Saturday, March 27, 2021

RTD PH at KATROPAH OFFICIAL, Sino ang TAMA at Sino ang MAY TAMA?

Parang spaghetti itong usapan tungkol sa dalawang YouTube vloggers na kapwa natulungan ni Idol Japer Sniper. Ang reaction video ni RTD PH ay ginawan ng reaction ni KATROPAH OFFICIAL. Sinagot naman ni RTD PH ang mga pahayag ni KATROPAH na ginawan naman ng reaction ng iba pang vloggers na ginawan din ng reactions ng marami pang vloggers. Pati nga si Japer Sniper ay nagbalak na magsalita tungkol sa isyu subali't hindi niya itinuloy at na-PRANK lang ang maraming viewers.



Hindi ko na rin sana isusulat ang blog na ito pero tila lumalala ang sitwasyon. Marami na ang mga haka-hakang lumabas. Marami na ang gumawa ng sariling pag-aanalisa kahit wala sila sa pinangyarihan o hindi nila napanood o lubos na naunawaan ang mga binitiwang salita ng magkabilang kampo. Nakisawsaw na rin ang marami pang mga vloggers kaya lalo pang naging masalimuot ang isyu kahit na tumahimik na ang mga nasasanggot.


Sino nga ba kina RTD PH at KATROPAH OFFICIAL ang TAMA o MAY TAMA?

Para sagutin ito, hinimay ko ang mga binitiwang salita ng dalawang Bucana vloggers (kahit hindi roon talaga nakatira si RTD PH nguni't doon lumakas ang channel niya). In fairness kay RTD PH, wala naman akong napakinggang pananalita na tumutuligsa kina Japer Sniper, Louie TV, at Wasalak o Madi Katigbak Official. Kung baga, sinabi lang niya ang kanyang puna na hindi na ganoon kalaki ang views na tinatanggap ng tatlong vloggers nitong mga nakaraan nilang upload. Hindi nga siya nagsabi ng kung ano-ano ang dahilan kung bakit. Tila pansin lang ang kanyang ginawa at hindi isang paghuhusga o pamumuna.


Natural lang na mag-react si KaTropah Official sa mga pahayag ni RTD PH tungkol sa kanyang kapatid. Gannon naman tayong mga Pinoy, kapag kinanti mo ang isang kadugo ay buong angkan na ang iyong sinaktan. Sa kanyang reaction video, pinagtanggol na mabuti ni KaTropah si Wasalak na inaasahan na ng lahat ng manonood. Tumpak sana ito kung may nasabi ngang hindi kanasnais ang isang tao sa kanyang kapatid. Sa kanyang paglalabas ng saloobin, maraming paratang at paghuhusga ang pinakawalan ni KaTropah Official laban kay RTD PH. Sana naman ay totoo at may basehan ang mga paratang na iyon dahil baka lumala ang sitwasyon at mauwi pa sa demandahan ang lahat. Tulad ng nasabi ko, natural lang ang naging gawi ng kapatid ni Madi Katigbak. Kaya lamang, sana ay hindi na niya binanatan nang ganoon si RTD PH kung wala siyang sapat na ebidensya.


Maaaring nadala lang si KaTropah ng kanyang emosyon ng mga sandaling iyon. Marahil ay nais lang niyang ilabas ang kanyang nararamdaman sa taong sa palagay niya ay gumawa ng hindi mabuti sa kanyang kapatid. Mauunawaan iyon ng mga manonood na may malawak na pang-unawa subali't paano naman iyong madaling manghusga nang hindi pinag-aaralan ang mga pangungusap ng  magkabilang panig?


Kung gayon, sino kina RTD PH at KATROPAH OFFICIAL ang TAMA at MAY TAMA? 

