Thursday, October 21, 2021
Monday, October 11, 2021
Pagkalansag ng Tropang Bukid ni Macki Moto, Pera Nga Ba Ang Dahilan?
Inihayag ni Macki Moto sa kanyang vlog noong October 9, 2021 na paghiwa-hiwalay na ang Tropang Bukid. Kahit nabigla ang marami sa pahayag na ito, inaasahan ko nang mangyayari ang aking pinangangambahan dahil na rin sa paunti-unting pagsasalaysay ni Ka Buddy sa kanyang mga nakaraang vlog. Partikular na rito ang hindi pagsama ng ilang ka-tropa sa mga paglusong sa bukid nang hindi nagpapaalam. Naroon na rin ang pagkakabanggit ni Macki ng malaking gastusin buwan-buwan masuportahan lang ang kanilang YouTube channel.
Pero ano nga ba ang tunay na dahilan ng biglang pagkakawatak-watak ng Tropang Bukid?
Maaalala na sinimulan ni Macki Moto ang kanyang channel noong May 27, 2019. Sa simula ay may kinalaman lang ito sa mga motor kung saan kinuha ang pangalan ng channel. Kalaunan ay naiba na ang content nito hanggang mapokus sa mga gawaing bukid. May umalis at dumating na mga miyembro sa Macki Moto hanggang matira sila MY Empi, Father, Black Shadow, Double Light, Miguelito, at Hito Beer.
Dumami ang subscribers ni Macki Moto noong magsimula siyang mamigay ng tulong sa mga nangangailangan at sa mga kabarangay. Ang pagtulong na ito ay tila nahinto (o hindi na naisama sa vlog) nang magsimulang magpagawa ng bahay si Ka Buddy. Natatandaan na siya at ang kanyang pamilya ay nakatira lamang sa isang simpleng bahay sa kanyang pagsisimula sa YouTube. Bumili siya ng lupa at nag-renta ng isang apartment na malapit sa kanyang pinagagawang bahay sa ngayon. Dahil sa YouTube, ibinili rin siya ng kanyang misis (na nag-vlog na rin) ng isang pickup na gustong-gustong niya. Nabahagian din ng grasya ang kanyang mga ka-tropang bukid sa magandang kinikita ng kanilang YT channel. Nabigyan ang ilan ng salapi upang mapaayos ang kanilang bahay; ang iba naman ay binigyan ng lupang pagtitirikan.
Ang paglago ng Macki Moto ay naging inspirasyon ng mga miyembro ng Tropang Bukid upang magkaroon din ng YouTube channel. Hindi ko lang batid kung ito ay kanilang initiatibo o udyok ni Ka Buddy. Gayunman, unti-unti ay lumago rin ang kanilang channel. Sa kasalukuyan, narito ang bilang ng subscribers ng kanilang YouTube channel:
2. Black Shadow in the night - 22.3 K
3. Hitobeer TV - 19.6 K
4. miguelito #kabuddy - 15.7 K
5. Father and Son YT - 8.6 K
6. DOUBLE LIGHT OFFICIAL - 7.4 K
Masasabing kumikita rin kahit papaano ang mga miyembro ng Tropang Bukid.
Naging maayos ang samahan ng tropa subali't marami ang nakapansin nang unti-unting pagkawala ni Black Shadow sa grupo. Ipinagpalagay na ito ay sa kadahilanan ng kanyang pagkakasakit. Kung nakakasama man siya sa lakaran, tila hindi na siya iyong dating masayahin at punong-puno ng biro. Nitong mga nakaraang buwan, napansin na rin ang pagkawala ng iba pang miyembro. Hindi na sila nakumpleto. Hindi malaman ng manonood ang dahilan.
Sa kanyang video noong October 5, 2021, sinagot ni Macki Moto ang mga katanungan ng mga subscibers/viewers. Dahil dito, napansin kong tila hindi na maganda ang samahan ng Tropang Bukid. Hindi nagpapaalam o nagpapasabi ang ilang miyembro na hindi makakasama sa mga lakarin. Bilang namumuno, hindi maganda iyon kay Ka Buddy. Ipinahayag din sa bidyong iyon na magdaragdag ng bagong miyembro ang Tropang Bukid. Hindi na nga ako nabigla nang biglang ianunsyo ni Macki Moto na binuwag na pansamantala ang Tropang Bukid.
