Drian Francisco
Brian Viloria
Apat na beses na pinabagsak ng world flyweight champion na si Nonito Donaire Jr, and kanyang katunggaling Mehikano na si Raul Martinez upang mapanatili ang kanyang IBO/IBF title sa pamamagitang ng technical knockout (TKO) noong Linggo, 19 April 2009 sa Araneta Colisuem sa Lungsod ng Quezon.
Ganito rin ang ginawa ng dating World Boxing Council champion na si Brian "The Hawaiian Punch" Viloria sa Mehikano ring si Ulises Solis sa ika-11 round para makamit ang korona ng IBF light flyweight.
Sa panimulang suntukan, pinahinto rin ni Denver Cuello ng Iloilo ang Hapon na si Hiroshi Matsumoto sa ikaapat na round upang masungkit ang WBC international minimum weight samantalang pinahirapan din ni Drian Francisco ang kanyang katunggaling Indonesian sa ikalawang round.
Sa pangyayaring ito, medyo nabuhayan ang loob ang mga Filipino at nagbigay sigla upang abangan ang labang Pacquiao - Hatton sa Las Vegas, USA sa susunod na buwan. Pansamantala ring nakalimutan ang hirap ng pamumuhay habang walang inaatupag ang Kongreso kundi ang mag-CHA-CHA!
No comments:
Post a Comment