Matapos kong analisahin at himay-himayin ang bawa't titik, salitang-ugat, salita, parirala, sugnay (makapagsasarili man ito o di-makapag-iisa), pahayag o pangungusap, ang aking konklusyon ay pareho silang TAMA. Kayo na lang ang bahala kung kanino ninyo idaragdag ang "MAY", matapos ninyong i-klik at panoorin ang kani-kanilang mga video sa ibaba:



Dagdag ko pa, TAMA si Japer Sniper na huwag na lang ipahayag ang kanyang saloobin sa isyu sa pamamagitan ng social media. Mas mainam na talakayin ito nang harapan at masinsinan. Nawa ay matapos at magkasundo na ang dalawang panig dahil wala naman itong magandang patutunguhan. Sa nagkamali, tanggapin ito at humingi ng pasensya. Sa naagrabyado, magpakumbaba at magpatawad.

TAMA ba ako rito o MAY TAMA?

Friday, March 26, 2021

#PEPTREVIEWER - Araling Panlipunan/Social Studies - Geography Part 2

PEPT Reviewer: Araling Panlipunan (Social Studies) - GEOGRAPHY Part 2

Basahin, unawain at tandaan ang mga sumusunod na termino, impormasyon, ideya, at katutohanan tungkol sa Araling Panlipunan bilang paghahanda sa Philippine Educational Placement Test o PEPT:

Mga Anyo ng Tubig

1. Karagatan (Ocean) = ang pinakamalaking anyo ng tubig asin na sumasakop sa halos tatlong ikapat  (3/4) ng lupa.

Pacific Ocean 

Mga Halimbawa ng Karagatan:

a. Pasipiko = 64,186,300 sq km.

b. Atlantiko = 33,420,000 sq km.

c. India = 28,359,500 sq km.

d. Artiko = 5,105,700 sq km.


2. Dagat (Sea) = malawak na anyong tubig na mas maliit sa karagatan. Ang tubig nito ay maalat dahil nakadugtong ito sa karagatan.

Philippine Sea

Mga Halimbawa:

a. Dagat Pilipinas = 5.695 million sq. km.

b. Dagat Timog Tsina

c. Dagat Celebes

d. Dagat Australasian Mediterranean = 9.080 million sq. km. (pinakamalawak sa mund ayon sa Wikipedia)


3. Lawa (Lake)isang malawak na anyong tubig na nakakulong sa lupa.

Mga Halimbawa:

Laguna be Bay

a. Laguna de Bay = pinakamalaking lawa sa Pilipinas

b. Caspian Sea = pinakamalaking lawa sa mundo na may sukat na 143,200 square miles (370,886 square kilometers)

4. Look (Bay) = ang anyong tubig na nasa baybayin ng isang kalupaan na karugtong ng karagatan o dagat ay tinatawag na look. 

Mga Halimbawa: 

a. Look ng Subic 

b. Look ng Maynila.

c. Bay of Bangal = pinakamalawak na look sa mundo na may area o lawak na 2.172 million km².

5. Golpo (Gulf)  = kung paghahambingin, mas higit na malawak ang golpo kaysa sa look. Mas malaki ang golpo kaysa look kahit na mas napapaligiran ang golpo ng lupain. 

Mga Halimbawa:

a. Golpo ng Lingayen

b. Golpo ng Moro = pinakamalaking golpo sa Pilipinas ayon sa Wikipedia.

c. Golpo ng Mexico = ang pinakamalawak na golpo sa mundo. Ito ay may dalampasigan na  humihit-kumulang sa 5,000 kilometro (3,100 milya) at tinatayang may lawak na 1.6 million square kilometer.

d. Golpo ng Oman 

6. ILOG (River) = anyong tubig na mahaba at makipot na umaagos patungo sa dagat. Karaniwang ito ay tabang. 

Mga Halimbawa:

 a. Ilog Pasig 

b. Ilog Cagayan = pinakamahabang ilog sa Pilipinas (505 km)

c. Ilog Agusan

d. Ilog Nile - pinakamahabang ilog sa mundo (6,650 km)

[By Hel-hama - Own work, CC BY-SA 3.0, https://commons.wikimedia.org/w/index.php?curid=27624659]

7. TALON (Waterfall) – ang talon ay daloy ng tubig mula sa isang mataas na lugar, tulad ng kabundukan, hanggang sa mababang bahagi nito.

