Showing posts with label Andreas Notter. Show all posts
Showing posts with label Andreas Notter. Show all posts

Monday, April 20, 2009

Andreas Notter - LAYA NA RIN


Nakalaya na rin ang bihag ng Abu Sayyaf na si Andreas Notter sa pamamaraang hindi mapaliwanag nang mainam. Ayon kay Notter, basta na lang nangawala ang mga bandidong kasama niya habang sila ay naglalakad kung saan. Basta't nakita na lamang siya kalaunan ng mga residenteng nakatira sa paligid.

Kung talagang pinakawalan ng walang kapalit, bakit hindi pa si Eugenio Vagni ang inunang pinalaya gayong nangangailangan ng gamutan ang Italyanong bihag dahil sa sakit nito sa bayag o luslos?

Sa aking palagay, may kapalit ang pagpapalaya kay Notter. Hindi man aminin ng ating gobyerno o ng pamahalaan ng Switzerland, tiyak na may perang nagpalipat-kamay. Sa palagay ko ay dolyar ang binayad dahil lumiit na naman ang palitan ng piso sa dolyar.

Saturday, April 4, 2009

Mary Jean Lacaba, LAYA NA!


Matapos ng 10 linggong pagkakabihag, sa wakas ay pinalaya na rin ng bandidong grupong Abu Sayyaf na pinamumunuan ni Albader Parad ang Filipinong ICRC volunteer na si Mary Jean Lacaba. Naging madamdamin ang muling pagtatagpo ni Mary Jean at ng kaniyang pamilya matapos ang medical chek-up at de-briefing ng mga militar.

Sana ay mapalaya na rin sina Eugenio Vagni at Notter

Thursday, April 2, 2009

GOBYERNO at SUNDALO - URONG - SULONG


Ang gobyerno ng Pilipinas at mga sundalo nito ay URONG-SULONG sa pagtugis at tuluyang pagpuksa sa bandidong grupong Abu-Sayyaf na pinamumunuan ni Albader Parad. Kung kailan makokorner na ang mga kidnappers ay bigla namang umaatras ng mga puwersang-militar sa kanilang pinagkukutaan. Ang dahilan: pupugutan daw ang isa sa mga bihag!


At tulad ng dapat asahan, hindi tumupad ang mga Abu Sayyaf na lagi nilang ginagawa. Kumukuha lang sila ng oras upang lumikas tulad nang ginawa noong una at pagkatapos ay papatayin din ang mga bihag.


Hindi kaya napupuwersa lang ang gobyernong Pilipinas na ihinto ang pagtugis dahil nasasangkot dito ang 2 banyagang bihag na sina Eugenio Vagni - isang Italiano at Andreas Notter - isang Swiso? Ang dalawa ay kabilang sa International Committee of the Red Cross (ICRC) katulad din ng ating kababayan na si Mary Jean Lacaba.


Hindi ko alam kung bakit bantulot pa rin ang gobyernong PULBUSIN na ang pwersang Abu Sayyaf nang ganoon ay matapos na ang bakbakang ito. Ano ba ang nais nilang iligtas? Ang tatlong buhay ng mga bihag?


Ang pangyayaring ito ay pinagbuwisan na ng tatlong buhay ng ating mga sundalo. Mas matimbang ba ang buhay nina Mary Jean, Eugenio at Andreas kaysa kina Corporal Jo-Cris L. Fegura, Jeflor Q. Dela Torre at Private First Class Franklin B.
Castillo?


Nagliligtas sila ng 3 buhay gayong 3 buhay na ang nalagas. Bakit hindi pa tugisin ng mga sundalo ang mga Abu Sayyaf gayong mga kriminal naman ang mga ito?

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...