganito: "Mahalagang Paalala: Ang (pangalan ng produkto) ay gamot at nakakagaling ng sakit sa (pangalan ng sakit)"? Hindi kaya sila ulanin ng kaso?
2 comments:
Instead of "No Approved Therapeutic Claim" Why not subject these food supplement to clinical test. O, kung ayaw nyong ng "Clinical Test". Test na lang sa government hospital San Lazaro or PGH. Ang ta-tanga nitong mga taga DOH. Halos lahat naman ng food supplement may nakalagay na nakakagaling, ibig sabihin nake claim ng nakakagamot, ano ba pagkakaiba ng nakakagaling at nakakagamot. Subject these food supplements to test at manafactuerer's expense. Pwede ba! palibhasa may tongpats. Kunwari may ginagawa itong taga DOH.
At ano naman ang motibo ng DOH sa bagong ideya nila na ito? Hindi kaya si Dra Cabral at Juan Talangka ay iisa?
Post a Comment