Showing posts with label hungry syrian wanderer. Show all posts
Showing posts with label hungry syrian wanderer. Show all posts

Sunday, October 10, 2021

Mga Taong Grasa, Nawawala sa Lansangan Dahil sa mga Vloggers

Nawawala sa  lansangan ang karamihan sa mga tinatawag  na "taong grasa" dahil sa mga vloggers na nais silang "sagipin". Mapapansin na kadalasan sa mga nagte-trend ngayon at umaani ng libo-libo kundi man milyon-milyong views sa YouTube ay may kinalaman sa mga natutulungang mga tao sa lansangan na may dipresensya sa pag-iisip kung hindi man hirap na hirap sa buhay.

Nagsimula ang kalakarang ito nang magtuunan ng pansin ng mga charity vloggers na kinabibilangan nina Techram, Hungry Syrian Wanderer, ForeignGerms, Val Santos Matubang, Kalingap Rab, Pugong Byahero, at marami pang iba, ang mga taong ito. Dahil sa kanilang mga video ay natagpuan ng mga kaanak ng mga taong grasang ito. Gayundin, marami sa kanila ang unti-unti kundi man lubusang gumaling sa kanilang sakit.

"Techram" Manalastas

Nakatutuwa ang pangyayaring ito dahil nabibigyan ng tulong ang ating mga kaawaawang kababayan na naging tahanan na ang lansangan. Kung hindi sila napag-uukulan ng sapat na pansin ng pamahalaan, mayroon naman tayong mga vloggers na handa silang tulungan.

                                Kalingap Rab at Kuya Val Santos Matubang

Dahil umaani ng maraming views na may katumbas na salapi ang mga bidyong ito, lalo pang dumami ang mga vloggers na nagnanais makahanap ng mga taong grasa at mga pulubing naglipana sa kalsada. Ang lahat ay handang tumulong kapalit ng salaping maitutulong pa nila sa iba. 

Basel Manadil "Hungry Syrian Wanderer"

Sana naman ay hindi lang panandalian lang ang hangaring ito ng mga YouTube vloggers. Nawa ay panmatagalan ang kanilang adhikaing ito upang tumulong. Hindi sana nakatuon sa dami ng views ang kanilang pagtulong kundi bukas sa kanilang puso. Sana ay ipagpatuloy pa nila ang kanilang nasimulang gawain nang walang hinihinging kapalit.

Paul Joseph Tesalona "Pugong Byahero"

Kung tuluyan mang mawala sa mga lansangan sa buong Pilipinas ang mga taong grasa ito ay dahil sa mga vloggers na binibigyan sila ng pag-asang mamuhay nang normal. Hindi po sila kinidnap ng mga taong nasa loob ng van na puti na nais ipagbili ang kanilang mga laman-loob. Gayunman, sana ay magising ang ahensya ng pamahalaan na siyang natukahan upang bigyang solusyon ang problemang ito.

Friday, February 5, 2021

Kontrobersyal na R.A. No. 11229 o Child Car Seat Law, May Kumita Nga Bang Mambabatas?

            Naging kontrobersyal ang pagsasabatas ng Republic Act No. 11229 (R.A. No. 11229) o mas kilala bilang Child Safety in Motor Vehicles Act o Child Seat Law, matapos itong pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-2 ng Pebrero, 2021. Naging usap-usapan ang nasabing batas dahil sa ilang probisyong nakapaloob dito. Matatandaan na bago pa napirmahan ang batas, naaprobahan na ang Implementing Rules and Regulations nito o IRR noon pang December 23, 2019, ayon sa Philippine Inquirer online. Isa pa sa naging usapan ay kung may kumita bang mambabatas sa batas na ito dahil mahal ang presyuhan ng mga child car seat sa ngayon, na malaking problema sa mga ordinarong Pinoy na may hulugang pribadong sasakyan lalo na ngayong may pandemya.