Sa video noong October 9, 2021, nagpasalamat sa mga subscribers ang miyembro ng Tropang Bukid. Sinabi roon na pangkalahatan ang kanilang desisyon na magkawatak-watak. Ipinahayag din na ginawa iyon upang mapag-aralan nila ang kanilang sarili at sitwasyon, at matutong tumayo sa sariling mga paa. Nakangiti man, aninag sa kanilang mga mukha ang kalungkutan. Hindi ko tuloy alam kung ang kanilang sinabing mga dahilan ay ang tunay na dahilan.
Hindi kaya pera ang tunay na dahilan ng kanilang pagkakahiwalay?
Sa aking pananaw, may kinalaman din ang pera sa pagkakawatak-watak ng Tropang Bukid. Napansin ko kasi na simula nang magkaroon ng kani-kaniyang YT channel ang mga miyembro ng Tropang Bukid, unti-unti ring bumababa ang bilang ng views at subsribers nito. Ito ay ayon sa Social Blade.
Dahil sa pagbaba ng views, natural din na bumaba ang kinikita ng channel. Nabanggit din ni Ka Buddy na tamang-tama lang ang kanilang kinikita. Marahil, ito rin ang dahilan kung bakit hindi na sila masyadong nakatutulong sa mga nangangailangan. Kung tutuusin nga naman, LUGI si Ka Buddy sa nangyayari. Kasi nga, nagkakaroon ng dagdag kita ang ibang miyembro ng Tropang Bukid dahil sa kani-kanilang channel bukod sa kita nila sa Macki Moto channel. Natural lang na lumiit ang kinikita ni Ka Buddy gayong malaki ang kanyang bayarin buwan-buwan, lalo na nga at absent ang ilang miyembro sa kanilang lakarin.
Sana nga ay hindi salapi ang tunay na dahilan nang pagkakahiwalay ng Tropang Bukid. Sana sa muling paglaki ng kita ng channel ni Ka Buddy ay magtuonan na niya ang pagtulong sa kapuwa dahil sa palagay ko ay malaking dahilan ito kaya dumami ang kanyang mga subscribers at viewers, dagdag pa ang pagbibigay tulong sa kanya mula sa ating mga kababayang OFW at mga kababayan sa iba't ibang panig ng daigdig.
Sana, kung may hindi man pagkakaunawaan ang Tropang Bukid ay maayos na agad.
Sunday, October 10, 2021
Mga Taong Grasa, Nawawala sa Lansangan Dahil sa mga Vloggers
Nawawala sa lansangan ang karamihan sa mga tinatawag na "taong grasa" dahil sa mga vloggers na nais silang "sagipin". Mapapansin na kadalasan sa mga nagte-trend ngayon at umaani ng libo-libo kundi man milyon-milyong views sa YouTube ay may kinalaman sa mga natutulungang mga tao sa lansangan na may dipresensya sa pag-iisip kung hindi man hirap na hirap sa buhay.
Nagsimula ang kalakarang ito nang magtuunan ng pansin ng mga charity vloggers na kinabibilangan nina Techram, Hungry Syrian Wanderer, ForeignGerms, Val Santos Matubang, Kalingap Rab, Pugong Byahero, at marami pang iba, ang mga taong ito. Dahil sa kanilang mga video ay natagpuan ng mga kaanak ng mga taong grasang ito. Gayundin, marami sa kanila ang unti-unti kundi man lubusang gumaling sa kanilang sakit.
Nakatutuwa ang pangyayaring ito dahil nabibigyan ng tulong ang ating mga kaawaawang kababayan na naging tahanan na ang lansangan. Kung hindi sila napag-uukulan ng sapat na pansin ng pamahalaan, mayroon naman tayong mga vloggers na handa silang tulungan.
Kalingap Rab at Kuya Val Santos MatubangDahil umaani ng maraming views na may katumbas na salapi ang mga bidyong ito, lalo pang dumami ang mga vloggers na nagnanais makahanap ng mga taong grasa at mga pulubing naglipana sa kalsada. Ang lahat ay handang tumulong kapalit ng salaping maitutulong pa nila sa iba.
