Naging kontrobersyal ang pagsasabatas ng Republic Act No. 11229 (R.A. No. 11229) o mas kilala bilang Child Safety in Motor Vehicles Act o Child Seat Law, matapos itong pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-2 ng Pebrero, 2021. Naging usap-usapan ang nasabing batas dahil sa ilang probisyong nakapaloob dito. Matatandaan na bago pa napirmahan ang batas, naaprobahan na ang Implementing Rules and Regulations nito o IRR noon pang December 23, 2019, ayon sa Philippine Inquirer online. Isa pa sa naging usapan ay kung may kumita bang mambabatas sa batas na ito dahil mahal ang presyuhan ng mga child car seat sa ngayon, na malaking problema sa mga ordinarong Pinoy na may hulugang pribadong sasakyan lalo na ngayong may pandemya.
(Image from https://www.carsguide.com.au/family/advice/baby-car-seats-four-best-car-seats-in-australia-81202)
Maganda ang layunin ng R.A. No. 11229
dahil pinangangalagaan nito ang kaligtasan ng mga bata sa loob ng sasakyan.
Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization o WHO, ang paggamit ng mga car child restraints ay nakapagbabawas
ng malubsang pinsala ng 70% para sa mga sanggol at mula 54% hanggang 70% para
sa kabataang may murang gulang. Gayunman, umalma ang mga magulang at may-ari ng
mga pribadong sasakyan dahil saklaw ng batas ang mga kabataang mas mababa sa 12
taong gulang. Sa ibang bansa kasi, hanggang 7 taon gulang lang ang pinagagamit
ng child car seat o car restraint.
Ang mga batang may idad 7 pataas ay maaari nang gamitin ang ordinaryong seat
belt na pangmatanda. Gayunman, nakabase pa rin ito sa taas o bulto ng bata.
Dapat ay nasa sukat ang kanyang inuupuan.
Bukod sa mahal ang mga upuang
ikakabit para sa mga bata, inirereklamo rin ng mga may-ari ng mga pribadong
sasakyan ang pagsisikip ng espasyo sa loob ng sasakyan. Hindi na kasi nila
makakandong ang kanilang mga anak at sa halip ay ookupa na rin ito ng espasyo
para sa matatanda. Dahil dito, bilang na ang maaaring isama sa mga lakaran. Isa
pang reklamo ay hindi raw sapat ang ginawang pag-aaral at pagkonsulta sa mga
apektado ng batas na ito, lalo na ang mga magulang at guardians. Ayon naman kay Goddes Libiran, assistant transportation secretary for communications, dumaan sa
masusi at malawakang konsultasyon ang nasabing batas, na sa aking palagay ay
hindi naging epektibo dahil nga sa reklamo ng mga magulang.
Sa ngayon ay hindi pa masyadong
mahigpit na pinatutupad ang nasabing batas ng Department of Transportation
(DOTr) at ng Land Transportation Office (LTO). Sinuspinde ang implementasyon ng
batas ni DOTr Secretary Arthur Tugade at LTO Chief Edgar Galvante. Kinakailangan
pa nilang magsawa ng education,
information at communication campaign sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan para
lubusang maisakatuparan ang nasabing batas. Bukod pa rito, kulang ang suplay ng
mga child car seat o restraint sa mga pamilihan. Dahil sa batas, hindi maaalis
sa isip ng ilan kung may kumita o kikita bang mambabatas sa R.A. No. 11229.
Sa mga mahuhuling lalabag magtapos
na lubos na isakatuparan ang child seat law, narito ang mga kaparusahan o
penalty:
Unang paglabag: Pph 1,000.00 multa
Ikalawang paglabag: Php 2,000.00
multa
Ikatlong paglabag at susunod pa: Php
5,000.00 multa at pagkansela ng driver’s license sa loob ng isang taon.
Kung maganda ang layunin ng batas na
ito para sa kapakanan at kaligtasan ng mga batang may murang gulang, bakit
hindi ito isakatuparan sa mga pampublikong sasakyan din? Mas ligtas bang nakasakay
ang mga bata sa mga jeep, bus, at traysikel, gayong wala nga silang mahawakan
dito at kandong pa ng mga matatanda? Bakit hindi maging batas ang pagsusuot ng
seat belt sa mga nakaupo sa likuran ng sasakyan?
(Image from Hungry Syrian Wanderer's Facebook)
Sa kasalukuyan ay dagdag gastusin
ang kakaharapin ng mga may-ari ng sasakyan sa pagbili ng mga child car seat. Mabuti
sana kung may katulad si Basel Mandil o mas kilala sa tawag na Hungry SyrianWanderer na magbibigay ng mga child car seat. Sana nga lamang ay maging malinaw
ang patakaran ng DOTr at LTO hinggil sa mga nasabing upuan. Magpalabas sana
sila ng mga aprobadong uri o brand ng mga car seat na ito upang hindi magkamali
sa pagbili. Isa pa, plantsahin mabuti ang IRR ng R.A. No. 11229 at alisin o
amyendahan ang mga probisyon na nakasasabal tulad ng idad ng mga batang sakop
nito.
Napirmahan man, sa palagay ko ay isususpinde rin ni Pangulong Duterte ang implementasyon ng batas na ito dahil dagdag pahirap ito sa mamamayang Pilipino dahil sa pandemya. Hintayin natin sa mga susunod na araw ang magiging hakbang ng Pangulo sa isyung ito.