(Image from https://www.carsguide.com.au/family/advice/baby-car-seats-four-best-car-seats-in-australia-81202)

          Maganda ang layunin ng R.A. No. 11229 dahil pinangangalagaan nito ang kaligtasan ng mga bata sa loob ng sasakyan. Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization o WHO, ang paggamit ng mga car child restraints ay nakapagbabawas ng malubsang pinsala ng 70% para sa mga sanggol at mula 54% hanggang 70% para sa kabataang may murang gulang. Gayunman, umalma ang mga magulang at may-ari ng mga pribadong sasakyan dahil saklaw ng batas ang mga kabataang mas mababa sa 12 taong gulang. Sa ibang bansa kasi, hanggang 7 taon gulang lang ang pinagagamit ng child car seat o car restraint. Ang mga batang may idad 7 pataas ay maaari nang gamitin ang ordinaryong seat belt na pangmatanda. Gayunman, nakabase pa rin ito sa taas o bulto ng bata. Dapat ay nasa sukat ang kanyang inuupuan.

DOTr Secretary Arthur Tugade
(Image from https://en.wikipedia.org/wiki/Arthur_Tugade)

            Bukod sa mahal ang mga upuang ikakabit para sa mga bata, inirereklamo rin ng mga may-ari ng mga pribadong sasakyan ang pagsisikip ng espasyo sa loob ng sasakyan. Hindi na kasi nila makakandong ang kanilang mga anak at sa halip ay ookupa na rin ito ng espasyo para sa matatanda. Dahil dito, bilang na ang maaaring isama sa mga lakaran. Isa pang reklamo ay hindi raw sapat ang ginawang pag-aaral at pagkonsulta sa mga apektado ng batas na ito, lalo na ang mga magulang at guardians. Ayon naman kay Goddes Libiran, assistant transportation secretary for communications, dumaan sa masusi at malawakang konsultasyon ang nasabing batas, na sa aking palagay ay hindi naging epektibo dahil nga sa reklamo ng mga magulang.

LTO Chief Edgar Galvante

            Sa ngayon ay hindi pa masyadong mahigpit na pinatutupad ang nasabing batas ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Office (LTO). Sinuspinde ang implementasyon ng batas ni DOTr Secretary Arthur Tugade at LTO Chief Edgar Galvante. Kinakailangan pa nilang magsawa ng education, information at communication campaign sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan para lubusang maisakatuparan ang nasabing batas. Bukod pa rito, kulang ang suplay ng mga child car seat o restraint sa mga pamilihan. Dahil sa batas, hindi maaalis sa isip ng ilan kung may kumita o kikita bang mambabatas sa R.A. No. 11229.

            Sa mga mahuhuling lalabag magtapos na lubos na isakatuparan ang child seat law, narito ang mga kaparusahan o penalty:

           Unang paglabag: Pph 1,000.00 multa

            Ikalawang paglabag: Php 2,000.00 multa

            Ikatlong paglabag at susunod pa: Php 5,000.00 multa at pagkansela ng driver’s license sa loob ng isang taon.

            Kung maganda ang layunin ng batas na ito para sa kapakanan at kaligtasan ng mga batang may murang gulang, bakit hindi ito isakatuparan sa mga pampublikong sasakyan din? Mas ligtas bang nakasakay ang mga bata sa mga jeep, bus, at traysikel, gayong wala nga silang mahawakan dito at kandong pa ng mga matatanda? Bakit hindi maging batas ang pagsusuot ng seat belt sa mga nakaupo sa likuran ng sasakyan?

        

Basel Mandil

                            (Image from Hungry Syrian Wanderer's Facebook)

            Sa kasalukuyan ay dagdag gastusin ang kakaharapin ng mga may-ari ng sasakyan sa pagbili ng mga child car seat. Mabuti sana kung may katulad si Basel Mandil o mas kilala sa tawag na Hungry SyrianWanderer na magbibigay ng mga child car seat. Sana nga lamang ay maging malinaw ang patakaran ng DOTr at LTO hinggil sa mga nasabing upuan. Magpalabas sana sila ng mga aprobadong uri o brand ng mga car seat na ito upang hindi magkamali sa pagbili. Isa pa, plantsahin mabuti ang IRR ng R.A. No. 11229 at alisin o amyendahan ang mga probisyon na nakasasabal tulad ng idad ng mga batang sakop nito.

