Nakakagaan ng pakiramdam kapag nalaman mo mula sa survey ng SWS (Social Weather System?) na bumaba ng 8.20% ang mga nagugutom nating kababayan. Mula 23.7% noong Disyembre 2008 naging 15.5% na lang ito ngayong Marso 2009.
Magandang balita ito kung tutoo ang survey at maganda ang paraang ginawa sa pagkuha ng istadistika. Dapat sanang tinanong muli ay yong nakausap noong nakaraang survey para malaman kung talagang hindi na sila dumaranas ng gutom.
Masamang balita kung kaya bumaba ang mga nagugutom ay DAHIL NANGAMATAY NA SILA!
Kawawa naman sila, di ba Detektib Gapo?
No comments:
Post a Comment