Sana naman ay hindi lang panandalian lang ang hangaring ito ng mga YouTube vloggers. Nawa ay panmatagalan ang kanilang adhikaing ito upang tumulong. Hindi sana nakatuon sa dami ng views ang kanilang pagtulong kundi bukas sa kanilang puso. Sana ay ipagpatuloy pa nila ang kanilang nasimulang gawain nang walang hinihinging kapalit.
Wednesday, October 6, 2021
Bongbong Marcos, the Next Philippine President - Hahayaan Mo Ba?
Pormal nang nagdeklara bilang kandidato sa pagka-Pangulo ng Pilipinas si Ferdinand "Bong Bong" Marcos, Jr. sa Halalan 2022. Inaasahan na pagsusumite si BBM ng kanyang certificate of candidacy sa Comelec bago matapos ang October 8, 2021. Sa ngayon ay hindi pa inilalabas kung sino ang kanyang magiging Bise Presidente subali't marami ang umaasahang si Davao City Mayor Sara Duterte ito upang lalong lumakas ang kanilang tandem.
Marahil ay marami na namang black propaganda na maglalabasan tungkol sa pagkatao ni BBM na inaasahan na sa kampo ng mga nasa kaliwa. Nais idawit ang batang Marcos sa mga kasalanan daw ng kanyang ama.
Sa mga hindi nakakakilala kay Bong Bong, narito ang tala ng kanyang talambuhay sa Wikipedia:
Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. (ipinanganak noong Setyembre 13, 1957), na kilala rin sa kanyang inisyal na BBM, ay isang Pilipining politiko na na pinakahuling nagsilbi bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang at nag-iisang anak na lalaki ng dating pangulong Ferdinand Marcos at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.
Noong 1980, ang 23-taong-gulang na si Bongbong Marcos ay naging Bise Gobernador ng Ilocos Norte, na tumatakbo nang walang kalaban sa ilalim ng Kilusang Bagong Lipunan na partido ng kanyang ama, na pinamahalaan pa rin ang Pilipinas sa ilalim ng batas militar noong panahong iyon. Pagkatapos ay nahalal siya bilang Gobernador ng Ilocos Norte noong 1983 hanggang sa ang kanyang pamilya ay napatalsik noong Pebrero 1986 mula sa kapangyarihan ng People Power Revolution at nanirahan sa Hawaii.
Matapos ang pagkamatay ng kanyang ama na si Ferdinand Marcos noong 1989, kalaunan pinayagan ni Pangulong Corazon Aquino ang mga natitirang miyembro ng pamilya Marcos, kasama na si Bongbong, na bumalik sa Pilipinas upang harapin ang iba`t ibang kaso.
Nang maglaon, tumakbo si Bongbong at nahalal ulit na Gobernador ng Ilocos Norte noong 1998. Nang maglaon, siya ay nahalal bilang Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Ilocos Norte mula 1992 hanggang 1995, at muli mula 2007 hanggang 2010. Noong 2010, nahalal si Marcos bilang Senador ng Pilipinas sa ilalim ng Nacionalista Party.
Noong 2015, tumakbo si Marcos sa pagka-Bise Presidente ng Pilipinas noong 2016 na halalan. Sa pagkakaiba ng 263,473 na boto, 0.64 porsyento na pagkakaiba, natalo si Marcos kay Leni Robredo. Bilang tugon, nagsampa si Marcos ng isang electoral protest sa Presidential Electoral Tribunal, na may mga habol at akusasyong pandaraya. Noong 2021, ang petisyon ni Marcos ay buong pagkakaisa naibasura matapos ang muling pagbibilang ng mga boto sa mga piling lalawigan ng Negros Oriental, Iloilo, at Camarines Sur na nagresulta sa pagpapalaki ni Robredo ng kanyang pinuno ng higit pang 15,093 karagdagang mga boto.
Ikaw, hahayaan mo bang maging Pangulo ng Pilipinas si BBM?
I-komento mo 'yan.