            Napirmahan man, sa palagay ko ay isususpinde rin ni Pangulong Duterte ang implementasyon ng batas na ito dahil dagdag pahirap ito sa mamamayang Pilipino dahil sa pandemya. Hintayin natin sa mga susunod na araw ang magiging hakbang ng Pangulo sa isyung ito.

Sunday, January 17, 2021

BASEL, the Hungry Syrian Wanderer, Inabuso nga ba ni Mr. Chang a.k.a. “Abeoji”?

    Sumambulat noong isang linggo ang hinanakit ni Basel Manadil, na mas kilala na “The Hungry Syrian Wanderer” sa YouTube kay Mr. Chang – isang Korean national, na tinawag niyang “Abeoji” na ang ibig sabihin ay “father” sa Korean. Ang sama ng loob ay inilabas ni Basel, may-ari ng YOLO RetroDiner sa Muntinlupa, sa kanyang vlog sa Youtube. Mararamdaman ng makapapanood sa video na tila “inabuso” ni Abeoji ang kabaitan ng Syrian na matagal nang naninirahan sa Pilipinas. Inabuso nga ba ni Mr. Chang si Basel?

               Matatandaang nag-krus ang landas ng dalawang banyaga nang dalawin ni Basel si Abeoji sa puwesto nito habang nagtitinda ng Korean noodles sa bangketa. Nagkataong may media outlet din yata o ibang vlogger ang kumakapanayam sa Koreano. Dahil napag-alaman ni Basel na halos limas na ang pera ni Mr. Change dahil nalulong ito sa sugal, tinulungan ito ng mabait na Syrian. Sumama siya sa tinitirhang bahay ng Koreano, nilinis, inayos, at nilagyan ito ng mga appliances na kailangan ng matanda. May ilang beses ding muli itong binisita at nilinis ni The Hungry Syrian Wanderer, kasama ng dalawa niyang crew sa YOLO Retro Diner.

               Magmula noon ay naging laman na ng vlog ni Basel si Mr, Chang, na itinuring na niyang ama. Madalas ay nakikita silang magkasamang kumakain sa isang Korean restaurant o sa iba pa. Nang magbigay ng ayuda si Basel sa mga biktima ng bagyong Ulysses, kasa-kasama rin sa vlog ang dating mayamang may-ari ng isang pamosong construction company sa Korea. Magmula rin noon ay sumikat sa social media si Abeoji. Isa na ang kanyang kababayan at artistang si Ryan Bang na magbibigay ng tiket sa kanya pauwi ng Korea. Tumaas din ang view ni Basel at maraming tao ang humanga sa kanyang kabaitan, hindi lang sa Pilipinas kundi sa Korea.

               Ang magandang samahan nina Basel at Abeoji ay naging palaisipan sa mga subscribers ng The Hungry Syrian Wanderer dahil bigla na lamang itong nawala sa eksena. Hindi nakita si Abeoji nang magdiwang ng isang simpleng Christmas party ang mga tauhan ng YOLO. Wala ring gaanong ganap noong New Year’s Day.

               At ito ngang isang linggo ay isinawalat ni Basel ang kanyang nararamdaman kay Mr. Chang, matapos kimkimin ito ng ilang buwan at matapos mapanood si Abeoji sa vlog ni Bobby sa kanyang Chong Bobby Channel. Sa isang segment ng vlog, sinabi ni Mr. Chang na hindi siya nakatanggap ng pera sa isang “someone”. May portion din sa isang video na ipinakikia ni Bobby na magulo uli ang tinitirhan ni Abeoji at nakatambak lang sa isa pang kuwarto ang mga kalat na tila may pinasasaringan. May parte rin na may hawak na mansanas at saging si Abeoji. Ang mga ito ang ilan sa mga laman ng video na ikinasama ng loob ni Basel sa Koreano at kay Bobby. May basehan ba ang kanyang hinanakit?

