Isang linggo matapos ideklarang Miss Universe 2020 si Miss Mexico sa Hollywood, Florida, USA noong May 16, 2021 ay hindi pa rin maka-move on ang karamihan sa mga fans na patimpalak-kagandahang ito lalo na yaong taga-Asya, Africa at Europa. Napansin kasi nila na tila pinaboran ng mga hurado ang mga kandidatang Latina at yaong may kayumangging balat, mapusyaw man o sunog.
Isa sa pinapalagay na dahilan kung bakit hindi nanalo si Rabiya Mateo sa Miss Universe 2020 ay dahil na rin sa kanyang naging performance sa final swimsuit competition matapos siyang mapabilang sa Top 21. Ayon sa mapanuring mga mata ng mga panatiko sa Miss Universe, tila pilit at aral ang pagngiti ng pambato ng Pilipinas habang rumarampa sa entablado. Hindi nakita ang pagiging charming nina Pia at Catriona sa dalaga. Halatang kinakabahan at pressured ang dalagang taga-Iloilo City
Ayon naman sa iba, una pa lang ay bias na ang mga hurado sa mga latina beauties dahil nga marami sa kanila ay mula sa Latin America.
Sinisisi naman ng ilan kay Presidente Rodrigo Duterte ang hindi pagkapanalo ni Rabiya dahil medyo kiling sa China at Russia ang pangulo ng Pilipinas.
Dahil sa iba't ibang haka-haka, pala-palagay, at opinyon ang aking nababasa, naririnig, at napapanood sa mga social media kabilang na ang facebook, Twitter, Instagram, at YouTube, nagpasya akong saliksik ang tunay na dahilan kung bakit hindi napabilang sa Top 10 at/o hindi nanalo si Rabiya Mateo sa nakaraang 69th Miss Universe 2020.
Marami akong binasang artikulo at pinanood na panayam para matukoy ko nang husto at masuri kung ano nga ba ang tunay na dahilan at hindi nanalo ang Miss Universe Philippines 2020 sa pamosong Miss Universe 2020. May mga tao akong pinadalhan ng message at email upang maungkat ang tunay na dahilan. Matapos ang mahaba-habang pag-aanalisa ng mga datos na aking nakalap, iisa ang dahilan kung bakit hindi nanalo ang pambato ng Pilipinas. Hindi ko maaaring ibunyag ang pangalan ng aking source person dahil nakasalalay ang kanyang pangalan at karangalan. IIsa lang ang sinabi niyang dahilan kung bakit hindi natalo si Rabiya Mateo. Sa palagay ko naman ay buong-pusong tatanggapin ng mga Pilipino ang dahilan ng aking natuklasan. Malawak naman ang pag-iisip ng mga Pinoy kaya maaari nilang tanggapin ang dahilang ito.
Ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit natalo so Rabiya Mateo sa Miss Universe 2020?
SAGOT: