Miss Universe 2009 (Stefania Fernandes) and Miss Universe 2008 (Dayana Mendoza)
First Runner up - Miss Dominican Republic
Second Runner up - Miss Kosovo
Third runner up - Miss Australia
Fourth Runner up - Miss Puerto Rico
First Runner up - Miss Dominican Republic
Second Runner up - Miss Kosovo
Third runner up - Miss Australia
Fourth Runner up - Miss Puerto Rico
Miss Congeniality - Miss China
Miss Photogenic - Miss Thailand
Matapos ang mahabang araw nang paghihintay, napili na rin sa wakas ang Miss Universe 2009 sa taong ito na si Stefania Fernandes ng Venezuela. Isa si Miss Venezuela ay isa sa 83 kandidata sa ginanap na coronation night sa Atlantis, Paradise Island ng Bahamas ngayong Linggo, ika-23 ng Agosto 2009. Kabilang sa mga nagwagi sina Miss Dominican Republic (Ada Aimee dela Cruz) - 1st runner up, Miss Kosovo (Gona Dragusha)-2nd runner up, Miss Australia (Rachel Finch) - 3rd runner up at Miss Puerto Rico (Mayra Matos Perez) - 4th runner up. Miss Venezuela rin ang dating Miss Universe 2008 na nagputong ng korona kay Stefania.
Luhaan ang ating mga kababayan dahil hindi man lang napasali sa Top 15 si Bianca Manalo, ang ating kandidata bilang Miss Philippines. Ang 10 pang nakabilang sa top 15 ay sina Miss South Africa, Miss Croatia, Miss Switzerland, Miss USA, Miss Iceland, Miss Albania, Miss Czech Republic, Miss Belgium, Miss Sweden, at Miss France. Kung ating mapapansin, ni walang kinuha sa Asia maliban nga lamang sa pagkapanalo nina Miss China (Wang Jingyao) at Miss Thailand (Chutima Duringdej) bilang Miss Congeniality at Miss Photogenic.
Naku, nawili sa pagchachat ang mga Pinoy kaya hindi naiboto sa pagka-Miss Photogenic ang Miss Philippines.
Bilang residente ng Australia, proud din ako sa pagkapanalo ni Miss Australia.
No comments:
Post a Comment