Tuesday, August 18, 2009

From Heaven to Hell


brilyani rice (cooked)

Well, ito ang mararamdaman mo kung galing ka sa malamig at pagkatapos ay mapupunta ka sa pagkainit-init na lugar. Yeah, I'm back here in Jubail. Actually, noon pang August 12. Ang kaso may jet lag pa at marami agad trabaho.
Kung maganda ang pag-uwi ko sa Sydney noong May 1, medyo palpak ang biyahe ko sa eroplano nitong pagbabalik ko sa KSA. Oriental food at lagi akong pinagsisilbihan ng una sa karamihan ng pasahero noong pauwi ako sa Australia. Nitong pagbalik ko, naku hilaw pa yong brilyani rice na isinilbi. As in, bigas pa. At hindi rin kusang nag-aalok ng tsaa at kape. Kailangang humingi ka talaga.
Tila nagbabago na ang serbisyo ng Etihad. Noong nakaraang biyahe ko, kapag matagal kang naghintay sa Abu Dhabi International Airport para sa connection flight mo, libre pa ang dinner at breakfast. Ngayon, alaws na. Dahil kaya sa global financial crisis?
Member ako ng frequent flyer ng Etihad. Dami ko ng points. Kunin ko na kaya ang reward ko at baka pati ito ay biglang mawala? Say nyo?

1 comment:

The Piscean said...

Yalah redeem your points this instance before it turns into dust. Welcome back!

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...