Ano ang Igado?
Ang Pork Igado ay isang lutuing Ilocano na gawa sa mga piraso ng atay ng baka at pork tenderloin na pinakuluan sa isang tangy at malasang pinaghalong toyo-suka kasama ng mga pampalasa tulad ng bawang, sibuyas, at dahon ng laurel.
Ang iba pang mga laman-loob tulad ng bato at puso ng baboy ay karaniwang mga karagdagan sangkap pati na rin ang gisantes at bell pepper. Bagama't ang ulam na ito ay karaniwang nauugnay sa pork menudo dahil sa ilang karaniwang sangkap, ito ay talagang mas malapit sa lasa sa adobo at halos kapareho sa Kapampangang ulam na kilayin.
Paano lutuin ang Igado?
May iba't ibang paraan sa pagluluto ng Igado base sa lugar. Gayunman, narito ang pinakakaraniwang mga sangkap at paraan ng pagluluto.
Mga Sangkap
1/2 kilo pork tenderloin, hiwain sa 1/2 pulgadang piraso
1/2 tasa ng suka
1/4 tasa ng toyo
1 sibuyas, binalatan at hiniwa ng manipis
2 dahon ng bay/laurel
1/2 kutsarita peppercorns, durog
4 na butil ng bawang, binalatan at tinadtad
1 kutsarang canola oil
1 maliit na pulang siling paraka (bell pepper/capsicum), hiniwa-hiwa
1 tasang tubig
1/2 kilo ng atay ng baka, hiwain sa 1/2 pulgadang piraso
1/2 tasa frozen green peas, tunawin
asin sa panlasa
Paraan ng Pagluluto
1. Sa isang mangkok, pagsamahin ang mga piraso ng baboy, suka, toyo, sibuyas, bawang, dahon ng bay/laurel , at pamintang buo. I-marinate ng mga 15 hanggang 20 minuto.
2. Pigain ang karne upang lumabas ang labis na pinagbabarang likido. Magreserba ng marinade at aromatics.
3. Sa isang kawali na may katamtamang apoy, painitin ang mantika. Idagdag ang bell pepper at lutuin ng mga 30 segundo. Alisin at itabi.
4. Sa kawali, idagdag ang baboy at lutuin, paminsan-minsang haluin, hanggang sa magbago ang kulay.
5. Idagdag ang mga sibuyas, bawang, peppercorns, at bay leaves (mula sa marinade ng baboy) at lutuin hanggang lumambot at at bahagyang maging kulay brown ang karne.
6. Idagdag ng nakareserbang marinade at pakuluan, walang takip at hindi hinahalo, nang mga 4 hanggang 5 minuto.
7. Magdagdag ng tubig at pakuluan.
8. Hinaan ang apoy, takpan, at hayaang kumulo ng mga 25 hanggang 30 minuto o hanggang lumambot ang baboy at mabawasan ang likido.
9. Idagdag ang atay, dahan-dahang haluin upang pagsamahin, at magpatuloy sa pagluluto ng mga 4 hanggang 5 minuto o hanggang sa maluto ang atay at lumapot ang sarsa.
10. Idagdag ang mga gisantes/green peas at lutuin ng mga 2 hanggang 3 minuto o hanggang sa uminit ang mga ito.
11. Idagdag ang bell peppers at lutuin hanggang lumambot ngunit malutong ang mga ito. Timplahan ng asin ayon sa panlasa. Ihain nang mainit.
--o0o--
Sanggunian: