Monday, May 30, 2011

Ernesto Diokno, Nagbitiw na Bilang BuCor Direktor


Nagbitiw na ngayong araw na ito ( 30 May 2011)  si General Ernesto Diokno bilang Direktor ng Bureau of Corrections. Ito ay hinggil sa pagpapabaya diumano ni Diokno sa kanyang tungkulin bilang hepe hinggil sa pagpuslit-puslit  ni dating Governor Antonio Leviste at iba pang preso sa Bilibid Prison sa Muntinlupa at sa iba pang anomalya sa kawanihan. Pinuri ni PNoy ang desisyong ito ni Diokno kasabay nang pagpapasalamat sa naging serbisyo nito at delikadesa sa pagbibitiw.

Tunghayan ang buong pahayag ni Pnoy sa ibaba na mula sa:
http://www.gov.ph/2011/05/30/statement-of-president-aquino-on-the-resignation-of-ernesto-diokno-as-bureau-of-corrections-director-may-30-2011/


Bago mag-alas-dos ngayong hapon, natanggap ko ang irrevocable resignation mula kay Direktor Ernesto Diokno bilang Direktor ng Kawanihan ng Koreksiyon.
Nagpapasalamat ako kay Direktor Diokno sa kanyang naging serbisyo at sa kanyang delikadesa sa pagbibitiw. Ang kaniyang pagbaba sa puwesto ay magbibigay daan sa agarang pagpapatupad ng mga repormang nais nating gawin sa ating sistemang Koreksyonal. Marami po dito’y tinukoy na rin po niya.
Nakasalalay ang pagbibigay serbisyo-publiko sa tiwala ng taumbayan, kaya naman may kalayaan ang mga naninilbihan sa pamahalaan na timbangin kung nagagampanan pa nila ang kanilang sinumpaang tungkulin. Pinupuri ko po si Ginoong Diokno sa kanyang pagpapasya sang-ayon sa kanyang konsensya.
Simula’t sapul pa man, nanindigan ang pamahalaang ito na ang tungkulin ng nagbibigay serbisyo-publiko ay paglilingkuran ang mamayang Pilipino. Muli’t muli nating idinidiin na may kaakibat na katapatan at responsibilidad ang pagiging isang lingkod-bayan. Ang mga naging kaganapan sa Bureau of Corrections ay ating susuriin upang maiwasto ang mga patakaran para sa ating pambansang bilangguan.
Diretso ang ating paninindigan: Tanging ang interes lamang ng mga mamamayan ang tumitimon sa ating mga desisyon, at hindi ang ugnayan o pakikipagkaibigan kanino man.

RJ De Vera Wins Mr Man Hot Star International 2023

The Philippines' RJ De Vera won Mr. Man Hot Star International 2023 held at the Saensuk Grandhall of the Bangsaen Heritage Hotel in Chon...