Iwinagayway ang watawat ng Pilipinas ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang hudyat ng Araw ng Kasarinlan mula sa mga Kastila noong ika-12 ng Hunyo, 1898 sa Kawit, Cavite. Isandaan at labing-siyam na taon na mula noon pero masasabi bang ganap ng malaya ang Pilipinas?
(Imahe mula sa http://www.pinsdaddy.com/philippine-flag-images-clipart-best_aTx279E1X3...)
Nakakalungkot isipin na habang ipinagdiriwang ngayon ang Araw ng Kalayaan ay patuloy ang sagupaan ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas (AFP) at kapulisan (PNP) laban sa teroristang grupong Maute Group. Nagsimula ang kaguluhan nang pasukin ng Maute Group sa pamumuno ng magkapatid na Abdullah at Omar Maute,
(Imahe mula sa http://www.ndbcnews.com.ph/news/afp-mulls-deployment-of-military-police-to-butig-to-prevent-another-maute-group-attack)
at ng pinuno ng Abu Sayyaf na si Isnilon Hapilon,
ang Lungsod ng Marawi, sa lalawigan ng Lanao del Sur, noong ika-23 ng Mayo, 2017.
(Imahe mula sa Google Map)
Ang pagsalakay na ito ang naging sanhi upang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Batas Militar noong ika-24 ng Mayo, 2017 sa buong kapuluan ng Mindanao pagkalapag pa lamang sa Pambansang Paliparan ng Ninoy Aquino o NAIA mula sa naudlot na pagpupulong sa lider ng Russia na si Vladimir Putin.
(Imahe mula sa http://news.mb.com.ph/2017/05/24/duterte-mulls-expanded-martial-law/)
(ABISO: Panoorin ang buong talumpati ni Pres. Duterte dito https://www.youtube.com/watch?v=QA7TGy3jF3k)
Ang tatlong linggong karahasan mula Mayo 23,2017 hanggang ngayon ay nagdulot ng kamatayan sa magkabilang-panig. Ayon sa ulat, tinatayang 191 na ang nalagas sa mga militante, 58 mula sa puwersa ng pamahalaan kabilang na ang 11 namatay sanhi ng pagkakamaling pagbomba, at nasa 21- 30 sibilyan. Humigit-kumulang sa 110 sa puwersa ng gobyerno ang nasugatan sa enkwentro. Tinatayang madaragdagan pa ito sa mga susunod na araw. Ilan sa mga nasawing sundalo at pulis ay ipinapaskel sa Facebook at ipinagbubunyi bilang mga bayani.
Dahil dito, hindi malaman ng bawa't Pilipino kung magsasaya ba sa araw na ito gayong maraming Pilipino ang nagdurusa at naiipit sa karahasang ito. Nakakalungkot pang isipin na kapwa Pilipino ang nagbubuwis ng buhay para sa kanilang ipinaglalaban. Sino man ang manalo sa labanang ito ay walang buti at sayang maidudulot dahil kapwa dugong Pilipino ang papatak sa lupa.
Dahil sa pagdedeklara ng Martial Law ay may mga kababayan din tayo ang hindi sumasang-ayon dito. Nangunguna na ang mga pulitikong nasa oposisyon sa pangunguna nina Senador Franklin Drilon, Antonio Trillanes IV, Risa Hontiveros, Bam Aquino at Francis "Kiko” Pangilinan at Kinatawan Gary Alejano at Edcel Lagman.
(Imahe mula sa http://globalnation.inquirer.net/157711/trillanes-alejano-file-complaint-at-icc-vs-dutertes-drug-war)
Tutol sila sa desisyong ito ni Pangulong Duterte sanhi upang maghain pa ng kaukulang dokumento sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands si Senador Trillanes, bilang susog sa nauna ng kasong inilagak ni Kinatawan Alejano hinggil naman sa giyera kontra droga ni Pangulong Duterte.