               Sa aking palagay ay naging biktima lang si Mr. Chang ng mga taong nais siraan si Basel. Kung hihimayin ko ang mga sinabi ni Abeoji, tila hindi naman si Basel ang tinutukoy niyang “someone”. Nasabi ko ito dahil hindi naman matatas sa wikang Ingles ang matandang Koreano. Hindi naman siguro si Basel ang nais niyang tukuyin o paringgan dahil bukod kay Basel, marami pang vloggers ang kumapanayam at sumakay sa kasikatan ng Koreanong nagtitinda ng noodles sa bangketa. Kung si Basel man ang nais tukuyin ni Mr. Chang, baka ito ay pabiro lamang dahil batid ng matandang Koreano na higit sa Php7,500.00 ang ibinigay at nais pang ibigay sa kanya ng nagugutom at palaboy na Syrian.

               Dahil sa kanyang sitwasyon sa buhay, isang dating milyonaryo na naging mahirap dahil sa sugal, naging “vulnerable” o mahina sa buyo si Abeoji. Baka siya ay sumakay lamang sa nais gawin o ipasabi ni Bobby sa anumang layuning nais nitong makamtan. Posible rin na iba naman ang nais ipahiwatig ni Mr. Chang sa kanyang mga sinasabi dahil na rin sa katutohanang hindi siya matatas sa Ingles.

               Sa aking palagay ay dapat nating unawain si Abeoji. Marahil ay naging biktima rin siya at hindi rin niya hangad ang nangyaring paghihiwalay nila ng landas ni Basel. Kaya lamang nakapagbitaw ng ganoong pananalita ang Syrian dahil mahal niya si Abeoji na itinuring na ring ama dahil sa pangungulila sa sariling ama na walong taon na niyang hindi nakikita. Kung walang halaga kay The Hungry Syrian Wanderer is Abeoji, tiyak na babalewalain na lang ng may-ari ng Yolo ang mga pangyayari.

               Natural lang na naging maramdamin si Basel dahil napamahal na rin sa binatang Syrian si Mr. Chang. Ang kanyang naramdaman ay hindi galit kung hindi panghihinayang dahil sa pag-aakalang uunlad pa ang kanilang naging reaksyon. Ang pagmamahal na ito ay napamalas ng guwapong binata nang hiniling nito sa mga followers, subscribers, at mga kaibigan na huwag i-bash ang Koreano. Sa halip ay unawain na lamang.

Ang hiling ko ay sana ay magkasundong muli ang dalawa. Humingi ng pasensya ang may kasalanan at magpakumbaba. Sa palagay ko ay maraming paliwanagan ang mangyayari sa mga susunod na mga araw – mula kay Abeoji, kay Bobby, at kay Basel. Nawa’y ang paglalabas ng saloobin ay upang maliwanagan ang isyu at hindi upang lumala pa. Dahil iba’t iba ang interpretasyon ng bawa’t isa sa mga nakikita at naririnig, nawa’y lumabas ang mga totoong saloobin. Aminin ang kasalanan, kung meron man, at humingi ng tawad.

Dalangin ko ay maging maayos na sana ang isyung ito dahil batid kong malinis at tapat ang puso ni Basel Manadil, The Hungry Syrian Wanderer. Alam ko ring hindi intensyon ni Mr. Chang o Abeoji ang makasakit ng damdamin. Baka mali rin ang naging interpretasyon ni Basel sa mga vlog ni Bobby. Anuman ang tama, sana ay makita kong nagkukuwentuhan, nagtatawanan, at kumakain ng hamburger ang tatlo sa YOLO Retro Diner sa susunod na mga araw.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...