(Larawan noong Bagyong Falcon)
Lumusong na rin sa baha ngayong araw na ito, ika-5 ng Octubre, 2011ang Pangulong PNoy ng Pilipinas matapos ang kabi-kabilang pagbatikos sa kanya sa hindi pagsipot sa mga bayang sinalanta ng Bagyong Pedring at Quiel. Sinabi naman ng Palasyo na kahit hindi nagpapakita sa publiko ang Pangulo, nakaantabay naman ito at binibigyan ng utos ang lahat ng ahensiya ng gobyerno upang tulungan ang mga sinalanta ng kalamidad. Subali't marami pa rin ang pumupuna sa argumentong ito at sinabing nararapat sa Ama ng Bansang ipakita ang pagdamay na ito sa kanyang sinasakupan upang magkaroon muli ng tiwala at pag-asa ang libu-libong pamilya. Nauna nang binansagang MIA o Missing In Action ang Commander In Chief ng bansa nang hindi ito makita matapos ang ilang araw na pagbisita sa Japan.
Naunang binisita ni PNoy ang La Paz, Tarlac. Kasunod nito ang Barangay San Felipe sa San Fernando, Pampanga. Pagkatapos, nagtungo siya sa mga evacuation center ng Calumpit at Malolos sa Bulacan. Inaasahan ng Malakanyang na matitigil na ang pagbatikos sa Pangulo pagkatapos ang pagbisitang ito. Inaasahan ng tagapagsalita ni Pnoy na si Edwin Lacierda na hindi mababahiran ng pulitika ang pagbisitang ito ng Pangulo.