(Imahe mula sa https://alchetron.com/Edcel-Lagman-699098-W)
Naghain din ng petisyon ang ilang miyembro ng Kongreso sa pangunguna ni Kinatawan Edcel Lagman sa Korte Suprema hinggil sa deklarasyong Batas-Militar ni Pangulong Duterte. Dumiskarte rin ang ilang mag-aaral ng Universidad ng Pilipinas (UP) sa Diliman nang magsagawa sila ng isang rally.
(Imahe mula https://www.tnp.ph/2017/05/27/up-diliman-vs-mindanao-martial-law/)
Bilang Pilipino, nakakadismaya ang mga nabanggit na reaksyong ito ng mga taong iniisip nating tagapagtanggol ng mga Pilipino. Tumututol sila sa naging deklarasyon ni Pangulong Duterte pero ni isa ay hindi nakuhang makisimpatiya sa mga sundalo at ordinaryong taong namatay sa karahasan. Ang mga senador at kinatawang nabanggit ay hindi man lamang kinakitaan ng dalamhati sa mga naulila ng mga sundalo at pulis na namatay upang ipaglaban ang matuwid at kalayaan. Bagkus ikondena ang ginawi ng Maute Group, nasasalamin na kumakampi pa sila rito at binigyang katwiran pa ang karahasang ginawa. Sa isang panayam, sinabi pa si Senador Hontiveros na ang pagsalakay ng Maute Group ay hindi matatawag na isang rebelyon at pagsalakay na ikinagalit ng maraming Pilipino at netizen sa kanya.
(Imahe mula sa http://www.philnews.xyz/2017/06/viral-netizens-lambasts-sen-hontiveros-not-classifying-maute-action-rebellion-nor-invasion-video.html)
(PANOORIN ang panayam dito https://www.youtube.com/watch?v=yDgusgi8Iy4)
Sa pagpupursigi ni Pangulong Duterte na maiba naman ang kalagayan ng mga Pilipino, pilit siyang binabagsak ng mga pulitiko at oligarkiyang walang iniisip kundi ang pansariling kapakanan. Nabubunyag unti-unti ang isang mafia sa ipinagbabawal na gamot at kutsabahan ng mga dating namumuno upang magkamal ng salapi ng bayan. Ang mga mambabatas na nasa oposisyon ay walang ginawa kundi kontrahin ang ginagawa ng pamahalaan mabuti man ito o hindi.
(Imahe mula sa http://www.philstar.com/headlines/2017/06/07/1707876/marawi-crisis-disturbance-limited-lanao-duterte-assures-troops)
Ang tanging pakay ay mabagsakin ang pangulo at hindi upang ibangon ang nakalugmok na mamamayan. Palibhasa ay karamihan sa mga pulitiko ay narihati sa pagkamal ng pera ng bayan o mula sa ipinagbabawal ng gamot at delihensiya at dahil unti-unting napuputol ang pinagkukuhanan ng yaman ng walang kahirap-hirap, pilit nilang tinatarakan ng punyal ang likod ng Pangulong Duterte. Sila yaong mga inihalal ng mamamayan upang tugunan ang kanilang pangangailangan subali’t sa halip na gumaya sa Pangulo upang mapabuti ang kanilang kinalalagyan, ang mga pulitikong ito ang nagiging talangka upang siya ay pabagsakin.
Sa ngayon ay nahuli na ang mga magulang nina Abdullah at Omar Maute na sina Cayamora Maute (ama) at Ominta Romato "Farhana" Maute (ina) nguni't patuloy pa rin ang karahasan. Ilan pa kaya ang ibabaon sa lupa sa digmaang parehong Pilipino ang naglalaban?
(Imahe mula sa http://www.philstar.com:8080/headlines/2017/06/12/1709300/timetable-still-govt-says-marawi-crisis-wont-delay-bbl)
Sa araw na ito, ika-12 ng Hunyo, 2017, paano ko ipagbubunyi ang Araw ng Kasarinlan gayong ang kapwa ko Pilipino ay patuloy na nag-aaway?