Nagpalabas na ng desisyon ang Korte Suprema ng Pilipinas hinggil sa isyu ng pagdaragdag ng 32 bagong miyembro ng Kongreso mula sa mga Party List groups. Ang kautusan ay lumikha ng iba't ibang kuro-kuro at opinyon dahil ayon kay Congressman Lorenzo Tanada III, to ay lumikha ng isang "mini Constitutional crisis" sa Kongreso. Ayon sa Saligang Batas, 250 lamang ang bubuo sa Kongreso maliban kung ito ay babaguhin sa pamamagitan ng panibagong batas. Sa kasalukuyan, 238 na ang bumububo ng Tongreso, magiging 270 na ito kung ipapatupad agad ang desisyon ng Kataastasang Hukoman ng Pilipinas.Taliwas ito sa Konstitusyon dahil sosobra ng 20 ang bilang ng mga Tongreista gayong hindi pa naman sila gumagawa ng panukalang batas sa pagdaragdag ng pasusuwelduhin sa Tongreso.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit naging prayoridad ang pagdaragdag ng mga bilang ng miyembro ng Kongreso. HINDI KAYA DAHIL SA ISINASAYAW NILANG CHA-CHA?
Saan naman kukunin ang 32 mambabatas na ito? Hindi ba't kailangan nilang makakuha nag 2% sa bilang ng mga bomoto noong nakaraang eleksyon? Hindi kaya dahil ang kukuning dagdag na Tongresista ay galing sa mga grupong maka-administrasyon?
Sa aking palagay, hindi na kailangang dagdagan pa ang mga Tongressman sa Kongreso. Una, wala naman silang ginagawang batas na talagang nakakatulong sa pag-unlad ng mga Pilipino? Pangalawa, karamihan naman sa kanila ay hindi pumapasok sa sesyon ng Kongreso at laging abala sa kani-kanilang distrito sa pangunguha ng dagdag na yaman. Ang unang tungkulin ng Congressman ay gumawa o magpanukala ng batas para mapabuti ang kalagyan ng kanyang nasasakupang lugar. Pangatlo, sayang lamang ang pondong ilalaan sa mga bagong miyembrong ganoong uutangin pa ito ng pamahalaan.
Hindi kailangan ng taong-bayan ang dagdag na gagawa ng batas kundi de-kalidad na batas na magpapaangat sa kanilang estado sa buhay!
No comments:
Post a Comment