Mga Halimbawa:

a. Talon ng Aliwagwag  = pinakamataas na talon sa Pilipinas (1,110 feet) (highest waterfall in the Philippines)

Aliwagwag Waterfalls - Cateel, Davao Oriental, Philippines
(Image from https://hikersitch.com/lakesfalls/aliwagwag-falls)

b. Talon ng Maria Cristina

c. Talon ng Pagsanjan

d. Talon ng Angel (Angel Falls) = pinakamataas na talon sa buong mundo (3,212 feet) na matatagpuan sa Venezuela.


8. BUKAL (Spring) = isang anyo ng tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa.

Mga Halimbawa: 

a. Malumpati Cold Springs (Antique)

b. Hidden Valley Spring (Laguna)

c. Tangub Hot Spring (Camiguin)

d. Inferno Crater Lake (New Zealand) = pinakamalawak na hot spring sa mundo. 

                                                            Inferno Crater Lake
(Image from https://www.rd.com/list/hot-springs/)



A #ShortStory: The Wake by Dex Amoroso

 Below is a short story contributed by one of my friends on Facebook:

THE WAKE  

by Dex Amoroso 



Dex was taken to the hospital after a work accident that left him with difficulty breathing and aching body.  He was admitted to the intensive care unit (ICU) and received mechanical ventilation.

Three days later he felt a bit well and talked to the doctor who visited and examined his current condition.

"Doc, I've been here in the hospital for three days, I miss my children. Can you allow them to visit me?", Dex asked.

"Sorry sir, but the children are not allowed to visit here in the patient care area. That is part of the health protocol during the pandemic", the doctor replied.

Past 7p.m., it was dark outside and there was no nurse in his room. He took the opportunity to escape the hospital. He climbed out the window and jumped.

He burst with excitement when he got out of the hospital fence. 

As he approached their house, he saw many lights. When he got closer, he was surprised because there were many people outside. There were tables, some people drinking and others playing cards.

The first person he met was his wife. 

"Jen, how are you? Where are the two kids?" Why are so many people at home? What is the occasion?", he asked.

Jen's face was incredibly sad, and she ignored him.

He was confounded to see his mother and two siblings in their house.

 "Good, you're all here at home. When did you arrive? How are you, Ma? We haven't seen each other in a long time.", Dex told them.

He felt bumped out after his mother and two siblings ignored him.

"I just got back from the hospital. My head and body still hurt because I am not well yet. I got out of the hospital because I ran away. Don't any of you want to talk to me?" he asked in an obviously disgusted voice.

After a while he heard the sweet voices of his two sons as the two played inside the room. He opened the door and grinned from ear to ear when he saw the two. 

"How are my two little boys that Daddy loves so much?", he asked.

When the two children did not respond, he had a sinking feeling that something was not right.

Suddenly he felt severe body pain, so he went straight to the living room to lie down on the sofa.

As he slowly walked towards the living room, he met Liber, a stray dog he took care of.

"How are you, Liber boy?" he asked.

"Arf, arf, arf", the dog barked and wagged his tail.

"Finally, a dog noticed me." he said to himself in his mind.

When he sat down on the sofa he saw a casket. His blood ran cold and he stood up again.

He saw a poster with a text and a picture of him and it read, "In Loving Memory of Dexter Amoroso".

He was scared out of his wits when he approached the coffin and looked up and saw himself lying inside.

“Why is my body inside the coffin while I'm here outside?", He asked.

THE END

Tuesday, March 23, 2021

Miss Universe 2020 Candidates

Miss Universe is considered the number one beauty pageant in the world because t does not only cover the earth but the whole universe (LOL!). Miss Universe 2020 pageant is the 69th edition. It will be held at Seminole Hard Rock Hotel & Casino in Hollywood, Florida, USA on May 16, 2021. The pageant was supposed to be held last year but because of the Covid-19 pandemic, it is scheduled this year. It is not clear though if there will be public audience.

Some of the candidates of Miss Universe 2020 are:

Maria Thattil - Australia


Rabiya Mateo - Philippines


Sudufhadzo Musida - Miss South Africa 2020


Mariangel Villasmil Arteaga - Miss Venezuela 2020


Asya Danielle Branch - Miss USA 2020


Amanda Obdam - Miss Thailand 2020
(Image from https://tekdeeps.com)


Ayu Maulida - Miss Indonesia 2020


Adline Castelino - Miss India 2020
Nguyen Tran Khanh Van
                                      (Image from https://www.culturemagazin.com)

Bernadette Belle Wu-Ong - Miss Singapore 2020
                                       (Image from http://missosology.org)

For the list of other Miss Universe 2020 candidates, please visit:

Good luck, ladies!


June Macasaet is Mr. Manhunt International 2012

June Macasaet of the Philippines was chosen as Mr. Manhunt International 2012 at the Scala Theater, Siam Square in Bangkok, Thailand on Friday, November 9, 2012. The 29 year old  Century Tuna model of Batangas City bested more than 50 male models from around the world.





Bo Peter Jonsson of Sweden was picked first runner-up while Martin Wang of Macau was second runner-up.

Bo Peter Jonsson of Sweden - 1st Runner-up

Martin Wang of Macau

Macasaet won $10,000.oo cash, a modeling contract, beauty treatments worth $ 25,000.00, photographic portfolios costing & 5,000.00 and other prizes of more than $ 40,000.00 in value.

June Macasaet - Mr Manhunt International 2012


Jarryd Hayne, Guilty of Rape

Hinatulang ng guilty verdict sa kasong rape ang dating NRL player ng Parramatta Eels na si Jarryd Hayne kahapon, Lunes, ika-22 ng Marso, 2021. Ang hatol ay ibinaba ng Sydney jury matapos magkaroon ng hung jury noong nililitis ang kaso sa Newcastle. Nag-ugat ang kaso ng magreklamo ng dalawang beses na panggagahasa ang isang 26 taong gulang noong babae laban sa manlalaro sa bahay nito sa Newcastle noong Nobyembre 2018. Ang akusang ito ay itinanggi ng player nguni't inamin niya ang sinabi ng babae sa kanya na hindi siya payag na magkaroon  sila ng pagtatalik subali't nang pumayag na maghalikan sila ay naganap umano ang consensual oral at digital sex. Nakatakda ang pagbibigay sentensiya kay Hayne sa ika-6 ng Mayo, 2021 kung saan maaari siyang hatulan ng 14 na buwang pagkabilanggo sa bawa't kaso ng panggagahasa.

Jarry Lee Hayne

Ang 33 taong gulang na si Hayne ay kakakasal lamang noong January 26, 2021 sa kanyang live-in partner na si Amellia Bonnici. Sila ay nagkaroon ng anak na babae noong 2017 na may pangalang Beliviah Ivy.

Sa tala ng Wikipedia, si Jarryd Lee Hayne (ipinanganak noong 15 Pebrero 1988) isang dating propesyonal na putbolista sa liga sa rugby na huling naglaro para sa Parramatta Eels sa National Rugby League. Naglaro rin siya ng American football at Rugby Union 7 sa pinakamataas na antas. Isang manlalaro ng Australia international at Fiji International at New South Wales State of Origin bilang fullback o sentrol dati siyang naglaro para sa Gold Coast Titans at sa koponan ng NRL All Stars. 

Nagwagi siya ng Dally M Medal noong 2009 at 2014 bilang manlalaro ng NRL ng taon, at ang International Player of the Year award ng Rugby League International Federation noong 2009. Nakakuha ng malaking pansin si Hayne nang gawin niya ang paglipat mula sa isa sa nangungunang manlalaro ng NRL upang isang rookie sa 2015 NFL season kasama ang San Francisco 49ers. Sa pagtatapos ng panahon, tinapos ni Hayne ang kanyang karera sa NFL. Bago bumalik sa NRL, kinatawan din ni Hayne ang Fiji sa Rugby Union 7.