Sunday, October 3, 2021
Beatrice Luigi Gomez ng Cebu City Wagi Bilang Miss Universe - Philippines 2021
Nagwagi bilang Miss Universe - Philippines 2021 ang pambato ng Cebu City na si Beatrice Luigi Gomez. Ang ikalawang koronasyon ay ginanap sa Henann Resort Convention Center sa Alona Beach, Panglao, Bohol, noong Setyembre 30, 2021. Naging host sa patimpalak kagandahan si KC Montero katulong ang ilang dating naging Bb. Pilipinas-Universe. Sina Sam Concepcion at Michael Pangilinan ang nagbigay aliw sa mga nanonood ng live streamed ng ABS-CBN sa pamamagitan ng KTX.ph. Si Beatrice ay nakatakdang lumaban sa Miss Universe 2021 beauty pageant na gaganapin sa Eilat, Israel ngayong Disyembre 2021.
Ang iba pang mga nanalo sa patimpalak ay kinabibilangan nina:
Miss Universe Philippines Tourism 2021 Taguig – Katrina Jayne Dimaranan
Miss Universe Philippines Charity 2021 Cavite – Kim Victoria Vincent
1st Runner-Up Pangasinan – Maureen Christa Wroblewitz
2nd Runner-Up Cebu Province – Steffi Rose Aberasturi
Napanalunan naman ng ma sumusunod ang mga major awards:
Best in National Costume Mandaluyong – Maria Corazon Abalos
Miss Photogenic (Miss Luxxe White Face of the Universe) Masbate – Kirsten Danielle Delavin
Best in Swimsuit Cebu City – Beatrice Luigi Gomez
Best in Evening Gown Cebu City – Beatrice Luigi Gomez
Ang mga hurado sa pinal na pagtatanghal ay kinabibilangan nina:
1. Joanne Golong-Gomez – Commercial Director of Hilton Manila
2. Sam Verzosa – CEO and Co-Founder of Frontrow Philippines
3. Vicki Belo – Founder and Medical Director of The Belo Medical Group
4. Jojie Lloren – Former President of the Young Designers Guild and The Fashion and Design Council of the Philippines
5. Sheila Romero – Vice Chairman of Philippines AirAsia
=====
Napabilang sa top 5 si Beatrice sa nakaraang Miss Universe 2021 na ginanap noong ika-12 ng Disyembre 2021 sa Eilat, Israel kung saan nagwagi ang Miss India na si Harnaaz Sandhu.
Gusto Mo Bang Matutong Magmasahe ng Traditional Malay & Thai Oil Massage?
Ngayong pandemic, maraming oras ang ginugugol natin sa loob ng bahay. Kung sawa ka ng magtanim ng kung ano-anong ornamental plants, punongkahoy, at mga gulay, bakit hindi mo subuking matutong magmasahe ng traditional Malay & Thai oil massage.
Ang mga hakbang ay nasusulat sa wikang English at Filipino upang madaling maunawaan ng mga taong nais malaman ito.
Dahil mahaba ang proseso, hahatiin natin sa tatlong bahagi ang pagtuturo.
First Part /Unang Bahagi
Back of Lower Limb/Likod na Bahagi ng Binti at Hita
After initial preparation which includes checking the physical wellbeing of the client as well as any skin diseases that we should be aware of, request the client to lay flat on a bed/mat. (Matapos ang pang-unang preparasyon kabilang na ang pagsiguro sa kabuuang kalusugan ng kliyente gayundin sa pag-alam ng mga sakit sa balat na maaaring taglay niya, padapain siya sa isang higain/banig.)
Note: For any technique, remember to repeat the same for the other leg.
(Abiso: Sa anumang technique, tandaan na dapat itong ulitin sa isa pang binti at hita.)
1. To start with, give the client an effleurage massage (Effleurage is a repeated circular stroking movement made with the palm of the hand.) With one palm on the other hand, press and apply equal and firm pressure all the way from the lower calf, up to the thigh (8x).
Sa pagsisimula, bigyan ng masaheng effleurage ang klieynete. (Ang effleurage ay ang paulit-ulit na paggalaw nang pabilog gamit ang iyong palad . Gamit ang isang palad na nakalapat sa isa pa, pindutin/diinan at lapatan nang pantay at matatag na presyon ang ibabang binti, hanggang sa hita. Ulitin ito ng 8 beses.
2. Alternatively, press and glide your left and right thumbs at the back of the calf. Variety your style to sides of the calf, up and down.
Pag hali-halinhang pindutin at idulas ang iyong kaliwa at kanang mga hinlalaki sa likod ng binti. Iba-ibahin ang iyong estilo sa mga gilid ng binti, pataas at pababa.
