Nagulat ang mga housemates ni Kuya noong Sabado, ika-29 ng Oktubre, 2011 sa pagsisimula ng Pinoy Big Brother Unlimited sa ABS - CBN Channel 2. Sa halip kasing marangyang tahanang kinagisnan na noong mga nakaraang season ng reality tvng ito, isang lugar sa squatter ang tema ng Bagong Bahay ni Kuya.
Sa paliwanag ni Big Brother, ito raw ay upang maranasan ng mga housemates ang dinaranas ng 15 milyong Pilipinong may ganoong estado ng pamumuhay. Ipinasya ng mga naninirahang magkaroon ng sapat na pagkain kaysa sa tubog o damit. Gayunpaman, ang mga pagkaing inihain sa kanila ay mga left-overs lamang o tira-tira o ang tinatawag na "pag-pag"..
Sa halip na champagne ang kanilang inumin bilang unang araw sa Bahay ni Kuya, tagay-tagay ang mga housemates, isang tipikal na kaugaliang Pilipino sa siyudad o nayon man.
Kung paano tatagal ang mga galing sa marangyang pamumuhay na mga housemates ang ating aabangan sa pagpapatuloy ng palabas na ito.