Sa pagkakahatol kay Jarryd, napatunayan dito na timbang ang hustisya sa Australia. Nagpapahiwatig ito na pantay ang tingin ng pamahalaan sa bawa't mamamayan ng bansa, mayaman man o mahirap, pamoso man o ordinaryong tao. Sa pagbaba ng hatol sa sikat na manlalaro, marami rin ang nanlumo sa sinapit ni Jarryd. Hindi sila makapaniwala na magagawa ng manlalaro ang mang-rape dahil sa angkin nitong yaman at kakisigan. Hindi na niya kailangan pang manggahasa kung "sex" nga lang ang habol niya dahil maraming mga babae ang may pagtatangi sa kanya. Gayunman, hindi rin nila masisi si Hayne dahil nga maraming maling desisyon ang idinudulot ng alak. Ang sabi ng mga Filipino, "kapag may alak, may balak". 

Nawa ay maging babala sa mga sikat na manlalaro ang sinapit na ito ni Jarryd Hayne. Huwag nilang akalain na porke sikat sila ay maaari na nilang kunin ang nais nilang ibigin. Sundin nila ang nais mangyari ng babae. Kapag sumigaw ng "hindi", ayaw niya ang nais mangyari.

Sydney at Queensland, Nalubog sa Baha!

 Maraming parte ng Sydney at Queensland sa Australia ang kasalukuyang nalubog sa baha sanhi ng walang humpay na pag-ulan. Isang linggo nang hinahampas ng ulan ang malaking bahagi ng Kalakhang Sydney at Queensland. Sinasabing muling naulit ang ganitong kalagayan pagkatapos ng 60 taon.

Dahil sa walang tigil ng ulan, umapaw ang mga ilog at dam sa paligid ng Sydney at Gold Coast sa Queensland. Maraming lugar sa Sydney ang inutusang mag-evacuate ang mga residente lalo na yaong nasa dalampasigan ng Hawkesbury River mula sa Windsor hanggang Wisemans Ferry. Ganito rin ang iniutos sa mga naninirahan malapit sa Colo River. 

Masyadong naapektuhan ng baha ang Penrith at Windsor sa Sydney, at Lungsod ng Gold Coast sa Queensland. Marami ring regional areas ang binaha tulad ng Taree. Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagbugso ng ulan, subali't tinatayang bubuti ang panahon bukas, March 24, 2021. Gayunman, patuloy na binibigyang babala ang mga residente ng mga apektadong lugar na maging mapagmatyag at maghanda sa anumang maaaring mangyari. Inabusuhan din ang madla na iwasan ang bumiyahe kung hindi kinakailangan.

Sunday, March 21, 2021

Banana Cake by Steaming

On Friday, I made this banana cake by steaming. This is a very simple cake to make.



Ingredients (Mga Sangkap)

1. flour (harina) - 1 cup (tasa)

2. sugar  (asukal) - 3/4 cup (tasa)

3. banana (saging)  - 2 pieces (piraso)

4. milk (gatas) - 3/4 cup (tasa)

5. egg (itlog) - 1 whole (buo)

6. salt (asin) - 1/4 tsp (kutsarita)

7. baking powder (pampaalsa) - 1/2 tbsp (kutsara)

8. vanilla  - 1 tsp (kutsarita)

9. butter or margarine - 1 tbsp



Procedure (Pamamaraan)

1.  In a bowl,beat egg and sugar until the sugar is slightly dissolved.  (Sa isang mangkok, batihin ang itlog at ang asukal hanggang ang asukal ay medyo tunaw na).

2. Add milk and continue stirring until sugar is completely dissolved. (Isama ang gatas at ipagpatuloy ang paghahalo hanggang ganap na matunaw ang asukal).

3. In another bowl, combine flour, baking powder and salt. ( Sa isa pang mangkok, pagsamahin ang harina, pampaalsa at asin.)

4. Mix the dry ingredients with the wet ingredients. (Paghaluin ang tuyo sa basang mga sangkap.)

5. Add vanilla when thoroughly mixed. (Idagdag ang vanilla kapag nahalo nang mabuti.)

6. Cut the bananas diagonally into 1/4" thick and fold into the mixture. (Hatiin pahilis ang mga saging na may 1/4" ang nipis at isama sa pinaghalong mga sangkap.)

7. Pour the mixture in a rectangular baking pan or any pan that can fit in with your steamer. (Ibuhos ang pinaghalong mga sangkap sa isang lalagyang parihaba o anumang lalagyang kasya sa inyong pasingawan.)