3. Alternate with palm press. The flow should be consistent.
Ihalili ang pagpindot/pagdiin gamit ang palad. Ang daloy ay dapat na pare-pareho.
4. Thumb and palm massage to the back of the knee. Must be super gentle; don’t press because there is no muscle in this area.
Gamit ang hinlalaki at palad, hilutin mula hita hanggang sa likod ng tuhod. Dapat ay napakabanayad lamang; huwag pindutin dahil walang kalamnan sa lugar na ito.
5. Move your body upwards, oil your palm and use both thumbs to glide at the center of the hamstring. Move upwards and split your thumbs at the buttock (8x).
Umusad ka paitaas, langisan ang iyong palad at gamitin ang dalawang hinlalaki at padulasin sa gitna ng hamstring (kalamnan sa likod ng hita). Magtuloy-tuloy papaitaas at paghiwalayin ang iyong mga hinlalaki sa pigi/puwitan/buttock. Ulitin ito ng 8 beses.
6. Use four fingers and make a circular massage at the side of the buttock and hip. Movement should be smooth then gently flex the knee, hold and, let go (3x).
Gumamit ng apat na daliri at gumawa ng paikot na masahe sa gilid ng pigi at balakang. Ang paggalaw ay dapat na makinis pagkatapos ay dahan-dahang ibaluktot ang tuhod, hawakan at, bitawan. Ulitin ito ng 3 beses.
7. Give full weight press onto buttock and slide down to the back of the thigh (8x).
Bigyan ang buong pwersa ang pagpindot sa pigi at padulasin pababa sa likuran ng hita. Ulitin ito ng 8 beses.
8. With the client’s thigh hooked to your thigh, massage buttock muscle with your forearm. Hold the ankle to bend the knee slightly. Apply full and smooth pressure.
Gamit ang hita ng kliyente na naka-hook sa iyong hita, masahihin ang kalamnan ng pigi gamit ang iyong braso. Hawakan ang bukung-bukong upang mabaluktot nang bahagya ang tuhod. Mag-apply ng buo at banayad na presyon.
9. Once again, bend the knee. Pull up the bended knee for extra stretch. Do a smooth transition from the right side to the left side.
Muli, ibaluktot ang tuhod. Hilahin ang baluktot na tuhod para sa dagdag na pagbanat. Gumawa ng isang maayos na paglipat mula sa kanang bahagi hanggang sa kaliwang bahagi.
10. Thumb massage along the groove, then massage all over the buttock; upwards and downwards.
Hilutin sa pamamagitan ng hinlalaki ang mga uka ng pigi, pagkatapos ay masahihin ang buong puwitan; pataas at pababa.
11. Press down with palms over buttock muscles and slide downwards to upper thigh. Use as much force as you can. These muscles are thick.
Diinan gamit ang mga palad ang kalamnan ng pigi at at padulasin pababa sa itaas na hita. Gumamit ng mas matinding puwersa hangga't maaari. Makapal ang mga kalamnan na ito.
12. Make circular motion with your palms all over the buttock, from center to sides.
Gumawa ng pabilog na paghimas gamit ang iyong mga palad sa kabuuan ng puwitan/pigi, mula sa gitna hanggang sa mga gilid.
13. Use four fingers to press and pull the side muscles of the buttock.
Gumamit ng apat na daliri upang diinan at hatakin ang mga kalamnan sa gilid ng puwitan/pigi.
End of the first part/Wakas ng unang bahagi
Upang lubusan na maunawaan ang pamamaraan, panoorin ang bidyong ito:
https://www.youtube.com/watch?v=tz_Q_8LamLI&t=2s
Maaari ring panoorin ang buong bidyo ni Senses OX dito:
https://www.youtube.com/watch?v=2WJgbtiDAEc
RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023
The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...
-
Members of the Alphi Phi Omega (APO) fraternity of UP Manila and Diliman held their traditional Oblation Run this December 2011. UP Manila ...
-
Ang edukasyon ay isang prosesong nagpapadali ng pagkatuto o ang pagkakaroon ng kaalaman, kasanayan, at magandang pag-uugali. Sa depinisyong ...
-
Kumpirmado na may jowa o boyfriend nga ang sikat na nanay nina Mark at Maycee matapos mapanood ang huling bidyo ni Kuya Val Santos Matubang ...