8. Boil water in a steamer and put the pan when the water is already boiling and cover. (Magpakulo ng tubig sa pasingawan at ipatong ang pinaglagyan ng mga sangkap kapag kumukulo na ang tubig at takpan.)

9. Steam for about 15 minutes or until the cake has risen and cracks are visible on top. (Pasingawan ng 15 minuto o hanggang umalsa ang cake at may nakikita ng mga bitak sa ibabaw nito.)

10. Spread the butter or margarine on top of the cake. (Pahiran ng mantikilya o margarina ang ibabaw ng cake.)

11. Continue steaming for another 5 minutes or when a toothpick or skewer came out clean when inserted into the cake. (Ipagpatuloy ang pagpapasingaw sa loob 5 minuto o hanggang lumabas na malinis ang toothpick o pantuhog kapag sinundot pailalim ang cake.)

12. Cool before eating. (Palamigin bago kainin.)

Lola Damiana, Sikat Na!

        

Lola (Donya) Damiana

        Hindi mapapasubalian na sikat na si Lola o Donya Damiana. Sa mga hindi nanonood sa YouTube, si Lola Damiana ang mahirap na matanda na unang tinulungan ng mag-amang vlogger na si Val Santos Matubang at Rabboni James Matubang. 

Val Santos Matubang (Lingap sa Mahihirap)

Rabboni James Matubang

Ang matanda ay naninirahan na nag-iisa sa itaas ng bundok sa bahay na lumang-luma na. Sa tulong ng mag-ama, unti-unting napapaayos ang tahanan ng matanda na mayroong konting diprensya sa pag-iisip. Dahil sa madalas na pagbisita nina Kuya Val at Kalingap Rab, na-expose sa YouTube ang matanda at naging instant superstar sa mga subscribers at non-subscribers ng dalawa. Tatlong video ni Kalingap Rab  kung saan tampok ang si Donya Damiana ang umabot na sa isang milyong views. 

        Sanhi ng biglang paimbulog ng mga video nina Kuya Val at Kalingap Rab kung saan tampok ang minsang masungit, mabait, makata, palasigaw, o palatawang lola, dumami rin ang tulong na natatanggap ng matanda. May mga vlogger na rin ang bumisita sa kanya upang magbigay ng tulong. Walang kaso sa mag-amang vlogger ang ginagawang pagbisita at pagtulong ng ibang nakikisawsaw sa popularidad ni Donya Damiana. Ang ikihihimutok lang ni Kuya Val ay ang tahasang paggamit ng kanilang mga video sa channel ng mga mapagsamantalang YouTube creators. Wala sanang kaso kung humingi muna sila ng permiso sa mag-ama o pahapyaw lang ang mga video clips, o kaya ay ito ay reaction video lang. Ang kaso, may mga vlogger na buong-buo pa mismong video ang ipinalalabas sa kanilang channel.

        Nai-report na ni Kuya Val at ng kanyang mga supporters ang ginagawang mga illegal actvities ng ilang YouTube vloggers. Inaasahan nilang mabibigyan ng karampatang parusa ng YouTube ang mga lumabag sa kanilang Terms and Conditions, lalo na yaong sangkot ang copyright issue. Dahil sa isyung ito, naging mapagmanman ang mga supporters ng mag-ama at dagling inire-report ang sinumang vlogger na gumagamit ng buo ng kanilang mga video.

        Sa ngayon ay lalo pang dumarami ang mga subscribers at donors nina Val Santos Matubang at Kalingap Rab dahil sa walang sawa nilang pagtulong sa mga senior citizens at mga pamilyang sadyang naghihirap. Bugso ng kanilang pagsikat, sa palagay ko ay uulanin din sila ng mga puna, intriga, at batikos mula sa mga taong naiinggit at walang magawa sa buhay. Sana naman ay maging handa at matatag sa mga bashers na ito sina Kuya Val at Kalingap Rab.

        Doon sa mga YouTube vloggers na nangongopya nang buong-buo sa mga trending at popular video, tumigil na kayo dahil mas maraming problema ang kahaharapin ninyo kaysa biyaya. May kasabihan nga tayo na "Ang taong naghahangad ng kagitna, isang salop ang nawawala."



Tuesday, March 16, 2021

Authentic Pinoy-Style Chicken Caldereta

         Because of the pandemic brought about by the Covid-19, many people around the world stay at home, either to work or to stay safe from this deadly disease. The long hours spend within the confines of one's home are good in the short period, but as time goes by, it becomes boring. 

        Moms and grandmas, dads and granddads, and others find a way to beat the boredom and monotony of the situation. Many become gardeners or in Filipino lingo = "plantitas and plantitos". Some become bakers, chefs, cooks, or "kusineras and kusineras". Your Mamay P belongs to the latter. To prove, here is my authentic Pinoy-style chicken caldereta that is cooked in less than an hour.

        Authentic Pinoy-Style Chicken Calderata

Ingredients:

    1/2 chicken, cut into 10-12 pieces

    5-6 cloves garlic

    1 medium-sized onion

    1 big potato

    2 small-sized carrots

    1/2 cup green peas

    1 1/2 cups water

    1/2 packet caldereta mix

    1 tbsp oil

    ground black pepper and salt to taste

Procedure

    1. Heat oil in a pan.

    2. Saute garlic and onion.

    3. Pour in chicken pieces and cook in oil for 3 minutes.

    4. Add 1 cup of water, potato and carrots, cover and cook for 10 minutes.

    5. Mix 1/2 packet of caldereta mix with 1/2 cup water, pour in, and continue cooking for 5 minutes.

    6. Add 1/2 cup green peas. 

    7. Dissolve 1 1/2 tbs. corn flour in 1 tbs. water and pour in to thicken the sauce.

    8. Sprinkle ground pepper and salt to taste.

    9. Turn off the heat once the sauce thickens.

    10. Serve with hot rice.

Watch the video version here: https://www.youtube.com/watch?v=DdrO4nKAIrI

Enjoy and happy eating!




    


Sunday, March 14, 2021

Guidelines on #SSS Retirement Claim Online Application

        

        Dahil sa pandemya dulot ng Covid-19, nahihirapan ang marami sa ating mga kababayan na mag-file ng kanilang SSS Retirement Claim lalo pa at pinagbabawalang lumabas ng bahay ang mga senior citizens na siyang beneficiaries ng pension. Sa puntong ito, nagpalabas ng gabay ang Social Security System (SSS) upang matugunan ang suliraning ito at nang makuha ng mga eligible members ang bunga ng kanilang mga pinaghirapan sa maraming taon. Ito ay sa pamamagitan ng SSS Online Application program. Layunin ng programang ito na mabawasan ang pagpunta ng mga pensyonado ng miyembro sa mga SSS branches sa kanilang lugar at upang mabawasan ang mga papel na dapat gamitin sa pag-aaplay ng retirement.

Sino-sino bang mga kasapi ang kwalipikado upang makapag-apply online?

1. mga kasapi na hindi bababa sa 60 hanggang 64 taong gulang at wala ng trabaho, maliban sa mga minero at hinete;

2. mga kasapi na hindi bababa sa 65 taong gulang at nagsumite na ng kanilang mga Retirement Claim Application (RCA) form sa online mula Setyembre 2015; at 

3. mga Overseas Filipino Worker (OFW) at mga boluntaryong miyembro na hindi bababa sa 60 taong gulang mula noong Disyembre 2018.

Ano-ano ang mga kailangan upang makapag-file online?

        Maliban sa mga kwalipikadong miyembro na maaaring makapag-file ng Retirement Claim Application (RCA) form online, narito pa ang mga kailangan ng mga kasapi:

1. Ang mga miyembro ay dapat na nakarehistro sa My.SSS web portal sa website ng SSS; at

2. Dapat magkaroon ng isang nakatala na disbursement account sa SSS sa pamamagitan ng Bank Enrollment Module (BEM).

Upang maging karapat-dapat para sa online na pagsusumite ng mga RCA, ang isang miyembro ay 

1. dapat na mayroong hindi bababa sa 120 buwanang mga kontribusyon bago ang semestre ng buwan ng pagsumite ng pag-angkin, para sa buwanang pensiyon, o hindi bababa sa isang buwanang kontribusyon, para sa bukol na benepisyo;

2. mayroong isang numero ng SS na hindi nakansela; 

3. walang natitirang Stock Investment, Privatization, Pang-edukasyon o Vocational Technology na balanse sa pautang; 

4. walang umaasang anak / anak; 

5. hindi isang minero sa ilalim o ibabaw man ng lupa, o isang hinete;

6. hindi isang miyembro na nagtatrabaho sa sarili na mas mababa sa 65 taong gulang.

Dagdag kwalipikasyon

Maliban sa nabanggit sa itaas, ang mga online na aplikasyon ng mga empleyadong miyembro, na hindi bababa sa 60 hanggang 64 taong gulang, na may mga kontribusyon bago o hanggang sa buwan ng pagreretiro ay dapat na sertipikado ng kanilang pinakabagong employer sa pamamagitan ng My.SSS web account ng employer. Kung wala, hindi mapoproseso ang RCA nang walang sertipikasyon ng employer.

Paano matatanggap ng mga retirado ang kanilang pension?

        Magbabayad ang SSS ng mga claim sa benepisyo sa pagreretiro sa pamamagitan ng Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card na nakatala bilang isang ATM card. Sa kawalan nito, ilalabas ito sa pamamagitan ng kanilang piniling disbursement channel na nakatala sa BEM, na kinabibilangan ng mga bangko ng Philippine Electronic Fund Transfer System at Operations Network (PESONet) na mga kalahok na bangko, Union Bank of the Philippines Quick Card, mga electronic wallet, at remittance transfer na mga kumpanya o cash payment outlets.

Paano makapagrehistro sa My.SSS?

1. Pumunta sa website ng My SSS (sss.gov.ph).
    (Go to the My SSS website (sss.gov.ph).)

2. I-click ang "Hindi pa nakarehistro sa My.SSS".
    (Click “Not yet registered in My.SSS”.)

3. Pumili ng isang impormasyon tulad ng naiulat sa SSS.
    (Select one information as reported to SSS.)

4. Ipasok ang lahat ng impormasyong kinakailangan.
    (Enter all information needed.)

5. Ang isang abiso ng pagpaparehistro ay ipapadala sa iyong nakarehistrong email
    (A notice of registration will be sent to your registered email)

6. Sundin ang mga tagubiling ipinadala sa email upang maging aktibo ang iyong account.
    (Follow instructions sent in the email to activate your account)

Paano mag-enroll sa Bank Enrollment Module (BEM)?

1. Mag-login sa iyong My.SSS account.
    (Login to your My.SSS account.)

2. I-hover ang mouse sa E-Services Menu at i-click ang Disbursement Account Enrolment Module.
    (Mouse hover to E-Services Menu and click Disbursement Account Enrollment Module.)

3. Maingat na basahin ang mga paalala at i-click ang "I Certify the Proceeds".
    (Carefully read the reminders and click I Certify the Proceeds.)

4. Piliin ang iyong kasaling PESONet na Banko / E-Wallet / Remittance Transfer Company (RTCs) / Cash Payout Outlets (CPOs) at maingat na i-encode ang iyong account number o numero ng mobile.
    (Select your PESONet participating Bank/E-Wallet/Remittance Transfer Companies (RTCs)/Cash Payout Outlets (CPOs) and carefully encode your account number or mobile number.)

        Para sa dagdag kaalaman at impormasyon, bisitahin ang SSS website.

Panoorin din ang Youtube bidyong ito para lubos na maunawaan.




Wednesday, March 10, 2021

Mister International 2020 is Lee Gil Won

True to its surname in the English word, Lee Gil WON is the winner in the Mister International 2020 pageant. The contest was held last year in a bubble where only the contestants and staff were present.

Lee Gil Won is from Seoul, 26 years of age stands 183 cm. (over 6 feet) and weighs 80 kilos. He will represent Korea in the Mister International 2020 if ever it will be held due to Covid-19.

Here are the winning photos and posture of Lee Gil Won:














RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...